"NASA LABAS NA SI JATCH at kanina ka pa hinihintay," pambungad ni mommy sa akin nang pumasok ako sa loob ng dining room. Humalik lang ako sa pisngi niya at kumuha ng isang sandwich bago nagpaalam para umalis na. He did text me na nasa labas na ito at naghihintay. Nagtataka rin ako kung bakit hindi ito pumasok sa loob ng bahay gayong palagi naman itong naghihintay sa sala kapag susunduin ako na hindi pa ako nakakababa mula sa kwarto ko. Nakangiti akong naglakad palabas ng bahay nang makita siyang nakasandal sa kotse nito. Nagmadali akong lumapit sa kanya at masaya itong niyakap. Hinalikan naman nito ang noo ko bago ako niyakap pabalik. "Kanina ka pa? Sorry medyo nalate ako ng gising dahil sa pagod," ani ko at napakunot ang noo ng sa backseat niya ako pinagbuksan ng pinto. "Wh

