Chapter 1
"VALE! DITO!" Rinig kong pagtawag sa pangalan ko at tumingin sa direksyon kung saan ko ito narinig.
Nakita ko ito sa 'di kalayuan na nakatayo at kumakaway sa kinaroroonan ko na may mga masayang ngiti sa kanyang mga labi. Nauna siyang pumuntang gymnasium para makahanap daw ng magandang puwesto para manood ng game between our school and our number one rival school in basketball league.
Nakangiti akong lumakad papalapit sa kanya. She is sitting in a bench facing the player’s bench. At maganda ang puwestong napili niya para manood. Nang makarating ay agad akong umupo sa tabi niya at nagpalinga-linga at nakitang malapit ng mapuno ang gym. Ganito naman talaga ang nangyayari kapag ang school na namin ang maglalaro kalaban ang Santa Clarita Academy.
"Anong oras ba nagsimula ang laro, Hai?" Tanong ko ng maayos na akong nakaupo at nakatanaw na sa loob ng court. Nakita ko namang nagwa-warm up pa lang sila at nagsho-shooting kaya hindi pa talaga nagsisimula.
"Kakatapos lang ng unang game, Val," aniya na nakatingin sa akin. "Ba't ang tagal mong makapunta?" Tumingin na rin siya sa loob ng court at nakangiting pinagmamasdan ang matagal na niyang crush na nagsho-shoot ng bola sa ring.
Napangiti ako dahil sa naalala na pinuntahan ko kanina. "May pinuntahan lang ako kaya medyo natagalan," nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin niya sa akin na parang nagsususpetya siya dahil may hindi ako sinasabi sa kanya.
Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ngiti na nagpapahiwatig na wala akong ginawang hindi niya alam. Kumunot ang noo niya at ibinalik ang tingin sa harap na nagbigay sa akin nang kaginhawaan. She doesn't need to know. I'm sure she'll tease me when she found out what I'd done.
Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa loob ng court at napadako ang tingin ko sa mga players ng kakalabanin ng players ng school namin. Naagaw ng pansin ko ang lalaking nakaupo sa isang bench habang nakalagay sa leeg nito ang puting towel at umiinom ng tubig. He is looking at our direction and I don't know who he is really looking at. I don’t want to assume that it was me.
When our eyes locked at each other, I felt something in my stomach grumble. A feeling that I've never been felt before for a while. I felt my body shivered when he smiled at me. I looked away and focus my eyes on the other side.
Hindi ako mapakali nang maramdaman ko pa rin ang pagtitig na ginagawa niya sa akin. Napabuntong hininga ako at tumingin sa direksyon nito. At hindi nga ako nagkakamaling nakatitig pa rin ito sa akin. He waves his other hand at me and smiled again. I smiled back at him and waved back the reason why his smile becomes wider at lumabas ang cute nitong dimples. I think he only want to be friends with me?
Napatingin ako kay Hailey nang marinig itong tumili sa tabi ko. I frown at her reaction. What now? Naririndi ako sa tili niya dahil masakit sa tainga.
"Ang gwapo niya kapag nakangiti! Lalo na kapag nakikita ang dimples niya! I wonder who made him smiled like that?" Tumingin ito sa akin na parang alam niya kung bakit.
"What?" Mataray kong tanong sa kanya dahil sa uri nang pagtingin niya sa akin.
"He never smiled like that before, Vale. And the way he looks at you..." Napairap ako sa sinabi niya. "It feels like he likes you!" Tumili na naman ito na dahilan nang pagtakip ko ng tainga.
"Can you please stop screaming?!" Naiinis kong usal sa kanya. "Hindi niya ko magugustuhan, Hai. At isa pa..." Tumingin ako sa kabilang court at napangiti nang makita ang matangkad, light brown na buhok at maayos na pangangatawan ng isang player ng school namin na nagsho-shoot sa ring. He has this pinkish heart shape lips, pointed nose, round brown eyes, long eyelashes and thick eyebrows. Match with his tan skin. My ideal kind of man.
Napangiti ako dahil sa naisip ko. "Hindi mo talaga ipagpapalit si Gemmel, Val?" Umiling ako dahil sa tanong niya. "Loyal na loyal, ah. I hope you won't change your mind when someone wants to know you better," ngumiti lang ako sa sinabi niya at hindi na siya pinansin pa.
I like guys with tan skins more than with guys who have fair white skin. I don't know why? Siguro dahil sa lakas ng dating nito para sa akin at pinoy na pinoy talaga.
Ilang minuto lang ay pinakilala na ang mga players ng magkabilang school. And I scream when the name of my ideal man had been announced. Nakangiti akong naupo ulit at tinignan ang lalaking nakatinginan ko kanina.
Para akong malalaglag sa kinauupuan ko nang makita ang pagtitig niya pa rin sa akin. Those black piercing eyes that make my body shiver in an unexplainable feeling. His effects on me are new to my system and I don't know what it is. Those messy black hair, heart shaped faced na may ilang hibla ng buhok sa noo niya na mas nagpadadagdag ng appeal niya. Thin eye brows na nagpabagay sa maputi niyang balat. Ang 'di masyadong mahaba nitong pilik-mata na nagpapabagay sa medyo singkit nitong mga mata. Those pointed nose with his thin pink lips and a deep two dimples in his cheeks. His perfect squared jawline na hot tignan dahil sa mga pawis na tumutulo rito. A masculine and well-built body with a 5'12 or 6 feet height.
Napaigtad ako nang may maramdaman akong pumisil ng pisngi ko. Tumingin ako ng masama kay Hailey dahil sa ginawa nito and she just giggled beside me like a love sick fool.
"Someone's in trouble," may pang-uuyam na aniya habang tumatawa nang mahina na ikinairap ko na lang.
"Seriously, Hailey?" Seryoso kong saad na mas lalong nagpangisi sa kanya.
"Beware, best friend. He had a bad reputation when it comes to girls." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "As you can see, he's a well-known playboy, Val. And it was based on my sources. Sana 'di mo nga siya ipagpapalit kay Gemmel," ngumiti ito at ibinalik ang tingin sa loob ng court kung saan nagsisimula na ang laro.
"Pinagsasabi mo? And why would I choose him over Gemmel? When in fact, there is something you didn't know about," ngumisi ako sa kanya at nakita ang nanlalaki niyang mga mata dahil sa gulat. Hindi ko na siya pinagsalita pa at nagsalita na ulit. "And who is he, by the way? I don't even know him. At paano mo naman nasabi na playboy talaga siya? Do you have proof?"
"Something's fishy," nakangisi na ito ngayon at wala nang bakas ng gulat ang mukha niya. "And to answer your last question, I have. He's in a same school with kuya Hane, you know. Kaya alam ko ang pinaggagawa niya dahil na rin kay kuya na sobra pa sa pagiging chismoso sa mga babae," natatawa niyang saad at napailing na lang ako sa pinagsasabi niya. "Para lang siyang nagpapalit ng damit kada oras. Every hour, another girl will cry because of him. Wala rin siyang pakialam do'n. Kaya mag-ingat ka kung sakaling ikaw ang susunod niyang biktima."
I just shrugged my shoulders and laugh of what she had told me. "Trust me, Hailey. I won't fall for him that easy." Hindi na ito sumagot at tumingin na sa harap.
Hindi na rin ako nagsalita pa at nagfocus na lang sa panonood. I mentally slap myself for doing what I don't have to. Hindi ko mapigilang mapasulyap-sulyap sa kanya kanina. Bumuntong hininga ako at tumingin sa direksyon ni Gemmel na nakatingin na pala sa akin. He's sitting on one of the bench at hindi pa pinapasok ng coach nila. But he'll be in in the second quarter. I mouthed 'good luck' at him and he just smiled back at me.
The first quarter had been over at lamang ang school namin sa score na 20-17. Sobrang ingay na ng buong gym kahit na hindi pa naman championship game ang nagaganap.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nagsimula na ulit ang second quarter. Napangiti ako nang makitang pinapasok na si Gemmel ng kanilang coach para maglaro. Tumingin muna ito sa akin bago maglakad papuntang court at ngumiti ako sa kanya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang taimtim na titig ng isang player ng kabilang team na may 'Caniel' na pangalan sa likod ng jersey nito pero hindi ko na ito pinansin pa. Nakay Gemmel lang ang buo kong atensiyon at hindi na tumingin pa sa kung saan-saan.
Nasa kay Gemmel ang bola. Dinidribble niya ito papunta sa kabilang ring habang mahigpit naman siyang binabantayan ng 'Caniel' na may numerong 5 sa likod nito. Nahihirapang makalusot si Gemmel sa kanya kaya tumayo ako saka sumigaw. Hindi alintana ang mga ibang manonood.
"Go, baby!" Tumingin ito sa akin at ngumiti habang natuod naman sa pagkakayuko 'yong Caniel na dahilan para makalusot si Gemmel at nakashoot sa 3-point shot.
Napatalon ako sa tuwa at naging maingay ang loob ng gym dahil sa pagscore ni Gemmel ng 3-points.
Nagpatuloy ang second quarter ng laro at nararamdaman ng lahat ang tensyon sa pagitan ni Gemmel at ng Caniel sa loob ng court. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagsiko no'ng Caniel kay Gemmel na dahilan nang pagbitaw nito ng bola.
"Hey!" Galit kong sigaw at tatayo na sana nang pigilan ako ni Hailey sa braso. Ginulo ko ang mahaba kong buhok dahil sa galit sa referee nang hindi ito tumawag ng violation. "Pati ba naman ang referee, bulag?" Mahina kong ani at narinig ang tawa ni Hailey.
"Kalma, Val. Magiging okay din si Gemmel. Napag-iinitan lang." Napa-irap ako sa kanya dahil sa sinabi nito. "May hindi ka rin sinasabi sa akin, Vale. Ano 'yong pa-baby-baby na 'yon?" Panunukso nito at tinutusok-tusok ang tagiliran ko na nagpa-irita pa lalo sa akin.
"Tigilan mo ko, Hailey. We're just friends, okay?" nirapan ko ulit ito at pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib ko.
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang marinig namin ang buzz timer at pagpito ng referee na nagpapahiwatig na tapos na ang second quarter. Tumingin ako sa score board at maliit lang ang lamang ng school namin. 55-52 ang score ng 1st half. At may chance pa na manalo ang kalaban kapag hindi sila magbabantay ng tama.
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Hailey nang bigla itong tumayo at sumigaw dahilan nang paghiyaw ng mga kasama ni Gemmel at ang pagngiti at pag-iling ng coach nila.
"Gemmel! Ipanalo mo raw ang game ngayon at may date kayo ni Vale pagkatapos!" Napayuko ako dahil sa hiya nang tumingin si Gemmel sa akin at ngumiti. Ramdam ko rin ang mainit na titig ng nasa kabilang side ng court sa akin.
"Huwag mo nga akong ipahiya, Hailey." Hindi ito sumagot at alam kong nakangisi ang bruha ngayon.
Nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ulit ang pagpito ng referee at nagsimula na ang 2nd half ng laro.
C.B. | courageousbeast