Chapter 2

2146 Words
            NATAPOS ANG LARO at hindi naman nalalayo ang score ng kalaban. 103-95. Panalo ang school namin at dahil 'yon kay Gemmel. Sobrang lakas nang hiyawan ng mga tao sa loob ng gym nang marinig ang buzzer na nagpapahiwatig na tapos na ang laro. Para akong mabibingi dahil sa palakpakan at sa lakas nang sigaw ng mga tao lalo na ng mga kababaihan. Nakita naming nakikipagkamayan ang mga player ng school namin sa mga player ng kalabang school. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi ni Gemmel ng 'yong Caniel na 'yong nakipagkamay sa kanya. Para nitong pinisa ng todo ang kamay ni Gemmel kaya masama ko itong tiningnan. Matapos nilang makipagkamayan ay tinawag sila ng coach nila para siguro magmeeting para sa susunod nilang game. Hinatid ko siya ng tingin habang nakangiti at nang lumingon ito sa kinaroroonan ko ay kumaway at ngumiti rin siya sa akin. Tumayo ako sa pagkakaupo at kinuha ang bag sa gilid ko nang maramdaman ko ang paghila ni Hailey ng braso ko. Kunot noo ko itong tinignan dahil sa inis nang mapatigil ako dahil sa taong nasa harapan ko. Tinaasan ko ito ng kilay na dahilan nang pagngisi nito. Isinukbit ko ang bag ko sa kanang balikat ko at aalis na sana nang magsalita siya na dahilan nang paghinto ko sa paghakbang. "Why so rude?" Rinig ko ang baritono nitong boses na nagpataas ng balahibo ko sa leeg. Kahit na medyo naiirita, I face him and smiled fakely at him. "May I help you, Mister?" I ask him as politely as I can be kahit na sobra na akong naiirita. "May I know your name, Ms. pretty?" Matamis itong ngumiti sa akin na dahilan nang pagwala ng kanyang mga mata at ang paglabas ng magkabila niyang dimples. "I just want to know your name, miss." "Why?" Hindi ko pa rin inaalis ang peke kong ngiti sa kanya at pinipigilan ang sariling hindi ito talikuran. "I don't just say my name in some stranger's, you know," pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko. Napakamot pa ito sa batok niya na dahilan para tumili si Hailey sa gilid ko. Narinig ko rin ang tili ng ilan pang mga estudyanteng babae sa iba't-ibang direksyon. Napataas ako ng kilay dahil doon. What's with him, anyway? I admit that he looks handsome and all but I don’t care. "Jatch Caniel…" May nahihiya itong ngiti sa mga labi at nilahad ang kamay sa harap ko. "And you are?" Napabuntong hininga muna ako bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko at nagsalita. "Vale Samson," tipid kong pagpapakilala and we shake hands. Kukunin ko na sana ang kamay ko nang higpitan nito ang pagkakakapit. "Pwede ko na bang makuha ang kamay ko?" Mahinahon kong tanong sa kanya. I don't want to cause a commotion here. Baka paggising ko at pagpasok sa school ay maging head line ako ng chismis dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. "I'm still enjoying the warm of your hand. Baka kasi hindi ko na makapitan pa." I'm starting to hate his smile. It makes me uncomfortable. "And besides, you make my heart flutter and I can feel an electric shocks when our skin intimately touched each other," inirapan ko ito at hinablot ang kamay ko. Wala na akong pakialam kung naging bastos na ako dahil nauubos na ang pasensya ko. "Hindi mo ko madadala sa mga ganyang banat mo, Mr. Caniel." Nilagay ko ang kamay kong hinawakan niya sa bewang ko habang ang isang kamay ko naman ay isinuklay ko sa mahaba kong buhok. "And please, don't look at me like that. Para kang asong ulol." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nagmartsa na ako papaalis sa harapan niya habang nakaawang pa ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You're so mean, Val. Nakikipagkilala lang naman 'yong tao sa'yo," narinig kong saad ni Hailey sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin. "You should have been a little nice to him." Huminto ako at hinarap siya. "You know what, kung gusto mo siya, ikaw ang magpakilala at magpabola sa kanya." Tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa pinto na nilabasan kanina nina Gemmel. "Ang mga gano'ng lalaki, hindi na dapat pang nabubuhay sa mundong ito." Naiinis kong ani sa sarili. They are not worth my time. Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Gemmel na nakasandal sa hamba ng pinto ng gym na nakaayos na. He's wearing a simple v-neck navy blue t-shirt paired with black pants and a white rubber shoes na nagpagwapo pa sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa kinaroroonan niya at huminto sa harapan niya. Ngumiti ito sa akin at gan'on din ang ginawa ko. "Kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Hindi naman. Kakatapos lang din namin mag-usap at mag-ayos," aniya at tumayo ng tuwid. Napatingala ako sa kanya dahil sa taas nitong 5'10 habang ako naman ay 5'5 lang. "Kinausap ka ng Caniel na 'yon?" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong nito bago sinagot. "Yeah. Nakipagkilala lang naman." Naririnig ko na ang mga yabag ni Hailey na papalapit at alam kong nakangisi na ito ngayon. "You shouldn't talk to him, Val," seryoso ang boses nitong ani kaya tumingala ulit ako sa kanya at nakita ang madilim nitong mukha. "He's a playboy. And he'll just hurt you. Unlike me…" Napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Alam ko. Kaya nga ako umalis sa harap niya dahil sa ayaw ko sa kanya," nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "And you know why, Gem." Ngumiti ako nang matamis na dahilan ng pagngiti niya ulit. Our eyes locked and I see so many emotions inside of it. Happiness, excitement and... Love? I'm not sure but I won't expect. I still need to protect my heart. Napaiwas na lang ako ng marinig ang binulong ni Hailey sa akin. "Baka matunaw…" Mahina itong natawa at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Inirapan ko ito bago tumingin ulit kay Gemmel. "By the way, congrats! You won in your first game against Santa Clarita Academy!" "Thank you," ngumiti ito sa akin bago tinignan si Hailey sa gilid ko. "Hi, Hailey!" He wave his left hand at her and Hailey just smiled at him. "Magkita raw kayo ni Kial sa Saturday?" Nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay Hailey dahil sa sinabi ni Gemmel. I smell something fishy! Tinignan ko ito nang taimtim na nagtatanong pero umiwas lang ito ng tingin sa akin. "Nagtext din naman siya sa akin…" Hindi makatinging aniya. Narinig ko lang ang mahinang tawa ni Gemmel kaya nabalik ang tingin ko dito. "And we should meet in Saturday. Is it okay, Val?" Tumango at ngumiti ako sa sinabi niya. "Yeah. May mga gagawin din kasi ako ngayon sa bahay." I look at my watch to see the time. And the hell! Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mag-a-alas sais na ng gabi. Patay ako nito! I have a curfew of 6PM and 6:30PM lang ang extention. "Oh my god! I really need to go home!" Nagpapanic kong ani. "Ihahatid na kita," alok ni Gemmel na agad ko namang tinanggihan. "No. Okay lang. Nasa labas na rin naman ang sundo ko." Hindi pa rin mapakali kong saad at agad na hinila ang kamay ni Hailey papalabas ng gym at hindi na binigyan pa ng pansin si Gemmel. I really need to go home! Patay ako kay dad kapag mas late pa akong makauwi. "I'll pick you up on Saturday!" Rinig kong sigaw ni Gemmel bago kami tuluyang makalabas ng gym. Hinihingal akong pumasok sa back seat ng kotse namim at sumunod naman si Hailey papasok. Agad namang pinaandar ng driver ang makina ng kotse at minaubra na ito para makauwi na ako. Patay talaga ako kay daddy kapag nalate pa ako. "Haba ng hair na'tin, best friend, huh?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nito. "Two heartthrobs are going after you. I wonder who will and can win your heart?" Nakita ko itong parang nag-iisip habang nasa chin niya ang isang daliri. "Anong pinagsasasabi mo, Hai?" Nakakunot noo at takang tanong ko sa kanya. "Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Val. Don't you think, someone will cry over you or none?" Napasimangot ako sa mga pinagsasasabi niya. "I don't think so, Hai. Walang masasaktan as long as na hindi ako nagpapaasa. And besides, si Gemmel lang ang gusto ko." Kibit balikat kong sagot sa kanya. "But the way Jatch look at you a while ago, it feels like your his light and his world. And without you, he looks empty and dark…" Napabuntong hininga ako dahil sa mga pinagsasasabi niya. "Kung nakita mo lang sana ang naging reaksyon niya nang tumalikod ka para papunta kay Gemmel." Kumunot pa lalo ang noo ko sa mga sinasambit nito. "What do you mean?" Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. "Enlighten me, Hailey…" "Bagsak ang balikat at parang pasan ang mundo. 'Yan ang nakita ko sa kanya kanina nang bigla kang tumalikod," bumuntong hininga ito na minsan niya lang din gawin kaya mas lalo akong nagtaka sa gusto nitong ipahiwatig. "I feel pity for him. I guess, it's his karma." Nagkibit balikat ako bago nagsalita. "I guess so too." Tipid kong ani at umayos na ng upo dahil wala na akong masabi pa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang magtanong ulit siya. "What's the real score between you and Gemmel, by the way?" Tumingin ako sa kanya at nakita ang pagtaas-baba ng magkabila nitong kilay. "I don't know?" Patanong kong sagot sa kanya dahil kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ba talaga kami ni Gemmel. She frowns at me because of my answer. Tumawa ako nang mahina dahil sa naging reaction niya. "Ang alam ko lang, masaya at kompleto ako kapag kasama ko siya. I also feel safe when I'm with him. And I felt happy and contented by him." Ngumiti ako dahil sa mga naalala ko kapag kasama ko si Gemmel. "You're falling in love with him." Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Don't get me wrong, Val. Base kasi sa mga sinabi mo kanina, you're starting to fall in love with him." "I don't think so, Hai. And I think it's not healthy for me. Especially for my heart," pabulong kong ani sa huling mga kataga. "Why stop when you're happy with him? Follow your heart, Val. That's all I can say to you." May maginhawa itong ngiti sa kanyang mga labi na parang nagsasabi na nandiyan lang siya kapag kailangan ko nang mapagsasabihan at makakausap. "I, myself can't tell too. And I'm not yet ready to fall in love again," malungkot akong ngumiti at hinawakan ang kanan kong didbdib kung nasaan ang puso ko. "Falling in love means breaking something vulnerable inside of me and I don't like the idea." "I can't love a person when I'm still in my past. Ayoko siyang gawing rebound. I'm not that kind of person." Bumuntong hininga ako and I lean my back at the back rest of the car's seat. "Matagal maghilom ang puso kong may malaking sugat, Hai. The pain still lingers in my heart and soul. I can't just love him the way he wants me too," ipinikit ko ang mga mata ko at tumingala para pigilan ang luhang gustong kumawala rito. Naramdaman ko ang paghagod niya sa kaliwa kong braso para pagaanin ang sarili ko. "I understand what you mean. Don't worry; I'll be here for you, to support you." Napangiti ako dahil sa tinuran nito. "Thank you, Hai." "For what?" Takang tanong nito. "For always there when I need someone to talk to. For always my rant buddies, for always there by my side and for being a best friend to me." Hindi ko pa rin idinidilat ang mga mata ko. "You're so rare and one of a kind. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala ka sa tabi ko." "And so am I to you, Val. I am also thankful that you are my best friend," niyakap niya ako patagilid at hindi na nagsalita pa. Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang paghinto ng kotse at ang paghalik ni Hailey sa pisngi ko bago lumabas ng kotse at nagpaalam. Quarter to 7 o’clock na ako nakarating ng bahay dahil sa naabutan ako ng traffic. At dahil sa pagod na naramdaman ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko at binagsak ang sarili. Hindi na ako nakapagpalit pa dahil ayoko nang bumangon. Bukas ko na lang haharapin si daddy at bukas na lang din ako magpapaliwanag kung bakit late na akong nakauwi. Ilang sandali pa ay kinain na ako ng kadiliman. C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD