Chapter 3

1888 Words
            NAGISING ANG DIWA KO nang marinig ang pagtunog ng alarm clock ko sa bed side table. Kahit na medyo inaantok pa ay bumangon pa rin ako at inabot ito para patigilin at tignan kung anong oras na. Nang tuluyang mapatigil na sa pag-iingay ay napahikab ako at tinignan ang oras. It's only 4:30 in the morning. Bumuntong hininga ako at umalis na sa kama at pumuntang banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkalabas ay pumasok naman ako sa walk in closet ko at nagpalit ng black sports b*a and black leggings na pinaresan ko ng blue na Nike na sports shoes. Walang ingay akong lumabas ng bahay at nagjog sa loob ng aming village. It is my everyday routine to jog and exercise around our village or in our house garden or nagt-treadmill ako kapag tinamad akong lumabas o di kaya ay umuulan. After an hour ay bumalik na ako sa bahay habang punong-puno ng pawis ang buo kong katawan dahil sa pag-e-excercise. Naabutan ko si mommy sa loob ng kusina na nagluluto ng aming agahan. I greeted her good morning and kiss her cheeks before I go back to my room to do my morning routine before going to school. Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang masayang tawanan nila mom at dad. Dali-dali naman akong bumaba at pumunta kung nasaan sila. Nakita ko namang hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil hinihintay nila ako. Ngumiti ako sa kanila nang lumingon sila sa akin. "Good morning!" Masaya at nakangiti kong bati sa kanila. I kiss dad on his cheeks and sit on my usual spot. Then I just smiled at mom. "Good morning, princess. How's your sleep?" Nakangiti nitong tanong sa akin. "Fine, dad," tipid kong sagot at nagsimula nang kumuha ng makakain. "We'll talk later when we come back home on why you were late yesterday night," napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang sinabi nito. Akala ko makakalusot na ako. Hindi pala. Lihim akong napailing doon. "Yes, dad." Ang tangi kong nasambit dahil ayoko na rin namang magsalita. Natapos ang breakfast naming magpamilya na puno ng tawa ang maririnig sa loob ng dining room. May ngiti kaming nagpaalam kay mom na aalis na at papasok sa trabaho at school. Nakita ko ang paghalik ni dad kay mom sa noo at nakaramdam ako ng kaonting kirot sa puso ko. I remember someone doing that to me in the past. But it’ll stay in the past. Napangiti ako ng mapait at lumabas na ng bahay at sumakay sa puting kotse ni dad. Every morning, si dad ang hahatid sa akin sa school at susunduin naman ako ng driver namin kapag uwian na. 1 hour before my curfew. Nakarating kami sa tapat ng school ko at agad akong bumaba at nagmadaling pumasok ng gate dahil mala-late na ako. Hindi na ako nakapagpaalam pa ng maayos kay dad dahil sa pagmamadali. Nakita kong inip na nakatayo si Hailey sa labas ng elevator habang nakakrus ang mga braso sa harap ng dibdib niya. Ngumiti ako dahil sa naisip na dahilan kung bakit gano'n ang mood niya ngayon at umagang umaga. "Good morning, best friend!" Masigla kong bati sa kanya na nagpagulat dito. Mahina naman akong natawa dahil sa naging reaction niya. "Akala ko 'di ka na dadating." Note the sarcasm please. She rolled her eyes at me at nauna nang pumasok sa elevator ng bumukas ito at sumunod naman ako. "We're going to be late because of your laziness," may inis sa boses nitong saad. "Bad mood, huh?" Ngumisi ako sa kanya at masama niya naman akong tinignan. "Did he annoy you or did he make a move?" Pang-iinis ko pa lalo sa kanya at mas lumapad ang ngisi ko ng bumusangot ito. "Shut up, Val. You're so annoying." Nagkibit balikat na lang ako dahil sa inasal nito. Alam kong ayaw niyang iniinis siya kapag gano'n ang mood niya. Pero dahil nasa mood ako, iinisin ko siya. I've known her since we were elementary. We were classmates and teammates kaya naging close kami. I was the team captain in our volleyball team and she was my co-captain. And up until now, we’re still best of friends’ kahit na hindi ako ang captain ng team. Nang bumukas ang elevator ay naglakad na kami papalabas at nagtungo sa classroom namin. Habang palapit kami nang palapit ay naririnig namin ang ingay na nagmumula sa loob ng room. Napangiti ako nang marinig ang malakas na boses ng lalaking naging dahilan nang pagngiti ko. Pinihit ko ang doorknob pabukas at agad na pumasok kasunod si Hailey na dahilan nang paglakas ng ingay sa loob ng room. "Mel, si baby mo, oh, dumating na!" Natatawang kantyaw ni Kial Harley. Ang lalaking nagugustuhan ni Hailey at matallik na kaibigan ni Gemmel. Hindi namin siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa aming upuan. Napadako ang tingin ko kay Gemmel at ngumiti sa kanya na mas lalong paglakas nang kantyaw ng mga kaibigan niya sa kanya. Umupo na kami sa mga upuan namin at naupo naman si Hailey sa tabi ko. Ilang minuto lang ay dumating na ang teacher namin kaya umayos na kami ng pagkakaupo at nakinig na sa lesson namin. Natapos ang morning classes namin na nakabusangot si Hailey. Paano 'yan tatawa, e, inasar nang inasar ni Kial. Natatawa na nga lang ako sa mga pinaggagawa nila. Alam kong sa likod nang pang-aasar sa kanya ni Kial ay may gusto rin ito sa best friend ko. Ayaw lang umamin dahil nato-torpe siguro. Masaya kaming nagku-kuwentuhan habang kumakain ng lunch ni Hailey nang may biglang umupo sa gilid ko at bumulong sa tainga ko na dahilan nang pagtaas ng balahibo ko sa batok. "Hi, baby…." Malambing nitong bulong at hinapit ako sa bewang papalapit sa kanya. Tinignan ko ito nang masama at sinubukang bigyan ng distansya ang aming katawan pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahapit ng bewang ko. "Gem, bitaw. Look I'm having my lunch here. Can you let go?" Mahinahon kong tanong sa kanya. "You can still eat while I'm holding you in my arms, Val." My body shivered because of what he just said. "At gusto kong malaman nila na akin ka." "Seriously, Gem? I'm no one's property and no one owns me. Not even you," nagsisimula na akong mairita dahil sa pinagsasasabi niya. Hindi ko alam na ganito siya ka territorial kahit na wala naman kaming label. Seriously, naninibago ako sa ginagawa at pinagsasasabi niya ngayon. I admit that I really felt safe and happy when he holds me like this. Pero hindi naman kasi kailangan pang ipaalam sa lahat dahil alam naman nila kung ano talaga kami ni Gemmel. And he doesn't have to be territorial and possessive of me. Wala namang aagaw sa akin. Wala nga ba, Vale? "Yes, you are mine, Vale. You let me in, in your heart," seryoso na ang boses niya ngayon. Napatigil na rin sa pag-aasar si Kial kay Hailey nang maramdaman ang pagiging seryoso ni Gemmel. Bumuntong hininga ako at malakas na inalis ang kamay niyang nakahapit sa bewang ko. Tinignan ko si Hailey at agad naman itong tumayo ng malaman niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig sa pagtingin ko sa kanya. "Let me clear things to you, Gemmel. I'm not yours and you are not mine. Walang namamagitan sa atin. We are just enjoying one's company and no more. So don't own me like you really do," umiwas ako ng tingin sa kanya bago nagsalita ulit. "Pinayagan kitang hawakan at maging malapit sa akin. But it doesn't mean you have the right to own me whenever you want." Humakbang na papalayo sa kanya dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang inis na nararamdaman ko. I didn't know na gano'n niya ako kung ituring. Ituring kanya kahit na wala namang kami. Masaya kami sa piling ng isa't-isa and I really felt safe when I am with him. Pero hindi klaro kung ano ba talaga kami. I don't want to. Ayokong lagyan ng label dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa para sa gano'n. Wala na akong narinig na kahit ano mula kay Gemmel nang makalayo na ako. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Hailey sa likuran ko at ang mahina nitong pagtitili na ikinainis ko. "Will you stop that?!" Puno ng inis kong wika sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya na may masamang tingin. "Stop what, Val? Kinikilig lang ako sa pagiging territorial ni Gemmel sa'yo," she shrike again. Inirapan ko ito at tumalikod sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa room namin. Matamlay akong umupo sa upuan ko at sumandal sa sandalan ng upuan ko at ipinikit ang mga mata dahil nakakaramdam ako ng pagod. Nang dahil sa ginawa ni Gemmel kani-kanina lang, nakaramdam na naman ako ng kaonting kirot dahil sa naalala ko. Napadilat ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni Hailey. "Hey. Okay ka lang?" "No…" Wala namang saysay kung sasabihin kong okay lang ako kahit hindi naman talaga. "I don't know, Hai. I don't know kung ano na ang gagawin ko. Falling in love again is not in my system. Ayoko nang umiyak sa parehong rason. Ayoko nang masaktan ulit. At ayokong mabasag na naman ang puso kong hindi pa naghihilom. Once is enough, twice is too much, Hai. 'Di ko na kakayanin, ng puso ko, kapag nasaktan pa ulit ako," puno ng sakit at lungkot ang boses na saad ko at ngumiti ng mapait. "I understand what you mean, Val. Pero sana, hayaan mong buoin ni Gemmel ang puso mong hindi pa naghihilom at wasak," tumingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "Let him enter your heart, heal you and love you. Let him make you happy, help you forget what your past is. Kasi kung patuloy kang kakapit sa nakaraan mo, hindi ka liligaya at patuloy ka lang masasaktan." "Alam kong takot kang magmahal ulit. But take the risks, kung 'yan lang din naman ang makakapagpaligaya ulit sa'yo. I'm telling you this because I care for you as your best friend, Val. Open your heart again. Take risks and let your heart love again for the third time. Give Gemmel a chance. One chance only…" Minulat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Nakangiti itong tumingin sa akin. Everything she said, hit me big time. Takot akong mag take ng risk at magmahal ulit dahil sa nakaraan kong hindi niya alam. And I promise myself not to love again even if I can hurt someone's feelings. But I guess, my mind can change? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko makalimutan gayo'ng tatlong taon na ang nakakalipas nang mawasak ang puso kong iniingatan ko ng husto. Our memories are still fresh in my mind na parang kahapon lang nangyari ang lahat. I know I've been selfish para paasahin si Gemmel pero hindi naman nila ako masisisi dahil hindi nila alam ang naramdaman ko noong sobrang nawasak ang puso ko dahil sa pagmamahal. I know I've said that I won't hurt someone just to forget my past pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko. Ngumiti ako ng malungkot bago nagsalita na ikinalaki ng mga mata niya. "Want to know about my past?" C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD