TUMATAWA KAMING NAGLALAKAD ni Hailey sa hallway papuntang gym ng school habang nagku-kuwentuhan ng may biglang sumulpot sa harapan namin na dahilan nang paghinto namin sa paglalakad. Base on his features, he's a grade 7 student. A freshman in this Academy. Ngumiti ako sa kanya na may pagtataka sa aking mga mata.
"May kailangan ka?" Malumanay at may tipid na ngiti kong tanong sa kanya.
Ngumiti muna ito bago nagsalita. "May nagpapabigay po sa'yo," sabay bigay sa akin ng isang kulay pulang rosas na ikinakunot ng noo ko.
Magsasalita at magtatanong na ulit sana ako kung kanino galing ang binigay niya nang tumakbo agad ito papalayo sa amin. Tinignan ko si Hailey para sana magtanong kung may alam siya pero tahimik lang ito sa gilid ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Hailey sa akin na tahimik pa rin.
Habang palapit kami nang palapit sa gym ay mas lalong kumunot ang noo ko at nagtataka dahil sa bawat pagdaan ko sa mga estudyanteng nasa gilid ko ay ngumingiti sila sa akin at binibigyan nila ako ng tig-iisang pula, puti o pink na rosas. At kapag hahambang magtatanong ako ay agad naman silang lumalakad o tumatakbo papalayo sa akin.
Nang makarating na sa gym ng school ay lumingon ako para sana tanungin si Hailey kung didiretso ba kami sa loob o pupunta na lang sa locker para makapaghanda na pero hindi ko na ito nakita sa likod ko na ikinataka ko pa lalo.
"Saan kaya siya nagpunta?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at bumuntong hininga ng wala akong makuha sa sarili kong tanong.
Akmang aabutin ko na sana ang pinto ng gym nang mapairap ako dahil sa hindi ko magawa dahil puno ng rosas ang mga kamay ko. I groaned in annoyance. Ilang minuto kong sinubukan buksan at malalim na napabuntong hininga ulit ng sa wakas ay tuluyan ko na itong nabuksan.
Nagtaka ako dahil sa pagbukas ko ay sobrang dilim ang bumungad sa akin pagkapasok ko. Saan na sila? Akala ko ba may training kami? Bakit wala sila rito? Nilibot ko ang tingin ko sa madilim na paligid at napatigil sa tunog na narinig.
May tao rito sa loob at nags-strum ito ng gitara. Sa una, hindi ko mawari kung saan siya nakapuwesto dahil nage-echo sa buong gym ang pagtutog niya ng gitara. Pinakinggan ko ng mabuti ang tono at napangiti ng malaman kung ano ang ipinapatugtog niya. Napapikit ako at dinama ang magandang ritmo ng musika na nagpapakalma sa akin. One of my favorite songs. Destiny by Jim Brickman.
Napaayos ako nang tayo at natuod sa aking kinaroroonan nang makarinig ng malamig na boses na nagsisimula ng kanta. Boses na kahit na sinong makakarinig ay mapapahinto sa kanyang ginagawa. And I know whose voice it is. The voice of the man who makes me happy and feels contented.
"What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart,"
Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang pagkanta. Unti-unti na ring nare-relax ang katawan ko dahil sa pagkanta niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Hindi naman siya 'yong tipo ng tao na kakanta sa isang lugar lalo na kapag public ito. He preferred to sing in private than public dahil nahihiya raw itong iparinig ang boses niya na maganda naman.
"How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew…"
Ramdam ko ang bawat emosyon sa tono ng mga lirikong lumalabas sa kanyang bibig. At hindi ko mapigilang hindi mariing ipikit ang mga mata at mas damhin ang kanyang pagkanta.
"Baby, you're my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I'd give my love to have and hold..."
Why are you doing this? You're making my heart clench, literally. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. I know I've been harsh to him a while ago but why doing this now?
"And as far as I can see
You were always meant to be
My Destiny."
Napasabay na ako sa huling mga likiro ng kanta at napamulat ako ng aking mga mata nang tuluyan na itong matapos. Nagulat ako nang makita itong nakaupo sa isang stool habang hawak-hawak ang kanyang gitara sa gitna ng stage. Nakatutok ang spotlight sa kanya habang mariin naman siyang nakatitig sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Tumingin ako sa malatsokolate nitong mga mata na parang hinihipnotismo ako kapag matagal pa akong tititig dito.
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa mariin niyang pagtitig. Natapos na itong magstrum ng gitara at nanatili kaming tahimik ng ilang minuto bago niya binasag ang katahimikan.
"First day of school, the first time I laid my eyes at you," pagsisimula nito. Nanatili naman akong tahimik dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin niya. "Hindi ko maalis-alis ang pagtitig sa'yo. Hindi ko alam kung bakit pero, nainis ako ng kahit isang segundo ay hindi dumapo ang atensiyon mo sa akin," mahina itong natawa dahil sa sariling sinabi.
"Sa dinami-rami ng mga babaeng gustong magpapansin sa akin, 'di ko magawang pansinin dahil sa'yo lang nakatuon ang atensiyon ko," tumayo ito mula sa pagkakaupo at nilagay ang gitara sa sahig ng stage. "Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ikaw? Ikaw na walang pakialam sa mundo? Sa palagid mo? Sa akin? And it makes you a mysterious woman for me…"
"Ikaw lang ang babaeng parang hindi alam na nag-e-exist ako sa paligid at sa mundo mo. You are the only woman who ignored me fully. And a woman who is so rare to be found in this world full of girls," ngumiti ito habang nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa kanyang bulsa at humakbang ng isang hakbang papunta sa akin. "Hindi ka nawala sa isip ko. Palagi kang nasa isip ko. Just thinking of you, makes me smile and I don't know the reason why."
"But one day, my heart broke into millions of pieces. You know why? Because I heard that you already had a boyfriend." Nawala ang ngiti nito at humakbang ulit ito ng isa. "At first, hindi ako naniwala dahil hindi naman kita nakikitang may kasamang ibang lalaki kaya nabuhayan ako ng pag-asa," bumalik ang ngiti nito sa kanyang mga labi pero sandali lang dahil naging malungkot na ulit ito.
"I accidentally saw you with a guy. Nakita ko ang paghalik niya sa noo mo kahit na may suot itong mask at pagyakap mo sa kanya na may matamis na ngiti sa iyong mga labi. Hindi ko kita kung sino ito dahil nakamask at nakashades ito." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. "Ang alam ko lang ay nag-aaral siya sa Santa Clarita dahil na rin sa uniform na suot niya. Para akong binagsakan ng langit dahil sa nalaman at nakita ko. Bakit nagkagusto ka sa rival school natin? Bakit hindi na lang sa akin? 'Yan ang ibang mga tanong na gusto ko sanang itanong sa'yo," humakbang ulit ito ng isa.
"Pero nanahimik ako kahit na nasaktan ako sa mga nalaman ko at alam kong tago rin ang relasyon niyo kaya nirespeto ko kahit patago rin akong nasasaktan. Tiniis ko ang sakit at naging cold ako sa mga taong nakapaligid sa akin para itago ang sakit na nararamdaman ko." Isang hakbang ulit ang ginawa niya. Lima o anim na hakbang na lang ay nasa harap ko na siya. "At alam ko na kung bakit hindi mo ako napapansin, dahil sa kanya…" Hindi ko alam kung ano na ang dapat kong sasabihin. Parang may bagay na bumabara sa lalamunan ko dahilan na parang hindi ako makapagsalita.
"Lumipas ang ilang buwan at nalaman kong naghiwalay kayo. Sobrang tuwa ang naramdaman ko noon at sakit na rin. Tuwa dahil sa wakas ay baka mapansin mo na rin ako at sakit dahil sa nasaktan ka sa paghihiwalay niyo." Isang hakbang ulit ang ginawa niya. Medyo malapit na ito sa harap ko kaya naramdaman ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. "Kaya no'ng nagsecond year na tayo ay doon ko isinagawa ang pagpapansin ko sa'yo kahit na walang kasiguraduhan kung papansinin mo nga ako," ngumiti ito at napakamot ng batok kaya napangiti ako. Cute!
"At ngayon na alam kong nagugustuhan mo na rin ako, hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. I already waited for 3 years, Val. Sinayang ka niya. Isa siyang malaking gago para pakawalan ka pa." Tatlong hakbang na lang at malapit na siya sa akin. "I felt every pain you've felt when I saw your sad and pained face and it also break my heart, Val. It hurts me too. To the point na pinipiga na rin ang puso ko sa sobrang sakit sa nakikita ko."
"I'm sorry…" Ang tangi ko lang nasambit at napayuko dahil nahihiya ako sa kanya. Nakatayo na ito ngayon sa harapan ko. Wala akong lakas para makaharap pa ito. His words. His words made my knees tremble and weak. It also made me realize how selfish I was right now to see the man who only wants my attention and affection for years.
"Don't be, Val. It was my choice to hurt myself, to hurt my heart for secretly loving you. Hindi mo rin kasalanan na sa'yo tumibok ang puso ko," he lifted my chin up using his index finger. "You are worth the pain and the wait, baby." May malumanay itong ngiti sa kanyang mga labi nang tumingin na ako sa mukha niya.
I felt his thumb wiping away my tears that are falling from my eyes. Mga luhang hindi ko alam na tumutulo na pala sa magkabila kong pisngi.
"Shh... Don't cry, please. It's hurting me seeing you in tears, Val," marahan nitong ani habang may marahang ngiti siyang nakapaskil sa kanyang mga labi.
Bakit hindi ko man lang namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko? Bakit ang manhid ko? Bakit hindi ko man lang naramdaman na may nasasaktan na pala ako? Dahil sa sobrang pagmamahal ko sa isang taong winasak lang ang puso ko at hindi ko nalaman na may tao pa lang patago na nagmamahal sa akin noon pa man. Pero hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko. Dahil may tao akong nasaktan dahil sa pagiging manhid ko.
Napaupo ako dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Nabitawan ko rin ang mga rosas na hawak ko at tinakpan ang mukha kong puno na ng mga luha at humagulhol na lang sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Napahawak ako sa kanan kong dibdib nang maramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at ang paghagod niya ng likod ko. "Tahan na, Val. Wala kang kasalanan, okay? It's my fault, baby. Please, stop blaming yourself and stop crying."
"I-i'm so... sorry. I'm really sorry for hurting you," ani ko sa basag na boses habang patuloy pa rin sa pagdaloy ang masaganang luha sa aking magkabilang pisngi.
"Nahiya at natakot lang ako noon, Val. Nasaktan din pero hindi kita sinisisi dahil hindi mo naman alam at kasalanan," malambing na ang boses nitong ani.
"Hindi naman ako nangangain ng tao," natawa ito dahil sa sinabi ko. Kahit ako ay natawa na rin at medyo kumalma na.
"Let's forget about it. Let's face the present, look for the future and forget the past." Kumalas ito nang pagkakayakap sa akin at tinignan ako sa mga mata ko. "Can we give it a try? Can you give me a chance to love you? Hindi ako magpapangakong hindi kita masasaktan pero ipapangako kong iiyak ka hindi dahil sa sakit, kung hindi dahil sa saya." Pinunasan nito ang mga luha sa aking pisngi at ngumiti na naninigurado. "Just let me court you, Val. Let me see those genuine smile of yours again," matamis itong ngumiti matapos nitong magsalita pero agad na nawala ang ngiti nito dahil sa sagot ko.
"I'm still into him. Sorry…" Yumuko ulit ako dahil hindi ko kayang makita ang sakit sa kanyang mga mata na ako ang dahilan.
"Still. I really like you, Vale. I will do everything to make you fall for me too. Hard and deep." Puno ng determinasyon niyang ani. "Ang tipong hindi ka na makakawala pa sa kapit ko dahil sa sobrang pagmamahal mo sa akin."
"I can't guarantee you that,
Gemmel."
C.B. | courageousbeast