Chapter 5

1709 Words
            TATLONG LINGGO na ang lumipas noong umamin si Gemmel sa akin tungkol sa totoo nitong nararamdaman. At walang araw na hindi ito nag-e-effort para sa akin. Pero kahit na gano'n ay ramdam ko pa rin na parang may kulang. Na parang hindi pa rin kompleto. Na parang may hinahanap pa rin ang puso ko. Takot. Isa rin sa dahilan kung bakit ayoko ng magmahal ulit. Takot akong masaktan na naman. Takot akong mag-commit ulit. Takot akong mawasak na naman ulit ang puso ko sa ikatlong pagkakataon. At takot akong ipagkatiwala na naman ang puso ko sa taong hindi ako sigurado kung aalagaan ako at mamahalin hanggang sa huli. Hindi naman sa ayokong magmahal ulit. Sadyang natatakot lang talaga ako dahil sa mga naranasan ko noon. Natatakot na baka maulit ang nangyari noon na ayaw ko nang balikan pa kahit kailan. Dahil sa oras na maranasan ko ulit 'yon, 'di ko alam kung makakaya pa ba ng puso ko ang sakit na dulot ng pagmamahal na ito. Hindi siya ang may problema sa amin kung hindi ay ako. Ako 'yong nagkulang. Ako 'yong dahilan ng lahat. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon hanggang ngayon. Sinayang ko 'yong taong sobrang nagmahal sa akin noon at pinagsisihan ko rin naman. Pero huli na ang lahat. Huli na para ibalik ang dating kami. Huli na para sa ikalawang pagkakataon na para sa amin. At huli na dahil alam kong masaya na siya sa piling ng iba. At kahit kailan, hindi ko inisip na sirain ang masaya na niyang buhay dahil kasalanan ko naman kung bakit siya nawala sa piling ko. Napagod 'yong puso ko sa kakaintindi at pag-uunawa sa mga pinaggagawa niya. Sumuko ako kahit na mahal na mahal ko siya. Mababaw man ang dahilan ko pero hindi naman nila ako masisi dahil hindi naman sila ang nakaranas ng sakit na narasan ko sa mga oras na iyon. Naging duwag ako. Alam ko. At nagsisi naman ako sa ginawa ko pero hindi ko pa rin magawang maging masaya kahit lumipas na ang tatlong taon. Tatlong taon na pakiramdam ko ay may kulang at hindi ako gano'n kasaya katulad noong nasa piling ko siya. Napangiti ako ng mapait dahil sa mga alaalang dahilan ng pagsakit at pagkawasak ng puso ko. Na hanggang ngayon ay dala ko pa rin pero unti-unti nang nawawala. "You're spacing out again, Vale," rinig kong aniya at ang malalim nitong pagbuntong hininga. Patago ko namang pinagalitan at kinutusan ang sarili ko dahil nawala na naman ako sa sarili at siya na naman ang dahilan. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kanya at ngumiti ng may pagsisisi. "Sorry…" Tipid kong paumanhin sa kanya. "Siya na naman ba ang nasa isip mo? Gayong ako 'yong kasa-kasama mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang makita ko ang sakit sa mga mata nito na alam kong ako palagi ang dahilan. "Kailan mo ba maiisip na ako 'yong kasama mo at hindi siya?" Ngumiti ito pero hindi abot hanggang sa kanyang mga mata na mas lalong nagpasakit ng puso ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita ko sakit na dulot ko sa mukha niya na agad din namang naglaho at napalitan ng blankong ekspresyon. At kinabahan ako dahil doon. When he does that expression, I know that something bad will happen. "I'm really sorry, Gem. 'Di ko talaga mapigilan," nahihiya na ako sa kanya. Dapat saya 'yong ipadama ko sa kanya pero hindi. Sakit at lungkot lang ang naibibigay ko. "Alam mo 'yong masakit, Vale? Ako 'yong palagi mong kasama pero siya 'yong nasa isip mo. Minsan, iniisip ko kung makakapasok o nakapasok na ba talaga ako riyan sa isip at puso mo." Puno ng hinanakit niyang ani at tumawa na walang bakas na saya sa boses nito. "Pero dahil sa nakikita at nararamdaman ko kapag kasama kita, wala akong panama. Walang-wala ako kumpara sa kanya," tumingin ako sa kanya at nagiging blurr na 'yong paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. "Naiisip ko na rin na paano kaya kung sumuko na lang ako? Paano kaya kung tumigil na ako? Pero hindi ko magawa dahil nananaig pa rin ito," sabay turo nito sa kanan niyang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Mahal na kita, Val. Mahal na kita to the point na mawawalan na ng pagmamahal pati 'yong sarili ko para sa'yo." Hindi ko na mapigilan pa ang sariling luha sa paglandas sa magkabila kong pisngi nang marinig ang sinabi nito. Gem, no. Please. Konting oras na lang 'yong hihilingin ko sa'yo. Iyong-iyo na ako pagkatapos. Mga katagang gusto kong sabihin pero ayaw bumuka ng mga labi ko at parang may bagay na bumabara sa lalamunan ko na ayaw akong magsalita. "Alam kong sinabi mong susubukan mo. Susubukan mong mahalin din ako at kumapit ako roon. Umasa ako, Vale. Umasa ako na sa mga oras na ito, ako na 'yong laman ng puso mo. Ilang taon na tayong magkakilala pero bakit siya pa rin? Bakit hindi na lang ako? Ano bang meron siya na wala ako? Ano bang kulang sa akin? Naiisip ko pa lang na siya pa rin ang mahal mo, nahahati na sa dalawa ang puso ko." Nakita ko ang mabilis nitong pagpahid ng luha sa kanan niyang pisngi. At alam ko ang sakit no'n. Dahil ramdam ko sa mga katagang sinambit niya. "I am here in front of you; I was always by your side. But why? Why can't you choose me over him?" I tried to reach his face pero agad siyang umiwas at inilayo ang mukha niya sa akin na nagparamdam ng sakit sa puso ko. Para itong pinipiga at tinutusok ng ilang libong karayom dahil sa naging galaw nito. Magkaharap kami ngayon sa isang bench sa garden ng school. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at akmang hahakbang papalayo sa akin nang agad kong hinigit ang kamay niya para pigilan siya sa pag-alis. "Iiwan mo rin ako." Hindi iyon tanong kung hindi katotohanan ang sinabi ko. Bakit ba hindi na ako nasanay? Nasanay na palagi na lang akong iniiwan sa huli? "Nakakapagod din pala, Val. Nakakapagod ang maghintay. Ang maghintay sa wala." Hindi pa rin ito makatingin sa akin habang sinasambit ang mga katagang iyon. “Look at me in the eyes while saying those words, Gemmel.” Nakita ko ang pagawang ng labi niya sa sinabi ko pero hindi pa rin ito tumingin sa akin. “Prove to me that you really give up.” Isang nahihirapang paglunok ang ginawa niya bago tumingin sa akin at binuka ang labi na wala namang kahit isang salita ang lumabas. “I’m giving up on you.” And he look me in my eyes with a broken soul. "Ayaw mo na talaga kung gano'n?" Mapakla akong tumawa dahil sa narealize ko. "Nakakasawa naman talaga akong hintayin 'di ba? Kaya nga sumuko ka na," pinitik ko ang dila ko bago magsalita ulit. "Everything I imagine has come true. I was just imagining things that won't happen in reality. How pathetic I am." "Nakakasawa nang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong hindi pa rin nakakaalis at tapos sa kanyang nakaraan. I've been patient, Val. But it's been a month pero parang wala pa ring pinagbago," aniya kaya binitawan ko ang kamay niyang nahahawakan ko at pinahid ang luhang kanina pang dumadaloy sa magkabilang pisngi ko. "Kung gusto mo nang tumigil, hindi kita pipigilan. Kasi, sino ba naman ako para pigilan ka?" Patuloy ko pa ring pinupunasan ang pisngi kong puno ng luha. "Ako lang naman 'yong dahilan kung bakit ka nasasaktan at nalulungkot ng lubusan. Ako 'yong dahilan kung bakit hindi ka masaya at nabasag ko 'yong puso mo. Pero ano 'yong sinabi mo na 'I am worth the wait'? Wala lang ba 'yon? Hanggang salita lang ba 'yon, Gemmel?" Ngumiti ako nang malungkot kahit na hindi niya nakikita dahil umiwas na naman ito ng tingin. "Akala ko tutulungan mo ako? Tutulungan mo akong makalimutan siya at maging masaya kasama ka? Hindi rin naman pala matutuloy dahil iiwan mo rin ako dahil sa nagsawa at napagod ka na sa kakahintay sa akin." "Masakit na, Val. Masakit na 'yong nararamdaman kong pagmamahal para sa'yo. Dahil sa mga pinaparamdam at pinapakita mo na wala talaga akong puwang sa puso at isip mo at siya lang ang kayang gumawa nun sa'yo." Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot at iniwan na niya akong mag-isa sa garden ng school na basa ng luha ang mukha ko. "Kaonting panahon na lang sana, Gem. Kaonting panahon na lang at magiging sa'yo na sana ito," bulong ko ng hindi ko na siya makita pa at itinuro ang puso kong pinipiga sa sakit. Inihilamos ko sa mukha ko ang mga kamay ko bago ginulo ang buhok ko dahil sa frustasyong nararamdaman ko. Kasalanan ko naman na sumuko na siya. At kasalanan ko rin kung bakit niya ako iniwan. It's always my f*****g fault why! Why I am feeling this and why I’m in pain. Konting panahon na lang din sana para masiguro ang nararamdaman ko para sa kanya pero sumuko na siya. Sinayang niya rin ang pagkakataon na maging masaya sa piling ko. Sinayang niya lahat. O baka ako ang sumayang? Ako na kahit kailan ay hindi na magiging masaya? Hindi naman kasi sa lahat ng oras, 'yong nakaraan ko ang nasa isip ko. Naiisip ko rin ang mga possibling mangyayari kapag nasiguro ko na 'yong nararamdaman ko para sa kanya. Mga possibling mangyayari kapag naging kami na nang tuluyan. Ramdam ko naman ang pagmamahal na gusto niyang iparamdam kaya sobra akong natutuwa dahil kahit papaano ay alam kong nagkakapuwang na siya sa puso ko. Pero anong nangyari kani-kanina lang? Nawala na lang na parang bula ang lahat. Lahat na mapupunta na sana sa mga masasayang araw. Napapikit ako at napakapit sa kanan kong dibdib kung nasaan ang puso ko nang maramdaman ko itong naninikip dahil sa bilis ng pagtibok nito. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa parang pinipiga ito sa sikip at sakit. Ilang buntong hininga ang ginawa ko nang tuluyan akong makaramdam ng ginhawa at bumalik na rin sa tamang pagtibok ang puso ko. Siguro sa pagod lang ito dahil sa nangyari kanina. O baka... bumalik na naman?   C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD