"VAL, YOU OKAY, GIRL?" Puno nang pag-aalalang ani Hailey pagka-upo ko palang sa harapan niyang upuan sa loob ng cafeteria.
"I'm fine, Hai. Don't worry," pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya na nagpa-alala pa lalo sa kanya.
"I heard the news. And I know that you're not okay base on your expression and face," bumuntong hininga ito at tumayo sa pagkaka-upo at naglakad patungo sa kinauupuan ko at lumipat sa katabi kong upuan.
"Anong news? May hindi ba ako alam?" Nakakunot noo at nagtatakang tanong kong baling sa kanya.
"Iyong about sa nangyari sa inyo ni Gemmel, Val," aniya at niyakap ako mula sa gilid. "Ang bilis talagang lumipad ng balita kapag chismis." Bumuntong hininga ako at nangalumbaba sa mesa.
"Anong about sa amin ni Gemmel? May alam ba silang hindi ko alam?" Inihilamos ko ang palad ko dahil wala naman akong nakitang tao noong nasa garden kami kanina at nag-uusap. How come na kami na ang laman ng chismis ngayon sa school? At sino ang nagkalat ng bagay na dapat ay kami lang ni Gemmel ang nakakaalam? Unless, sa kanya mismo nagmula? Kaya pala iba ang tingin ng ibang mga estudyante sa akin kanina dahil sa kumalat na chismis.
"Don't deny it to me, Vale. Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Don't you dare lie to me. Hindi mo magugustuhan kung magalit ako sa'yo," may diin at seryoso niyang ani. "And base na rin sa mga mata mo, makikitang galing ka talaga sa pag-iyak. It's red and puffy," hinagod niya ang likod ko kaya 'di ko na namang mapigilang 'di tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi ko.
"Sumuko na siya, Hai," mahina, tipid at sapat lang para siya lang ang makarinig ng sinabi ko. Wala akong lakas para magsalita pa dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pagod na ako, ang puso ko.
"What the hell? He just gave up like that? After a month? Gano'n-gano'n na lang iyon?" Hindi makapaniwala niyang sunod-sunod na tanong. Tumango ako para mas makumpirma niya dahil hindi ko na kaya pang makapagsalita at baka umiyak lamang ako sa harap niya.
Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapagsalita ulit dahil sa gulat. "Alam ko na kung bakit siya sumuko agad, Val," naging malumanay ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya at agad ding umiwas nang makita ang taimtim nitong pagkakatitig sa akin na parang binabasa ang ginawa ko kung bakit naging gano'n ang nangyari sa amin ni Gemmel.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "Tama nga ako ng hinala. Pinaramdam mo na naman sa kanya na parang hangin na naman siya sa'yo. Hanggang kailan, Val? Hanggang kailan mo maiisip na hindi siya 'yong lalaking minahal mo nang husto?" Umiling ito bago nagsalita ulit. "Iyon ang dahilan nang pagsuko niya 'di ba? Hindi naman susuko 'yong tao dahil trip niya lang 'yon. Val, naman! Sinaktan mo 'yong nagmamahal sa'yo ng totoo at lubusan. Pero sinayang mo lang dahil sa lalaking hindi ka na babalikan pa." May paninisi sa boses nitong ani na nagpapiga ng puso ko sa sakit. Masakit man ang mga sinabi niya pero totoo naman.
"Kaonting panahon na lang naman, Hai. Kaonting panahon na lang ang hinihingi ko pero hindi niya na nahintay pa," pinahid ko ang luhang kumawala na naman sa kanan kong mata at sinalubong ang mga tingin niyang puno ng paninisi. "I am starting to fall in love with him, Hai! I'm falling for him! But he already gave up! And leave me no choice but to continue my life without him." Sakit. Sobrang sakit. 'Yan ang nararamdaman ng puso ko ngayon. Para itong hinati na naman sa dalawa at tinutusok ng ilang libong karayom.
"Hindi pa ba sapat ang ilang taon niyang paghihintay sa'yo? You've been caging and distancing yourself from loving someone again because of your past. 'Yong nakaraan mong walang maitutulong sa'yo kung hindi ay sakit lang." Umiwas ako ng tingin dahil sa nasapol ako sa mga sinabi niya. Masisisi niyo ba ako kung nagmahal lang naman ako ng tapat at totoo? "At ngayon, sasabihin mong kaonting panahon pa? Val, napagod na 'yong tao sa'yo. Oo nga at mahal ka niya pero may hangganan din naman 'yong pagmamahal ng isang tao. Tao din siya, Val. Napapagod at nasasaktan. But the worst part you've done to him is making him wait for nothing." Rinig ko ang pagbuntong hininga nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko at narinig ko ang yabag nitong papalayo sa akin. Nakita kong bumalik siya sa dati niyang puwesto sa harapan kong upuan.
"Kailangan ko lang masiguro ang totoo kong nararamdaman sa kanya, Hai. I can't do that to him. I can't let him feel any pain again. Alam kong sa sarili ko na nagkakaroon na siya ng puwang sa puso ko at kaonti na lang talaga, makakapasok na siya," nanghihina kong ani at hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil sa nahihiya ako. "I am planning to say yes to him. But then, he already gave up that easily and I can't do anything to make him comeback to me when that will be his final decision." Nanghihinayang din naman ako dahil minsan na lang makakilala ng katulad ni Gemmel. Mga katulad niyang kayang maghintay nag matagal pero sinayang ko ulit. I was also partly my fault but still, it was his decision to stay and wait or not.
But what about those rumors about him?
Hindi ito nakaimik ng ilang minuto kaya tumingin ako sa kanya at nakitang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakaawang ang labi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pero nakita ko ang pagkadisgusto sa ilalim ng nanlalaki niyang mga mata. And that is the reason why kung bakit nagdadalawang isip din akong sagutin at papasukin sa sistema ko si Gemmel.
"K-kahit na, Val. Sinaktan at pinaasa mo ang taong ang alam lang ay mahalin ka…" Nautal ito at umiwas nang tingin sa akin dahil sa uri nang pagkakatitig ko sa kanya.
Inayos ko muna ang sarili ko bago siya tinignan ng seryoso. "Tell me, Hai. Tell me the truth."
"What truth are you talking about, Val?" Nanginig ang boses nitong ani at hindi pa rin makatingin sa akin. "I have nothing to say. Wala naman akong tinatago sa'yo."
"You are the other reason why I can't say yes and let him enter in my heart this past years, Hai." Mas lalong umawang ang labi niya at gulat na tumingin sa akin.
"W-what are you talking about? H-hindi kita maintindihan." Ramdam ko ang kabang nararamdaman niya dahil nauutal ito sa pagsasalita.
"Don't deny in front of me, Hailey Seirra. I am your best friend and also your sister. 'Wag kang magkakamaling magsinungaling sa akin." Namutla ito dahil sa lamig ng boses kong ani sa kanya at pagsambit ng buo niyang pangalan. Umiling naman ito na parang hindi niya talaga alam ang mga pinagsasasabi ko. "You know what I am talking about. Tell me the truth... now."
"You're right. You're my best friend and my sister after all. Hindi nga ako makakatago sa'yo ng lihim ko pero ikaw, kaya mo," lumambot ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kaya kong magtago ng lihim sa kanya dahil ayokong madamay pa siya at maging problemado katulad ko. "Tama nga ang hinala mong gusto ko si Gemmel noon pa man. Pero hindi ko naman maamin dahil sa una pa lang, talo na ako sa'yo." I saw envy and sadness in her eyes na agad namang nawala nang magtama ang aming mga mata.
"Hailey…" tanging pangalan niya lang ang nasambit ko dahil hindi ko alam ang ire-react o sasabihin ko nang marinig na ito mula sa kanya. Nakita kong may isang butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya na agad niya namang pinahid at ngumiti ng tipid.
"Hindi ko alam kung anong nakita ni Gemmel sa'yo noon na nahumaling siya sa'yo ng sobra na hindi na niya kayang tumingin sa iba. Ako namang si tanga, nang lumapit siya sa akin para magtanong ng mga tungkol sa'yo, agad naman akong sasagot at nagbabakasakaling baka mapansin niya rin ako." Umiwas ulit ito ng tingin habang panay ang pahid ng mga luhang tumutulo sa pisngi niya. "Everytime he asked me about you, I always wish na sana ako na lang ikaw. Ako na lang ang gusto niya. At ako na lang ang mamahalin niya dahil hindi ko siya papakawalan pa. Unlike you, you can get what you want in just a word or in your just simple smile."
Hindi ko alam na ganito ang nararamdaman niya. Na ganito kalala na kaya niyang magparaya para sa akin. Pero ayoko na gusto niyang maging ako dahil hindi ko iyon gugustuhin. Sa lahat ng mga bagay na nangyari sa akin ay ayokong maramdaman niya.
"As days, months and years passed by, mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya kahit na alam kong masasaktan lang ako dahil kahit kailan ay hindi niya ako mapapansin dahil sa iyo. Kung pwede lang sanang pigilan ang puso kong tumibok sa kanya, ay matagal ko nang pinigilan," hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa at pinisil ito. "Sinubukan kong itago sa'yo dahil ayokong hindi mo siya magustuhan dahil sa mahal ko na siya pero mali pala ako. Dahil alam mo lahat-lahat sa paligid mo." Natawa ito kahit na may dumadaloy na luha sa magkabilang pisngi niya. "And I was thankful dahil kahit alam mo na, 'di mo pa rin ako kimonpronta sa nararamdaman ko kay Gemmel. And that's what I like about you, Vale. But, I will also be honest to you, Val. I got mad at you dahil sa pinaasa at sinaktan mo si Gemmel. Pero hindi naman nagtatagal dahil nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa'yo bilang kaibigan ko. You're one in a million that is hard to find and I am so very lucky to have you as my best friend and also a sister. Not by blood but by heart…"
Namumuo na rin ang mga luha sa aking mga mata dahil sa mga sinabi niya. "Nagalit ako sa'yo, oo. Pero ng malaman ko rin na iniisip mo rin pala ako na masaktan ay biglang naglaho na parang bula ang galit ko sa'yo. Thank you so much, Vale."
"Oh my, Hailey. I was trying to be sensitive when it comes to you pero nasaktan pa rin kita. I'm sorry kung nagsinungaling ako sa'yo about sa past ko. Soon you'll know who this man behind my heartache is for the past three years until now." Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at natawa sa ka-emotan namin ni Hailey. “You will meet him soon, Hai. Or should I say, you already met him.”
“Oh my gosh! Who?” Mas natawa ako sa naging reaction niya habang malalaki ang mga mata niyiang tanong pero agad naman iyon napalitan ng guilt. "I'm sorry too, Vale. Patawad dahil nagalit ako sa'yo ng hindi ko alam ang dahilan mo. Hope you'll forgive me, beshy?" Nakangiti na ito ngayon kaya napangiti na rin ako.
"You'll always be forgiven, beshy. Friends over hoe tayo, e," tumayo na kami sa pagkakaupo at nagyakapan at tumawa na parang mga baliw.
"What's with you and Kial, by the way? Nagkakamabutihan na ba?" Nakangisi kong tudyo sa kanya kaya kinurot niya ang tagiliran ko dahilan ng pag-aray ko at natawa ng mahina.
"Baliw. Nanliligaw pa lang ang damuhong 'yon," nakangiti niyang ani. I am happy for her dahil may lalaking kaya siyang hintayin at mahalin kahit na may nagugustuhan din itong iba. 'Di tulad ko na mabilis lang sukuan at iwanan.
Nang maayos na namin ang aming mga sarili ay bumalik na kami sa classroom na masayang naglalakad at naka-angkla ang mga braso sa isa't-isa. Our friendship is much stronger than anyone that no one can break us apart.
C.B. | courageousbeast