Chapter 7

2198 Words
            ONE WEEK HAVE PASSED nang nangyari about sa amin ni Gemmel at ang pagpapa-amin ko kay Hailey. Kahit na gano'n ay hindi pa rin natitinag ang pagkakaibigan namin. We're still inseparable and our friendship becomes stronger than before. And Gemmel? Who would not fall for his charms? From his height and well-built body, his pinkish heart shape lips, pointed nose, round brown eyes, long eyelashes and thick eyebrows. Match with his tan skin. Sino ang hindi mahuhumaling sa lalaking 'yon? Tanga na lang ang hindi. At isa na ako ro'n. He's every girls dream in our school and in some other schools also. Every girl wants his attention but he can't give them what they want because of me. Gemmel Brettman. Ang lalaking sinayang ko sa pagkakataong mahal niya ako. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng saya at sakit. Pero totoo ba ang mga sinasabi nila tungkol sa’yo? "Nawawala ka na naman, Vale," napakurap-kurap ako at napatingin kay Hailey na nakaupo sa kanan ko nang marinig ang boses nito. "Ano 'yon, Hai? Sorry…" Hinging paumanhin ko at binalik ang tingin sa loob ng court kung saan may naglalaro sa gitna. Gano'n na ba kalalim ang iniisip ko para 'di ko namamalayan ang pagtatanong sa akin ni Hailey? Hindi ko rin naman kasi mapigilang hindi maisip si Gemmel kahit na sinaktan niya rin ang puso ko. Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school namin kung saan ginawang venue para sa volleyball league na kasali rin kami. Nanonood kami ngayon ng laro na kung saan ay kung sino ang mananalo ay makakalaban namin. "Ang sabi ko, may bagong player 'yong St. Joseph School," kunot noong bumaling ako sa kanya dahil sa malalim na buntong hininga na pinakawalan niya. "I think mahihirapan tayong matalo sila kahit na tayo ang defending champion. Look at her, Val. She's so good at offense but bad in defense department." I smirked at her kahit na hindi niya nakita dahil tutok na tutok ito sa panood sa harap namin. Binalik ko ang tingin ko sa loob ng court at timing namang nasa kanila ang bola. Sinet ng setter ang bola sa bagong player. Nakita ko ang mabilis nitong pag-atras at ang ganda nang pagkaka-approach niya para mapalo ang bola papunta sa kabilang team. Tamang-tama lang ang pagtalon niya para mapalo ang bola. Instead na paluin niya ito nang malakas ay inihulog niya ito sa likod ng blocker kung saan walang nakabantay. And the point goes to her team. Napangiti ako ng palihim. She's smart, huh? Well, let's see her moves when we will face each other in the court kung mauutakan niya ako. "See, Val? Ang galing at ang talino niya sa loob ng court." Walang gana at nanghihinang saad ni Hailey. Nakita ko sa gilid ng mata ko nang tumingin ito sa akin na may pagtataka at nakakunot ang noo nang tumawa ako nang mahina. "I'm hurt, Hailey," hinawakan ko ang kanan kong dibdib na kung saan ang puso ko at nagkunwaring nasasaktan. "Wala ka ng tiwala sa team... sa akin," pabiro kong pinahid ang gilid ng mata ko na akala mo ay may tumulong luha. "Gano'n na ba siya kagaling para sa'yo na i-u-underestimate mo ang team na'tin?" Kunwari akong napahikbi at natawa rin ng bigla niya akong hampasin sa braso. "Gaga ka talaga, Val. Syempre meron akong tiwala sa team, lalo na sa'yo," umayos ako nang pagkaka-upo at nakangising tumingin sa kanya. "I was just fascinated by how she played. Lalo na sa pagiging mautak niya sa loob ng court. That's a rare player to find these days. I wonder, saan siya galing?" "Ewan ko. Baka sa Mars?" Sabay kaming natawa dahil sa sagot ko sa tanong niya. "Me too. I was fascinated pero hindi 'yon matataasan o malalampasan ang capability ko sa loob ng court," kibit balikat kong ani at nanood na lang ulit ng laro. "Yeah. Yeah. Hambog mo talaga." Sarkastiko nitong ani kaya mas lumapad ang ngisi ko. "But you two are opposite inside the court, Val. You know what I mean." "Too opposite, Hai. Kaya 'wag ka ng kabahan," natatawa kong ani nang hampasin niya ulit ang braso ko na ikina-aray ko dahil masakit na. Ang babaeng 'to talaga, napaka-amazona. "Ne-nerbiyos ka ba dahil sa kanya? Don't worry, honey. Dedepensahan kita," malakas akong tumawa na dahilan ng pagtingin sa akin ng ibang nanonood kaya agad akong umayos at nakangising tumingin kay Hailey at inirapan lang ako ng bruha. "She's good at offense but your best in defense. Interesting game kung sakaling makalaban natin sila," tumatango-tango niyang ani na parang sarili lang niya ang kinakausap niya. "Ano pang saysay ng pagiging best libero ko sa apat na taon na'ting paglalaro kung matatalo tayo sa bagohang 'yan?" I lean my back at the backrest of the bench and relax my body while still watching the game. "That's our libero! Palaban na hambog," natatawa niyang ani sa huling sinabi nito. Natawa na rin ako dahil do'n. Totoo naman ang sinasabi ko. I've been the best libero in my four years of playing in my high school days and until now. Spiker din ako tulad ng bagong 'yon noon pero dahil mas maganda at madali akong maka-cop up sa pagreceive ng bola ay ginawa akong libero ng coach namin. The game ended well at nanalo nga ang St. Joseph School dahil magaling ang bago nilang player. Tumayo na ako at hahakbang na sana paalis ng gym nang hilahin ni Hailey ang kamay ko at pabagsak na pinaupo ulit sa upuan ko kanina at nakaramdam ako ng pagsakit ng p***t ko. I looked at her and frown of what she did. "What the hell, Hailey!" Naiinis kong ani at bumaling sa kanya. Nakita ko naman itong nanlalaki ang mga mata at namumutla na parang nakakita ng multo. Nangunot ang noo ko at tinignan kung saan ito nakatingin. Natigil ang paghinga ko at parang bumagsak ang puso ko sa tiyan. I felt a pang in my chest na parang tinutusok ng ilang milyong karayom. And all I ever think is why? Why am I feeling this? Why do I felt suffocated? Why just my heart did break? Why are you doing this to me? Why? Why?! Gemmel, why? Why does seeing you in someone's arms made me feel like I lost something I shouldn't? Nang hindi ko na makayanan ang nakikitang masaya nilang mga mukha at magkayakap ay tumakbo ako papalabas ng gym. Seeing you with the new player ng kabilang school ay hindi ko inaakala. Isang linggo pa lang ang nakakaraan pero may bago ka na? Akala ko ba mahal mo ako? O baka pinaglaruan mo lang ako, Gemmel? Tulad ng mga sinabi nila? Hindi ako naniwala sa mga pinagsasabi nila noon dahil iba ang pinapakita mo sa akin at kay Hailey. Pero ngayon, paniwalang-paniwala na ako. Mga bagay na ginawa mo sa akin noon ay ginagawa mo na sa iba ngayon. Kung paano mo ko hawakan na parang isa akong babasaging bagay, ang mga matatamis mong ngiti at ang mga tingin mong puno ng pagmamahal. Is it just an act? O baka karma ko na ito dahil sa nagawa ko noon? Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at pinalibot ang paningin. Dinala na pala ako ng mga paa ko sa likod ng library ng school. Naupo ako sa isang malaking ugat at hindi na mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. I feel my chest tightened of the pain I'm feeling right now. Nahihirapan na rin akong huminga. Habol-habol ang hininga ay tumingala ako at ipinikit ang mga mata habang panay pa rin ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Ilang buntong hininga rin ang ginawa ko bago nawala ang paninikip ng dibdib ko at napakalma ang sarili. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko ng maisip na bakit ako umiiyak sa lalaking hindi naman naging akin? Why would I cry to a person who doesn't deserve any one of my tears? Why would I let myself look like a s**t? And why would I sink this low for him? I combed my hair and composed myself. I lean in my side and rest my head in the big tree beside me and closed my eyes to feel the relaxing wind in my face. "Make him regret for giving up on you easily and leaving you hanging," ani ko sa sarili. "You should, boo. Ikaw dapat ang iniiyakan at hindi ikaw ang umiiyak," napamulat ako nang makarinig ng pamilyar na baritonong boses galing kung saan. "Who are you?" May kabang tanong ko at napamulat ng mata habang nagpalinga-linga para hanapin kung nasaan ito. "Up here, baby," natatawa niyang ani kaya napatingala ako at nakita itong nakakubli sa isang sanga ng malaking puno habang may malawak na ngiting nakatingin sa akin. "What are you doing here?" Tumayo ako sa pagkakaupo at pinagpagan ang suot kong pants at tiningala ulit ito pero hindi ko na siya nakita pa sa taas. Kumunot ang noo ko dahil nandiyan lang siya kanina pero bakit nawala na agad? "Nasaan na kaya 'yon?" Nagtataka kong tanong sa sarili ng hindi ko pa rin ito makita kahit na ipinalibot ko ang paningin ko. "Hey!" "Ay palakang walang itlog!" Gulat kong sigaw at napatalon nang makarinig ng baritonong boses mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya at tinignan ito ng masama habang tumataas baba ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito at sa kabang nararamdaman ko. Tumawa naman ito ng mahina at humakbang papalapit sa akin. Umatras naman ako dahil ayaw kong mapalapit sa kanya. Hakbang, atras, hakbang at... naramdaman ko ang malaking puno sa likod ko. Humakbang ito ng isa pang hakbang kaya ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang pagtigil ng paghinga ko sa lapit nito sa katawan ko. He lean in closer and when our faced are just inched away, napapikit ako. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa mukha ko na nagpaparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam mula noon. "W-what are you doing?" Kinakaban kong tanong sa kanya at iniwas ang mukha ko. "P-pwede bang lumayo ka sa akin?" I try to push him away pero nahawakan niya agad ang mga kamay ko at itinaas ito sa ibabaw ng ulo ko. Nakulong ang mga kamay ko sa pagitan ng malaking puno at sa malaki nitong kamay. "I want to feel you so close to me... again." Bulong nito na nagpataas ng mga balahibo ko sa batok. "I missed you so much, boo," mariin akong napapikit habang sinusubukang magpumiglas sa hawak niya. Pero bigo ako dahil mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakakapit sa kamay ko. Napaawang ang labi ko at napasinghap nang hapitin ng isa niyang braso ang bewang ko at ipinagdikit ang katawan naming dalawa. "It feels so good when you are in my arms, baby," nakikiliti ako sa hininga nitong tumatama sa tainga ko. "Please, come back to me." May pagmamakaawa nitong bulong at mas lalo akong hinapit padikit sa kanya. "N-no." Ramdam ko ang pagluwag ng pagkakapit niya sa akin dahil sa sinabi ko kaya agad ko siyang tinulak gamit ang buong lakas ko at humakbang palayo sa kanya. At doon lang ako nakahinga ng maluwang ng malayo na siya sa akin. "P-please, stop. You're just trying to hurt yourself again," may pagmamakaawa kong ani sa kanya at tinitigan niya lang ako na parang wala itong narinig. "No? Why, Vale? Why can't you go back to me? Is it because of him?" Ramdam ko ang sakit at lungkot sa boses nitong saad. “And look where it led you. To heartbreak.” “Why do you care?” Sinubukan kong patatagin ang boses ko pero nabasag pa rin ito. "I care because I am still into you even if I am trying to stop this thing from beating for you. But it won't! And I don't want to!" Napaigtad ako sa bigla nitong pagsigaw habang nakaturo sa kanyang kanang dibdib kung nasaan ang puso nito at nakatingin sa akin ng taimtim. "P-please. Nagmamakaawa ako sa'yo. M-matagal na tayong tapos. Kaya kalimutan mo na ako," umiwas ako ng tingin nang makitang may isang luhang tumulo sa kanan nitong mata na dahilan nang pagkirot ng puso ko. "Kahit anong pilit kong kalimutan ka, hindi ko magawa. I did everything, Vale. Everything!" Humakbang ako paatras nang humakbang ito palapit sa akin. "Alam kong narinig mo ang mga naging reputasyon ko sa mga babae ngayon. At hindi ko ipagkakailang hindi ko ginawa 'yon. I did those things to forget you, to get you out of my mind, to my system and to my heart. But I can't. I just can't…" Naging malumanay na ang boses nitong ani kaya nabalik ang tingin ko sa kanya. I was out of breath and words to say to him. Parang may bagay na bumara sa lalamunan ko nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nakaawang lang ang labi ko at pinipilit na magsalita pero kahit ni isang salita ay walang lumalabas. At isa lang ang tangi kong nasambit. Ang pangalan niyang kay sarap banggitin mula noon hanggang ngayon. "Jatch…"   C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD