"WHERE HAVE YOU BEEN, VAL?" galit na pambungad na tanong ni Hailey sa akin nang makapasok ako sa loob ng classroom namin.
"Nagpahangin lang," tipid kong sagot at naupo sa upuan ko. Ramdam ko rin ang pagsunod nito sa akin at naupo na rin sa katabi kong upuan.
"May nagpahangin bang magulo ang buhok at namumutla?" Sarkastiko nitong tanong ulit sa akin habang masamang tingin ang ipinupukol sa akin.
"Nagulo lang ng hangin, okay? At natakot lang ako kanina dahil may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan na akala ko ay ahas o mabangis na hayop." Walang gana kong ani sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Really? Kaya pala nakita ko kayong magkalapit ang katawan at parang takot na takot ka sa kanya kanina." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito. Nakita niya kami kanina? May narinig kaya siya? May alam na ba siya? "What's between you two? Bakit parang matagal na kayong magkakilala? At bakit takot na takot ka kanina sa kanya, Vale?" Sunod-sunod na tanong nito.
Umiling lang ako sa kanya at bumuntong hininga bago magtanong pabalik. "May narinig ka ba kanina?" Kinakabahan kong balik tanong sa kanya at umiwas ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin.
"May dapat ba akong marinig, Val? O may dapat ba akong malaman na hindi mo sinasabi sa akin?" May pang-uuyam niyang ani at tinapik-tapik ang pisngi ko. "Ikaw na pala ang susunod niyang biktima ngayon?" Hindi para sa akin ang tanong na iyong kung hindi ay para sa sarili niya. "At kakagat ka, beshy?" ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko siya.
"May narinig ka o wala? Answer my question, Hai," walang gana kong balik tanong sa kanya para itago ang kabang nararamdaman ko dahil matagal bago ito sumagot.
"Wala akong narinig dahil hindi naman ako lumapit sa inyo kanina. Actually, nang makita ko kayo ay agad na akong umalis kahit na gusto kong marinig ang pinag-uusapan niyo dahil sa nakikita kong takot at mamumutlang mukha mo kanina." Kibit balikat at mahaba nitong ani kaya nagpakawala ako ng buntong hininga. I felt relieved to know that she didn't hear anything. "Nakascore ba?" Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa tanong niya at pagtawa nang mahina.
"Gaga ka ba? Bakit naman siya makakascore sa akin? 'Di ko pa naman siya boyfriend." Naiinis kong ani sa kanya na mas nagpalakas ng pagtawa niya.
"Hindi pa? So may plano kang sagotin siya? Aba, Vale, binalaan na kita, ah?" Puno ng pang-aasar ang boses niya kaya inirapan ko ito.
"Makipagbalikan siguro? Pwede pa," kibit balikat na sagot ko sa kanya na ikinawala ng ngisi niya. "And he wants me back kaya wala naman sigurong problema do'n, ano?" Napatakip ako ng tainga ko nang marinig ang nakakabinging tili niya kaya napatingin ang mga kaklase namin sa amin kung nasaan kami nakaupo at nakapwesto. Mabuti na lang talaga at walang teacher ngayon kung hindi ay detention ang bagsak namin.
"Siya ang ex mo 3 years ago kung gano'n?" Tumitili pa ring aniya at napatango na lang ako dahil naririndi ako sa boses niya. "Bakit hindi mo sinabing siya?! At bakit nagpanggap kang hindi mo siya kilala noong nanood tayo ng laro nila?" Nahihilo ako sa pagyugyog nito sa akin kaya winaksi ko ang mga kamay nitong nakakapit sa magkabila kong braso.
"Yeah. Siya nga ang ex kong mahal ko pa rin hanggang ngayon. Hindi ko sinabi dahil gusto kong itago sa lahat. Baka patayin ako ng mga babaeng obsess do'n," I shrugged my shoulders after I answer her question.
"Siya pala ang tinutukoy mong ex mo no'ng kinuwento mo sa akin ang about sa past mo. I didn't expect it, Vale!" kinikilig niyang ani at hinampas na naman ang braso ko kaya hinimas ko ito dahil masakit. "But tell me why, why did you break up with him? Dahil ba sa playboy siya? O may iba pang rason?"
"Hindi kami pwede, Hai. Alam kong alam mo ang tinutukoy ko. And him being a playboy? Wala akong problema roon dahil nagbago 'yon no'ng naging kami," napangiti ako ng mapait dahil sa mga alaalang biglang nagpop-up sa isip ko. Mga alaalang kasama ko pa siya. "At nakipaghiwalay ako dahil napagod ako sa pag-iintindi sa ugali niya. Mababaw man pero 'yon ang naging dahilan ko."
"Alam ba niya, Val? Alam ba niya ang tungkol sa kondisyon mo?" Napalitan ng pag-aalala ang boses nito ng marinig ang rason ko. "You should have told him earlier. Ano ba kasi ang ginawa niya na napagod ka at iwan mo siya?"
"Nope. He didn't know a thing and I don't want to tell him. And his attitude? Nasisira iyon dahil sa akin. Dahil sa pagmamahal niya sa akin ng sobra. He's so possessive and over protective when it comes to me and I was scared that it will lead him to the obsession of me. And I was right," bumuntong hininga ako bago nagsalita ulit. "Ang mga away na maliit ay pinapalaki niya na dapat ay aayusin agad namin pero hindi namin magawa. Pinagbabawalan ako sa lahat ng bagay na ayaw niya at naiinsecure siya at nakakasakal 'yon. Nasasakal ako. He even offered me to live with him in their house para hindi ako malayo sa kanya dahil takot daw siyang maagaw ako ng iba. But I refuse his offer dahil bata pa kami at hindi pa pwede."
"Sheeeet! I can't believe you! You're so lucky!" Inirapan ko ito dahil kinikilig ito imbes na mainis o mairita dahil sa mga pinaggagawa ni Jatch sa akin noong kami pa.
"Anong lucky do'n, Hai? Wala naman akong nakikitang lucky ako roon. But somehow, I felt lucky, though. And I felt sorry for him, too. Natatakot din akong sabihin sa kanya ang totoo. Knowing him na baka iwan niya ako dahil doon ay tuluyan ng mamatay ang puso ko."
"He's one in a million, Vale! Minsan na lang ang mga lalaking gano'n kaya ang swerte mo sa kanya pero pinakawalan mo pa," niyuyogyog na naman nito ang balikat ko kaya nakaramdam ako ulit ng hilo. "Sabihin mo na kasi kay Jatch kung bakit. Bahala ka, baka mahuli ka at makahanap na ng iba 'yon," humagikhik ito na ikina-irap ko na lang sa kanya.
"Paano 'yon makakahanap ng iba kung ako pa rin ang mahal niya? Hello! He beg to me, Hai. He begs to me to come back to him but I refuse. Dahil natatakot akong iwan niya ako kapag nalaman niya ang totoo." Hindi na nakasagot pa si Hailey ng may narinig kaming sobrang pamilyar na baritonong boses sa likuran namin.
"Anong totoo ang dapat kong malaman, Vale?" Napa-ayos ako ng upo at namutla ng makilala kung sino ang nagsalita sa likod namin.
Tinignan ko si Hailey na nanlalaki rin ang mga mata dahil sa narinig. Dahan-dahan kaming sabay na lumingon at napaawang ang labi nang makita kung sino ang taong nakatayo sa likod namin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang humakbang ito papalapit sa amin na nakakunot ang noo at puno ng pagtataka ang maitim nitong mga matang nakatingin sa akin.
Napatayo ako sa pagkaka-upo at aatras na sana nang masagi ko ang desk ko at matutumba na sana ng may biglang humila ng kamay ko at napasubsob ako sa matigas nitong dibdib. I inhale his scent. My favorite scent of him. He lock me in his arms na parang babasagin ako para sa kanya. He caressed my hair like how he caressed it before with care that made me regret for leaving him. Napahikbi ako sa mga bisig niya dahil sa sakit, pangungulila at pananabik na nararamdaman ko ngayon para sa kanya.
"Hush now, boo. Don't cry. Nandito lang ako palagi para sa'yo." Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga sinabi nito. Puno ng pag-aalala at paglalambing ang boses na ani nito na matagal ko ng inaasam na marinig ulit.
How I wish the time will stop and this will last forever. Pero alam kong hindi, may hangganan ang lahat at matatapos na rin ang lahat ng ito kapag lumayo at iiwas ako sa kanya. My love for him didn't fade a little. It becomes too strong that make me want to be with him until my last breath.
Napahagulhol na ako dahil sa paghalik nito sa noo ko na puno ng pagmamahal. Ramdam ko. Ramdam ko ang kagustuhan nitong bumalik ako sa kanya pero hindi pwede. Why are you doing this to me, Jatch? Why are you making me feel so regretful for leaving you? And why are you making me fall for you too hard and deep? Why, baby? Tell me, please. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Ikinulong ang mukha ko sa dalawa niyang palad habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki nito at titig na titig sa mga mata ko.
"Please, Val, stop crying, boo. You're hurting me…" Ngumiti ito ng matamis pero hindi ko kayang suklian ito.
"I-i just can't. I can't, Jatch," basag na boses kong wika sa kanya at umiwas ng tingin. Nakita ko ang mga mapanuri at nagtatakang mga tingin ng mga ka-klase ko sa nangyayari ngayon sa amin.
Sino ba naman kasi ang hindi? Makita ang kinahuhumalingan ng mga kababaehan ng iba't-ibang school sa loob ng school mo at karibal pa nito sa sports? And worst, nasa iyo lang ang atensyon niya?
Humakbang ako paatras palayo sa kanya at inayos ang sarili bago magsalita. "What are you doing here? At paano ka nakapasok?" Bagsak ang balikat itong tumingin sa akin at ngumiti ng malungkot dahil sa nanging tanong ko. Nasasaktan din ako, Jatch. Pero kailangan kong gawin ito.
"I came to see you again dahil gusto kong kunin ulit ang number mo. Alam ko kasing nag-iba ka na ng sim dahil hindi ko na macontact ang nakasave sa phone ko." Bumuntong hininga muna ito at ginulo ang magulo ng buhok. "Pwede'ng makapasok sa campus niyo dahil sa league na dinaraos kaya nakakapasok ako."
"Wala kang makukuha na number ko, Jatch. Leave me alone, please…" Hindi na ito nakasagot ng may sumingit na malanding boses galing sa likod niya.
"Cahlen, sweetie? Are you here for me?" Nakita kong may pumulupot na braso sa bewang nito kaya napa-iwas ulit ako ng tingin.
I should only be the one doing that to him. Napangiti na naman ako ng mapait. How can I do that, if he's not mine? And he let her call him by his second name? I thought it was only me who you allowed to call you that? Ah, things have change, I guess?
"Let go, Beatrice," seryoso nitong ani at nakikita ko sa gilid ng mata ko na sinusubukan nitong kumawala sa pagkakayakap ng Beatrice. "I'm not here for you." Mas lalo pang hinigpitan ni Beatrice ang pagkakayakap nito mula sa likod kaya nalukot ang gwapong mukha ni Jatch.
"I missed you so much, sweetie. I missed your touched…" Napangiwi ako sa malandi nitong tono at tatalikod na sana nang hawakan ni Jatch ang isang kamay ko.
"Let me go, Jatch," seryoso na rin ang boses ko pero hinigpitan lang nito ang pagkakakapit sa kamay ko. "I said let go!" Napahinto ako nang makita ang masamang tingin ni Beatrice sa akin dahil nakakubli na ang ulo nito sa gilid ni Jatch.
"So you're the girl? Ikaw pala ang babaeng kinababaliwan ni Cahlen na walang ginawa kundi iwan ito?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're so cheap. I wonder why he likes you. Magaling ka siguro sa kama?" ngumisi ito kaya galit ko itong tinignan.
"I'm not like you! You w***e!" I angrily growled at her. "Ikaw ang mas cheap kasi naghahabol ka sa taong ayaw naman sa'yo! So tell me now, who's the cheap one?" napangisi ako nang makita ang namumula nitong mukha sa galit dahil sa sinabi ko.
"You!" Akmang susugod ito sa akin ng may malaking katawan ang humarang sa harapan ko para protektahan ako sa pagsugod ng bruha. "Get out of the way Cahlen! Tuturuan ko 'yan ng leksiyon dahil sa tabas ng dila niya!" galit na galit niyang ani at puno ng panggigigil ang boses niya habang sinusubukan pa ring lumapit sa akin.
"Try to touch her and you'll be in a serious and big trouble," nanginig ako sa sobrang lamig ng boses ni Jatch nang magsalita ito. "And don't you dare call me by my second name. I didn't permit you."
"I thought you like me?" Naging maamo ang boses nitong rinig ko.
"I won't like a w***e like you, Beatrice. And Vale will be the only one who can make my heart beats faster." Tumagilid ang ulo nito para makita ako at tipid na ngumiti.
Gulat naman akong napatingala sa kanya dahil sa taas nito at napaawang ang labi sa narinig.
"That b*tch! You don't deserve her!" galit na namang sigaw ng bruha kaya napakurap-kurap ako at iniwas ang mga mata kay Jatch.
"Then who deserve me? You? No thanks," puno ng pang-uuyam niyang ani at narinig ko ang mga yabag na papalayo sa amin at ang marahas na pagbukas-sara ng pinto ng classroom namin.
Humarap naman si Jatch sa akin at may tipid pa rin na ngiti. "You okay, boo?" May paglalambing nitong tanong. He tucked some strands of my hair behind my ear na tumatabing sa mukha ko. Iniwas ko ulit ang mukha ko dahil nahihiya ako at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Humakbang paatras sa kanya na ikinabuntong hininga niya ng malalim.
"I'm fine. You can go." Pagtataboy ko sa kanya.
"Okay. I'll get going. But I won't let you go this time, Vale." Huli niyang ani bago ako – kami iniwan na natuod sa aming mga kinatatayuan.
What was that?
C.B. | courageousbeast