Chapter 9

1755 Words
            NAGMAMADALI AKONG TUMATAKBO papuntang gym ng school namin dahil malapit ng magsimula ang pagw-warm-up namin. Elimination round ngayon kaya kailangan naming mapanalo ang laro para maging waiting for championship kami. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ang hindi ko inaasahang makita sa araw ng laro namin. I feel something tore inside me seeing him with her. Ang saya nilang tignan na parang hindi siya nahumaling sa akin noon. Kung nahumaling nga ba talaga siya? I guess I felt something towards him in those past months that we were together. Pero hanggang doon na lang iyon. Siguro nga ay may naging puwang din ito sa puso ko kahit papaano. But my love for Jatch is greater than anyone else. Napangiti ako ng mapait ng makitang magkahawak kamay silang naglakad pagkatapos nilang magyakapan at halikan niya ang noo nito. Noon, ako ‘yong nasa posisyon na ‘yan, ngayon iba na. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagtakbo papasok ng gym. Hinihingal akong napahinto kung nasaan sila nags-stretching. Nagtataka naman nila akong tinitingnan kaya ngumiti ako sa kanila ng tipid. Nilagay ko na ang dala kong bag sa malapit na bench at agad nang nagstretching. Nakamalaking varsity jacket ako kaya parang wala akong suot na maikling sports shorts dahil hanggang tuhod ko ang haba nito. Nakasuot din ako ng blue Nike sports shoes. “Val, tara na! Magj-jogging na tayo!” gulat akong napatingin kay Hailey. Napabuntong hininga ulit ako dahil kung saan-saan na naman napupunta ang isip ko. Sumunod naman ako sa kanila at sa likod ako pumuwesto nang magsimula na kaming magjog ng pabalik-balik na dalawang linya lang. Hinihingal akong napahinto sa pagjog at nagtaka naman ang mga kasama ko. Tipid lang akong ngumiti sa kanila dahil sa mga tinging ipinupukol nila sa akin. I’ve been like this in the past few days in everything that I do. Ang dali kong mapagod at sumasakit ang buo kong katawan kahit na wala naman akong masyadong ginagawa. Siguro dahil stress lang ako sa school. Inilibot ko ang tingin ko sa buong gym. Ngumiti at kumaway ako ng makita ko ang parents kong nakaupo sa unahang mga upuan. Kumaway lang pabalik si mommy at dad mouthed good luck to me. I am so lucky to have them dahil sa kada may laro ako ay nilalaanan talaga nila ito ng oras kahit na medyo busy sila sa negosyo. And I guess dahil nag-iisa lang naman akong anak nila kaya siguro gano’n. Napako naman ang tingin ko sa lalaking noong isang linggo ko pa nakita. Nakaupo ito malapit kina mommy at nang tumama ang aming paningin ay ngumiti ito and he mouthed good luck to me too. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at humarap sa mga kasama kong umiinom ng tubig sa mga water bottle nila. We prayed first before going to the court to start the game between our schools, St. Robert’s Academy and St. Joseph School. Nauna munang pumasok ang first six namin, kasama na roon si Hailey dahil siya ang setter ng team. After macheck ng second referee and mga position ay nagthumbs up ito kaya agad na akong pumasok sa loob ng court dahil nga sa libero ako. Lumapit sila sa akin at nakipag-apir samantalang si Hailey naman ay bumulong sa akin. “Please, Val, focus,” may pag-aalala at pagmamakakaawa niyang bulong sa akin. She really knows if I am okay or not. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid at nagsabing susubukan ko. The game started at pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras. Hindi ko alam kung bakit napapahinto at napapatulala ako sa loob ng court. Isang malalim na bumuntong hininga ang ginawa ko at nagjog palabas ng court ng magrotate na at sa ibaba na ng net ang position ko. “Vale! Bakit wala ka sa focus? Nalalamangan na tayo ng kalaban, o!” Sinuklay nito ang buhok niya dahil sa frustration na nararamdaman nito. “We can’t lose this game and you know that!” Tinignan niya ako ng may pagmamakaawa. Napayuko naman ako dahil sa hiya. “I’m sorry, coach. Babawi ako sa second set,” may munting ngiti kong ani sa kanya at napabuntong hininga na naman ito ng malalim. “Make sure of it, Vale. Wala tayong depensa ngayon at ang ganda ng opensa ng kalaban,” naupo ako sa bench at uminom ng tubig sa water bottle ko. Napunta naman ulit ang tingin ko kila mommy at nakita kong nag-aalala ito. It’s the first time na nakita nilang wala ako sa sarili habang naglalaro kaya malamang mag-aalala talaga sila. Ngumiti lang ako sa kanya to give her an assurance that I am really fine. Dahil na rin siguro sa nakita ko kanina ay nawawala rin ako sa sarili ko. Gemmel is now happy with the new player of St. Joseph School. At masaya na rin ako para sa kanya kahit na nakaramdam ako ng sakit. Natapos ang first set na talo kami. 25-20. Hindi naman malayo pero dapat bumawi kami. Lalo na ako dahil sa ako ang kailangan ng team sa defense. Oras na rin siguro para ipaalam ko sa kanila mamaya na hindi na ako makakalaro pa sa mga susunod na laro. I can’t risk my health now. I love this sport pero kailangan kong piliin ang sarili ko kahit ngayon lang. Kahit na sa ilang sandali na lang. “Guys, sorry kung wala ako sa pokus kanina. Promise, babawi ako at ipapanalo natin ‘to. Fighting!” Masigla kong ani at cheer sa kanila at sabay-sabay din silang sumigaw ng fighting. Masigla ang lahat habang papasok ng court kaya napangiti ako ng palihim. This is what I want to see in my last game with them. I want to enjoy this last game of mine with them. I will treasure these memories of me with them. And I will do my best to win this game para kahit papaano ay hindi na sila mahirap sa championship. Nagsimula ang second set kaya naging tensyonado na ang loob ng court. Sila ang unang mags-serve ng bola kaya pumwesto na ako. I bended my knees, stretch my hand forward and focus my eyes at the ball. Nang pumito ang referee ay ginalaw-galaw ko ang paa ko para mas mabilis ang paggalaw ko kung sakaling malapit lang ang bola sa akin. The new recruit throws the ball in the air and then s*****d it in time with force. Nang lumampas na ang bolang sinerve niya sa net ay naging agresibo naman ako. Agad kong inihakbang ang kaliwa kong paa para maabot ang bola malapit sa akin. I perfectly receive it at pinasa kay Hailey na nakapuwesto na sa ilalim ng net para magset. Mabilis ang naging galaw niya at ng mga kasama ko na mga spikers. Nahuli ang pagblock ng kalaban kaya napunta sa amin ang puntos. Nakipag-apir ako sa lahat at gano’n din sila. Mags-serve na si Ailen sa service line kaya naghanda ulit kami. Nasa kabila na ang bola at nasa setter na nila. Sinet nito sa bago nilang recruit na agad namang nag-approach mula sa likod para paluin ang bola. Tumakbo ako malapit sa likod ng blocker at tama nga ang tantsa kong id-drop niya ang bola sa likod nito dahil hindi niya ako nakita rito. Kung mautak ka sa opensa, mas mautak ako sa depensa kesa sa’yo. Napangisi ako at pinasa na kay Hailey ang bolang nareceive na agad niya ring sinet sa team captain namin na pinalo ito at nakakuha ulit kami ng puntos. Naging maganda ang kinalabasan ng second set dahil na rin sa masigla ang lahat ng mga kasama ko. Naging gano’n din ang naging third set kaya kami ang nanalo. We are not the defending champion for nothing. Masaya nila akong niyakap isa-isa at sinuklian ko naman ito. Masaya kaming nag-uusap habang nag-aayos ng maisipan kong ngayon na sabihin sa kanila na titigil na ako sa paglalaro. Bumuntong hininga muna ako bago kinuha ang atensyon nila. Mahirap at masakit man iwan ito ay kailangan. “Guys, I have something to tell you,” napatigil sila sa kanilang mga ginagawa at tinuon ang kanilang atensyon sa akin. “Thank you for being my teammates and sisters in the court.” Panimula ko at narinig ko ang pag-aw nila. “For all those years na nagkasama tayo, hindi ko malilimutan ‘yon. Hanggang sa mga sandaling ito,” tinignan ko sila isa-isa at ngumiti ng tipid sa kanila. “Para ka naming nagpapaalam, Val,” natatawang ani Catarina pero agad ding napa-iwas at naging seryoso dahil sa hindi ako tumawa sa sinabi niya. “Y-you’re really leaving us. Don’t you?” nakita ko ang namumuuong luha sa mga mata nito kahit na hindi ito nakatingin sa akin. “I’ve been blessed to have you as my teammates, guys. And you are one of the best gifts God gave me.” Naging blurr na ang paningin ko dahil sa luhang namumuo na rin. Narinig ko naman ang mahinang mga hikbi ng iba naming kasama. “Four consecutive years. Four years of being your libero have been a wonderful thing for me. Thanking you for trusting me and loving me. I will really miss playing with you inside the court.” Tumulo na ang mga luhang kanina pang gustong kumawala. “Bakit ka aalis, Vale? May sakit ka ba o may problema ka? Malaki kang kawalan sa team lalo na at magc-championship pa tayo…” Lumapit naman sa akin si Salka at niyakap ako. “I will miss playing with you, sissy,” bulong nito sa tainga ko at niyakap ako ng mahigpit. Nang kumalas ito ay agad akong nagsalita. “Ayoko mang umalis at tumigil sa paglalaro ay kailangan. And I can’t tell you why guys. I’m sorry…” Pinahid ko ang magkabila kong pisngi at ngumiti sa kanila pero patuloy lang sila sa pag-iyak. Si Hailey naman ay nasa isang tabi lang at walang imik na nakayuko. “Let’s celebrate! For our victory today at sa pamamaalam ko na rin sa inyo and it’s my treat!” Pinasigla ko ang boses ko para kahit papaano naman ay mabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil sa pag-iyak nila. Nakita ko na ang mga ngiti sa mga labi nila kaya napangiti na rin ako. Sana makikita ko pa ‘yan sa huling pagkakataon…   C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD