AFTER NAMING MAGKAPAG-AYOS ay nagkanya-kanya kaming punta sa isang resto namin na malapit lang sa school. We ate our lunch at nagku-kwentuhan hanggang sa maggabi na at pinasirado ko muna kina mommy ang resto para magparty kami. Para ko na ring dispidida ito dahil hindi na ako makakasama sa mga susunod na laro. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang masayang nagsasayawan at nagtatawanan.
“I will really miss our libero inside and outside the court,” napatingin ako sa taong nagsalita sa gilid ko. Puno ng lungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa harap namin.
Mahina akong natawa kaya tumingin ito sa akin. “I will always be your libero, Salka. Outside the court nga lang.” Ngumiti ako sa kanya pero hindi niya ito sinuklian.
“Iba pa rin kapag kompleto tayo, Vale. Mas maganda pa rin kapag nasa loob tayo ng court magkasama. Iba ang nagagawa mo sa buong team when you’re inside the court. Parang sa’yo nakasasalay ang magiging laro natin,” bumuntong hininga ito at tumingin ulit sa harapan namin. “Mahirap maghanap ng katulad mong maalam sa magiging at galaw ng kalaban. Mahihirapan din kaming mag-adjust sa susunod na laro at sa mga susunod na mga taon dahil wala ka na sa team.”
“Thank you for trusting me, really. But I know you will do good inside the court without me,” tumingin na rin ulit ako sa mga kasamahan naming masaya sa pagsasayaw at pag-inom ng beer. “Gustuhin ko mang magstay pero bawal talaga. Even my parents didn’t know about this. But don’t worry, I will always be there watching you when you play in your every game.” Sumimsim ako sa hawak kong baso ng juice. Bawal na ako ngayon sa alcoholic drinks kaya juice na lang ang iniinom ko.
Napangiti ako nang lumapit si Hailey sa amin at hinala ang kamay ko papuntang dancefloor para magsayaw kasama nila. Nakisayaw na rin ako sa kanila at nagsaya. Kami lang naman ng mga teammates ko ang nandito ngayon kasi after dinner ay umuwi na si coach dahil magr-referee pa ito bukas ng umaga kaya walang nagbabawal sa amin kahit na minor pa ang iba naming kasama.
I swayed my hips sexily and bite my lips like a seductress. Hinagod ko ang kamay ko sa katawan ko pataas sa mukha ko. Gano’n lang ang ginawa ko hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil nila sa pagsasayaw. Nagtataka man ay nagpatuloy lang ako hanggang sa nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko. Narinig ko pagsinghap nila at may biglang humapit ng bewang ko mula sa likod.
Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko dahil sa paghapit nito sa bewang ko padikit sa malapad nitong dibdib. Napamulat ako ng mga mata at napaawang ang labi ng marealize kung sino ang humapit sa bewang ko. The way he holds me in place and the wartm of his hands felt so familiar in my system Napatigil din ako sa pagsasayaw dahil sa kanya. He locked me in between his body and arms tighter.
That body built, the scent and his presence. It’s all familiar. Agad akong humarap sa kanya para kompermahin kung totoo nga ang hinala ko. Pinaharap niya rin naman ako sa kanya kaya hindi na ako nahirapan pa pero agad na nanlaki ang mga mata ko dahil hindi nga ako nagkamali at nagulat kung bakit siya narito. Nanlalaking mga mata akong nakaharap sa kanya at hindi makapaniwala. What is he doing here? Why is he here?
I saw him smile at me lovingly at mas lalong pinaglapit ang aming katawan. All these years, ngayon na lang ulit siya nagpakita sa akin. Bakit? Bakit ka pa bumalik? Kung kalian ‘di na kita kailangan? At kung kailan na hindi na kita hinanap?
I tried to push him away pero malakas ito kaya hindi ako nakalayo sa kanya kahit kaonti. He caressed my cheeks while looking intently at my eyes kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Napatigil na rin ang tugtugan at alam kong sa amin na nakatuon ang mga tingin ng lahat.
“Let go,” matigas kong wika habang hindi pa rin nakatingin sa kanya. Nasa gitna pa rin ng dibdib niya ang kamay ko para hindi tuluyang magdikit ang katawan namin.
“Didn’t you miss me, Cara mia?” Puno ng paglalambing niyang tanong sa akin.
“I said let go!” I growled at him. Tumingin ako sa kanya na puno ng galit ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagluwag ng hawak niya dahil sa gulat sa inasal ko kaya kinuha ko itong pagkakataon para makawala sa pagkakahawak niya.
Hindi niya siguro inaasahan ang pag-iba ko? Well, people change over time. Especially when they’re in too much pain. Agad akong lumayo sa kanya dahil ayoko ng mapalapit pa sa kanya. He tried to reach me again pero iniiwas ko ang sarili ko.
“What are you doing here? Why are you here?” Galit at sunod sunod kong mga tanong sa kanya. Tinignan ko si Hailey at tinanguan ito. Agad naman itong kumilos at narinig ko ang pagbalik ng tugtog at ang pagkawala ng mga atensiyon nila sa amin.
Naglakad ako papalayo sa kanila at alam ko namang nakasunod siya sa akin. Nang makalayo-layo ay humarap ako sa kanya na may galit na tingin. “What do you want?” malamig kong tanong ulit sa kanya.
“You,” seryoso ang mukha at boses nitong sagot. “I want you back that’s why I’m here, cara mia.” Naging malambot ang ekspresyon ng mukha niya pero hindi ako nagpatinag. Hindi na niya ako madadala sa mga ganyan niya.
Kung noon, isang malambing at nanlalambot na mukha niya ay bumibigay na ako, ngayon iba na. Hindi na ako ang Vale na minahal siya noon ng sobra-sobra. Hindi na ako ang Vale na kaya niyang paikutin sa mga kamay niya. At hindi na ako ang Vale na nagpapakatanga sa kanya.
“I need you, love, really…” Sinubukan niya ulit akong lapitan at hawakan pero umiilag at lumalayo ako sa hawak niya.
“Leave me alone, please. My life’s been better without you,” may pagmamakaawa kong saad sa kanya. “It’s been 7 years since you left me hanging. And now you’re back saying you need me?” Mapakla akong tumawa. “Where were you when I needed you the most? Where were you when I am at my worst? Where were you, huh?” Ramdam ko naman ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko.
Ilang minuto itong hindi umimik o kaya ay sumagot sa tanong ko. “Answer me! Where were you?!” Isa-isa nang dumaloy ang mga luhang pinigilan kong tumulo. “Nawala ka ng parang bula at tapos babalik ka sa buhay kong parang wala lang? You selfish jerk!” Galit kong asik sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya at dinuro-duro ang dibdib nito. “You are so selfish. So selfish that you didn’t think that I will be hurt when you leave me hanging and alone!” Habol ang hininga kong galit na sigaw sa pagmumukha niya.
Lahat ata ng galit ko sa kanya noon ay biglang bumalik ng makita ko ang mukha niya. And why is he here, by the way? I told the security guard to not let anyone enter without my permission!
“I know I’ve been a selfish jerk for you but I just did those things to protect you, Vale,” mahinahon ang pagkakasabi nito kaya natawa ako ng mahina kahit na patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha sa pisngi ko. “I love you so much that I’ll sacrifice myself to protect you.”
“Protect me? Really?” Napa-tss ako at bumuntong hininga ng ilang ulit hanggang sa mapakalma ang sarili ko. “I can protect myself and you love me? Then why did you leave me hanging? If you truly love me, you’ll tell me everything. Hindi ‘yong napapatanong ako sa sarili ko kung may nagawa ba akong hindi maganda o talaga bang kaiwan-iwan ako?” Nakita ko ang panlalambot ng mukha nito at ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.
“I’m sorry, Val. I am really, really sorry for leaving you without a word,” hinawakan nito ang kamay kong nakaduro sa dibdib niya kaya agad ko itong binawi at humakbang paatras, palayo sa kanya. “I am here now, I will not leave you again this time. Please, come back to me, cara mia…”
“Your sorry has no use now. You hurt me, bigtime. And you leave a big scar here,” itinuro ko ang kanan kong dibdib kung nasaan ang puso ko. “At hindi ko alam kung mapapatawad pa kita dahil sa ginawa mo sa akin noon.”
“Vale, please…” Puno ng pagmamakaawa ang boses nito. Hindi ko magawang maawa sa kanya dahil nananaig pa rin ang sakit at galit sa puso ko. Ginawa niya akong tanga sa paghihintay sa pagbabalik niya. At ngayong hindi na ako umaasa pang bumalik siya sa buhay ko ay nandito siya at sinasabing bumalik ako sa kanya na parang wala itong ginawa noon? “I need you. I can’t live without you, love. Please…”
“Yes you can. You already live without me for 7 years. Leave now or I’ll call the security to drag you out of here,” naglakad ako palapit sa kanya at nilagpasan ito pero hindi pa ako nakakalayo ay napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
“Am I too late, Vale?” Nanghihina niyang tanong sa akin. Hindi ako lumingon bago sinagot ang tanong niya.
“Too late to forgive you now, Rayne,” nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinayaan na ito kung saan ko siya iniwan.
C.B. | courageousbeast