Chapter 11

1833 Words
            ILANG ARAW NA RIN ANG LUMIPAS mula noong nagpakita si Rayne sa akin at gustong makipagbalikan at humingi ng tawad.  Pero hindi ko pa kaya dahil sa ginawa nito noon. I’ve been left hanging without a word kaya sino ang hindi magagalit sa gano’n? I loved him more than my life but he takes it for granted. And that’s one of my mistakes in life. And now, he stands in front of me saying he wants me back? Si Jatch nga na mahal ko pa ‘di ko na binigyan pa ng second chance. Siya pa kayang malaki ang galit ko sa kanya? Napakurap-kurap ako at napatingin sa taong nasa tabi ko at napahawak sa brasong masakit dahil sa paghampas nito. Tinignan ko ito ng masama pero nakakunot lang ang noo nito. “Problema mo?” naiinis kong tanong sa kanya. “Earth to Vale! Kanina pa ako nagsasalita rito pero ang lalim ng iniisip mo,” naiinis din niyang ani sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi nito. “Nagiging tulala ka na simula noong nagpakita at nagkausap kayo ni Rayne. Ayaw mo rin namang i-kwento sa akin kung ano ang nangyari no’ng gabing ‘yon.” Bumuntong hininga ito at kumain na kanyang lunch. Nasa isang fastfood chain kami ngayon at kumakain ng lunch dahil magsho-shoping kami maya-maya. It’s Saturday kaya walang pasok at wala pang laro. Baka bukas pa ang first game nila. “You’ve been spacing out the whole week, Val! Hindi namin alam kung ano ‘yang nasa isip mo. Nag-aalala na tuloy sina tita Ivette sa’yo.” Narinig ko ang pagbuntong hininga nito kaya napayuko ako sa hiya. “I’m sorry, okay? Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong maisip ‘yong nangyari noong nalaman niya ang tungkol sa nakaraan ko at agad akong iniwan,” tumingin ako sa kanya at tipid na napangiti. “Those days were like a nightmare that I forgot these past few years but when he came back, it also came back and it’s hunting me again. Every night.” “Oh my God, Vale! I didn’t know that. I’m so sorry, beshy.” Napatakip ito sa bibig niya at tinignan ako ng may lungkot sa kanyang mga mata. Ngumiti lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi naman na ito umimik pa at nagpatuloy na rin sa pagkain dahil alam niyang ayoko ng pag-usapan pa iyon. Papalabas na kami ngayon ng mall dahil kakatapos lang namin magshopping ng buong maghapon at sobrang nakakapagod iyon. Pero kapag kasama mo ang kaibigan mo ay hindi mo ramdam ang salitang pagod. But after no’n, doon mo lang mararamdaman kapag magkahiwalay na kayo. “Paparating na ba ang sundo mo, Val?” Tanong ni Hailey habang naglalakad kami papuntang waiting shed para hintayin ang mga sasakyan namin. Umiling ako sa kanya dahil hindi ako masusundo ni Mang Anding. Day off kasi nito ng dalawang araw kaya magco-commute ako ngayon. “Sabay ka na lang kaya sa’min ni dad?” Alok niya na agad kong ikina-iling ulit. “Salamat pero huwag na, out of route na ‘yong sa akin. Mahihirapan lang si tito,” I smiled at her for assurance. “At isa pa, gusto ko ring magcommute for experience na rin,” I winked at her na ikinatawa naming dalawa. All my life, hindi ako pinayagan nina mommy at daddy na magcommute mag-isa dahil delikado raw. Naka-alis lang naman ako kanina sa bahay dahil sinundo ako ni Hailey at napapayag naman sila sa rason na ihahatid din ako nila Hailey papauwi. They trust Hailey kaya mabilis namin silang napapayag at isa pa, minsan lang naman ako magshopping dahil ayokong lumabas ng bahay kapag hindi naman kailangan. “Sigurado ka? Alam mo ba ang mga sasakyan mo pauwi?” Hindi mawala ang pag-aalala sa boses nito kahit na kalmado naman ang mukha niya. “You know, pwede ka talaga naming madrop-off ni dad sa bahay niyo. Also, it’s for your safety, Vale.” “Kalma, hindi pa ako ulyanin para hindi ko malaman kung paano ako makaka-uwi,” natatawa kong ani sa kanya. “Magiging abala lang ako sa inyo ni tito. Alam ko namang minsan lang kayo magkasama kaya hindi na ako aabala pa sa inyong father-daughter bonding.” Niyakap niya ako ng mahigpit ng makita na namin ang kotse nilang papunta sa direksiyon kung nasaan kami. Tumigil ito sa harap namin at bumaba ang wind shield sa passenger seat. I waved my hand at tito Hander and he just smiled at me. Humakbang na si Hailey papunta sa backseat para ilagay ang mga pinamili niya at sinarado na ito bago humarap ulit sa akin. “You sure you can manage? Hindi ka naman makakaabala sa amin ni dad,” natawa na talaga ako sa kanya. Paulit ulit na siyang nagtatanong na parang isa akong batang paslit na hindi marunong umuwi mag-isa. “I told you Hailey, okay lang. Ayoko talagang maabala kayo ni tito. And besides, I want to add something in my life book habang kaya ko pa.” May sakit at lungkot akong nakita sa mga mata nito na agad namang nawala. Bumuntong hininga ito bago buksan ang passenger seat at umupo na. “See you tomorrow, then? ‘Wag kang male-late, okay? The team needs you, Val,” ngumiti lang ako sa kanya at kumaway. Isinarado na nito ang bintana ng kotse at agad namang umusad ang kanilang kotse. Nang mawala na sa paningin ko ang kotse nila ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at ngumiti ng mapait. Tumingala ako para makita ang nag-aagaw na liwanag at dilim. It’s already 5:30 PM and I don’t know where to get a taxi to go home. Napaayos ako ng tayo at tinignan ang taong sinusubukang kunin ang mga dala kong paper bags habang malakas na kumakabog ang didbdib ko dahil sa kaba. Pero agad din namang napalitan ng galit ng makita kung sino ang taong ito. Galit kong winaksi ang kamay niyang nakahawak sa mga paper bags na dala ko at humakbang paatras sa kanya. “What are you doing?” galit kong angil sa kanya at tinignan siya ng masama. “Leave me alone. Hindi na kita kailangan.” “Ihahatid na kita, Vale. Mahihirapan ka nang makasakay ngayon dahil rush hour na,” mahinahon lang ito habang nagsasalita. “No need. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal ang hintayin ko.” “Vale, please. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako.” “Ang tigas din ng ulo mo, ano? Ano ang hindi mo naiintindihan sa sinabi ko?” galit pa rin akong nakatingin sa kanya. “Gusto ko lang bumawi sa nagawa ko noon sa’yo.” May pagmamakaawa na sa boses niya. “Kung gusto mong bumawi, ‘wag ka ng magpakita pa sa akin kahit kailan. Siguro kapag gano’n, mawawala na ‘yong galit na nararamdaman ko sa’yo.” “I-I can’t do that, Val. Hindi ko na kayang malayo pa sa’yo.” Hahakbang na sana ulit ito palapit sa akin ng may isang pamilyar na bulto ang tumayo sa harap ko. Nanuot ang pabango nito sa ilong ko kaya nakahinga ako ng maluwag dahil nandito siya kahit na kaya ko naman ang sarili ko. Nanginig ako at napataas ang mga balahibo sa batok ko ng marinig ang malamig nitong tinig. Hindi pa rin ako sanay marinig na gano’n ang tono ng boses niya. Kapag ako kasi ang kausap niya ay mahinahon, seryoso, mapagbiro o malambing ang gamit nitong tono kaya hindi ako sanay na isang malamig at nakakatakot na boses ang ginagamit niya ngayon. “She said to leave her alone. So leave her alone…” May diin at malamig ang boses nitong ani. “And who are you? Huwag ka ngang mangialam dito,” naiinis ang boses na sagot ni Rayne sa kaharap. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jatch bago ito nagsalita. “Who am I? I am her boyfriend so back off, dude,” nagulat ako sa huli nitong sinabi at aalma na sana ng sa isang iglap ay nawala na ang bulto sa harap ko at nasa sahig na habang dumudugo ang gilid ng labi. Natuod lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat at napahakbang lang at hinarang ang katawan ko kay Jatch na nasa sahig pa rin ng akmang susugurin na naman ulit ito ni Rayne. “Stop it, Rayne! You don’t know anything about me anymore! So don’t act as if you are!” galit kong sigaw sa kanya habang nakaharang pa rin ang katawan kay Jatch. “Leave us alone!” “Umalis ka riyan, Vale. ‘Wag kang makialam dito,” ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa malamig din ng boses nitong wika sa harap ko. Napa-iwas ako sa kanya ng tingin habang may takot na mukha dahil mukha atang ako ang hindi na siya kilala. “And I know everything about you, Cara mia,” napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Is he stalking me? “Yes I am. I hire someone to spy everything about you but I guess, he also fall for you, huh?” Napatingin na ako sa kanya dahil sa sinabi niya at nakita kong nakangisi itong nakatingin sa taong nasa likod ko. “W-what do you mean?” nanghihina kong tanong sa kanya. “Who did you hire to spy on me?” mahina na ang boses kong tanong sa kanya. “I just told him to watch you from afar and guess what, love? He also fall for you and betrayed me as his best friend.” Unti-unti ako lumingon kay Jatch at nakita itong namumutla na mas lalong paglakas ng kabog ng puso ko. “And now, he proclaimed his self as your boyfriend?” Mapakla at nang-uuyam itong tumawa. Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko at nagiging blurr na rin ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. What is this? What did I just hear? Nakita ko ang nagmamakaawa niyang tingin sa akin at sinubukan akong hawakan pero iniwas ko ang sarili ko sa kanya — sa kanilang dalawa. Sumasakit ang ulo ko dahil sa nalaman at dahil na rin sa stress na nararamdaman ko. “Vale, let me explain baby…” Hahakbang sana ito ng itinaas ko ang kamay kong walang hawak na paper bag para pigilan ito sa paglapit. Umiling ako sa kanya at nang may makitang nakaparadang taxi sa gilid at bumaba ang sakay nito ay patakbo akong pumunta roon at agad na sumakay. Walang lingon-lingon ako habang sakay ng taxi at mahinang humihikbi. Ano ba talaga ang ginagawa niyo sa akin? C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD