bc

I BECOME THE MAYOR'S SLAVE

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
dominant
badboy
single mother
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dati, pangarap lang ni Lana ang rumampa sa Hollywood at libutin ang mundo. Ngunit gumuho ang lahat ng iyon dahil sa lupit ng tadhana at ng sarili niyang mga magulang. Ngayon, wala na siyang pakialam sa ningning ng spotlight; ang tanging mahalaga na lang sa kanya ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Sa gitna ng labis na kahirapan at desperasyon, napilitan siyang pasukin ang isang madilim na mundo—ang maging pagmamay-ari ng isang makapangyarihang lalaki.

Para kay Cyrus, hindi ito tsamba. Ito ang perpektong pagkakataon para iparanas kay Lana ang impiyernong dinanas ng pamilya niya noon. Si Lana ang mukha ng kanyang nakaraan, at sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang bawat patak ng luha.

Hanggang kailan magtitiis si Lana sa larong siya ang taya? At ano ang mangyayari kapag natuklasan niyang ang kanyang kaligtasan ay isa palang patibong na matagal nang inihanda para sa kanya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Nakaparada ang isang taxi sa harap ng isang magarang mansiyon kasabay ng pagbaba ng isang payat na babae. Sumungaw ang ulo ng driver mula sa bintana habang itinuturo ang dambuhalang estruktura. “Iyan na mismo ang hinahanap mo,” ani ng driver. “Kuya, sigurado ba kayo na dito 'yung mismong address?” tanong ni Lana. Tumango ang driver. “Hindi nga ako nagkakamali, iyan nga ang nakalagay sa address mo. May naihatid na din ako dito kagaya mo.” Napakamot pa ito sa ulo na parang nakukulitan na. Bago pa makapagsalita ang babae, kinawayan na siya ng driver tsaka mabilis na pinaharurot ang taxi palayo. “Ano daw—kagaya ko?” bulong niya sa sarili. Napatingin siya ulit sa harap at napatulala. Mas matayog pa ang kulay pilak nitong mga gate kumpara sa luma nilang mansiyon dati noong marangya pa ang kanilang buhay. Naglakad siya palapit sa front gate nang mapansin siya ng isang bodyguard na may dalang armas at nakasuot ng earpiece. “Ms., sino po kayo?” tanong ng guard habang nakapamewang. “A-ah, sir, bagong katulong po,” sagot niya na may kaunting kaba. Tinitigan siya ng armadong lalaki. Kapagkuwan, may kinausap ito gamit ang earpiece. “Pangalan?” Tanong ng lalaki. “Lana Simpson.” Ipinakita niya ang isang card na may nakasulat na address. Matapos basahin ng guard ang card, agad itong sumenyas sa itaas kung nasaan ang guard post. Bumukas ang malaking gate kaya mabilis siyang pumasok sa loob. Habang naglakad sa pathway, hindi mapigilan ni Lana ang mapatingin sa paligid. Pakiramdam niya ay nasa Europa siya dahil sa porma at disenyo ng landscape. May nakatayo pang cherry blossom trees sa kalayuan na katabi ng isang malaking fountain. Umihip ang malamig at malakas na hangin, dahilan para maglagas ang mga dahon. May mga nakakalat ding hardinero sa paligid, ngunit dahil sa mamahaling suot ng mga ito, para siyang nasa isang sikat na farm sa Baguio. “Big time talaga ang may-ari ng mansiyon na 'to,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga nakaukit na modern brick sa pavement. “Ehem.” Nagulat si Lana nang mapansing kanina pa pala siya tinititigan ng isang babaeng sa hula niya ay nasa mid-40s na. Nakatayo ito sa tapat ng main door. “Good view, 'di ba?” Nakataas ang kilay nito habang nakangisi. Napahiya si Lana sa inasal nito. “A-ah, Lana Simpso—” “Alam ko, at ako ang mayordoma dito,” tunog-sarkastikong saad nito bago pumalakpak nang dalawang beses. May sumulpot na dalawang dalaga na base sa suot ay mga katulong din. “Nasaan ang mga ibang gamit mo?” tanong ng mayordoma. “Hindi ko po dala, eh,” kibit-balikat na sagot ni Lana. Siniguro muna kasi niya kung totoo ang address o scam lang. Agad nanlaki ang mga mata ng malditang mayordoma. Nilapitan naman ito ng dalawang katulong at pinaypayan. Napapikit pa ito at napabuntong-hininga matapos tingnan si Lana mula ulo hanggang paa. “Hindi ka ba na-infor—” “OA nito, ah,” bulong ni Lana. “May sinabi ka?” matalim ang tinging tanong ng matanda. Umiling si Lana at ngumiti na lang, kahit na nakakainis na ang trato nito sa kanya. “Pa-VIP ka pa talaga. Anyway, bukas na bukas, dalhin mo na dito ang lahat ng gamit mo. Eto naman, magtatrabaho na nga lang, hindi pa alam ang lahat ng gagawin sa first day,” sarkastikong sabi nito. “P-po? Start na po ako ngayon? As in, tanggap na ako?” Tumawa ang dalawang katulong sa gilid na agad namang sinuway ng mayordoma. “Hindi kami tumatanggap ng walk-in applicant dito, kaya malamang dahil nandito ka na... hired ka na nga!” “Madam, kalma,” awat ng unang katulong. “Madam, bawal ma-haggard,” bulong pa ng isa na narinig din ni Lana. Napangiwi na lang si Lana sa kanyang kinatatayuan. 'Hindi naman talaga nawawala ang mga OA na tao kahit saan. Always present,' sa loob-loob niya. Nagbago ang ekspresyon ng mayordoma. Seryoso na itong tumingin sa kanya. “Pasok ka na.” Naunang pumasok ang tatlo sa loob, at sa pangalawang pagkakataon, napatigalgal si Lana sa kanyang nakita. Inspired ba ito sa Bridgerton? Modern ang hitsura pero may bakas pa rin ng makalumang disenyo. “Maupo ka diyan.” Itinuro ng malditang mayordoma ang isang lounge chair sa kanang bahagi ng sala. “Teka, nasaan pala 'yung may-ari nito?” tanong niya bago maupo. “You’ll see,” makahulugang sagot ng mayordoma bago siya iniwan ng tatlo nang walang alinlangan. “Hay, no choice. Lana, maghintay ka na lang.” Tinungo niya ang lounge chair at naupo habang nagmamasid sa paligid. Lumipas ang ilang minuto. Nilibang niya ang sarili sa pag-obserba ng mga painting sa dingding. Iniiwasan niyang hawakan ang mga muwebles dahil mahirap na kung makabasag siya. Walang portrait ng may-ari na nakasabit; puro abstract at sining lang ang naroon. Feeling niya tuloy ay nasa museum siya. Napabuntong-hininga siya. Noong marangya pa ang buhay nila, hindi niya man lang pinapansin ang dekorasyon ng mansiyon ng mga magulang niya. Puro lakwatsa kasi ang inaatupag niya noon bilang isang nepo baby. “Gusto mo ng kape o juice, Ms.?” nilapitan siya ng isang katulong. Mukhang mabait ang isang ito. “Ahh, hindi na, ate. Salamat.” Tinanguan lang siya nito at bumalik na sa ginagawa. Sure na mahihirapan siyang maglinis sa laki ng lugar na ito, pero dahil marami naman silang katulong, alam niyang kakayanin niya. Trabaho ito para sa kinabukasan ni Lero. “Wow, I’m so impressed that he can take the three of us.” Napalingon si Lana sa malaking hagdan sa unahan. Napailing naman ang ibang mga katulong na nagpupunas ng mga bintana. Tatlong babae ang pababa ng hagdan habang nakasuot ng manipis at silky robe. “Yeah, I know, right. Magkano sa 'yo?” tanong ng babaeng may red hair. “Secret, hehehe,” sagot naman ng may green hair. “But, hey, kahit hindi na niya tayo bayaran, ang yummy naman niya. Busog pa ako sa katas niya,” kagat-labing sabi ng babaeng nakasuot ng pink na wig. Lahat sila ay matatangkad, sexy, at mestisa na parang mga artista. Humagikhik sila habang dumadaan sa harap ni Lana. Inirapan pa siya ng babaeng red hair. Kumunot ang noo ni Lana. 'Ano ba sila? Bayarang babae? Tama ba 'tong napasukan kong address?' “Ms. Simpson?” Napatayo si Lana nang makitang kasunod na bumaba ng hagdan ang isang babaeng nakasuot ng white long sleeves, pencil-cut skirt, at salamin. Mukha itong mabait at propesyonal habang may dalang folder at ballpen. “Yes, Ms...?” Inayos ni Lana ang kanyang nakalugay na buhok. “Hmm, may I see your valid ID? Kahit ano na meron ka.” “Pati ba ibang credentials ko po?” tanong ni Lana. “Only your ID lang.” Sagot ng babae. “Of course, sandali lang.” Kinuha ni Lana ang card sa bag at iniabot sa babae. Sinuri ito ng maayos ng sekretarya habang may isinusulat sa dalang folder. “You’re good to go.” Ngumiti ito sa kanya. Wait, yun lang? Walang interview? gulat na isip ni Lana. Ganoon ba talaga ka-urgent ang hiring nila ng katulong? “May tanong lang ako, M—” Pinutol ng babae ang kanyang sasabihin sa pamamagitan ng pagsasara ng folder at pag-abot ng mga ID. “Keep your questions muna, Ms. Simpson. Nautusan po kasi akong dalhin ka na lang agad sa designated room mo,” mahinang sabi nito. Nanlumo si Lana sa sagot nito. Bakit tila ayaw nilang marami siyang malaman? “Just follow me, Ms. Simpson.” Pilit na ngumiti si Lana at sumunod na rito paakyat ng hagdan. 'Heto na, Lana. May bago ka na ulit na trabaho. Para 'to sa future ng anak mo,' bulong niya sa hangin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
770.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
995.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
369.0K
bc

Not just, the Beta

read
353.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook