LANA
"Shucks! Dito lang po, Kuya!" natatarantang sabi ko sa taxi driver habang pilit kong hinahabol ang paghinga ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro akong umalis ng bahay nina brods kanina. Mabuti nga hindi nagwawala ang aking anak dahil sa kakalaro ng kanyang mga laruan kaya naisipan ko nang umalis habang busy pa siya. Kung nagwala iyon, siguradong maiipit ako at mas lalong hindi makakaalis.
"Keep the change, Kuya. Salamat po!" Sabi ko habang inilalapag ang pera sa front seat. Hindi pa man nakapagsalita si Kuya driver dahil sa tuwa nang mabigyan ko ng limang daan ay nagawa ko nang mabilis na lumayo sa taxi at pumuslit palabas ng sasakyan.
Tinakbo ko ang papunta sa gate.
Sobrang bilis ng bawat hakbang ko at halos matapilok na ako sa bilis ng takbo ko. Lintek kasi, hindi ko na-set nang maayos ang relo ko kaya nagkamali ako sa oras! Dahil doon, ayun, naiwan ko pa phone ko sa kwarto sa sobrang pagmamadali dahil nga akala ko hindi na ako makakatakas.
Hinarang na agad ako ng mga gwardiya sa mismong tapat ng pinto ng gate dahil halatang nagulat din sila sa biglaang pagsulpot ko mula sa kalsada.
"Ms. Lana, saan po kayo galing? Kanina ka pa pinapahanap ni Mayor." Tatlo silang lumapit sa akin matapos akong pagbuksan ng malaking gate.
Kitang-kita ko kung paano sila nagpalitan ng tingin sa isa't isa. Nagsesenyasan pa sila na animo'y paraan ng communication nila gaya ng nasa military. Mabilis ang galaw ng mga kamay nila at parang may sarili silang lengguwahe na sila-sila lang ang nakakaalam.
"Diba nakaalis na sina Aguilar?" bulong ng isa.
"Nautusan nga silang maghanap ng babae ni Mayor..." sagot naman ng isa pa.
Ang lakas naman ng pabulong nila!
Ako ba 'yung tinutukoy nila? Ayy, malamang! Sino pa ba 'yung parausan at taga-sunod ng amo nilang demonisado kundi ako lang naman sa ngayon!
Bago pa ako makapagsalita o makapagtanong sa kanila, may golf cart na huminto sa harap ko. Mabilis ang paghinto nito at doon na ako pinilit na pinasakay ng mga tauhan ng Mayor. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay habang hawak-hawak ko nang mahigpit ang shoulder bag ko.
Alam ko na 'yung magiging reaksyon niya. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga pwedeng mangyari sa akin kapag nakaharap ko na siya.
Malamang saktan ka nun, Lana. Nilabag mo ang isa sa pinaka-main rule niya. Eto agad ang pumapasok sa utak ko habang nanginginig ang mga kamay ko sa kaba.
Pero agad ko rin namang pinalakas ang loob ko. Ni hindi pa naman niya ako napagbuhatan ng kamay kahit kailan.
At iyan na nga ang sinasabi ko. Pagkahinto na pagkahinto ng golf cart, nakita ko na agad na nakaabang ang hudas na amo ko sa main door. Nakatayo siya nang diretso at halatang kanina pa naghihintay roon. Nasa gilid niya ang mayordoma na nanliliit ang dalawang mata nito habang nakatitig sa akin. Para bang ipinapahiwatig nitong dapat na akong kabahan nang sobra dahil malaking gulo ito.
Don't worry, Manang, kanina pa ako halos bumaliktad ang sikmura ko sa kaba! Hindi niyo na kailangang iparamdam sa akin kasi ramdam na ramdam ko na! sabi ko sa sarili ko habang pilit kong kinakalma ang paghinga ko.
Hindi niya ako tinigilan ng titig mula sa malayo hanggang sa huminto ang golf cart sa harap niya mismo. Para siyang estatwa na nakatayo roon at ang mga mata lang niya ang gumagalaw para sundan ang bawat kilos ko. Yumuko 'yung driver kay Cyrus at nagpaalam nang umalis matapos akong makababa ng sasakyan.
Pagkatapak na pagkatapak ng mga sapatos ko sa semento, nanginginig bigla 'yung mga binti ko dahil nga sa paraan ng pagtitig niya. Nakakalusaw ang tingin niya na para bang kakainin ka nang buhay anumang oras!
Ayy, Goodness Gracious talaga!
Lupa, just eat me, please!
Nakatayo siya roon, nakapamulsa siya habang nakatayo sa harapan ko at nilalabanan ko naman ang kanyang nakakailang na titig. Ayaw kong ipamukha sa kanya na takot na takot ako kaya pilit kong iniaangat ang ulo ko. Hindi ako masyadong lumapit sa kanya at nag-iwan ako ng kaunting distansya sa pagitan naming dalawa, pero nang biglang...
"Where have you been, my dear?"
Nakangiti siyang naglahad ng kamay na para bang inaanyahan ako nang yakapin siya. Hindi ako nakapagsalita lalo nang humakbang siya papalapit sa kinaroroonan ko. Pero kada hakbang ng kanyang mga paa sa semento ay nagbigay ng sobrang tension sa akin.
WTH?
Why is he smiling at me? Ano na namang pakulo 'to? Nag-expect akong sesermonan niya ako, sisigawan, o kaya ay magwawala siya sa galit, pero hindi, eh! Masyado siyang kalmado na nakakatakot. Nakatunganga rin ang mga katulong sa likuran niya na kagaya ko ay natameme at hindi rin alam kung anong mangyayari kasunod.
Umaatras ako nang masyado nang malapit ang pagmumukha niya sa akin. Dahil sa laki at taas niya, nakaangat ang leeg ko habang siya ay nakadungaw sa akin.
Nag-momove 'yung Adam's apple niya habang dahan-dahan siyang humihinga, kaya nakadagdag tuloy ng pagiging hot niya nang naging kalmado lamang siya. Pero hindi ako pwedeng magpadala sa panlabas niyang anyo! I doubt that he's happy to see me. Nagpapanggap lang 'to na parang anghel sa harap ko at sa harap ng maraming tao para hindi halata ang tunay niyang balak. Pero para ano pa, eh siya naman ang boss naming lahat dito kaya malaya siyang mag-expose ng kanyang tunay na ugali kung kailan niya gusto.
"I-I...?" nauutal kong sabi. Naudlot ang boses ko sa lalamunan at hindi man lang makabuo ng isang buong salita.
Umayos ka, Lana, sa pagsagot! Ayusin mo 'yang dila mo! Wala kang aaminin kahit anong mangyari! Mag-isip ka ng ibang alibi, please lang, 'yung paniniwalaan niya! Mabilis kong pinapagalaw ang utak ko para makahanap ng magandang palusot.
"You what?" he asks softly, pero his smile is fading nang paunti-unti kaya pinilit ko na ang sarili kong magsalita nang maayos bago pa tuluyang mawala ang natitira niyang pasensya.
"I went shopping," I said it with my confident voice. Pinalabas ko ang pinakamatapang kong boses para hindi niya mapansin na nanginginig ang buo kong katawan sa loob-loob ko.
Napasinghap naman ang mga marites na katulong sa likod niya dahil sa lakas ng loob kong sumagot nang ganun, kaya napatingin ako sa kanila nang mabilisan bago ibinalik ang tingin sa kanya.
Bahagyang gumalaw ang ulo niya at naghahanap ang kanyang mga mata ng posibleng dala ko sa paligid ng katawan ko. Pero wala siyang ibang nakita dahil shoulder bag lang ang dala ko at wala man lang ni isang shopping bag mula sa mall.
"Nang walang paalam?"
Mabilis ang mga sumunod na kaganapan. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko gamit ang kanyang mga daliri at pinaharap niya ako nang pilit sa kanya. Ang higpit ng hawak niya at ramdam ko ang lakas ng kamay niya.
I gulped.
Ano ka ngayon, Lana? Hanap ka pa ng dahilan, tingnan natin kung makakalusot ka pa rito!
Umiling ako habang pilit na ipinakita sa kanya na totoo 'yung sinabi ko. Pinanatili kong diretso ang tingin ko para ma-convince siya na wala akong ginagawang masama.
"Patawad dahil hindi ko pinaalam sa 'yo. Nagkaroon kasi ako ng..." Pinalambot ko ang boses ko habang nag-iisip ng kasunod na salita. Tama ba 'tong naisip ko para mawala sa kanya ang pagdududa? Sana lang talaga gumana 'to dahil kung hindi, ewan ko na lang.
"Y-Young Master, may tumatawag po sa telepono," may nagsalita sa likuran niya. Isa sa mga tauhan niya ang lumapit nang kaunti para mag-report, pero hindi siya natinag o kahit man lang sumulyap sa nagsasalita.
"Ng alin ba, Lana?"
Bigla kong naramdaman ang tono ng boses niya—'yung tipong naiinis na at konting-konti na lang ay parang manununtok na sa galit. Pero 'yung mukha niya, sa kabila ng banta sa boses niya, ay tila kalmado lang at walang pagbabago.
"Ng a-ano..." Napasinghap ako nang gumapang ang kanyang kamay sa braso ko nang dahan-dahan pababa papunta sa aking baywang. Ang bawat paggalaw ng kamay niya sa balat ko ay nagdudulot ng kuryente na nagpapatayo ng mga balahibo ko.
"Young Master, urgent daw po?" muling singit ng tauhan na mukhang natatakot na rin pero kailangan lang talagang maghatid ng mensahe.
Ramdam ko ang init ng palad niya na mas lalong nagpapakaba sa akin. Hawak-hawak niya ang baywang ko at pakiramdam ko ay dinidikit niya ako sa katawan niya.
"Not now," sagot niya sa tauhan nang hindi inaalis ang tingin niya sa akin. Malamig at walang emosyon ang boses niya.
"Pero nangungulit po, eh..." habol pa ng tauhan na halatang nanginginig na rin ang boses dahil sa takot na mapagbuntunan ng galit ng amo.
He didn't respond, but he was still eyeing me with his darkened eyes.
Kailangan ko nang sabihin ang idinahilan ko bago pa siya mag-isip ng iba!
"Dalaw ko!" pasigaw kong sabi sa kanya dahil sa sobrang panic, kaya mas naramdaman ko nang pumirme at bahagyang humigpit ang kanyang kanang kamay sa baywang ko.
Bumaba ang kanyang tingin mula sa aking mukha at dumako sa suot kong faded jeans. Tiningnan niya 'yon nang ilang segundo bago ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Please, maniwala ka na sa akin kahit ngayon lang! Parang awa mo na! Napadasal ako nang tahimik sa isip ko.
"Nandiyan pa ba siya sa kabilang linya?" agad niyang tanong sa tauhan nang hindi pa rin inaalis ang hawak niya sa akin.
"Nandito pa po," sagot din nito nang magalang sa kanya habang nakayuko.
Tumango lamang siya nang bahagya. Lumuwag nang kaunti ang hawak niya sa baywang ko kaya nakahinga ako nang bahagya.
"Get inside at magpalit ka ng komportableng masusuot," mariin niyang utos sa akin sa seryosong tono.
Napahinga naman ako nang maayos kahit papaano. Bumitiw siya sa kanyang pagkakahawak sa baywang ko at tumalikod na sa akin
"Ihatid mo siya, Manang," habol pa nitong utos sa mayordoma habang naglalakad na ito palayo sa amin.
"Opo, Young Master, masusunod. Tara na, Lana." Hinatak na naman ako ng mayordoma papasok sa malaking pinto matapos umalis sa harapan namin ang amo ko. Mabilis ang lakad ni Manang habang hawak ang braso ko, habang ako naman ay napapatingin na lang sa likod kung saan naglakad si Cyrus.