"Young master, ang kamay niyo po," mariing bulong ni Lana kay Cyrus.
Pero ang magaling na lalaki ay nagpatay-malisya lang. Mas pinagapang pa nito ang kamay sa kanyang hita at dahan-dahang hinaplos iyon.
"Is something wrong?" pagsingit ni Issa sa dalawa, kaya mas lalong nainis at napahiya si Lana. Nagtatalo ang kanyang katawan at isipan—na para bang siya pa ang pinaglalaruan ng sarili niyang sistema.
Traydor! sigaw niya sa kanyang kaloob-looban.
"Wala, Sang. 'Wag mo nang pansinin si Lana," sagot ni Cyrus kay Issa bago ito nginitian. Napatango naman si Issa at pinagsadahan ng tingin si Lana na para bang nag-oobserba sa kanya.
Sang? Wow, ang sweet naman ng dalawang 'to, may nicknames pa sa isa't isa! Sabagay, anong ikinaiinis mo, Lana? Natural, mag-best friend ang dalawa, gets! dagdag pa sa isip ni Lana. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang nainis sa paraan ng pagtawag ng dalawa sa isa't isa.
Napalunok siya nang lalong tumindi ang init ng palad ni Cyrus sa kanyang balat. Hindi niya ito nagugustuhan dahil nararamdaman niyang may balak na naman ang binata sa kanya—kahit pa nandito ang kaibigan nitong babae. Pinilit niyang 'wag mapakagat-labi at hindi na tumingin sa lalaki dahil alam niyang pinaglalaruan lang siya nito. Nananadya ba 'to o ganito lang talaga siya ka-playful sa mga babae niya?
Bigla namang nagsisi si Lana kung bakit suot niya pa ang maikling shorts at manipis na spaghetti strap top. Bigla siyang natigilan nang maisip: baka naman na-turn on ang amo niya sa suot niya?
Pasimple niyang iniurong ang kanyang binti, pero mahigpit ang hawak ng lalaki. Kahit anong pilit niya ay hindi niya maalis ang kamay nito.
"So Lana, how are things going for you here?"
Doon lamang siya napaangat ng tingin nang direktang magtanong si Issa. Tumingin din si Cyrus sa kaibigan at pagkatapos ay sa kanya.
Napatigil siya at tumitig ng ilang segundo dito, nag-iisip ng isasagot.
What now lana?
Napalabi muna si Lana bago sumagot.
"Uhh, maayos naman kahit papaano. Mabait naman si Mayor—este, si Young Master," saad niya at tumingin kay Cyrus, na kanina pa pala nakatitig sa kanya nang maigi. Baka inisip ng lalaki na ilalaglag niya ito sa kaibigan, pero gusto na talaga niyang isigaw na halimaw ang lalaking tinitingala ng lahat at paboritong amo ng mga tauhan nito.
As if paniniwalaan ka niya, Lana!
"Is he?" sabi ni Issa sabay lingon sa kaibigan na umiling-iling pa.
"Of course. Mabait ako sa lahat," nakangiting sabi ni Cyrus na tila may ibang ipinapahiwatig.
Napa-facepalm na lang si Lana sa isipan niya. Naiinis siya sa lalaking ito—ang kapal ng mukhang magpanggap sa harap ng iba!
Freaking Pervert!
"Is he treating you special, then?" she asked all of a sudden.
"Uho! Uho!"
Nasamid si Lana sa sariling laway nang marinig ang tanong na 'yon mula mismo sa mga labi ni Issa, na nagulat din sa reaksyon niya. Inabutan siya ni Cyrus ng napkin mula sa mesa habang nakakunot ang noo, tila nagulat din sa ginawa ni Lana.
"May mali ba sa sinabi ko?" seryosong tanong ni Issa.
"Tubig po," pang-aalok ng katulong, na agad namang nilagok ni Lana.
"Sorry, nagulat lang ako... may naalala lang, Ms. Issa," nauubo pa niyang sabi habang tinatapik-tapik ang sariling dibdib.
"It's okay, and sorry to startle you," mahinang saad ng babae sa kanya sa animo'y mala-anghel na boses.
Tumikhim si Cyrus sa tabi at mabilis na iniba ang usapan nila ni Issa. Minabuti na lang ni Lana na manahimik at tapusin ang natitirang pagkain. Kating-kati na ang mga paa niyang umalis doon dahil ramdam niyang kinakaawaan siya ng babae—pansin niyang ito pa mismo ang nag-adjust para isali siya sa usapan.
Nakahinga lamang siya nang wakas ay inalis na ng lalaki ang kamay nito sa hita niya. Ngunit bago 'yon, binigyan muna siya ni Cyrus ng isang malagkit na tingin—may ipinapahiwatig na hindi niya mabasa, lalo na nang mag-smirk ito nang bahagya bago muling humarap sa kaibigan.
Ang hindi alam ni Lana, palagi siyang inoobserbahan ni Issa nang may halong selos. Lalo na tuwing nakikita nitong panay ang titig ni Cyrus sa babae—idagdag pa ang kamay nitong nakapatong sa maputing binti ni Lana kanina. Naikuyom ni Issa ang sariling mga kamay at pinilit na huwag na lamang ipahalata ang inis sa nasaksihan.
Maya-maya pa ay pinalitan niya ang kanyang ekspresyon ng isang sarkastikong ngiti. Kilala niya ang mga gawi at pag-iisip ni Cyrus, at naniniwala siyang ang babaeng ito ay katulad din ng iba.
She looked at Cyrus, knowing he understood, and he gave a quick nod without hesitation.
Pagkatapos ng eksenang 'yon, nagpaalam si Lana na matutulog na nang maaga, at pinahintulutan naman iyon ni Cyrus. Mabilis pa ang lakad ni Lana papaalis na sinundan naman ni Cyrus hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Naiwan ang dalawa sa dining area.
"She changed much more than I expected," nakangiting sabi ni Issa habang nakakross ang mga braso sa dibdib.
Cyrus chuckled as Issa said that.
"Ows? Kung alam mo lang, Sang—she's a feisty woman. At damn, nag-enjoy akong paglaruan siya sa paraan ng s*x punishment ko," humalakhak si Cyrus habang inaalala ang mga hinaing at ungol ng babae.
Damn, paano pa kaya kung ipinasok ko na ang aking s*ndata...? Will she cry, or moan loudly and beg for more? Hindi niya mapigilang mapaisip sa sarili.
I'll punish her and f**k her till she passes out. And that fuc**ng tight mouth... I will slide my d**k into it as she looks at me in lust like a fuc*ing b*t*h.
"I mean, she's the daughter of the late Don Artyom Simpson, so it's no surprise that she inherited that kind of attitude," Issa said sarcastically.
At that, Cyrus's expression turned dead serious, his eyes darkening to a bloodshot red.
"Ah, that bastard? Makikita niya kung paano ko paglalaruan ang Unica Hija niya. Sisiguraduhin kong dadalawin niya ako sa panaginip ko para magmakaawa!" Kitang-kita ni Issa ang pangunguyom ng mga kamao ng kaibigan at ang panlilisik ng mga mata nito. Tumayo siya at lumapit dito.
"Easy ka lang, Rus. Huwag mong ipahalata sa kanya ang mga plano mo—kahit man lang sa mga galaw mo. Fake everything, and as you said, punish her physically and emotionally until she can't take it anymore," kalmadong sabi niya at tinapik ang balikat ng kaibigan.
Hindi nagbago ang matalim na ekspresyon ni Cyrus habang malalim ang iniisip. Naintindihan ni Issa ang mga mapait na pinagdaanan ng kaibigan.
"You know what, Sang..." Ngumiti si Cyrus nang mapakla sa kawalan.
"Tandang-tanda ko pa ang mga hinanakit, iyak, at sigaw niya ng gabing 'yon." mariing sabi ni Cyrus
Tumango-tango si Issa habang nakikinig because she knows who he is referring to.
"I know, Rus. And you deserve justice—you and your family." Malungkot ang kanyang boses habang nakatingin sa lalaki, naghihintay sa anumang reaksyon nito.
"Lana is the key..." sambit ni Cyrus as he looked at his best friend with a deadly serious look.
Issa smirked at him, and he saw it clearly.
Thanks to his best friend, he knew Issa would gladly help him with everything to get the revenge he had craved for so long.
"So....what's next?"