CHAPTER TWELVE

1512 Words
"Halika, mag-breakfast na tayo. I'm pretty sure gutom ka na," nakangiting sabi ni Issa nang iminuwestra ang upuan paharap sa kanya. Sinunod naman siya ni Lana at naupo na roon habang nakatingin sa kanya na busy sa paglalagay ng mga lutong hotdog, bacon, ham, karne, at kung ano-ano pa sa isang pack lunch. Sa lamesa naman may mga nakahandang pagkain mula sa mga ulam, kanin, cheese, prutas, juice, tubig at tinapay. "Ma'am, eto na po ang lutong nilagang baka." Pareho silang napalingon sa unahan. "Ah, dito lang, pakilagay, Grover." Pumasok ang isang kusinero na dala ang isang malaking mangkok. Kitang-kita pa ni Lana ang umuusok nitong laman at ang nakakabangong aroma. Kumalam na ang kanyang tiyan kaya inabot niya na ang kanin sa gilid para maglagay sa kanyang plato. Nakita naman iyon ni Issa kaya muli siyang nagsalita. "Kumakain ka pala ng kanin 'pag breakfast, yeah?" kuryosong tanong ni Issa. "Ah, oo naman. Nakasanayan na rin nang ilang taon," malumanay na sagot niya. "Pareho pala tayo. Ayaw ko kasing kumain ng kanin noon kasi nakakataba, pero nang tumuntong ako ng kolehiyo, nasanay na rin," sagot nito kay Lana kahit hindi naman ito nagtatanong. May biglang naisip si Lana. "Ang dami niyo pa lang inihandang pagkain. May okasyon ba?" mahinang tanong niya sa kaharap. Umiling si Issa at sumandal sa upuan habang pinapanood siyang kumain. "No, every month namin ginagawa itong pagbibigay ng pagkain sa mga taga-orphanage. Isa iyon sa kagustuhan ng Mayor at sa akin." base pa lang sa paraan ng pagsagot ni Issa, nahimigan niyang may pagka-brag ang dating ng huling salita. Kaya minabuti niyang ngumiti nang pilit. Unang-una sa lahat, pinakaayaw niya sa tao ang mahilig makipag-brag ng kung ano-ano—dahil ganoon din naman kasi siya noon at natamaan siya roon. Kumain sila nang tahimik. Hindi na rin siya nagtanong nang nagtanong dahil hindi sila close ng babae, at isa pa, nagmumukha siyang kasambahay kapag kasama ito. Pati ba naman sa suot, napaka-formal nito! Pansin niya rin ang paraan ng kilos nito na halatang anak-mayaman. Kahit sa paggalaw o gesture ng mga kamay nito, halatang maganda ang pagpapalaki ng magulang. Naalala ni Lana na ganito ang gusto ng kanyang Dearest Mommy—ang kumilos nang napakababae tingnan, hindi 'yung spoiled brat na kagaya niya. 'Kaya ko naman gawin 'yan kung hindi ko lang inaaway ang mga kasambahay namin dati, ah!' "Kamusta nga pala ang naging buhay mo noong nakaraang taon?" Tumingin siya rito sa tanong na iyon. Itinuro niya pa ang sarili na ikinatango ng kaharap. "Ah..." Nalilito siya sa isasagot, nangangapa ng tamang salita. Agad namang nakita iyon ni Issa kaya... "Oh, I mean after your parents died. How did you cope up, if you don't mind me asking? Curious lang." Bakit niya ba ako tinatanong ng ganitong topic? Tila nag-iisip si Lana kung saan tutungo ang usapan nila. "I guess you heard about us, right?" Kilala pala ng babaeng ito ang pamilya niya. Hindi na siya nagtaka. Pati nga siguro si Cyrus, alam ang background ng kanyang pamilya. "Usap-usapan kayo dati. But don't get me wrong, 'yung isa kong Godfather ay naging business partner ng Daddy mo, kaya naikwento niya sa amin on how your family handled the business," pormal na sabi nito sa kanya. Totoo naman... kung hindi lang naging abusado ang Daddy niya sa pagbibisyo sa casino. "Mahirap..." Ibinaba niya nang dahan-dahan ang kutsara at tinidor habang nakayuko. "Lalo na't nagkasakit si Mommy dahil siya naman 'yung mas napinsala kay Daddy. Sadly, maaga siyang binawian ng buhay at sumunod si Daddy na..." Mariing nakatitig si Issa kay Lana dahil mas naaliw siyang tingnan itong hindi na mapakali. Gusto niyang makita ang magiging reaksyon nito sa pagbanggit ng mga yumaong magulang. "N-na-overdose ng sariling pills para sana sa medication niya." Nag-angat ito ng tingin kay Issa at ngumiti nang pilit. "Ganoon naman ang buhay natin, may mga tragic at accidental na pangyayaring hindi natin maiiwasan. As of now, heto, bumabangon para sa sarili ko. Nawala man sa akin ang lahat, kaya nga napunta ako sa trabahong 'to." Confident siya sa kanyang sagot para ipakita sa babae na hindi siya nahihirapan—dahil mayroon siyang isang himala sa buhay. Ang kanyang nag-iisang anak. "Truth be told, I shouldn't ask you that way, pero gusto ko lang marinig sa nag-iisang Iconic Lana Simpson. Yeah, I heard about your iconic runway before," sagot nito habang nagpupunas ng table napkin. "Ah, noon na 'yun..." kemeng sagot niya rito na ikinatawa ni Issa. "I'm sure those are your favorite moments in your life?" Ngumiti siya nang mapakla. Tama si Issa. Memorable moments iyon ng buong buhay niya noong nasa kanya pa ang lahat. For her, nakakatawang isipin na may makakakilala pa sa kanya, at kaibigan pa ng amo niya. Ngayon lang ulit may nagtanong tungkol sa family background niya na lihim niyang nililimot nang ilang taon. Teka, alam din kaya niya ang trabaho ko rito? "Uhmm, aware ka ba sa trabaho ko rito?" Pinilit niya nang tanungin si Issa. Saglit itong natigil at sinenyasan ang mga kasambahay na umalis muna sa dining area. Nagsialisan naman ang lahat maliban sa kanila. Issa sipped her tea first, while Lana was just watching her, waiting for her response. Nakailang higop pa ito bago ibinaba ang teacup. "Nope. I thought you're one of Cyrus' girlfriends," simpleng sagot nito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. "A-ako? Hindi, ah! May naging girlfriend pa ba si Young Master?" Tumitig sa kanya si Issa na para pang natatawa sa sinabi nito. "Oo naman. Mostly long-term nga, eh." Tumawa si Issa sa reaksyon ni Lana. "Weh? Hindi naman nakakapagtaka dahil nga nasa politika, gwapo, hot, este—maganda ang katawan at sikat. Pero sinong mag-aakala na may mga long-term girlfriend pala ang hudas na iyon?" hindi maiwasang maibulong ni Lana. "Bakit, tingin mo wala?" Bigla siyang umiling. "Hindi naman. Nagulat lang, kasi akala ko ikaw 'yung tinatagong girlfriend ni Young Master—" Humalakhak si Issa na ikinataka ni Lana. May nakakatawa ba? "Of course not! Kung kami, matagal na dapat. But no, we're like close siblings in a good way. 'Yun lang, at hindi ako magugustuhan niyon." Nakangiti itong sumagot kay Lana bago nagbukas ulit ng ibang topic. Hindi naman sa gusto niyang makipag-close sa babaeng ito, pero gusto niyang may maawa sa kanya na baka makatulong pa kung paano ba tatakasan ang hudas na amo if gusto niyang makipagkita sa anak. Oo na, bigla siyang nakaramdam ng sisi kahit wala pa namang "bembangan" na nangyayari sa kanila. Kung kailangan, may mauuto siyang tao—at alam niyang hindi si Cyrus ang taong madaling mauto. Pero itong si Issa, kahit may nakikita siyang kaunting flaws, mabait naman pala ang ugali nito. "Ganyan ba talaga si Young Master, Ms. Issa?" "Ang alin?" "Na palaging nawawala sa mansyon, o ngayon lang 'yan nang naging Mayor na siya?" Nasa byahe silang dalawa at kasalukuyang isinasama siya ni Issa sa isang orphanage para magbigay ng pagkain sa mga bata. Hindi man niya gustong sumama, inalok siya ni Issa para raw hindi na siya magtambay sa sariling kuwarto. "Oo naman, malaking responsibilidad na kasi ang dinadala niya. Bakit hindi kayo magkasabay kumain sa umaga?" Sumulyap ito sa kanya sa rearview mirror. Ito kasi ang nagmamaneho ng isang silver na sedan at nasa backseat siya. Naka-convoy sila sa dalawang truck kung saan isinakay ang mga ipamimigay. May mga kasama rin silang ibang volunteers na kakilala ni Issa. "Minsan lang ako lumabas ng kuwarto kaya pinagdadalhan lang ako ng kasambahay ayon sa utos niya." Tumango si Issa at marahan nitong iniliko ang sasakyan sa kanan. "Masanay ka rin sa kanya," rinig niyang sabi nito. Wala naman siyang choice, eh. May deal na sila ni Cyrus. Natanong na sa kanya ni Issa kung ano ba talaga ang gusto niyang kunin na trabaho. Naikwento niya namang may inalok ang former manager niya sa isang resort matapos siyang matanggal doon, kaya siya napadpad sa mga kamay ni Cyrus. "So napilitan kang tanggapin kahit hindi katulong?" "Eh wala na akong magagawa kasi nangangailangan na rin ako ng pera. 'Yung apartment ko ay muntik nang mawala sa akin kasi nga wala na akong ipambayad..." Nakarating na sila sa isang lumang orphanage na gawa sa semento. Pinagbuksan sila sa mababang gate. 'Yung truck ay sa labas lang nakaparada dahil hindi na kasya sa laki. Natanaw ni Lana ang mga musmos na bata, at sa likod ng mga ito ay ang mga nakangiting madre at iilang tauhan na babae man o lalaki. Bumusina muna si Issa bago itinabi ang sedan nang ilang layo sa mga bata. Unang bumaba si Issa, samantalang siya naman ay nagtanggal ng seatbelt at lumabas din ng sasakyan. Naghihiyawan ang mga bata nang makita si Issa habang papalapit ito sa kanila at masaya itong binati. Nakita niya pa ang pagyakap ng mga ito kay Issa at nagmano naman sa mga nakakatanda. Bigla siyang nanghina nang makita ang mga masasayang mukha ng mga bata kahit 'yung iba ay napakaluma na ng mga suot. May iba siyang naramdaman. Pagkaawa, pagkalungkot, at pagkasiya. "May ipapakilala ako sa inyo, mga bata!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD