Kabanata 1

1817 Words
Killer?? "Leila, gumising ka na, andito na tayo," Rinig kong bulong ni tita. "Napasarap ata tulog ko tita, anong oras na po ba?" Tanong ko naman kay tita Lila. 5AM kasi kami umalis ng bahay para puntahan ang lupa sa probinsya na pinaplanong bilhin nilang tita para gawing farm at tayuan ng rest house namin. "Alas-dos na ng hapon Leila, diba't di ka pa kumakain ng breakfast tsaka lunch?" Tumango lang ako sakanya bilang sagot. Oo nga at di pa ako kumakain, kasi naman eh, ang aga-aga namin umalis kanina, isang oras lang tulog ko dahil di na naman ako makatulog kaninang madaling araw, kainis talaga. Nang lumabas na kami sa van na nirentahan namin, agad akong nakaramdam ng lamig. Probinsya pala talaga tong pinuntahan namin. Ang tahimik dito, tanging ang mga munting huni lang ng ibon ang naririnig ko. Napakarami pang mga pine trees! Naku, sabi pa naman ni daddy kapag maraming pine trees ang isang lugar, tiyak na malamig nga. Maya-maya'y may dumating na babaeng maputi at makinis. Mataas sya at ang suot nya'y simpleng pantalon at t-shirt na white tapos boots.  Hanggang balikat lang yung buhok nya na medyo brown at chinita naman ang mata nya. Hala ang ganda nya! Sino kaya to? Agad syang lumapit kina tita Maya at daddy, sila kase yung unang lumabas ng van. "Magandang hapon po ma'am at sir, kayo po ba ang mga Barrera?" Tanong nya. Mukhang sya yung may-ari kasi sabi ng tita ko na asawa ng kapatid ni daddy, naghihintay lang daw yung may-ari sa amin dito. Baka sya na to. "Oo kami nga, ikaw ba hija ang may-ari?" Sagot naman ni tita Maya. "Ah opo ma'am, maglibot-libot ho tayo para makita nyo ang kabuuan ng lupaing ito!" "Sya nga pala, ako po si Marga Yu, anak ng may-ari ng lupa, nasa bahay po kase sina nanay, masakit daw ang balakang," Dagdag nya pa sabay tawa dahil sa huling sinabi nya. Ayun Marga pala pangalan nya. Di talaga halatang ang shareful ni ate ah. Ang cute nya pa naman tumawa dahil biglang nawawala ang mata nya, mukhang chinese! Sabagay Yu nga diba? Ano ba naman Zaf ang tanga! Naglalakad-lakad lang kami ng pamilya ko dito kasama si ate Marga, sinasabi nya sa amin kung gaano kalawak ang lupa at gaano kaganda ang klima dito para makumbinseng bilhin na ang lupang ito. Aba di agad-agad kung mag desisyon silang tita noh! Lalo na't malaking pera ang ilalabas para dito. 55O thousand ang lupang ito, ayon sa may-ari. 3 hectares ang laki nito. 10 kilometers daw ang layo galing sa sentro ng bayan dito kung nasaan ang mga malls. Medyo malapit lang ito sa highway, pero syempre medyo kailangan mo pang pasukin kasi may ibang mga kalapit na farm naman dito. "Bibilhin po ba talaga natin to tita?" Kalabit ko kang tita Lila at mahinang bumulong. "Syempre pag maganda at walang gulo dito, alam mo namang atat na tayong mag tayo ng negosyo diba?" Oo nga pala, gusto nang mag negosyo ng pamilya namin kasi di daw kami yayaman kapag trabaho lang kasi matagal daw ang pera kapag patuloy lang ang ganitong buhay. Pero dapat di daw namin makalimutan na kung sakaling magkanegosyo na, dapat magsikap parin kaming mag-aral ng mabuti. Syempre okay na kami sa ganito, nakakakain kami tatlong beses sa isang araw at higit pa kung gugustuhin namin pero di nga lang pwedeng sobra kasi marami pang ibang gastusin sa bahay. Marami kasi kaming magkakapatid na pinapa-aral nina tita. Medyo matagal pa kaming nag lakad-lakad kasi maraming mga tanong sina tita at daddy. Marami kasi kaming sumama dito eh, ako, kapatid kong babae, cousin ko, si daddy, si tita Lila , si Tita Maya, si tito Arthur na mga kapatid ni daddy at si Tita Alex na asawa ni tito Arthur. "Maraming salamat sa pag tour sa amin dito, mag meryenda muna tayo, di pa kasi kumakain itong si Leila eh," "Kaninong bahay yon? Pwede bang dun muna tayo kumain ng meryenda?" sabi naman ni tita Lila kay ate Marga sabay turo sa may kubo sa dulo sa tabi ng mga pine tree. "May mga bagong harvest kaming mais dito, pwede ko itong lutuin marami-rami naman kaming tira," mabait na sabi ni ate Marga sa amin. "Naku ang sarap nyan sigurado kasi bagong harvest! May mga baon naman kaming mga chichirya at softdrinks dito, ipares nalang natin!" Masayang sabi naman ni tita. "Sige po," ngumingising tugon naman ni ate Marga. "Psst, ate Klara," pagtawag ko naman sa atensyon ng nakakatanda kong kapatid, si ate Klara. "Oh bakit?" Bulong naman nya. "Sa tingin mo, bibilhin ba to nina tita?" Tanong ko sakanya. "Baka nga, maganda naman ang lupa eh, okay din ang location tsaka may mga skwelahan tayong nadaanan so parang baryo na talaga. Tsaka maganda ang daan papunta dito at di na din masyadong mahal considering the size and the location," "Tsaka bibili din ata silang tito ng lupa malapit lang dito kaya baka nga bilhin na natin to, lalo na't may magbabantay naman," Dagdag nya pa. "Oo nga noh? I love this place already! Its peaceful and cold! Naku excited na akong mag alaga ng kabayo, magpapabili talaga ako kay daddy kapag settled na tayo dito!" Masayang sabi ko. Oo, excited na akong matutong mangabayo kahit ni isa sa pamilya namin walang alam kung paano gawin yon. Gusto ko lang namang sumakay at mamasyal dito gamit ang kabayo eh. Tsaka ang ganda lang non tignan noh! Makakapost na ako sa i********: suot-suot yung boots na iniyakan ko pa nong nakaraan para bilhin sakin. Pagdating namin sa kubo agad na umupo sina tita sa veranda ng kubo. May mga kahoy na silya dito at isang maliit na mesa sa gitna na may nakapatong na tanim pa. Naku! Buti di pa napapansin ni tita tung tanim nila, mahilig pa naman yan sa tanim. Certified Plantita na raw sya. Habang naghihintay na maluto ang mais na nilaga ni ate Marga samin,  nag usap-usap ang mga matatanda tungkol sa lupa. Kung paano ito babayaran at kung sino-sinong magbabantay kung sakaling bilhin nga. Tsaka mga plano nina daddy at tita. Magtatanim daw talaga dito kung sakali. Matagal na kasing gusto ni daddy na magtanim ng palkata, yun lang yung alam kong tawag pero di ako sure kasi matagal nya sinabi yun. Ang gusto naman ni tita Lila ay magtanim ng mga gulay para mabenta. Ang gusto naman ni tita Maya magtayo ng cabin para rest house. At para na din iparenta. At syempre gusto ko lahat ng plano nila pero dapat may pool! Gusto ko din na may kwarto ako sa cabin tapos may veranda na nakaharap sa farm o kahit saan nakaharap basta maganda ang view tapos may table dun para dun ako mag breakfast. Hala ang layo na ng imagination ko, kailangan na talaga nila tong bilhin kasi excited na ako! Biglang may lumabas na matandang babae at lalaki, kulubot na ang kanilang mukha pero makikita mo talagang maganda at gwapo silang dalawa nung silay dalaga at binata pa. Medyo singkit din ang kanilang mga mata at medyo maputi naman ang lalaki habang ang babae ay morena. Kamukhang-kamukha sila ni ate Marga, mga magulang nya yata ito. "Magandang hapon sa inyo ma'am, luto na ang mga mais, halinat kumain kayo," "Ako nga pala ang nanay ni Marga tawagin nyo nalang akong nanay Helen, itong asawa ko naman ay si Kiko," sabi ni nanay Helen. Agad na nag shake hands sina tita at ang nanay at tatay ni ate Marga. Lumabas naman si ate Marga na may bitbit na mga baso. Para siguro to sa mga softdrinks na dala namin. "Leila, go get our snacks in the van. Klara, samahan mo ang kapatid mo," biglang saad ni tita Maya sa amin. "Leila can get the food on her own, di naman madami yon, its just chips and soft drinks, tsaka di naman malayo naka park ang van tita," reklamo naman ni ate. "Diba Leila you can manage?" Dagdag pa ni ate sabay ngisi ng nakakaloko. "Oo tita, I can manage. She's right, malapit lang po ang van, kaya ko na," sagot ko naman. Naku ba't ba ang bait ko bigla! Im sure mahihirapan ako, isang soft drink lang talaga madadala ko nito! Ang bigat kaya non! Nang dumating ako sa van, agad ko itong kinatok. Im sure the driver is here inside. Maya-maya pa, hindi talaga bumubukas! Baka nakatulog si manong! Sinilip ko ang bintana, para ma check kung nandun ba ang driver. Tama nga ako, nakatulog sya kakahintay samin! Naka on ampng sasakyan pero lock ang mga pinto. Naku pano na to? Papagalitan talaga ako nina tita! Tatawag nalang ako para sabihin sakanila. Agad kong dinial ang number ni tita Lila. Konting ring lang sumagot naman sya agad. "Hello tita? Tulog po si manong, walang bubukas ng van. Lock kasi," agad kong sabi kay tita sa tawag. "Ganun ba? Hayaan mo nalang kawawa naman baka napagod. Bumili ka nalang ng juice sa tindahan. You brought your wallet with you, right?" Napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa wallet na dala ko. Hayst ba't ko ba to dinala? "Oo dala ko, asan naman ang tindahan dito?" Tanong ko naman. "May nakita akong nadaanan natin, sa left side. May tindahan don. Juice lang bilhin mo, ayaw ata ng softdrinks ni nanay," "Alright, baka matagalan at mawala ako dito, kung matagalan ako bago makabalik, tumawag ka kaagad sakin, nawala na ako nyan!" Takot na sagot ko naman. "Naku Leila, kahit ano na lang talaga pumapasok dyan sa isip mo, mag ingat ka lalo na't wala daw signal sa ibang parte dito," natatawang saad nya naman. "Alright, wag nyong ubusin ang mais! Im hungry. Bye na para mapadali ako," sabi ko sabay off ng tawag. Hayy, saan ba dumaan ang van? Luminga-linga ako sa paligid para magpasya kung saan dadaan. Nakita ko ang clear na daan, mukhang ito na nga ang dinaanan namin kanina. Pero teka.. Ba't parang ang weird? Parang may tumitingin sakin? Hala! Teka baka may mga killer dito! Yung parang sa mga movie na susundan ka tas papatayin? Hala natatakot na ako! Binilisan ko ang paglalakad ko sabay tingin sa paligid. Ang tahimik! Tanging mga tunog ng insekto ang naririnig ko. Parang may sumusunod! Hala! Lord wag muna ngayon! Magiging doctor pa ako Lord! Wag ganito! Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa wala na nga akong mga bahay na nakikita. Hala san ba yung sinabi ni tita? Left ba yun or right? San ako lumiko? Omg, di ko na matandaan! Biglang lumakas ang ihip ng hangin, kasabay nito ang pagsayaw ng mga kahoy. Tumingin tingin ako sa paligid na mangiyak-ngiyak na. Natatakot na talaga ako! Kasabay ng tunog ng mga dahon na para bang may tumapak nito ay ang pagtakbo ko pabalik sa dinaanan ko kanina. "Sandali lang miss!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. Hala may tao! Baka killer na 'to! Lord tulong! Ayoko pang mamatay!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD