bc

No Ordinary Love

book_age12+
20.5K
FOLLOW
76.7K
READ
billionaire
family
arrogant
manipulative
CEO
boss
maid
drama
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang pangarap ni Justine sa buhay, iyon ay ang magkaroon ng magandang buhay kasama ang kanyang ina at kapatid. Hindi niya inakala na darating din sa puntong magugulo iyon dahil sa nagawa niyang kasalanan sa kanyang abuela.

Bilang kabayaran ay inutusan siya nito na papirmahan ang isang kontrata para sa kumpanya nito sa ika nito ay 'Big Fish' na si Privado Mondragon.

Akala niya ay wala ng mas gugulo pa sa kasalanang nagawa niya sa kanyang Lola Corazon. She was wrong. So wrong. Dahil nang makaharap niya ang 'Big Fish' na tinutukoy ng kanyang lola ay parang gusto na niyang mag-backout.

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI pa man natatapos ni Justine ang ginagawang paglantak sa masarap na yema cake ay bigla namang may nag-doorbell. Sa loob-loob niya ay nasakal na niya ang kung sino man ang nasa labas ng pintuan ng suite niya. As of this very moment ay nasa CheLaRy Hotel Tower Condominium siya sa Lucena City. Sponsor ng mayaman niyang kaibigan na si Jaffhine. Nag-stay siya for at least one week sa naturang suite. Actually, nagtatago lang naman siya sa pamilya niya dahil wanted siya sa mga ito. Reason? Nabasag niya ang isang vase na pag-aari ng kanyang lola worth ten million! Juice Colored! Buti na lang at nasa France pa ito dahil kung hindi baka nabitay na siya ngayon. Mula pa sa ninuno niya ang naturang vase na namana pa ng lola niya. And yes, ang worth ng vase na iyon ay ten million pesos at walang halong biro. Kaya naman ingat na ingat iyon. Ang kaso ay hindi sinasadyang nasagi niya iyon ng magtatakbo siya. At dahil aminado siyang kasalanan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang magtago muna dahil tiyak na 'lintik lang ang walang ganti'. Sobrang sungit pa naman ng lola niya palibhasa matanda na. Plus the fact na terror lola ito. Inis na hinawakan niya ang seradora ng pinto. Wala siyang inaasahan na bisita or so whatever sa kadahilanang wala namang nakakaalam na naroon siya. She count one to ten on her mind. Then after that she totally open the door. To her horror, 'yung lalaking matangkad na sinalo na yata ang lahat ng biyaya ng Diyos sa kalalakihan, na nakatayo sa labas ng suite niya, ay mabilis na hinila siya papasok uli sa loob ng suite. Ito pa ang nag-lock ng mismong pinto. Holy cow who's this so damn gorgeous guy? Tili ng isip niya. Matiim pa itong nakatingin sa kanya. 'Yung tipong galit pa sa 'di niya malamang dahilan. Amoy mayaman naman ito at mukhang hindi basta-basta ang pagkatao. At bukod doon ay sobrang perfect ng features na parang inukit ng magaling na iskultor. Hindi niya ito kilala at ngayon lang nakita, pero bakit ganoon? Mukhang galit ito sa 'di niya malamang dahilan? "Narito ka lang pala." "H-Ha?" Bigla siyang binundol ng kaba sa dibdib. Oh, wait. Don't tell me dumating na si lola at pinahanap niya ako? Detective ba ang guwapong lalaking ito? Sheeems, marunong pala siyang magtagalog mukha lang hindi. Naningkit ang mga mata nito. "If not because of you my sister Jazel is not on this damn situation!" Mariin at galit nitong sigaw. Teka, wala siyang alam sa pinagsasabi nito. Napaatras siya ng humakbang ito palapit sa kanya. 'Yung hitsura nito parang kakainin siya sa galit. "You'll pay for this," sabi pa nito bago siya kinorner sa may wall at walang babalang hinalkan siya ng marahas. Ang mga mata niya sobrang nanglaki sa kapangahasan nito. For twenty four years of existence ngayon lang may nangahas na halikan siya. Kaya pati katawan niya ay nanigas sa ginawa ng guwapong estranghero na ito. Lord, don't tell me he will r**e me? Gulay! I'm not ready yet! Nasaan ang hustisya? Guwapo nga po ito pero sino ba ang damuho na ito? Hindi siya makagalaw. Para siyang tuod. Any moment from now ay baka bigla siyang mag break down. Hindi niya carry ang nangyayari. Bago pa siya madarang sa kapangahasan ng guwapong nilalang na ito ay pinilit niyang iiwas ang mukha at sumigaw. "Sino ka bang damuho ka!!!" "Tsk. Riobelle stop acting like an innocent cat!" Riobelle? Teka, sino naman iyon? Ubod lakas na itinulak niya ito. "I'm not Riobelle!" He even smirk. "You think I'll believe you? Matapos mong sirain ang engagement sana ng kapatid ko sa boyfriend niya just yesterday? f**k!" Tulala lang siya rito. In short napagkamalan siya nito na si Riobelle na sumira sa engagement sana ng kapatid nito kahapon. Pinasasakit ng lalaking ito ang ulo niya. Napapitlag pa siya ng hawakan nito ng mahigpit ang braso niya dahilan para mapangiwit siya sa sakit. "You even tell lies para hindi matuloy ang engagement at alam mo 'yung resulta ng pakikialam mo? Nagtangkang mag suicide ang kapatid ko. Damn you!" Napalunok siya. "M-Masakit na," medyo daing niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. Akmang magsasalita pa ito ng tumunog ang cellphone nito. Mahigpit pa rin siya nitong hawak sa braso ng sagutin ang naturang tawag. "Yes, Keziah." Mayamaya ay bigla na lang itong natigilan. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Binalingan siya nito. "Ano'ng room number ng suite na ito?" "1410." Tuluyan na siya nitong binitiwan. "Really?" Sipain kaya niya ito? Sa inis ay ipinagtulakan niya ito palabas ng suite at ngali-ngaling ingudngod ang pagmumukha sa number sa may pintuan. "See? Hindi ako ang Riobelle na tinutukoy mo. You moron. Sa susunod kung balak mong mang mulistiya make sure na hindi ka magkakamali ng room na papasukin! Buwisit!" Litanya niya na mabilis na pumasok sa loob ng suite. Pabalibag pa ng isarado niya iyon. Humihingal sa galit na napasandal siya sa may pintuan. "s**t na malagkit! Ng dahil sa pagkakamali niya nawala ng 'di oras ang first kiss ko! That asshole guy." Mayamaya ay napasimangot siya. "Pasalamat siya at ubod siya ng guwapo. Naku, kung hindi baka bigyan ko siya ng kick on the ass." Pilit mang kalimutan ni Justine ang nangyari ay hindi naman niya magawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.2K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.5K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

Billionaire's Twins

read
263.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook