Chapter 02

1155 Words
BUTI na lang at may ideya si Justine kung saan matatagpuan ang Bachelors Estate. Doon kasi nakatira ang pinsan niyang si Eros. Balita rin niya na bukod sa bigatin ang mga binatang nakatira roon ay walang tulak kabigin din sa kaguwapuhan. Kagaya nga ng sabi ng mayabang niyang pinsan na bagay lang doon ang kaguwapuhan nito. Abala sa pagsusuklay ng buhok si Justine ng mag-ring ang kanyang cellphone. It was her cousin, Eros. Sinagot agad niya ang tawag. "Yow?" Bungad niya. "Ngayon ka na ba pupunta sa Bachelors Estate?" Tumango siya kahit na hindi nito kita. "Oo." "Hindi ka rin naman basta-basta papapasukin doon kaya ihahatid na kita para makapasok ka. Masyadong mahigpit ang seguridad doon kaya walang basta-bastang nakakapasok. Get ready. Susunduin kita around nine this morning. Magdala ka na rin ng mga gamit mo dahil hindi mo sure kung mapipirmahan agad ni Mondragon ang dala mong contract. Bye." "Hindi na masama," aniya mayamaya. Mabuti naman at kahit paano ay may silbi rin ang pinsan niyang iyon. Even if, masyadong high profile ang pinsan niyang iyon ay hindi naman siya ilang dito. Dahil kahit na may kahanginan at kayabangan ito ay mabait naman sa kanya. Mabuti rin at alam nito ang pinagagawang iyon sa kanya ng lola nila. Kumilos na siya para ihanda ang mga gamit. Saktong nine ng marinig niya ang busina sa labas ng kanilang inuupahang bahay. Simpleng bahay lang iyon dahil ayaw namang tumira ng kanyang ina sa mansiyon ng kanyang Lola Corazon sa kadahilanang hanggat kaya ng mama niya ay mananatili sila roon para buhayin sila ng kapatid niyang bunso na si Jerico. Adopted lang si Jerico na itinuring niyang tunay na kapatid. May history kung bakit ayaw ng mama niya na pumisan sa kanyang abuela. Pagkalabas niya sa bahay ay agad niya iyong ini-lock. Nasa trabaho ang kanyang ina at ang kapatid naman niya ay pumapasok kaya walang ibang maiiwan doon. Agad siyang pinagbuksan ng kanyang pinsan ng pinto. Inilagay naman nito sa backseat ang bag niyang dala. "You'll be staying at my house while doing your job," ani Eros habang daan. "Okay. Safe naman doon 'di ba?" "Oo. Snob naman ang karamihan doon kaya sigurado akong safe ka sa mga residente ng Bachelors Estate." "'Yung Privado Mondragon ba madaling kausap o mahirap? Kilala mo ba iyon?" Tumango ito. "I know him a little. Madalas siya sa Chuchu Café na nasa loob ng Estate. He's twenty nine already. Ang alam ko engage na dapat iyon kaso hindi natuloy. Kasing pribado niya ang pangalan niya kaya wala kaming idea kung bakit hindi natuloy. Mag-ingat ka lang dahil baka maihagis ka noon kapag nagalit sa iyo. So, do your best. 'Wag ka ring tsismosa. Kung ano ang ipinunta mo roon ay iyon lang ang gawin mo. Maliwanag?" "Clear." Nang lumiko pakanan ang kanyang pinsan ay saka lang niya napagtanto na papasok na sila ng Bachelors Estate. Hindi na siya magtataka kung bakit walang basta-basta nakakapasok sa loob. Dahil pagdaan pa lang sa guard house ay may anim na security guard na naroon. Paglampas doon ay madadaanan ang isang convenient store na may katabing grocery. Kahanay rin niyon ang tinutukoy ng pinsan niya na Chuchu Café. Weird name. Ang mga bahay ay may kalakihan din. Sobrang linis at tahimik ng lugar. Peaceful na tiyak na pabor sa marami. "Mga bachelors lang ba talaga ang mga nakatira rito?" Hindi niya maiwasang usisa. "Yes. 'Yung iba nagkapamilya na kaya 'wag kang magtataka kung may makita kang mga bata rito." Napatango-tango siya. "Ang ganda rito. Parang kahit magpagala-gala ka sa gabi ay walang manghihigit sa iyo." "Hoy, Justine Mari, 'wag mong susubukan na maglakad dito sa gabi. Hindi mo pa rin kilala ang mga tao rito." Iningusan niya ito. "Alam ko." Huminto sa pagmamaneho ang kanyang pinsan at itinuro sa kanya ang nasa tapat nilang bahay. "Bahay ni Mondragon." Napatitig tuloy siya roon. May kalakihan din iyon kagaya ng iba. May munting garden sa harapan na puro bulaklak at garrage na may kalakihan. "Dumiretso na muna tayo sa bahay. Hindi naman kalayuan dito," ani Eros na muling pinasibad ang sasakyan. "Mamaya pang alas singko ang uwi ng pakay mo kaya mamaya ka na lang bumalik dahil walang tao sa bahay niya." "Walang maid?" "Hindi uso rito ang maid. Puwera nalang sa ibang may pamilya na." Kakaiba ang lugar na iyon. Independent ang mga tao. Nang makarating sa bahay ng pinsan niya ay humanga rin siya roon. Wala rin doong maid pero napaka-organize ng loob ng bahay nito. Parang hindi welcome ang alikabok. "Nice house, Kuya Eros. Ilan ang kuwarto rito?" aniya habang inililibot ang tingin sa loob ng bahay. "Tatlo. Gamitin mo 'yung unang silid na madadaanan mo pagkaakyat mo sa hagdanan." "Okay." "Hindi na rin ako magtatagal dahil kailangan ko pang bumalik sa kumpanya ni Lola Corazon. Ikaw na ang bahala rito, Justine. Suit yourself. May pagkain na puwedeng lutuin sa ref kapag nagutom ka. 'Wag mo lang susunugin itong bahay ko." Tumango siya habang natatawa. "Ang OA mo. Sige na at ako na ang bahala sa sarili ko." Nang makaalis ang pinsan niya ay umakyat na siya sa pangalawang palapag at pinuntahan ang silid na itinalaga nito sa kanya. Inayos niya roon ang gamit na dala. "Mamaya kailangan ko ng simulan ang task kong ito. Sana maging maayos. Fighting Justine Mari!" BAGO pa lang sumapit ang alas sinco ng hapon ay matiyaga ng naghihintay si Justine sa harap ng bahay ni Privado Mondragon dala ang itim na folder at isang black ballpen. How she wish everything will be fine. Nang mangalay sa katatayo ay naupo naman siya sa may gutter. Naiinip na siya dahil lumipas na ang alas sinco ng hapon ay wala pa rin ang pakay niya. Balak na sana niyang umalis ng sumapit ang alas sais ng gabi ng siya namang dating ng isang magarang sasakyan. Dumating na rin sa wakas si Privado Mondragon. Inayos niya ang sarili ng makita ang pagbaba nito sa sasakyan para siguro buksan ang gate. Handa na siyang lumapit dito ng mapahinto siya sa paglalakad. Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata ng mapagsino ang lalaking bumaba ng magarang sasakyan. No, it can't be! Bibira na sana siya ng talikod ng mapatingin naman ito sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay nito ng makita siya. Ware'y nakilala siya base na rin sa reaksiyon nito na tumiim ang mga bagang. Ganoon na ba talaga kaganda ang mukha niya para hindi agad makalimutan? Napaatras siya ng humakbang ito palapit sa kanya. "You?" Umawang ang mga labi niya ngunit walang salita ang namutawi. Tulala lang siya sa kaguwapuhan nitong hindi pa rin kumukupas. Si Privado Mondragon at ang hudyo na nanghalik sa akin at sinira ko ang proposal sa girlfriend ay iisa? Why? Paanong nangyari? nalilito niyang wika sa isip. Parang gusto na niyang bumukas ang lupa at lamunin siya. Ngayon pa lang parang gusto na niyang umurong sa task na ibinigay ng kanyang lola. Bakit ang liit ng mundo?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD