"Hello Mom? Good evening po!" Panimulang bati ni Kendrick sa byenang babae. "I'm sorry for calling you this late but si Milcah kase, she's not returning to my calls, nag aalala lang po ako. Is she there?" Kendrick asked politely.
"No she's not, the kids are here though. She dropped them off this morning but she didn't return ever since. Akala ko nga may trip kayong mag asawa kase may mga maleta syang dala. She asked me to take good care of the kids until you return from Cebu. Is she not with you ba?" his mother in law asked in return.
"Wwhat? But I thought she went there with the kids? Ang sabi pa nga nya saakin kaninang umaga ay susunduin nyo daw sila with Dad. That they were going to spend a couple of days with you there." Ani Kendrick.
"No! Ofcourse not! Actually she just dropped the kids here at nagmamadali nang umalis. She didn't even say hello sa Daddy ninyo akala ko nga baka naghahabol sya ng flight eh."
"Kung ganoon ay nasan po sya? Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko. Her phone is turned offed." Kendrick in a concern voice.
"Wait! Hindi ba kayo nag away?" Mrs. Tuazon asked.
"No! Okay kami Mom. We didn't have any problems at all sa pagkaka alam ko, ni hindi kami nagkaka tampuhan. Yesterday morning pa nga I asked her with the kids for a trip. A family vacation po sana but she declined. Then kaninang umaga ang sabi nya saakin umuwi daw ako kaagad. I don't understand po what's happening!" Naguguluhang sagot ni Kendrick.
"Okay sige ganito, let's not jump into any conclusions muna. Maybe she was just up to something. Or maybe she's planning to surprise you! Malay mo naman diba? Alam mo naman yung asawa mong iyon, minsan may mga paandar pag tinutopak!" Pang aalo ng ginang.
Hindi naman naka sagot agad si Kendrick. Aminado syang ni hindi miminsang sinusurpresa sya ng kanyang asawa at medyo matagal na din ng huling ginawa nya ito. At marahil nga ay ganoon ulit ang balak nito sa kanya. Wala na syang ibang maisip na dahilan kaya naman kinumbinsi niya ang kanyang sarili sa ideyang iyon kahit pa may pag aalinlangan sya sa kabilang banda ng kanyang isipan.
"You're right Mom... sana nga ganoon. But still, kailangan ko syang macontact para hindi ako mag alala. Ayokong isipin pero sana ay walang nangyaring masama sa kanya. Pero huwag naman sana." May pag aalala sa tinig ng lalaki.
"Let's just wait for now hijo. Huwag ka muna mag isip ng hindi maganda okay? Don't worry about the kid's they are more than fine with us. Balitaan mo ako if she contacted you alright?" Anang ginang sa kanyang manugang.
"Yeah. 'kay, sure Mom! Please kiss the kids for me." He requested.
"I will hijo." Paalam na ng ginang sa manugang saka ini off ang call button.
Pagkatapos niyang maka usap ang biyenan ay pabaling baling sa kama si Kendrick. Pinipilit nitong magpahinga at kuhain ang kanyang tulog ngunit sadyang hindi ito dalawin ng antok. Hindi nya alam ngunit parang may bumubulong sa kanya na may mali sa sitwasyon. Sa wakas ay bumangon ito at kinuha ang cellphone upang tawagan muli ang asawa. Hindi man nag riring ang nasa kabilang linya ay nagsend parin ito ng mensahe sa kanya na sana ay tawagan nya ito at nais nyang tiyaking maayos ang kalagayan nya. Sinubukan din nyang tawagan ang kaibigang si Calvin para sana may makausap ito ngunit naisip nyang abala pa ito sa kanyang business trip. Alam nya kung gaanu kahalaga para sa kaibigan ang deal na iyon. Si Calvin ay matalik na kaibigan nina Kendrick at Milcah since first year college. Halos kapatid na ang turing nito sa kanya kaya naman kinuha nya itong Ninong ng kanyang dalawang anak to strengthen their bond. Nang magsimula si Calvin na itayo ang kanyang sariling kumpanya ay tinulungan nya din ito sa abot ng kanyang makakaya. When he entered his dad's company ay lakas loob na agad niyang hiniling sa ama na bigyan ng chance ang kanyang kaibigan. His father is a successful business tycoon in the Philippines kaya naman sinasala nyang mabuti ang mga kumpanyang nais maka kuha ng deal sa mula sa kanila. Calvin was given a chance to proved his self kahit papaanu kaya naman kahit hindi pa well established ang kanyang kompanya ay naka kuha ito ng malaking projectl sa kumpanya ng kanyang kaibigan. At ngayon nga ay unti unti nading nakikilala si Calvin when it comes to textile products. Kung minsan pa nga ay inererekomenda nya ang kaibigan sa mga kakilala nyang potential investors para lamang makilala din sya sa business industry na kinabibilangan nila. Saksi ito sa mga hirap na dinanas ng kaibigan simula ng itakwil sya ng kanyang ama dahil isa lamang syang anak sa labas. Kaya naman sa abot ng kanyang makakaya ay nais nyang tulungang umangat ang kaibigan na halos ituring nadin nitong kapatid.
Kinabukasan, bagamat bahagyang ilang oras lamang ang tulog ni Kendrick dahil sa kakaisip ay maaga parin itong bumangon. Agad nyang chineck ang kaniyang cellphone in hoping na kinontak na sya ng kanyang asawa. Ngunit laking dismaya nito ng ni isang mensahe mula sa kanya ay wala itong natanggap. Laylay ang mga balikat na tumayo ito mula sa kama saka nagtungo sa banyo upang mag shower. Hindi sya mapalagay kaya naman minadali nya ang pagligo at agad na nagbihis, ipinasya nitong umuwi na ng Maynila upang alamin ang kalagayan ng asawa.
Pagkadating nito sa Maynila ay agad itong dumiretso sa bahay ng mga biyenan, umaasa na nandoon na ang kanyang asawa kasama ang mga anak ngunit nanlumo lamang sya ng sabihin ng byanang babae na wala ito doon. Agad syang nagpaalam sa mga anak at sa magulang ng kanyang asawa upang puntahan naman nito ang kanilang bahay sa pagbabaka sakaling madadatnan doon ang kabiyak. Ilang beses nyang tinawag ang pangalan ng asawa pagka bukas pa lamang nito ng kanilang main door pagkatapos ay saka hinanap sa ibat ibang parte ng kanilang bahay. Nagpunta sya sa kanilang silid at doon nakita nya ang iilang mga damit na nakakalat sa sahig. Nakabukas ang mga drawers at closet na kinalalagyan ng mga gamit at damit ng kanyang asawa. Noong una, akala nyay pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bahay ngunit napansin niyang tanging mga gamit lamang ng asawa ang nagulo at ang iba ay wala na sa dati nitong pwesto. Bumangon ang matinding kabog sa kanyang dibdib ng makitang wala din ang mga maleta sa kanilang walk in closet. Pabalik balik syang naglalakad sa kanilang silid mag asawa habang sinusubukang tawagan ito ng mapansin niya ang isang brown envelope na nasa ibabaw ng kanilang bedside table. Nanginginig man ang kanyang mga kamay dala ng pag aalala ay pinilit nyang pinapakalma ang sarili at naupo sa gilid ng kama, saka binuksan ang nilalaman ng envelope na iyon.
"Petition for Annulment" ito ang mga letrang agad nagpa laki ng kanyang mga mata. At nang basahin nya ang nilalaman ng sobre ay nagmistulang tila patalim ang mga ito na pumunit sa kanyang puso.
Pakiramdam ni Kendrick ay tila nanlamig ang kanyang buong katawan mula sa nabasa sa kapirasong papel na iyon. Hindi ito maka galaw at tila na estatwa sa kanyang kinauupuan. Ilang sandali pa ay nanlabo ang kaniyang mga mata at naramdaman ang pagpatak ng mainit na likido sa kanyang mga pisngi. Nanginginig ang mga kamay nitong marahas na pumunas sa mga nag uunahang luha mula sa mga mata. Inayos nya ang kanyang sarili at saka ginagap ang cellphone sa kanyang bulsa. Ayaw nyang maniwala, mas gusto nyang isipin na nagkamali lamang sya ng nabasa. Istupido at ipokrito man ang kalalabasan nya kahit malinaw ang isinasaad ng papel na iyon ay mas nais nitong paniwalaang "nagkamali lamang o prank lamang ang lahat." Nanlumo sya nang hanggang sa mga oras na iyon ay hindi padin nito makontak ang asawa. Sinubukan nyang icheck ang social media account ng asawa at doon nya nakita ang voice message nito para sa kanya. Pinindot nya ang play button ngunit pagkatapos nyang marinig ang lahat ng gustong sabihin ng asawa ay tila binagsakan ito ng langit at lupa. Agad nyang tinakbo ang pinto palabas ng kanilang bahay saka pinaharurut ng mabilis ang kanyang sasakyan. Tila wala na itong pakialam kong mabangga man sya o makabangga. Ang nais nya lang ay kumpirmahin ang lahat sa kanyang asawa. Nais nyang maka usap ito ng personal. Nais nyang malaman ang mga sagot sa kanyang katanungan. Gulong gulo ang kanyang isip at hindi nya maintindihan ang samut saring emosyon na kanyang nararamdaman.
Dumiretso ito sa bahay ng kanyang mga biyenan umaasang nandoon na ang kanyang asawa. Mabilis at madiin nitong pinindot ang doorbell at hindi naman sya nabigo dahil binuksan agad ng kasambahay ang gate. Dirediretso itong pumasok habang hinahanap ng kanyang mga mata si Milcah ngunit una nyang nakita ang biyenang lalaki na kalaro ang mga apo sa kanilang malawak na sala.
"Hijo! Ken, ikaw pala! Boy's say hi to your dad!" Nakangiting utos nito sa mga apo kahit alam nitong hindi pa sila gaano nakaka intindi.
"Dad, alam nyo po ba kung nasan ang asawa ko?" Kendrick asked straightforwardly.
"What? No! Akala ko nga magkasama kayo eh!" Gulat na sagot ng matanda.
"May problema ba?" Sunod na tanung nito ng mahalata na tila balisa ang manugang.
"Yes there is. Umuwe ako sa bahay namin in hoping that she'll be there. Pero sa halip na asawa ko ang madatnan ko ay kapirasong mga papel ang tumambad saakin. What's making me furious is that I didn't expect what that paper turns out to be!" May nginig sa boses ni Kendrick.
"What do you mean?" Takang tanung ng biyenan.
"It's an annulment papers." Kendrick almost got choked.
His father in law didn't respond. But his facial expression tells it all. His shocked.
"What's going on?" Tanung ng Ginang habang pababa na din ng kanilang hagdanan.
"Do you know something about this?" Subalit ay balik tanung ng matandang Ginoo sa kanyang asawa.
"About what? What do you mean?" She asked again.
Mula doon ay hinugot ni Kendrick ang kanyang cellphone saka plinay ang voice message ng kanyang asawa para dito.
"Ken, by the time you'll hear this ay wala na ako diyan sa Pinas. I left our kids to my parents house. It's so hard for me to leave them behind pero hindi ko na kayang mabuhay ng ganito. Araw-araw pagka gising ko kailangan kong magpanggap na masaya ako sa piling mo when deep down inside I am shuttered in to pieces. I'm so fed up! It pains me to imagine that our kids are growing without me, without there mother by their side. But it will also kills me if I will keep on going with this kind of miserable life. Hindi ko na kilala ang sarili ko. I want to find myself. I feel so lost. Gusto kong maging masaya ulit. The genuine happiness na hindi ko na nararamdaman pag kasama kita. I know it will sound selfish to you but this is my true feelings towards you. I guess I fall out of love with you. But I love our kids so so much! Masakit para saakin ang iwan sila pero gusto ko munang hanapin at buuin ang sarili ko. Only then saka ko lang sila mahaharap ulit bilang ina nila. I also want them to be proud of me! Patawarin mo ako kung sa ganitong paraan ko sinasabi ang lahat, dahil alam kong hindi mo ako papakawalan kapag sa personal ko ito sasabihin. And for sure, my emotions will drown all the courage that I gathered to come up into this decision when I'll tell it to you face to face. I'm very very sorry Kendrick. Please tell my boy's that I love them. That I'm doing this for them. That I'm doing this to be a better mother for them. Please, please I beg you, sign those papers that I left. I know that you love me, but I can't leave like this anymore." The voice message ended.
Gulat at pag aalala ang gumuhit sa mga mukha ng biyenan ni Kendrick. Ngunit mas masakit at tila pinipiga ang puso ni Kendrick ng muling marinig ang mensahe ng asawa para sa kanya.
"Tell me this instant kung anung pinagsasabi ng anak mo!" Mabagsik na tanung ni Mr. Tuazon sa asawa.
"I- I don't have any idea what's going on!" Nanlalaki ang mga matang sagot nito sa matandang lalaki.
"Are you sure Mom?" Kendrick asked unconvinced. Alam nya kaseng ito ang takbuhan ng asawa sa lahat ng oras kahit noong mga panahong teenagers pa lamang sila ni Milcah. She's her mother and also her best friend at the same time.
"Yyes!" Garagal ang boses ng ginang na hindi maka tingin ng deretso sa manugang at asawa.
Nag igting naman ang mga panga ni Kendrick. Alam nyang may itinatago ang byenang babae sa kanya ngunit alam nyang hindi nya ito mapapa amin agad.
"Fine! I'll take the boys now. Thank you for taking care of my kids." Malamig na tinig ni Kendrick.
"Bbut! Saamin sila iniwan ng Mommy nila. Paanu kung bumalik si Milcah anu nalang ang sasabihin nya saaming mga magulang nya?" Subalit ay protesta ng ginang.
"Seriously Mom? Narinig nyo naman siguro kung anung sinabi ni Milcah hindi ba? Umalis sya! Umalis sya ng ganun ganun lang! At ako bilang ama, responsibilidad kung alagaan ang aking mga anak at protektahan sila sa mga taong mananakit lamang sa kanila." Galit ng tinig ni Kendrick.
"Are you saying na sasaktan namin ang mga apo ko?" Ngunit ay tila galit nading tanung ng ginang sa manugang.
"Wala po akong sinabing ganyan. Kung hindi ninyo naunawaan ang sinabi ko nasa sa inyo na yun, but I'm taking back my kids. Kargo ko ang mga anak ko." Mababa ngunit may diing tinig ni Kendrick.
"No! You can't!" Mrs. Tuazon strongly disapproved.
"Yes, he will!" Sa wakas ay tinig ni Mr. Tuazon.
"What?" galit na baling ni Mrs. Tuazon sa asawa.
"His the father of the kids. May karapatan syang higit kaysa saatin. Malinaw ang nais mangyari at gawin ng anak mo. Gusto nyang makipag hiwalay sa kanyang asawa but she doesn't have the guts to tell it to him personally. She abandoned her kid's given that they are still young. Walang kamuwang muwang sa mundo ang mga anak nya ngunit iiwan nya ito dahil lang sa pansarili nyang rason at interes? Clearly, she's a selfish brat! She doesn't deserve to be a mother! She wants to be free then let her be!" Mr. Tuazon's voice shaking in anger.
"You may go now Hijo. Take your children with you. Can I just please atleast beg you to let us visit and bond with the kids sometimes?" Anang matanda sa nangungusap nyang mga mata.
Hindi naman umimik si Kendrick ngunit tumango ito bilang tahimik na pagsang ayon.
"Thank you and please raised my grandkids well." Nangingiyak na pakiusap ng matandang byenan. My only child, your wife. I couldn't believe she can do this to her own children. Or maybe it's my fault." The old man paused in silence.
" I feel so ashamed right now to even face you." Bahagya pang tumalikod ito mula kay Kendrick saka pinagmasdan ang mga naglalaro nyang mga apo sa kanilang sala, at unti unting gumuguhit ang isang mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
"We are a failed parents." Sa wakas ay tinig nito habang gumugulong ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.