Madaling araw pa lamang ay gumising na si Kendrick upang maghanda ng kanyang mga dadalhin sa Cebu ngunit laking gulat nya ng makita ang kanyang mga gamit na maayos nang nakasalansan sa kanyang maleta. Agad nyang pinuntahan ang asawa na hanggang ngayon ay mahimbing paring natutulog sa kanilang malawak at malambot na kama. Dahan dahan itong lumapit sa kanya at saka tinaniman ng magaan ngunit masuyong halik sa mga labi. Para sa kanya wala na syang mahihiling pa. Meron syang maasikaso at mapagmahal na asawa idagdag pa ang napaka guwapo at bibo nyang mga anak. He felt contentment in life. Wala na itong mahihiling pa, kung meron man ay ang tanging palagi nyang ipinagdarasal na sana'y palagi silang buong pamilya na punong puno ng pagmamahalan.
"Hmmn..." Dinig ni Kendrick na himig ni Milcah.
"Sorry. Did I wake you?" Kendrick asked softly.
"It's alright!" Naka ngiting sagot ni Milcah habang hinahaplos ang pisngi ng asawa.
"I love you hon!" Muling sambit ni Kendrick dito na sinagot naman niya ng isang matamis na ngiti. Sa nag uumapaw na kasiyahang nararamdaman ni Kendrick ay muli nyang inalayan ng halik ang kabiyak. But this time was more deeper and torrid.
Nagpatuloy pa ang kanilang halikan at nawaglit na nga sa isip ni Kendrick ang kalagayan ng asawa. Masyado na itong nadarang sa init na kanilang pinag sasaluhan ngunit bigla itong tila natauhan ng itulak sya ni Milcah palayo.
"I'm sorry hon. But not now please?" Dinig nyang pakiusap nito sa kanya. Hindi man sya agad naka imik ay ginagap nito ang kanyang kamay saka hinalikan tanda na naiintindihan nya ito.
"Okay. Magpagaling ka hon. At kapag gumaling kana, promise me babawi ka ha?" Kendrick smiled at his wife at tumango naman ito bilang tugon sa kanya.
Agad inayos ni Kendrick ang sarili at tinungo ang shower room nilang mag asawa sa loob ng kanilang silid. Doon ay hinayaan ni Kendrick na bumuhos ang malamig na tubig sa kanyang katawan na kanina lamang ay tila inaapoy ng lagnat.
Samantalang si Milcah naman ay naiwan sa kanilang higaan na tila nakokonsensya sa ginawa nitong pagtanggi sa asawa. Magkahalong pagkalito at pag usig ng konsensya ang kanyang nararamdaman. Hindi nya alam kung ilang minuto syang naka titig lamang sa kumot nilang mag asawa. Maraming mga bagay ang gumugulo sa kanyang isipan. Pinilit nyang iwaksi ang mga bagay na alam nyang hindi makaka tulong sa kanya hanggang sa lumipas pa ang ilang sandali at pumutok na nga ang bukang liwayway.
Agad inayos ni Milcah ang kanyang sarili at pumanaog sa hagdan ng kanilang bahay upang magpunta sa kusina. Nais niyang pagsilbihan o ipagtimpla man lang ng kahit na kape ang asawa bago ito umalis papuntang Cebu.
Maya maya pa nga at pumapanhik na pababa ng hagdanan si Kendrick dala dala ang isang hindi kalakihang maleta.
" I made you coffee hon! Inumin mo na muna ito para mainitan ang tyan mo. Then I'll cook breakfast for you." Milcah told him at nakangiti nitong iniabot ang babasaging tasa na may lamang kape sa asawa.
Nakangiti din namang inabot ni Kendrick ang ibinigay ng asawa saka sumimsim ng ilang higop.
"Don't bother hon, hindi na ako mag aalmusal dito sa bahay. I'm just going to finish my coffee then I'll go ahead na. Baka hindi ko na kase maabutan yung flight ko."
"Ahh ganoon ba? Sige. But you have to at least eat something. You want me to make you some sandwiches?" Milcah asked.
"I'll be fine hon, don't bother. But I appreciate it, really!" Tumayo si Kendrick mula sa stool saka ikinulong ang asawa sa kanyang mga bisig. "I love you so much! Ayokong mawala ka saakin hon!" Bulong nito dito.
Natigil at napalunok naman si Milcah mula sa mga salitang narinig. Unti unti nitong kinalas ang pagkakayakap ni Kendrick sa kanya. "Bakit mo naman nasabi yan?" Tila hindi mapakaling tanung nito.
"I don't know!" Kibit balikat na sagot ni Kendrick. "Siguro affected lang ako sa nasabi saakin ni Calvin kahapon ng magpunta sya sa opisina." Wika nito saka humigop ulit sa kanyang kape.
"Ca-calvin? Wwhat about him? Anung napag usapan nyo?" Milcah stuttered while scratching her nape.
"Well, hindi ko ugaling pag usapan ang buhay ng iba kahit pa kaibigan ko sila. Pero kase nag aalala ako for him. At kahit saang anggulo ko tignan mali yung ginagawa niya or nila nung girlfriend niya!"
"Wwhat do you mean?" Pag uusisa ng asawang babae.
"I'm bothered with Calvin's relationship with a married woman. Nag aalala talaga ako para sa kanya. Baka yun pa ang ikapahamak nya." Kendrick told his wife.
Nanlaki naman ang mga mata ni Milcah ngunit hindi ito nakita ni Kendrick dahil agad itong tumalikod paharap sa kanilang kitchen sink.
"Are you alright hon? May masakit ba sayo? Can I get you something?" Kendrick asked in concern when Milcah finally turned around only to reveal her pale face.
"Yeahhh! Ay-a I'm fine! Naduduwal lang ako!" Pagrarason ni Milcah na halos hindi maituwid ang mga salita.
Tumikwas naman ang kilay ni Kendrick sa narinig. "Morning sickness?" Diretsahang tanung nito.
"No! Ofcourse not! Ilang buwan na akong under medication. Saka paano naman ako mabubuntis kung walang sperm na nakakarating sa matris ko?" Pabiro ngunit nag aalalang sagot ni Milcah. "So anu pang ibang sinabi ni Calvin?" Pag uusisa nito.
Kendrick shrugged his shoulders sa kawalan ng sasabihin. "Calvin said that his going to do anything para sa babaeng yun. And while he's telling me that I saw how serious he is to that woman. Too bad she's already taken. I just hope na wala silang masasaktan. Kaibigan ko sya but it's a mortal sin, it's even in the ten commandments right? I just forgot kung pang ilang commandments na ba yun?" Napapikit habang nag iisip ma wika ni Kendrick.
"It's the sixth commandment." Wala sa loob na sagot ni Milcah.
"Yeah! Yeah! Sixth it is. Oh God, of all the million fishes in the sea bakit kase sa may asawa pa sya tinamaan? Pwede namang sa matanda na walang asawa or sa single mother. Atleast single mothers do know how to handle his man given na may past history na sya sa aspetong pag ibig right? O kaya naman sa widowed woman diba? Or much better sa isang normal na babae na kaedad nya at free from any commitments. He deserves it! Calvin deserves a better one!" Napapa iling na lang na wika ni Kendrick.
"I'm sure he has his reasons. I'm sure hindi din naman siguro nila ginusto pareho ang sitwasyon given the circumstances or obstacles that they have to go through." Milcah answered calmly but in her heart she felt the striking pain deep within.
Kendrick looked at her wife samantalang palihim na pinapanatili naman ni Milcah na kalmado ang sarili.
"He's in a real huge trouble. I just hope na matauhan sya kaagad bago pa man mahuli ang lahat. Kahit gaano pa kalalim ang nararamdaman nila para sa isat isa, that doesn't change the fact that they are committing a sin. It's an affair. An infidelity."
"Bbakit ba natin pinag uusapan yan this early morning?" Milcah tried to lighten the mood of the room but she still feels heavy. She felt guilty dahil totoo ang lahat ng sinasabi ng asawa. Pakiramdam niya ay nanikip ang kanyang dibdib habang inuusig ng konsensya nya ang kanyang puso. Sa hindi mawaring gagawin ay bigla na lang nitong dinampot ang tasang nasa kanyang harapan saka nito nilagok ng walang anuman ang nilalamang kape.
"You're drinking coffee?" Kendrick asked in surprised. Alam nya kaseng hindi mahilig sa kape ang asawa dahil ayaw nya ang lasa nito. Unlike him na coffee lover at gustong gusto tikman ang ibat-ibang uri ng kape na mula pa sa ibat ibang lugar.
"Oh! Yeah right! What am I thinking?" Balisang ani Milcah na pinilit pang tumawa. Naka aircon sila sa loob ng kanilang bahay ngunit pakiramdam nya ay sobrang init na halos pag pawisan na sya ng malagkit.
"Are you really alright? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" Nag aalalang tanung ni Kendrick saka tumayo sa kinauupuan upang alalayan sana ang asawa.
"Silly! I'm fine really!" Subalit ay tanggi nito saka bahagyang lumayo. "Alam mo, mabuti pa mag ready kana! Baka mahuli ka sa flight mo. Tsaka mas mabuti nang maaga ka makarating sa site para mas maaga mo ding matapos ang mga dapat mong ayusin doon." Pagtataboy nito kay Kendrick. Gusto nyang iwasan na madampihan ng asawa ang kanyang balat dahil nag aalala syang baka madiskubre nito ang panginginig ng kanyang katawan. Ni halos ayaw sana nitong lumapit pa ito sa kanya dahil natatakot syang baka marinig nito ang tila nakaka binging mabilis na pagtibok ng kanyang puso. She was afraid to get caught.
"Hon, you don't seem fine to me. Come on I'll get you to the hospital. Hindi ako mapapakali kong iiwan kitang ganyan." Pakiusap ni Kendrick.
"Okay lang ako hon, minsan talaga nakaka ramdam ako ng pagkahilo, dahil nadin siguro sa kulang daw ako sa dugo. Don't worry I am taking my meds naman. This is not a big deal." Milcah reassured him. Huminga ito ng malalim saka humakbang at niyakap ang asawa ng pagka higpit. "I'll see you after a few days. Be good okay? Remember may asawa at anak kang naghihintay sa iyo." Pag iwas nito sa usapin.
"Okay. Basta sure kang okay ka ha? I can catch another flight naman kaya you don't have to worry about me getting late. Nag aalala lang kase talaga ako sa iyo, baka mamaya iba na pala iyan."
"No! You don't have to. I'm fine! I'm okay! Hindi bale at mamaya susunduin na ako nila Dad. Maya-maya baka nga anjan na sila. You know naman how Dad is so excited to spend quality time with his apo's. So you better hurry na and don't worry about me!" Tapik ni Milcah sa balikat ng asawa.
"Okay, if you insist. I'll call you later nalang okay? Take care of yourself and the kids. Sumilip na ako kanina sa mga kwarto nila, they are still asleep but I kissed them goodbye. Sa iyo nalang ako hindi nakaka halik." Muling lambing ni Kendrick saka hinapit ang beywang ng asawa.
"Hmn.. Uwe ka kaagad ha? I'm sure hahanapin ka ng mga bata saakin." Nakangiting bilin ni Milcah.
"Yes Ma'am!" Sabay halik ni Kendrick sa labi ng kanyang asawa.
Hindi naman pinatagal ni Milcah ang halik na iyon at pasimpleng umiwas. "Lakad na!" Anito saka hinila ang asawa papunta sa kanilang pinto.
"Pinagtatabuyan muna ako agad?" Tila nagtatampong batang ani Kendrick. "Sige na nga! I'll go ahead!"
"Tsk! Tampururut! Byeee!" Subalit ay natatawang asar pa ni Milcah. Iwinagayway din nito ang kaliwang kamay ng makasakay na si Kendrick sa loob ng kanyang kotse.
Bumusina na lamang si Kendrick sa asawa saka minani obra ang kanyang sasakyan at tuluyan na ngang nilisan ang kanilang tahanan.
Naiwan naman si Milcah na agad nagbago ang ekspresyon ng mukha. Ang kaninang naka ngiti nitong mga labi ay napalitan ng pag aalala at pagka balisa.
Nang makarating si Kendrick sa Cebu ay agad nyang inatupag ang pag aayos sa mga problema na kailangan ng kanyang mismong presensya. Sinikap nitong tapusin kaagad ang lahat upang makauwi din lang ng madaling araw pabalik ng Maynila. Nais sana nitong sorpresahin ang asawa at makapag bakasyon sila sa kung saan nito naisin upang makapag relax man lang ito. Ngunit bigo siyang matapos ang lahat sa loob lamang ng isang buong araw. May mga dapat pa syang kausapin at icheck sa loob ng site dahil hindi basta basta at malaki ang proyektong hinahawakan nya.
Alas dyis na ng gabi nang ilapat ni Kendrick ang pagod na katawan sa malawak at malambot na kama sa loob ng hotel na kanyang tinutuluyan. He closed his eyes and massage his temple for a while ng maalala nitong tawagan ang kanyang asawa ngunit hindi nya ito makontak. Ilang tawag pa ang kanyang tinangka ngunit hindi talaga nya makontak ang asawa. Mag aalas onse na ay hindi pa din nya ito nakakausap. Hindi nya alam ngunit bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Alanganing oras man ay sinubukan nyang tawagan ang kanyang mga biyenan at nang sa wakas ay sumagot ito sa kabilang linya.