Three months ago...
"Good night hon, I love you!" sabay halik ni Kendrick sa pisngi ng kanyang asawa.
"Good night hon. Pahinga ka na din." Nakapikit ngunit may matamis na mga ngiti sa labi na sagot ni Milcah habang nakayakap sa beywang ni Kendrick.
Lumipas ang magdamag na magkatabi at payapang natutulog ang mag asawa. Pagsapit ng umaga ay agad naghanda si Milcah upang asikasuhin ang kanyang mag aama. Abala itong naghahanda para sa almusal habang naka upo naman ang panganay nito na kasalukuyan ng kumakain habang ang kanila namang bunsong anak ay naglalaro sa kanyang baby rocker.
"Good morning!" Masiglang bati ni Kendrick, agad itong humalik sa kanyang mga anak at nilapitan ang naka talikod nitong asawa na nakaharap sa kanyang niluluto. Hindi namalayan ni Milcah ang paglapit ng asawa na nasa likod na pala niya at bahagya pa itong nagulat ng mula sa likod ay niyakap sya nito at inihilig ang baba sa balikat nya.
"Ang galing naman ng asawa kong mag luto! Aahhh! Smell's good! What are you cooking?" Tanung nito.
"Amo'y lang yan ng ginigisang bawang!" Natatawang sagot ni Milcah.
"Regardless. It's smells nice. The aroma is sitting in my nostrils." Naka ngiting ani Kendrick.
"Tsk! Ang o.a neto! Sinangag lang naman yung niluluto ko!" Ani Micah.
"Hmn.. I'm just trying to make a compliment. Isa pa, I personally think that we dont need na to go on a fancy restaurants anymore. Because the best chef is in the house! Walang panama yang mga Michelin michelin na yan sa chef ko dito sa bahay, tsk!" Iiling iling ngunit proud na wika ni Kendrick.
"Haist! Maupo ka na nga lang jan! Daluhan mo yung anak mo sa mesa at ihahain ko na 'to, gutom lang yan!" Pagtataboy ni Milcah.
"Sus! Kunwari ka pa! Alam ko namang gustong gusto mong pinupuri kita. Sige ka lalaki ulo mo nyan!" Pang aasar ni Kendrick sa asawa ngunit pinandilatan lang nya ito ng mga mata at saka inginuso ang mga anak na tila naiintindihan ang kanilang pinag uusapan dahil mataman ang mga itong nakatingin sa kanila.
Agad namang dinaluhan ni Kendrick ang mga ito habang natutuwang pinagmamasdan ang mga anak.
"Kumusta ang tulog ng mga prinsipe ko? Sige, magpalaki lang kayo ha? Paglaki ninyo magiging kasing lakas nyo si Daddy tapos hahabulin kayo ng mga chicks kase nga nagmana kayo sa kagwapuhan ni Daddy tapos-"
"Tapos hahabulin ko kayo ng palo dahil nagpapa iyak kayo ng mga babae!" Putol ni Milcah sa iba pa sanang sasabihin ng asawa. "Nakuh! Pag kayo naging babaero talaga, hahabulin ko kayo ng palo sa pwet kahit malalaki na kayo!" Banta pa nito na nakatingin sa asawa.
"Oh? Bat ka nakatingin saakin?" Tanung ni Kendrick na tila batang nakalabi.
"Bata pa mga anak mo pero mukhang bini B.I mona! Hahabulin ng mga chicks? Tsk! Talaga ba Kendrick? So ibig sabihin pala nung high school tayo ay chickboy ka?" Taas kilay na tanung ni Micah na nakahalukipkip.
"Hon naman! Ang aga-aga ang highblood mo! Saka, anu ka ba? Chickboy nung high school? Sino? Ako? Sus! Eh halos hindi nga tayo mapaghiwalay noon diba? Mula ng maging tayo. Kulang nalang sumama ka hanggang sa loob ng boy's c.r!" Nakalabing sagot ng lalaki.
"Ah ganun? So ibig mong sabihin patay na patay ako sa iyo? Na ako tong habol ng habol ganun ba?"
"No! That's not what I mean." Tila pag la lielow nitong sagot ng maramdamang tila napipikon na ang asawa.
"Then what?" Nandidilat na tanung ni Milcah.
"I mean.... Paanu ako makakapag chicks noon kung meron na akong Milcah Tuazon sa buhay ko diba? Doon palang panalo na ako! Walang panama sayo kahit na yung Miss Universe na yan! Saka kung tingin mo saakin eh chickboy, di ibig sabihin poging pogi ako sa paningin mo?!" Kindat na banat nito sa asawa.
"Tsk! Ang sabihin mo nadala ako sa mga pang bubudol mo! Kumain ka na nga dyan! Dami mong alam, binuhat mo nanaman ang sarili mong bangko!" Pagsuko ngunit masungit na sagot ng asawang babae.
"Hmn ..Sarap talaga magluto ng Mommy ninyo!" Ani Kendrick sa mga anak habang nginunguya ang pagkain sa loob ng kanyang bibig.
"Sya nga pala hon, I need to go to Cebu tomorrow morning. Kailangan kong tignan ang site at ang mga tao doon. Tumawag saakin kagabi si Engineer, may mga kaunting problema na dapat ayusin. Ayokong magkaroon ng kahit anong problema o aberya sa project na ito that's why I have to go and fixed it myself." Paalam ni Kendrick.
Hindi naman agad nakasagot si Milcah sa narinig. Tila may iniisip itong malalim.
"Hon?" untag ni Kendrick.
"Huh? Ahh .. well, mga ilang araw ka naman doon?" Tila napipilitang ngiti nito sa asawa.
"A day or two siguro pero I'll try to fix the problems quickly para makabalik kaagad ako. Are you going to be okay without me here? You know what iniisip ko nga eh, since matagal na tayong hindi nakakapag out of town as a family, why not grab it as an opportunity para maipasyal ko din naman kayo. I know that you're getting bored and tired on your daily routine, so I wanted to give you a breath of fresh air! What do you think?" Pagkumbinsi ng lalaki sa asawa habang nakangiti.
"Ahmn. No! It's okay. That's a business trip and ayoko namang maabala ka. I want you to concentrate of your real purpose kaya ka nandoon. Maybe next time nalang." Subalit ay tanggi nito.
"Are you sure? I promised to make things easier and faster para sana makapag bonding din tayo as family there. Atsaka ikaw, gusto ko ding maka pag relax ka." Patuloy na pagkumbinsi ni Kendrick.
"Maybe next time hon. Just promise me na uuwe ka kaagad. Kahit naman nasaan kami basta't kasama ka namin." Madamdaming wika ni Milcah.
Malamlam ang mga mata na napangiti si Kendrick sa kanyang asawa. "You're the best wife! I love you!" Sabay halik sa labi nito.
"Bola! Sige na, kailangan mo nang magmadali dyaan!" Ani Milcah.
"I said I love you!" Subalit ay giit ni Kendrick.
Ngumiti naman si Milcah saka hinalikan pabalik ang asawa. "love you too!" Sagot din naman nito sa huli.
After breakfast ay agad ding nagpaalam si Kendrick sa kanyang mag iina upang pumasok sa trabaho. He leaves the house and went straight to his office. His employees greeted him good morning and he also smiled back at them in return. Maya maya pa ay dumating doon ang kanyang business partner na si Calvin Alfaro na matalik din nitong kaibigan.
"Hey bro! What's up?" Masigla nitong bati sa may ari ng opisina.
"Hey! What's up? You look energetic, happy?" Pansing tanung ni Kendrick.
"Well guess what? I have a flight today within two hour's to Singapore. A potential investors called me last week, and just last night they called again confirming for a formal meeting." Calvin excitedly shared.
"Really? That's great news! Well, congratulations! Matagal mo nang hinihintay ang tawag nila hindi ba? I'm so happy for you bro! So? Kelan mo ako balak itreat nyan?" Birong bati ng kaibigan.
"Yeah! Siyempre naman! Sagot kita. Ikaw pa ba? I swear pagbalik ko sky is the limit ang treat ko sayo! Kung gusto mo pa nga eh ibook kita sa VVIP with Marie Kate?" Sagot ni Calvin habang naglalaro ang nakakalokong ngiti nito sa labi.
"Oh please bro! Huwag! Don't do that! You know how faithfull I am to my wife. Alam kong playboy ka but please spare me! Inosente ako sa mga ganyan dude!" Nakataas ang mga kamay na tila pagsuko ni Kendrick.
Napahalakhak naman si Calvin sa turan ng kaibigan.
"I wish you luck bro! Pag igihan mo ha! Malay mo sa susunod na ayain mo ako sa bar eh, ang icecelebrate natin ay tungkol sa kasal mo." Naka ngiting pagpapalakas loob nito sa kaibigan.
Napatigil naman si Calvin sa mga iba pa sanang sasabihin nito na syang napansin ni Kendrick.
"Oh? Bat biglang natahimik ka? Nabanggit ko lang ang tungkol sa kasal eh! Huwag mong sabihing wala ka pang balak lumagay sa tahimik?" Kendrick's forehead wrinkled.
"Ahmn.. Well, actually gustong gusto ko na nga syang pakasalan eh! Kaso kumplikado pa ang lahat. May mga bagay na dapat nya pang ayusin and it will take time siguro bago ko pa sya maging legal na misis." Biglang lungkot ng mukha ni Calvin.
"Complicated? Hmn.. let me guess! Una, may asawa yung babae? Pangalawa, ayaw nang parents nya sayo? Or pangatlo wala pa sa legal age itong napupusuan mong iharap sa dambana. So? Which is which?" Ani ni Kendrick. Maging ito kase ay hindi pa namimeet ang kasintahan ng kaibigan ni minsan. Ngunit sa tuwing magkasama sila ay panay ang kwento nito tungkol sa umano'y girlfriend nya.
"One!" Calvin straight forwardly answered while waiting and watching for Kendrick's reaction.
Tila natigilan naman si Kendrick sa ginagawang pag papaikot ng ballpen sa kanyang mga daliri at napasandal pa ito sa kanyang swivel chair.
"Are you serious right now? Like, seryoso ka sa sagot mo or seryoso kang igood time ako?" Naka ngiting tanung at umaasang nagbibiro ang kaibigan.
"Im seriously answering your question. She's married and with children. But that doesn't mean I love her less. I love her with all of my heart and I know that she loves me too." Calvin answered calmly, still looking at Kendrick's reaction.
"Wow! Bro, honestly I didn't expect it. Pero paanu yung asawa nya? Does her husband know about her affair? I'm sorry bro ah, pero wala ba kayong ibang taong masasaktan kung ipag papatuloy nyo yan?" Tuluyan ng napa tayo si Kendrick sa kinauupuan ng makumpirmang hindi nagbibiro ang kaibigan.
"Her husband doesn't know. Besides, hindi nya deserve ang babaeng katulad nya bro! He's a blind, self righteous, insensitive man. He only sees her kapag kailangan nya lang ito. He doesn't know the silent pain that his wife is suffering just by being with him. Hindi nya ito sinasaktan physically but he tortures her emotionally. Awang awa ako sa kanya bro. Ultimo mga pangarap nya hindi nya nakamit dahil lang sa maling lalaki ang pina kasalan nya. She's so hurt and broken. And I volunteer myself to fixed every broken pieces of her." Madamdaming wika ni Calvin habang naka tingin ng deretso sa mata ng kaibigan.
Napa buntong hininga na lamang si Kendrick mula sa salaysay ni Calvin.
"Wow. What else can I say? It seems like you already made up your mind. Mukhang desidido ka na at wala nang makaka pigil sa iyo. I just wish na magiging maayos ang lahat sa inyo at sa asawa nya, most especially to their kids. Sila ang mas apektado kahit saang anggulo ko tignan. But hey! I wish you the best bro! I'm rooting for your happiness and success!" Muling ngiti nito sa kaibigan.
"Yeah! I wish you'll still remain that way." Makahulugang sagot nito.
Maya maya pa ay nagpaalam na si Calvin sa kanya upang hindi mahuli sa kanyang flight. Hindi naman malaman ni Kendrick ngunit biglang pumasok sa isip nya ang asawang si Milcah. Agad nyang dinampot ang cellphone nito upang tawagan sya ngunit naka ilang tawag na sya pero hindi parin ito sumasagot dahil busy ang kanyang linya. He attempted to call her again for a few more times when Milcah finally answered her phone.
"Hon? I've been calling you kanina pa pero busy ang linya mo." Saad ni Kendrick.
"I-Im sorry hon, I called Mom kase. I'm telling her that we are going to spend a couple of days sa kanila." Milcah explained.
"Ah ganun ba?" Tila naka hinga ng maluwag na sagot nito sa kabilang linya.
"Bakit ka nga pala napatawag hon?" Tanung ni Milcah.
"Ahmn.. Nothing I just missed you, yun lang! What were the kids doing?"
"Sus! Para namang hindi tayo nagkita ng ilang taon nyan. Anu? LDR lang?" Natatawang sagot ni Milcah sa asawa.
"No. I'm just being honest with my wife. Bigla ka kaseng pumasok sa isip ko eh. Kaya tinawagan kita."
"Tsk! Oo na sige. Nakalusot na naman yang palusot mo! Si Khalid nakatulog na. Si Khalil naman nasa playroom naglalaro." Milcah informed.
" 'kay! I'll see you tonight hon! Siguro naman tonight pwede na?" Makahulugang pasakalye nito sa asawa.
"Tse!" Ngunit ay pasupladang sagot ni Milcah dito.
"Hon naman, ilang buwan narin naman tayong walang laro!" Tila batang nagtatampo si Kendrick na naka nguso pa kahit alam nyang hindi ito nakikita ng asawa.
"Hon, napag usapan na natin yan diba? No contact muna. Alam mo namang under medication pa ako eh!" Malumanay na paliwanag ni Milcah. Sinabi kase nito sa asawa na nasasaktan ito sa tuwing ginagawa nila ang bagay na iyon kaya naman kinumbinsi sya ng asawa na magpatingin na sa doktor dahil narin sa pag aalala. He also insisted na samahan sya nito, bagay na tinanggihan naman nya kaya mag isa itong nagpunta upang magpa tingin. At ayun umano sa doktor ay kailangan nyang mag undergo sa mga ilang medications. Bagay na ipinag aalala ng labis ni Kendrick kaya naman ilang buwan din itong nagpipigil.
"I understand. What matter most is your health. Keep yourself healthy hon. Ayokong nagkaka sakit ka. You're my prescious wealth, kayo ng mga anak natin." Madamdaming wika ni Kendrick.
"I know. Thanks hon! See you later." Paalam na ni Milcah sa asawa. Pagkatapos nitong ibaba ang kanyang cellphone ay napabuntong hininga ito ng malalim. Ang kaninang naka ngiti nitong mga labi ay biglang napalitan ng seryosong ekspresyon. Dahan dahan itong naglalakad ng paroo't parito sa loob ng kanilang silid habang kagat kagat ang dulo ng kanyang mga daliri. Sa wakas ay huminto sya sa paghakbang, napapikit ng mariin saka muling nagtipa sa kanyang cellphone. Inilapit nya ang aparato sa kanyang tainga, hindi naman sya nabigo, nakaka ilang ring pa lamang ang telepono ay sumagot na agad ito sa kanyang tawag. Bagamat tahimik lang ang nasa kabilang linya ay agad nang nagsalita si Milcah.
"Si Kendrick". Panimula nito sa kausap saka humugot ng napaka lalim na hininga.
"Gusto kung mawala na sya!" Sa wakas ay dugtong nito sa kanyang kausap.