Chapter 2

2283 Words
Kendrick left the restaurant with a broken heart. He left his wife, the love of his life to his best friend Calvin. Tila nakiki simpatya ang langit sa kanyang sugatang puso dahil maging ito ay nag buhos ng biglaang pagiyak. The traffic light turned red and the people started walking on the opposite side of the street but Kendrick was just standing there dripping in a cold rain unable to move his feet. Pakiramdam nya ay tila nauupos ang kanyang mga tuhod. His blurry vision due to his tears almost got him in an accident, hindi nya napansin ang pag kulay berde ng traffic light dahil sa sobrang pagkabigong nararamdaman. Mabuti na lamang at nandoon si Milcah upang hilain sya sa gilid ng kalsada. Kendrick lost his balance at hinayaan na lamang ang sariling mapa upo sa gilid ng kalsada kahit na basang basa na ito ng ulan. "Oh God! Are you alright?" Milcah asked. Kendrick lift his head, he wanted to look on his wife's angelic face. Ang maamo at nangungusap nitong mga mata, na alam nyang hindi na nya kailan man masisilayan sa bawat umagang syay gigising. Sapagkat hindi na ito ang kanyang katabi sa pagtulog. Tila sinasaksak ang kanyang puso sa isiping iyon. Hindi nya kayang matanggap na ipinagpalit na sya ng kanyang pinaka mamahal na asawa. Gusto nyang humagulgul ng iyak. Gusto nyang mag wala ngunit ayaw nyang ipakita sa asawa ang kanyang kasawian at pagiging miserable. Ayaw nyang ibigay kay Calvin ang satisfaction na gusto nitong makamit dahil lang naagaw nito ang asawa. He saw Calvin sitting inside the restaurant while looking at him at the glass window. Nagtama ang kanilang mga mata at doon napagtanto ni Kendrick na kailan man ay hindi sya nito itinuring bilang isang kaibigan kundi bilang karibal. Akmang tutulungan sana ni Milcah ang asawa sa pagtayo ngunit tinabig ni Kendrick ang kanyang kamay. "Stay away from me. Don't you dare touch me with your filthy hands that you used to touched with that bastard. You're just making me sick!" Pag tataboy nito dito. Tila natigagal naman si Milcah sa narinig. Pakiramdam nya ay para na rin syang sinampal ng asawa gamit ang mga salitang kanyang binitawan. Naiiyak sya ngunit hindi naman nya maitatanggi na nakikiapid nga sya sa ibang lalaki at sa mismong kaibigan pa nito. Gusto ni Kendrick tumayo, kahit pasuray suray ay pinilit nyang tumindig at lumakad palayo sa asawa. He wanted to save the last pride he have infront of the man who ruined his family. Kahit papaanu ay gusto nyang ipakita sa lalaking iyon na hindi sya basta basta tumitiklop. Galit ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Kaya naman buo sa loob nyang gamitin ang galit na iyon to walk away from her. He's too tired to beg on his knees for his wife to comeback. Awang awa na sya sa kanyang sarili, at sa mga anak na patuloy paring umaasa na babalikan sila ng kanilang ilaw ng tahanan. Habang naglalakad palayo ay nabuo ang desisyon nito. Ipinangako nya na ito na ang huling pagkakataon na magmamakaawa sya dahil lang sa isang babae. He will never ever be that low, ever again. "Let's get inside. You'll catch a cold." Calvin finally went out to get Milcah. Mula sa loob ng restaurant ay kanina pa ito nanonood sa mag-asawa. Gustuhin man nyang makialam ay ipinagpasya nyang hayaan ang mga ito upang makapag usap pa. He knows that Milcah still love her husband and so is Kendrick. Gayun paman hindi din naman nya gugustuhing iparaya ulit si Milcah sa kanyang kaibigan. Matagal na panahong inilihim ni Calvin ang nag aalab nitong pagmamahal para kay Milcah. Dahil mas pinili nyang maging masaya ang babae kahit pa sa piling ito ng ibang lalaki who happened to be his best friend. Nang ikasal ang mga ito ay magkahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman. Saya para sa kanyang mga kaibigan at lungkot para sa kanyang sarili dahil akala nya hindi na kailanman matutugunan ang pagmamahal na kanyang iniaalay para kay Milcah. Nasa loob na sila ng restaurant at saka maingat na pina upo ni Calvin ang umiiyak na si Milcah. Nag niningning ang kanyang mga mata habang nakatitig sa magandang mukha ng babaeng matagal na nyang pinapangarap. Hindi lang ni miminsang pinangarap nyang makatabi ito sa harap ng altar habang isinasa wika ang kanilang pangakong pag mamahalan para sa isa't isa. He honestly sees his future with the woman infront of him. Sadly, right now, that woman was crying her heart out because of another man. He clenched his fist secretly as he tried to comfort her by gently wiping her tears. "Stop crying. Don't worry, everything is going to be alright. Mahirap sa umpisa ngunit alam ko pasasaan ba't magiging maayos din ang lahat." Pang aalo nito kay Milcah. "His angry at me. I can see hatred in his eyes. He doesn't look at me the way he looked at me before." Milcah seemed so worried. "Does it bother you that much?" Calvin asked calmly. Napatigil naman si Milcah sa kanyang pag iyak ng marealize ang kanyang mga salitang binitawan. "I'm sorry! Hindi ko dapat sinabi iyon. I know how difficult our situation is and I'm so sorry if pati ikaw nadadamay sa mga nangyayaring ito saakin, sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi ko na nga alam kung tama nga ba ang mga naging pasya ko." Hinging paumanhin nito na kababakasan ng pag aalala. "Shhh! That's nonsense! We both did this. It's only right for you to share with me the burden. May malaking kasalanan din ako sa mga nangyayari. At papanindigan ko kung anu man ang kahihinatnan ng mga actions ko. Handa akong panindigan ang relasyon natin. I love you with all of my heart Milcah. Kaya hindi ko hahayaang mag isa ka sa labang ito." Calvin sincerely told her. Milcah smiled in relief. Tila nabunutan ito ng tinik ng masiguro niyang nasa tabi lamang nya si Calvin. Ang taong pinili nya sa kabila ng lahat. "You were right! Everything will be alright. Kendrick will be alright. He's smart and strong. I'Cmakaka recover sya kaagad from this mess. And alam ko darating din ang araw na mapapatawad nya tayo. Na magiging maayos ulit ang lahat. Kailangan lang nating bigyan sya ng panahon. I just wish that the kids will also understand once they grew up. Oh God! I miss my boys!" Bulalas nito ng maalala ang kanyang mga anak. Muli ulit naglandas ang masaganang mga luha sa kanyang makinis na mga pisngi. Ang pusong ina nito ay labis na nangungulila sa kanyang mga anak. Ngunit nangyari na ang lahat. Siya na mismo ang kumalas sa pamilyang minsan ay pinangarap nyang buoin kasama ang asawa nitong si Kendrick. Nakaka tawa mang isipin ngunit mas nakikita nya sa piling ni Calvin ang isang buong pamilya kung saan mas magiging masaya sya. And by only imagining it, it makes her feel happy and contented. "Don't worry babe! I'm sure hindi sila pinapabayaan ni Kendrick. Wala ka man sa piling nila sigurado akong naaasikaso at naaalagaan sila ng maayos. Naniniwala ako na darating din ang araw na pag naka harap mo ang mga bata ay maiintindihan ka nila. Huwag kana masyadong mag isip. Ayokong mas mastress ka pa lalo. You should focus on your goal. Hindi ba't pinangarap mo ito? Abot kamay mo na ang pangarap mo babe. You're one step ahead of your dreams, all you have to do is go work for it. I know you can do this! I'll support you all the way. You got this okay?" Pag iiba ni Calvin sa kanilang usapan. Napangiti naman si Milcah sa suportang kanyang nakukuha mula sa kanyang bagong iniibig. Kahit may kaunting kaba at pag aalinlangan syang nararamdaman ay masaya ito dahil ramdam nya ang bagong siya. Nararamdaman nya ang pagiging malaya, nakaka galaw at nakaka pag desisyon ng walang pag dadalawang isip. Samantala, kanina pa naka upo si Kendrick sa driver's seat sa loob ng kanyang sasakyan. Nakayuko ito sa manibela habang yumuyugyog ang kanyang mga balikat tanda na ito ay humagulgul sa pag iyak. Paulit ulit nyang sinusuntok at iniuuntog ang kanyang ulo sa manibela ng sasakyan. Labis ang pagtangis nito mula sa kasawiang dinulot ng kanyang asawa. Mas labis pa itong nasasaktan ngayon ng malamang may iba na pala itong mahal at ipinag palit sya sa mismong matalik nya pang kaibigan. Pakiramdam nya ay pinag sakluban sya ng langit at lupa. Ang bigat ng kanyang pakiramdam na halos gustuhin na lamang nitong maglaho sa mundo. Ngunit sa tuwing naiisip nya ang kanyang mga anak ay kahit papaanu nakaka kita sya ng liwanag mula sa malalim na pagkaka baon sa kadiliman ng pagka lungkot at pagka sadlak. Sila na lamang ang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan kahit na halos takasan na siya ng bait. Hirap na hirap syang tanggapin ang lahat. Ilang beses nyang tinatanung ang sarili kong saan ito nagkulang. Alam nyang may mga shortcomings sya sa asawa ngunit hindi nya lubos maisip na magiging dahilan nya ito para sumuko at ibaling sa iba ang kanyang pagmamahal. Sa loob ng tatlong buwan ay ginugul nya ang kanyang panahon upang hanapin sya. Paulit ulit nyang pinupuntahan ang mga lugar na maari nyang makita ang asawa ngunit palagi din itong bigo. Kung kani kanino din niya ito ipinag tanung tanung ngunit walang makapag turo kung nasaan nga ba ito. Lagi nya din itong pinapadlhan ng mensahe na naglalaman kung gaano nya ito kamahal at kung paano sya hanapin ng mga anak nila. Kahit na walang kasiguraduhan kung mababasa nya ang mga mensahe ay nagbabaka sakali padin ito. Maging sa social media ay kumukunekta din ito dito. Nagpapadala sya ng mga video ng kanilang mga anak. Gayun din ang videos nya na nagmamakaawa at lumuluhod pa sa harapan ng screen para lang maipaabot nito kung gaanu sya nangungulila sa asawa. Paulit ulit itong humihingi ng tawad sa kanya kahit na hindi naman nito alam kung anu ang kanyang mga naging kasalanan dahilan para umalis ito ng walang paalam. Alam ni Kendrick na nagmumukha na syang tanga sa kanyang mga ginagawa ngunit desperado syang mapabalik ang asawa kahit alang alang nalang sa kanilang mga anak. Halos mabaliw baliw na din ito kakaisip ng mga maaring masamang nangyari sa asawa ngunit iwinaglit nya sa isipan ang bagay na iyon. Gusto nyang magpaka tatag para sa mga anak habang umaasa na balang araw babalikan din sila Milcah. Isang araw ay tumawag sa kanya ang kanyang biyenang lalaki. Naikwento nito na tumawag sa kanya ang kanyang anak at sila ay naka pag-usap. Ayon sa kanya kahit anu umanong kumbinsi ang gawin nya upang mapa uwi lamang sya ay talagang matigas ito. Kaya sa huli ay nakiusap nalang ang kanyang ama na mag usap silang mag asawa to sort things out alang alang sa kanilang mga anak. At pumayag nga si Milcah sa kahilingan ng ama. Kaya naman dali daling inayos ni Kendrick ang lahat upang mula sa Maynila ay makalipad ito papuntang New York City kung saan ay napagkasundaan nilang magkita. Dala dala ang pag- asang sa wakas ay maiuuwi nya ang ina ng kanyang mga anak pabalik ng Pilipinas. Habang nasa biyahe ay maraming tumatakbo sa isipan ni Kendrick. Nang sa wakas ay nakalapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan ay nakahanda na din ang lahat ng kanyang mga nais sabihin. Ngunit lahat ng mga tanung at mga salitang nais nyang bigkasin ay tila naglaho kasama ng hanging kanyang sinasamyo ng makita ang asawa na halos hindi nya na makilala. Ang dating simpleng manamit at maamong mukha ng asawa ay napalitan ng sopistikadang pananamit na tinernuhan ng makapal nitong kolorete. Sa loob ng tatlong buwan mula ng umalis ito ay marami na ang nagbago sa kanya. Mula sa kanyang pisikal na itsura, pananamit at maging sa kanyang mga kilos. Pakiramdam nya ay ibang tao ang kanyang nasa harapan. So near yet so far, and that's what he felt that moment. Nang magtanung ito kung kumusta na sya at ang mga bata ay hindi nya maapuhap ang mga salitang dapat nyang isagot. Marahil ang kanyang puso ang syang kusang nagsalita para sa kanya, kaya naman sa halip na sagutin ang tanung ng asawa ay binalikan nya din ito ng sunod sunod na mga tanung. Hanggang sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap ay nakita nitong tila may tumatawag sa kanyang cellphone at hindi ito mapakali. Pahapyaw lamang na nakita nya ang wallpaper nito sa telepono ngunit sapat na upang mabuo sa isipan ang hinala. Kaya naman naisipan nyang bigyan ito ng epektibong pain at hindi nga ito nagkamali. Nakumpirma nito mismo mula sa asawa ang mas mabigat na rason kung bakit naatim nitong iwanan sya at ang kanilang mga anak sa kabila ng mga murang gulang ng mga ito. Ang hindi niya lamang inaasahan, ay matalik pa pala niyang kaibigan ang syang tatraydor sa kaniya. Nanginginig ang kanyang mga laman at tila anu mang oras ay may sasabog sa kanyang loob kung hindi nya mailalabas ang kanyang nararamdaman. Nagdilim ang paningin niya ng masilayan ang matamis na ngiti ni Calvin para sa kanyang asawa kaya naman ito ang mas lalong nag udyok sa kaniya upang saktan ito ng pisikal. Hindi ugali ni Kendrick na manakit o mang apak ng ibang tao. Hangga't maaari ay ayaw nyang magpahiya ng kahit sino man. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi na nya inisip ang nararamdaman ng iba. Wala na syang paki alam sa kung anung kahihinatnan ng kanyang hindi pagtitimpi. Mas nasasaktan sya ngayon, wasak at durog ang kanyang puso. Ang pag asa nyang maiuwe ang ina ng kanyang mga anak ay naglaho. Gayun din ang mga binuo nyang pangarap kasama ang isang masaya at buong pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD