Mahigpit ang pagkaka hawak ni Mrs. Nathalie Zarate sa manibela habang pinapaandar ng mabilis ang kotse ng kanyang asawa na kanina lang ay kausap nya. Papunta sya ngayon sa bahay ng kanyang mga balae. Naniniwala sya at malakas ang kutob nyang may nalalaman ang balae nitong babae sa mga nangyayari mgayon sa kanilang mga anak dahil saksi sya kung paano nito itrato si Milcah. She spoiled her daughter. Her only daughter. Bukod pa doon ay close na close sila, marahil ay dahil sa agwat ng kanilang edad. Hanah Tuazon got pregnant when she was just fifteen years old while her husband is twenty one. Unlike the Zarate's na may mga edad na nang sila'y mabiyayaan ng supling.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay binabaybay na nito ang kalsada papasok sa isang exclusive subdivision. She parked her car infront of a big and well designed gate saka dali daling bumaba ng sasakyan to push the doorbell.
Agad naman syang pinag buksan ng maid ng masino ang kanyang pagkatao, saka sya sinamahan papasok sa loob ng mala mansyong bahay. Habang hinihintay ni Nathalie na tawagin ng kasambahay ang kanyang mga amo ay iniwan muna sya nito mag isa.
Inilibot nya ang kanyang paningin sa maaliwalas at malawak na bahay na iyon. Napansin nya ang mga mamahalin at pamusong gamit at furnitures na batid nyang galing pa sa ibang bansa. Mula sa exterior hanggang sa interior ng bahay ay mapapansin na ito ay modernong istilo na mga desenyo. Kumpara sa kanyang tahanan na may "touch of the past" o kung tawagin sa ingles ay classic, ngunit kababakasan parin ng karangyaan.
"Nathalie! To what do I owe this surprised?" Hanah's voice echoed that reached her ears. Naka tayo ito sa pangatlong baitang sa taas ng hagdan saka unti unting humakbang pababa ng staircase.
Tipid namang ngumiti si Nathalie sa kanya habang minamasdan ito sa pagbaba.
"I came here to ask you personally." Ngunit ay diretsahan nitong sagot dito.
"Ookay?! Uhm.. tungkol saan ba ito? Ah wait, do you want something?" Todo ngiting tanung ng may bahay na bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi.
"No thank you. Hindi din naman ako magtatagal." Anito.
"Sige, maupo ka muna." Hindi maiwasang maasiwa ni Hanah. Alam nitong may mali sa pagpunta ng balae, dahil talagang sinadya pa nito ang magpunta sa mismong bahay niya gayong hindi naman sila close kahit pa mag asawa ang kanilang mga anak.
"I'll speak frankly to you balae. Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa." Simula ni Nathalie na hindi pinansin ang pagpapa unlak ni Hanah. "You know something do you?"
"Something? About what?" Subalit ay balik tanung ni Hanah na tila walang ideya sa kanyang sinasabi.
"Nasaan si Milcah? Sino ang kasama nya?"
Gitla si Hanah sa tanung ng kanyang balae. Hindi sya naka sagot kaagad ngunit hindi niya ipinahalata ito dito.
"I don't know what are you saying! Saka aanung kasama? Si-sinong kasama? Hanah answered na nabubulol bulol pa.
"Alam kong may alam ka sa ginagawa ng anak mo kaya huwag mo na syang subukang pagtakpan!" Mahinahong wika ni Nathalie.
"Oh God! Balae! Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Maging kami ay aligaga din kung nasaan si Milcah. Ni hindi nga sya nagpaalam o tumawag man lang saamin ng Daddy nya hanggang ngayon!" Hanah tried to calm herself while her palms and forehead begins to sweat.
"Ah talaga ba? May bente kwatro oras ng nawawala ang anak mo wala kabang gagawing hakbang para mahanap sya? Imposibleng matitiis mong maghintay nalang ng tawag nya kung kailan nya gustong makausap ka?" Taas kilay at naka halukipkip na turan ni Mrs. Zarate. "Tell me honestly Hanah, what's really going on? Brief me about the situation. I know you knew something."
"Walang akong sasabihin sa iyo." Hanah tried to meet Nathalie's gaze but she couldn't stand it that she look at the other way.
"See? I knew it! So nasan na ang magaling mong anak? Did she really eloped with her lover?" Sunod na tanung ni Nathalie na hindi bumibitaw sa pag titig sa kaharap.
"How dare you! How dare you barge into my house and tell me baseless accusations!" Hanah's voice in high pitched.
"Baseless accusations? Really Hanah? You know what, you can deny all you want and all you could but that doesn't change the fact na isa kang kunsintidor na ina!"
"Anung sinabi mo? Ang kapal ng mukha mong sumugod dito! Pinatuloy ka namin ng may paggalang dahil ina ka ng asawa ng anak ko. But I won't tolerate this kind of manner! Ako kunsintidor?? Wala kang alam kaya huwag kang mag marunong!" Gigil na sambit ni Hanah.
"Oh I am so sorry for being an ill-mannered person barging into your house ha? Sorry if for a moment I lost my poise and grace. Pero bakit nga ba ako nag kakaganito? Ah! Oo nga pala! Ako pala yung ina ng asawa ng anak mo! Nandito lang naman ako para maghanap ng kasagutan sa kaguluhang nangyayari sa pamilya na binuo ng anak mo at ng anak ko! Pasensya ka na ha? Bilang ina sa tingin ko I have the every reason para malaman ang mga nangyayari. Because obviously we are clueless, and I am confident enough that you knew something didn't you?"
"I don't know what you are saying, makaka alis kana!" Taboy ni Hanah.
"I'm not going to move a muscle not until I get the answers that I needed." Subalit ay pagmamatigas ni Nathalie.
"You came here just to intimidate me and accused me of something na wala naman akong alam. Tapos sasabihin mong kunsintidor akong ina? Mrs. Zarate? Who do you think you are??" Pandidilat ng maybahay.
"Nagagalit kaba dahil sumugod ako dito sa pamamahay mo o nagagalit ka dahil totoo ang mga sinasabi ko? Hindi bat totoo naman? Kinukunsinte mo ang maling gawain ng anak mo! You are acting furious dahil sinabihan kitang kunsintidor pero hindi ka nagalit nung tinanung ko kung nakipag tanan naba ang anak mo sa kalaguyo nya?! Ni hindi ka man lang nag deny! Hah! Akala nyo ba hindi ko alam kung anung ginagawa nyo sa likod ng anak ko? He treated your daughter right. He loved her pero anung ginawa ng anak mo ha?" Pigil na pigil na galit ni Nathalie.
"Hah! Really? Treated right? Loved who? If your son treated my daughter right edi sana hindi sya umalis, wala sana syang rason para umiyak sa harapan ko at magmakaawa na tulungan syang makawala sa piling ng anak mo! Eh di sana hindi nya naibaling sa iba ang pagtingin na dapat sana sa asawa lang nya nararamdaman. Hindi sana sya aligagang umalis para sumama sa ibang lalaki!" Sumbat ng Ginang kay Mrs. Zarate, at huli na nang marealize nito ang mga binitawang mga salita.
"What did you just say?" Gitlang tanung ni Nathalie. "So totoo ang hinala ko? Oh God!" Napahawak sa ulong tila matutumba si Nathalie, mabuti na lamang at maagap nyang naisandal ang likod sa pader malapit sa kanya. "I can't believe this! I was just fishing but I... I couldn't really believe this!" Nathalie whispered but just enough to reach Hana's ears.
After a few seconds the old woman straightened her body, she looked at the woman sitting at the couch and smirked. "Hindi ka naman pala mahirap kausap Mrs. Tuazon. You spitted those words easily without me doing the effort, and I'll have to thank you for that! Salamat at hindi mo na ako pinahirapan pa!" Nanlalaking mga mata at palatak na bwelta ng ginang.
"You knew all along pala pero wala kang ginawa? Hinayaan mo sya? Kinunsinte mo ang baluktot na gawain ng anak mo? I thought you knew better. Akala ko noon si Kendrick ang magloloko given that he's the man. Lagi ko pang ipinagdadasal na sana huwag silang umabot sa ganoong punto but I worried for nothing pala. Ang mas dapat ko palang ipinag dasal ay ang anak mo, ang ina ng mga apo nating wala pang kamuwang muwang sa mundo!" Dagdag pa nito.
"Hindi mo ako masisisi. Milcah is my precious only daughter. Kahit maaga ko syang ipinag buntis at bunga sya ng kapusukan noong kabataan ko, hindi nito maikakaila na mahal na mahal ko sya. Tulad mo sya ay nag iisang buhay na anak ko. At tulad mo, gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya nya." Mababang tinig ni Hanah.
"Tama ka! Gagawin ng ina ang lahat para sa ikaliligaya ng anak nya. Pero gagawin din ng ina ang lahat para hindi sya mapariwara at mapahamak! Ang mali ay mali. Ina ka, tungkulin mong gabayan ng tama ang anak mo at hindi para pagtakpan sya. Anu bang klaseng kahibangan ang nasa utak mo at hinayaan mong kumabit ang anak mo? Hindi bat legal kang asawa? At ang mga legal galit na galit yan sa mga kabit! Dahil sila ang mga anay na sumisira sa pundasyon ng isang pamilya! Matino pa ba ang isip mo? O naisip mo man lang ba kahit ang kapakanan man lang ng mga apo natin?" Ang kanina pang tinitimping emosyon ni Nathalie ay tuluyan ng kumawala. Kung mapanakit nga lang siguro syang tao ay kanina pa nya pinisikal ang kausap na balae.
"Well what do you actually know balae? You are living your dreams inside your grand mansion. You don't know a thing about your son's marriage. You don't know what's really happening behind closed doors do you? Akala mo ba napaka espesyal ng anak mo? Anu sya santo? Walang bahid? Pweh! You were born with a silver spoon on your mouth, you got married and lived a luxurious life up to this day! You reign this glorious life of yours kaya hindi mo talaga alam ang struggle ng anak ko sa piling ng anak mong hambog!" Mulagat ni Hanah na gigil na din sa mga masasakit na salitang naririnig.
"Oh please! You're spouting nonsense! My son is not perfect, but he is a good husband! I know, because I raised him to be one of it!" Nathalie proudly replied.
Hanah just smirked and steps backwards. She walks slowly with grace as she touched every displayed porcelain figures that she passes through her fingertips. "Fine! Kung ganyan nga ang pagkaka kilala mo sa anak mo besides, you're the mother. Aware ka din naman siguro sa mga shortcomings ng anak mo noh? After all, he's not perfect gaya ng sinabi mo." Bahagyang tumigil sandali si Hanah sa paglakad saka sinulyapan ang balae at binigyan ng nakaka lokong ngisi.
"Hindi kita masisisi kung ipagtatanggol mo ang anak mo. Pero huwag na huwag mo din akong pipigilan at huhusgahan kung poprotektahan ko ang anak ko! Oo nakapag tapos ng pag aaral si Milcah ngunit gaya ko ay nabuntis din sya ng maaga. Pinili nyang maging ina at asawa sa anak mo sa halip na binubuo at isinasakatuparan nya ang kanyang mga pangarap. Nakita ko ang hirap nya sa pag aasikaso sa asawa at mga anak nya na wala man lang katuwang dahil laging busy ang asawa nya sa pagpapalago ng inyong kompanya. Fine! It's okay, that's okay dahil para din naman iyon sa kinabukasan ng mga bata. But you know what? His absence during Milcah's difficult times grew them apart. When Milcah was having a labor with her first and second son nasaan si Kendrick? Hindi ba at nasa business trip sya? Saka lang sya nakauwi kung kailan nakalabas nadin ng ospital ang mag ina nya. And I was there. When Milcah doesn't know what to do because her child is sick to the point na nag seizure na ang panganay nilang anak dahil sa taas ng lagnat nasaan ba si Kendrick? Hindi ba at nasa closedoor meeting siya na kahit anung tawag ni Milcah sa kanya ay hindi nya ito makontak, kaya naman sa halip saakin sya humingi ng tulong para itakbo sa ospital ang bata dahil kahit magmaneho man lang sana ng kotse ay hindi magawa ng anak ko sa sobrang taranta nya! Kung alam mo lang ang itsura ng anak ko that day Nathalie! Naabutan ko ang anak kong nanginginig sa takot para sa buhay ng anak nya! Ang that's the moment na narealize ko, my daughter is stepping into the path that I had been before. And I know how difficult it is, because I've been there!" Sa wakas ay tumigil si Hanah sa paglakad at naupo sa malambot na sofang malapit sa kanya. Nanginginig ang kanyang mga tuhod habang inaalala ang nakaraan. "Unlike you, Jose and I had a rough beginning. Jose's parents was against us because of my life status. I am just their maid who got pregnant by their only son. Funny thing is, inakusahan nila ako ng mga kung anu-ano. They called me a peasant, a leech! Na kesyo malandi daw akong babae at ibang lalaki ang naka buntis saakin. Isang langaw na tumuntong sa likod ng kalabaw. Ginamit ko raw ang aking katawan upang akitin si Jose gaya ng pang aakit ko sa ibang lalaki. Tsk! Sino ba naman kase ako? Isang pobreng ulilang batang babae na kinupkup lamang ng kanilang matagal ng katiwala. At dahil uhaw ako sa pagmamahal at kalinga ibinigay ko noon kay Jose ang lahat lahat ko. Isinuko ko sa kanya ang aking sarili dahil sa tanang buhay ko sya lang ang nagparamdam saakin ng atensyon at pagmamahal. Hindi naniwala si Jose sa mga paratang nila saakin dahil alam nyang sya lang at wala ng iba pa sa buhay ko. Pilit nyang ipinaglaban ang pagmamahalan namin. Nakiusap at nagmakaawa ngunit hindi kami pinakinggan. Mas ninais nila kaming kamuhian kung kayat pinalayas ako at itinakwil naman nila si Jose sa pag aakalang tatalikuran nya ako kapag natikman nya ang hirap ng buhay pero nagkamali sila. We didn't succumbed. Good thing is kaka tapos lang ni Jose sa kanyang pag aaral kaya mas may tsansa itong maka hanap ng mas magandang trabaho. He worked his ass off night and day while I stayed in our small rented room as a house wife. When I gave birth, the burden and struggles became more and more heavier in each passing day. May mga araw na puyat at pagod ako. Kahit minsan ramdam ko ang pagka hilo at kahit may dinaramdam ako ay pinipilit kong gumalaw at bumangon. May mga pagkaka taong nalilipasan din ako ng gutom ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi kami nagsisisi. Wala kaming pinagsisisihan sa mga naging desisyon naming dalawa dahil kahit mahirap ang buhay magkakasama kami. Ang anak namin ang higit na nakakapag bigay ng ligaya at pag asa saaming mag asawa." Hanah's tears rolled down from her cheeks.
"Ngunit sadyang kay lupit ng buhay, hinding hindi ko makaka limutan ang mga panahong nagkasakit si Michelle, ang ate ni Milcah. Walang wala kaming mahugot, walang ipon dahil ang kinikita ng asawa ko ay sapat lang sa pang araw-araw naming gastusin. Kung minsan ay nangungutang pa kami para makaraos. Nag self medication kami hoping na simpleng sakit lamang ang nararamdaman nya, na lilipas din iyon. Hindi ako natulog ng ilang gabi kakabantay sa anak ko, nandyan na mayat maya babanyosan at papalitan ko sya ng damit. But she got worse to the point where she almost turned blue at paisa isa nalang ang kanyang pag hinga. I panicked because I was afraid that something bad might happen to her. I feared for the worse. Kaya kahit wala kaming pera noon ay lakas loob ko syang dinala sa ospital. Habang inaasikaso sya ng mga doktor ay umalis ako para puntahan ang aking mga biyenan. There I beg. I beg for them to save my first born. I begged on my knees and kissed there toes for them to help me save my child, there grandchild. Naabutan ako ni Jose sa ganoong tagpo, nakita nya ang paghalik ko sa mga paa ng kaniyang ina. Mababa ang pagkatao ko pero handa akong lumagapak sa lupa alang alang sa buhay ng anak ko. Ngunit lahat ng hirap at pag papaka baba ko ay napunta sa wala nang ihatid saakin ni Jose ang masamang balita. Ang kinakatakutan kong mangyari ay tuluyang hinayaan ng Diyos at tila isa itong bombang sumabog sa aking harapan." Yumuyugyog ang mga balikat ni Hanah habang inaalala ang mapait na nakaraang iyon. Mabuti nalang at naka upo ito sa kanilang malambot na sofa kung hindi ay kanina pa ito nabuwal. "Namatay ang anak ko! Sa kanyang huling paghinga ay wala man lang ako doon sa kanyang tabi. Hindi man lang nya nakasama ang mga magulang nya hanggang sa kanyang mga huling sandali. Habang sya'y nag aagaw buhay, ako naman ay nagmamakaawa sa mga lolo at lola nya para tulungan kaming dugtongan ang buhay nya." Sisinghot singhot pa si Hanah habang pinupunasan ang kanyang mga luha saka muling inayos ang pagkaka upo. "Hindi ko alam pero siguro iyon ang plano ng Diyos upang matauhan ang mga byenan ko. O talagang ang pagkamatay lang ng aking anak ang syang daan para magkapatawaran kami ng mga magulang ni Jose. And then they took as in. Muli nilang pinag aral si Jose para sa kanyang masters degree habang ako naman ay muling nabuntis sa ikalawa naming anak na si Milcah. Can you imagine how happy are we the day na nalaman naming buntis ulit ako? Pakiramdam ko ibinalik ng Diyos saamin si Michelle sa katauhan ni Milcah. Kaya naman nang hinayaan ng Diyos na magampanan ko ulit ang tungkulin ng isang ina, I promised myself that I will do better this time. I will love and cherish her more than ever. Hindi ko hahayaang maghirap o maranasan nya ang mga hirap na dinanas ko o ng ate nya. When Milcah called me na gusto na daw nyang mawala si Kendrick, I exactly understood what she meant. She wanted to break free from that boring and unhappy life. And so, I supported her." Pag dedetalye ng Ginang sa nakaraan.
"I- I don't know what to say!" Nathalie became speechless. Her heart as a mother automatically goes with her. It ached for Hanah's struggles specially when she heard about her first born's story that she never heard before. Bilang isang ina kung mapunta man sya sa posisyong iyon, sa tingin nya ay baka hindi nya kakayanin kapag nawalan sya ng anak.
"You must understand that Milcah just wanted a life. She wanted to loved and be loved. To be appreciated. She's young and capable of doing wonderful things. She is smart and talented. Ayoko namang mastock lang ang anak ko sa pagiging asawa't maybahay lang. Ayokong hanggang doon nalang at tumigil ang buhay nya sa pagiging ina at asawa. I want her to own the world, that's why I gave her my blessings na pumunta sya ng States!" Pilit na paliwanag nito.
"Wait! Hold your horse's!" Nakataas na kamay ni Nathalie habang pilit na iprinoproseso nang kanyang utak ang mga narinig. "I'm so sorry to hear about your past balae. I know I'm a little late to say this but I am so sorry for your lost, really I am." She sincerely told her. "Walang inang gustong ilibing ang kanyang anak. But that experienced of yours doesn't mean na kailangan mong sundin at umoo nalang sa lahat ng gustuhin ng anak mo. You should stand your ground as a mother. You have a great role in her life, dapat nga mas alam mo ang dapat na ipayo sa anak mo given na may masalimoot kang nakaraan hindi ba? Dapat inencourage mo sya! Dapat kinondena mo ang mali nya! Pero hindi mo yun ginawa sa halip pinapunta mo pa sya sa America!"
"I want what's best for my child. I want her to be happy. Gusto ko masaya sya,bagay na hindi kayang ibigay ni Kendrick sa kanya atsaka isa pa, hindi naman magkaka ganoon ang anak ko kung hindi dahil sa anak mo! Si Kendrick ang nagkulang! Binuryong nya si Milcah sa loob ng kanilang bahay para pagsilbihan sya at ang mga anak nya! My daughter deserves a better life! She deserves a real actual life! Not just a boring plain house wife and a mother!"
"What on earth? Ano ba ang mali sa pagiging asawa at ina ha Hanah? Ina ka rin naman at asawa. Ikaw nadin ang nagsabi, kahit nahihirapan kayo noon basta magkakasama kayo. The joy of a complete family brings, is so much more that it actually gaves you the contentment in life. Paano pa kaya si Milcah na biniyayaan ng maganda at maginhawang buhay sa piling ni Kendrick? Kung may problema man sila hindi ang pag alis ang tamang solusyon!" Nathalie's face wrinkled in disbelief.
"Pero hindi na nga masaya si Milcah sa piling ng anak mo! Pagod na sya! She's so fed up and intoxicated!" Bulyaw ni Hanah nang hindi na nya malaman kung paano ipaiintindi sa balae ang nais nyang ipaabot.
"May mga anak sila! Ang mga bata ang higit na apektado dito! You are tolerating your daughter's madness while your grandchildren are suffering! Kung mabuting ina sya maiisip nya yun o kahit man lang sana ikaw na lola nila! Kung ayaw mo mawalan ng anak sa tingin mo ba gusto din nila mawalan ng ina? Higit kanino man alam mo ang pakiramdam na lumaking walang inang gumagabay sa iyo, yun ba naisip mo para sa mga apo mo ha? Itigil nyong dalawang mag ina ang kahibangan ninyo! Huwag ninyong daanin sa mga lame excuses and bullshit's nyo ang pangungunsinte mo! Ang sabihin mo may kinalolokohang iba ang anak mo! Marahil minana nya ang pagiging malandi mo noong kabataan mo at ngayon hindi pa sya nakuntento sa panloloko nya behind my son's back kaya sumama sya sa kanyang kalaguyo! Kating kati ang anak mo magpakamot sa lalaki nya dahil kung dito nga naman sa Pilipinas ay maraming mata ang nakamasid sa kanila, ngunit sa ibang bansa malayang malaya sila. Pero ito lang ang masasabi ko sa iyo Hanah at gusto ko ipaabot mo ito sa magaling mong anak!" Gigil na nilapitan ni Nathalie ang kanyang balae na nakaupo sa sofa saka kinwelyuhan patayo. "You better pray that my son won't do anything bad to his self, you better hope na hindi mababaliw ang anak ko sa mga pinag gagagawa ng anak mo dahil kung hindi-". Nathalie paused, itinulak nya pabalik si Hanah sa sofa na kanina'y kinauupuan nya.
"Consider yourself as a childless mother for the second time! Kung kaya mong kunsintihin ang masamang gawain para sa anak mo pwes, I am very much willing to put blood in my hands for my son's sake! Mark my words!" Ani Nathalie saka tumingin sa itaas ng hagdan kung saan nakatayo ang balae nitong lalaki. Kasunod ng silakbong naramdaman ni Hanah sa mga salitang binitawan ni Nathalie ay ang pagtakas ng dugo sa kanyang mukha nang makita ang asawa na nakatayo sa itaas ng kanilang hagdanan.