Chapter 8

4125 Words
Present Day Kendrick went back to the Philippines. He went back home with a broken heart and a shuttered dreams. Ang bitbit nya noong pag-asa ay tila isang malaking tipak din ng bato na lumagapak sa kanyang buong pagkatao. Mula nang umuwi ito galing New York ay hindi na din ito gaanung lumalabas ng kanilang silid mag asawa. Madalas itong nagkukulong o kaya naman ay nasa loob lamang ng kanyang opisina. He doesn't want to interact with other people as much as possible. Maging sa kanyang mga magulang ay umiiwas ito. Sa tuwing nakikita naman nya ang kanyang dalawang anak ay napapaluha na lamang siya. Nandoon ang takot nya sa kanyang mga anak na kahit mabigkas man lang ang salitang mommy ay tila nauupos sya. Tila wala syang lakas, naduduwag ito. Fear is his enemy that someday his children will also turn their back on him. Sa tuwing naiisip nya ang mga masasayang alaala nilang mag asawa ay mas lalong nananariwa sa kanyang isipan ang pagtataksil nito sa kanya. He loves his children but he couldn't bare the pain. He is too afraid to face them because he doesn't know how to comfort them when he himself is also in grief. He is barely hanging. Ginugugul nya ang kanyang oras at panahon sa pagtatrabaho. Ibinubuhos nya ang kanyang atensyon sa pagpapa lago at pagpapa yabong ng kanilang kumpanya, bagay na unti unti naman nitong napag tatagumpayan. Gayunpaman madalas ay laging mainit ang kanyang ulo at madaling mairita even in petty things. Bagay na kinaiilagan ng mga dati na nyang kasamahan sa trabaho na noon ay kinagigiliwan ang pagiging friendly at cool nitong boss. Hindi man malinaw sa kanila ang estado ng kanyang buhay may asawa ay may mga ibat-ibang haka haka ang mga tao tungkol dito na resulta sa pagbabago ng kanyang ugali. Hindi lang miminsang may mga napapa galitan syang nga empleyado at kung minsan naman ay nasisigawan pa nya. He developed an anxiety and trust issues weather at work or in his personal life. He became aloof and cold towards people who already part of his everyday life. Whenever Kendrick felt tired from his work, he always went to the bar where he regularly visits. Doon ay nag papaka lasing sya, nagpapaka lunod sa alak kapalit ng pansamantalang pag limot sa masa limoot nitong buhay may asawa. "Good evening sir Ken! The usual?" The bartender asked. Kendrick nod as he put his chin under his fist. Pagkatapos ibigay ng bartender ang inumin nyang alak ay iniwan na nya ito. Hindi nya nais na may makausap ito habang umiinom ng alak. Kuntento na sya sa pagsimsim ng alak mag isa habang paminsan minsang palinga linga sa paligid. The bar he is in right now weren't the usual bar that he and Calvin used to hang out. The ambiance is classy and elegant. The music they usually plays are jazz and classics. The bar stools and lounges are leathered customize and so does the other furnitures there. Saan ka man dako tumingin ay kababakasan ito ng karangyaan. Malalaman mo kaagad na ang mga nagpupunta sa bar na iyon ay mga taong may antas sa buhay at lipunan. Kendrick was minding his own while sipping a shot of vodka when a man stumbled down behind him. Wala syang pakialam kung sino at anu ang nangyari sa taong yun at wala man lang itong balak tapunan ng tingin. He just sat off there as if nothing happened. A young blonde girl rushed and help the man who stumbled down, she carries almost half of his weight just to help him stand up pero kahit narinig nya ang pag impit ng babae tanda na nahihirapan ito ay wala man lang itong naging reaksyon. He remained deaf kahit nang makaalis na ang mga ito. Not long after ay may dumating na isa pang babaeng umupo sa katabi nitong stool. Hindi ito nilingon ni Kendrick ngunit langhap na langhap nya ang natural na samyo ng kanyang katabi. Napalunok pa sya ng pahapyaw nya itong nilingon. Sa hindi malamang rason ay hindi nakuntento si Kendrick sa pasimpleng paglingon lamang kaya naman this time ay talagang tumagilid pa ito para makita sana ang kabuuan ng misteryosong babae ngunit pakiramdam nya ay napahiya sya ng walang ano'y nilingon din sya nito. She's wearing a black suit outfit that enhance her creamy white complexion. A black over size expensive sunglasses sits in her nose bridge. Her rosy red lips seems so inviting to kiss and her long and soft hazelnut wavy hair remained untouched by any accessories. Nahuli man ng babae si Kendrick sa matamang pag titig nito sa kanya ay hindi nito ipinahalata na apektado sya. He remained calm and cool as if he did nothing. He saw the womans eyebrow lifted, he also witnessed how she moved her lips as if she was going to say something when the bartender came and greeted her warmly. "Ayle! Nandito kana pala? Kelan ka pa naka uwe?" Halatang kilala nito ang bagong dating at mukhang malapit din ito dito. "Yeah? I just got back!" The lady answered. "I see! Kumusta ka naman? Alam kong mejo late na pero condolence nga pala." He said with a sad face and voice. "Pshh! Yeah! I guess life is really is too short. Kung sino pa ang mas kailangan mo sa buhay sila pa yung mas nauunang kinukuha sayo!" Wala sa loob na sagot ng babae. "I hope you'll be alright soon Ayle, I mean it." Madamdaming wika nito. "Alam kong may plano ang Diyos kaya nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay gustuhin man natin o hindi. Don't worry alam ko kaya mo yan! Ikaw pa ba?" The bartender tried to comfort her. " I don't know, and I don't understand why are these bad things kept on happening! Kung kelan kailangang kailangan ko si Dad tsaka pa sya kinuha saakin! But I hope for the best, thanks anyway Daniel! You really are a friend." The lady smiled shyly. "No problem! What's your order by the way?" "I want a hard one!" She quickly answered. "Yes maam!" Medyo nagulat man ngunit sumang ayon nalang ang bartender na Daniel pala ang pangalan. Tahimik lamang na naghihintay ang babaeng katabi ni Kendrick sa bar na iyon ng may biglang pamilyar na boses na tumikhim mula sa likod nito. "Nikyle Silva! What a pleasure seeing you here!" Palatak na bati ng babaeng blonde ang buhok. Ito din ang tumulong kanina sa lalaking halos sumadsad sa sahig ng bar. Hindi nais na lingunin ni Kendrick ang kanyang katabi gawa ng nangyari kaninang tinignan nya ito, at wala din itong interes sa babaeng blonde ang buhok ngunit sa hindi nya ulit malaman na dahilan ay tila may sariling isip ang mga mata nitong napa tingin sa dalagang naka itim. Nakita nito ang pag igting ng kanyang mga panga. Ang kaninang mahinhin nitong mga ngiti ay nawala sa kanyang mga labi. Naging matigas at seryoso ang kanyang ekspresyon. Hindi man nito nakikita ang kanyang mga mata dahil sa suot nitong salamin ay sigurado syang naniningkit ang mga ito. Nakita nya din kung paanu humigpit ang pagsara nya ng kanyang mga palad. "Snake got your tongue? Naka langhap ka lang ng hangin sa ibang bansa nakalimot kana? Don't you recognize your old friend anymore?" Tila nang aasar pang turan ng blonde na babae. "Snake doesn't got my tongue, but that snake snatch my fiancee instead. In fact nandito nga sya ngayon eh. Blonde ang buhok nya na kumo isang foreigner sa sariling bansa!" Matigas na wika ni Nikyle sa babae habang inaalis ang suot nitong salamin. "Tsk! Hindi ka parin pala nakaka move on! Gosh! Come on! It's been what? Three or four months? It's not my fault na mas gusto ako ng fiancee mo Nikyle! Hindi ko kasalanan if he finds me more beautiful, attractive, sexy and-" pambibitin nito sa iba pang sasabihin saka tumingin ng makahulugan kay Nikyle. "Fun!" Sa wakas ay dugtong nito. "Hmn.. Really? Hindi kase accurate yang mga pinag sasabi mo saakin sa mga pinagsasabi ng fiancee- oh! Sorry, I mean ex fiancee ko saakin!" Nikyle emphasize. "Ayun sa kanya tinukso mo daw sya at ikaw itong lapit ng lapit. He even told me na nilasing mo sya, that you drugged him kaya may nangyari sa inyo and the next thing he knew when he woke up is sikat na kayo! Ipinakalat mo ang pictures ninyong dalawa na magkatabi sa kama. Tsk! How desperate you are!" Ibinalik ni Nikyle ang makahulugang tingin ng babae sa kanya kanina. "Hindi ako desperada! Mahal nya ako!" Subalit ay biglang galit na sagot nito. "Really Marie? Kung mahal ka nya bakit dimo sya kasama ngayon? Nasaan sya? Bakit hinahayaan ka nyang mag isa?" Taas kilay ni Nikyle dito. Agad ngumisi ang babae sa sinabing iyon ni Nikyle. "Actually, he's with me! He's just resting somewhere since napasobra sya sa alak! Eh ikaw, nagiisa?" Sa wakas ay ganting tanung ng babaeng Marie pala ang ngalan. "I'm not alone! I'm with someone!" Pagsisinungaling ni Nikyle dito ng malamang kasama pala ng babae ang ex fiancee nito. Hanggang ngayon kase ay masakit parin para sa kanya ang kanilang pag hihiwalay. Kumplikado ang kanilang naging relasyon noong mga nakaraang buwan hanggang sa tuluyang sya na mismo ang bumitaw. At ngayon nga ay kinakaya nyang mag isa. Nais nyang iwasan at kalimutan ang mga ito dahil ayaw nya ng gulo at nasa proseso pa sya ng paglimot at paghilom ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil pilit silang pinagtatagpo. "Nikyle? Baby is that really you?" Tanung ng lalaking naka tayo sa likuran ni Marie. Gulat at niyerbyos ang naramdaman ni Nikyle ng dumating na nga ang isa sa mga iniiwasan nyang tao. Tila nanikip ang kanyang dibdib. Pansamantalang pinigilan nya ang paghinga kasabay ng muling paghigpit ng kanyang mga kamao. "Come on babe! She's with someone daw, huwag na natin silang abalahin pa. Let's go!" Subalit ay yaya ni Marie to destruct him. "Sussh! Can you please?" Subalit ay saway ng lalaki kay Marie. "Baby! Baby you're here. I'm so happy na nandito ka. Please let me talk to you. Let's talk hmn?" Pagsusumamo ng lalaki dito. "Ayoko!" Subalit ay matigas na sagot ni Nikyle dito. "Raven! Come on! He doesn't want to talk to you. Pabayaan mo na nga siya! You are just wasting your time sa babaeng iyan!" Pagpupumilit ni Marie sabay hila sa lalaking kasama. "Baby! I'm sorry! I'm sorry, alam kong nasaktan kita! Please hindi ko sinasadya. Paulit ulit akong hihingi ng tawad sa iyo hanggang sa mapatawad mo ako. Im begging you to forgive me please! I'm begging, for you to come and get me back! Please! I still love you, I always do. Hindi ko kaya na mawala ka saakin." Raven cried out na hindi pinansin ang sinasabi ng blonde na babae. Tinignan ni Nikyle si Marie na tumalikod na lamang at pasimpleng pinapahid ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata. "Huwag kang tumalikod Marie! Humarap ka at tignan mo kung paano magmakaawa ang taong pinagkaitan mo ng kaligayahan sa piling ng mahal nya dahil lang sa pansarili mong interes! Gusto kung makita at marinig mo kung paanu sya umiyak para lang sa babaeng pinakamamahal nya na gustong gusto nya makasama habang buhay but unfortunately hindi na madudugtungan ang pagmamahalan nila dahil sa mga kabulastugan at pagiging makasarili mo! Tignan mo at damhin mo! Gusto kung namnamin mo ang sakit Marie!" Mahaba at mabigat na pahayag ni Nikyle sa babaeng ugat ng masakit na paghihiwalayan nilang magkasintahan. "Nikyle.. Please give me another chance. Kung gusto mo ay aalis tayo! Iwanan natin sila. Iwanan natin ang lahat dito. Ang lahat ng mga masasakit at mapapait na pangyayari ay iwanan na natin. Magpaka layo layo tayo. We'll get married and together we will build our own happy family yeah?" Raven hopefully asked. Nag niningning ang mga mata nitong umaasa na sumang ayon ang dalaga sa kanya. Si Kendrick na tahimik na nakaupo sa kanyang stool habang umiinom ng alak ay ayaw sanang makinig sa kanilang usapan ngunit hindi ito maiiwasan dahil katabi lamang nya ang mga ito. Nang marinig nya ang suhestiyon ng lalaki ay agad itong napalingon kay Nikyle. Nakitaan nya ito ng paglambot sa kanyang ekspresyon buhat sa sinabi ng lalaki na kaniya palang ex fiancee. Hindi nya alam pero nais nyang pigilan ang dalaga. Alam nyang anu mang oras ay bibigay ito sa kanyang ex fiancee dahil nakikita nyang mahal parin nya ang lalaki. It's obvious, and he can't help himself to feel mad dahil alam nyang isang malaking kalokohan kung babalikan nya pa ang lalaki. He doesn't know much about them but based on what he already heard ay may mga hints na ito. "Rraven..." Nangingilid ang mga luhang sambit ni Nikyle sa pangalan ng dating nobyo. "Don't! Don't you dare! Kapag sumama ka sa kanya I swear I'm going to kill myself!" Marie threatened Nikyle when she saw the way how she looks at Raven. "Go ahead, I won't stand in your way!" Subalit ay sagot ni Nikyle dito. Napalunok si Marie sa sagot ni Nikyle sa kanya. Wala namang naging kumento si Rayven sa kanyang mga sinabi dahil mas nakatuon ang pansin nito sa babaeng labis nyang kinamumuhian at kahati nya pa sa puso ng kanyang kinababaliwang lalaki. "Maaatim ba ng konsensya mo kung kasabay ng pagkamatay ko ay ang pagkawala din ng inosenteng buhay sa sinapupunan ko?" Wala sa sariling sambit ni Marie. Tila nabuhusan si Nikyle ng malamig na tubig sa kanyang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa dati nyang kasintahan. "She's ppregnant?" Tanung nito dito. "I.. I don't know! Hey! Ano bang pinagsasabi mo ha? Would you mind? We're having a conversation here so can you please stop bothering us? Go away! Stop pestering me please! I beg you! Kung gusto mong magpakamatay at patayin ang sinasabi mong ipinag bubuntis mo, please go ahead! Walang pumipigil sa iyo! Mas mabuti nga iyon eh, mawala kana at yang anak mo para wala nading hadlang sa kaligayahan ko!" Raven shouted at Marie na syang ikinagulat naman ni Nikyle, she even covered her mouth na napa nganga pa sa kanyang mga narinig. Sa dalawang taon kase nila bilang magkasintahan ay hindi pa nya ito nakitaan nang kagaspangan ng pag uugali. She knows him as a reasonable and respectful man. Aside from being smart and funny ay malapit din ito sa mga bata. Hindi lang nga miminsang sinamahan pa nya ito sa mga bahay ampunan para mamigay ng mga donations and feeding programs sa mga batang lansangan. Kaya naman hindi nya lubos akalain na maririnig nya ang mga katagang iyon sa kanya. "How can you say that? She's pregnant with your own flesh and blood Raven!" Bulalas nalamang ni Nikyle. "You were right Nikyle! I am pregnant with his own flesh and blood. And alam mo ba kung anung nakakagulat doon ha Nikyle?" Tila nagmamalaki pang sabi ni Marie. "Why don't you tell her Raven! Come on tell her!" Nakahalukipkip ng ani Marie na bumaling kay Raven. "Ttell me what?" Nikyle asked na naguguluhan. "Shut it Marie! You're not helping! You're just making the situation worst! Huwag kang magkakamali!" Raven warned in his threatening voice. "Anu pa ba ang dapat kung malaman? Sabihin mo na Marie! Sabihin nyo na saakin anu pa ba ang dapat kong malaman tungkol sa inyo! Sabihin niyo na ng minsanan! Pakiusap, tell it to me once and for all para minsanan din ang sakit! Para sa pag iyak ko minsanan din ang pagtapon ng mga luha ko para sa putang inang panloloko ninyo saakin! Bring it on!" Nikyle finally lost her poise. Ang matagal na nyang pinipigilang galit ay sumambulat na. She feels so betrayed and broken. "Raven got me pregnant two years ago." Mababang tinig ni Marie. Nakita nya ang naguguluhan at gulat na mukha ni Nikyle. "Yes my friend! Your fiancee impregnate me simula pa lamang ng relasyon ninyo! And yes! Pinalaglag ko ang bata. He promised not to break up with me kapag inabort ko ang baby and because I love him, I did it. I've got blood in my hands by loving your boyfriend. So you see? Mas may karapatan ako sa kanya Nikyle! Between the two of us mas may ipinaglalaban ako kesa sa iyo!" Marie's tears were now like waterfall's. "Totoo ba to ha Raven?" Baling ni Nikyle sa lalaking ngayon ay nakayuko. "He's not the man you really think he is. He's a fool and selfish brat, just like me! Kaya siguro halos magkasundo kami sa lahat ng bagay. Can you imagine? Yung lalaking papakasalan mo ay isa palang fuckboy na walang balls!? Dapat nga magpasalamat kapa saakin dahil iniiwas kita sa sitwasyong alam kong labis mong pagsisisihan!" Marie answered instead of Raven. "Bakit ikaw? Bakit pilit mo pading isinisiksik ang sarili mo sa lalaking alam mo namang hindi ka papanindigan at tanging maka mundong pag nanasa lamang ang habol sa iyo. You know that once his finished with you, his gonna toss you like a used napkin in a garbage bin." Subalit ay tanung ni Nikyle sa dating kaibigan habang hindi iniaalis ang tingin kay Raven. "Because I love him. I'm willing to be his toy just to be with him." Deretsahang sagot ni Marie na para bang wala lang sa kanya ang pagiging parausan lamang ng lalaking pinaka mamahal nya. Hindi naman malaman ni Nikyle kung anu ang unang magiging reaksyon sa kanyang mga narinig. Muli nyang tinapunan ng tingin si Raven na naka luhod parin sa kanyang harapan. "And you? How can you do this to me Raven? Niloko mo ako ng paulit ulit? Pinag sasabay mo kaming mag kaibigan tapos anu? Hindi kaba natatakot sa ginagawa ninyo? Nanloloko ka ng tao, ginagamit mo sila sa pansarili mong interes and what's worst huh? Pumapatay kayo ng inosenteng buhay!" Galit na wika ni Nikyle. "I don't care! I don't care anymore Nikyle! Atsaka, hindi ko sya mahal! Kaya okay lang yun! Ginusto din naman nya yun dahil hindi din sya handa maging ina! What's more important for me now is to win you back. And I'll do anything whatever it takes for you to comeback! Mababaliw ako kung pati gahiblang pag asa na meron ako na magka ayos tayo ay mawala pa. So please I'm begging you on my knees to come back and give me one more chance. Please!" Raven on his knees. "No... No!" Iiling iling at halos pamaos na sagot ni Nikyle." Hindi tayo..., hindi ako magiging masaya sa piling mo knowing that we took an innocent life just to be together. God Raven! How can you be so selfish?! How can you even-! We can't be toge-.." Hindi na alam pa ni Nikyle ang mga susunod na sasabihin sa sobrang pagka lito at bigla. Nag uunahan ang mga salita na nais nyang sabihin ngunit ni isa ay hindi nya kayang bigkasin dahil sa sobrang pagkalungkot at pagka tuliro sa mga nadiskubre. She doesn't know that the man she used to loved was hiding a demon inside of him. Naninikip ang dibdib nya na nais sumabog sa halo halong emosyon. "You're so cruel and selfish!" Nikyle's tears fell as she uttered the words from her mouth. "See Raven? Can you now see the difference between your ex and me? Hindi ka nya kayang tanggapin gaya ng pagtanggap ko sa iyo. Ako kaya kong tiisin at yakapin ang mga pagkukulang mo! Only I can embrace your flaws, eh siya? Only the good sides of you ang kaya nyang tanggapin. Ni hindi nya kayang ibigay sayo ang pangangailangan mo bilang lalaki! Imulat mo ang mga mata mo para marealize mo na ako yung nandito para sa iyo!" Marie now pleaded. "Ako dapat ang fiancee mo Raven. Saakin ka dapat lumuluhod. Saakin ka dapat nagmamakaawa. Pakiusap Raven, ako nalang... Ako nalang please!" She begged. "Tsk! Nakakatawa kayong dalawa alam nyo ba iyon? Isang manloloko at isang nagpapa loko! Matalino ka naman Marie sa pagkaka alam ko, marunong ka namang tumimbang ng mga bagay bagay. Pero pagdating sa lalaking ito ay hambog at bobo ka! Pero sige, tama ka bagay nga kayo! Para nga kayo sa isa't isa. Salamat nga pala ha? Sinalo mo yung kamalasang dapat ay para saakin. Congratulations sa pagbubuntis mo! Bunga yan ng kakatihan at kataksilan nyong dalawa kaya please lang this time sana naman buhayin nyo yung bata, maawa at makonsensya naman kayo utang na loob!" Nikyle was about to walk out but Raven grabbed her wrist tightly. "Bitawan mo ako! Ano ba Raven, nasasaktan ako!" Reklamo ni Nikyle na namimilipit sa sakit. "No! Dito ka lang. Wala akong pakialam kung anung mga nalaman mo. Basta ang gusto ko ay dito ka lang at ayusin natin ang relasyon natin. Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Nauna kitang minahal kaya nararapat lang na ako din ang mauna sa lahat ng iyo at sa buo mong pagkatao!" Gigil na sambit ni Raven dito na ngayon ay nakatayo na buhat sa kanyang pagkakaluhod. Nikyle's adrenaline rush kicks in and immediately slap her ex fiancee with all her remaining strength saka nya binawi ang kamay mula dito. "How dare you! You filthy stupid mammal! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat ng panloloko mo umaasa kapa? Pagkatapos nyo akong gaguhin gusto mong babuyin pa ako? You're so shameless! Damn you!" Nikyle cursed. Akmang hahablutin pa sana ulit ni Raven ang braso ni Nikyle ng may kung anung matigas na pwersa ang dumapo sa mukha nito. "Leave my girl alone! Huwag mong dungisan ng nanlilimahid at nakaka suka mong pagkatao ang girlfriend ko!" Kendrick yelled out of nowhere. Natigagal naman ang mga tao sa kanyang paligid na nakarinig sa sinabi niya. "At sino ka naman?" Maangas na tanung ni Raven nang makuha nito ang balanse buhat sa pagkaka suntok sa kanya. "Girlfriend? Hah! You think I believe you?" Tanung nito saka tiningnan si Kendrick mula ulo hanggang paa. "Wait! You look familiar!" Pagkuway sambit nito habang pilit na hinahanap sa kanyang memorya kung saan ba nya nakita ang lalaking bigla nalang nanuntok sa kanya at ngayon ay nagpapa kilalang boyfriend ng ex fiancee niya. "Why? Hindi ka makapaniwalang ipinag palit ka sa mas guwapo at mas disenteng lalaki? You should know better bro! You l the lose a diamond while chasing for a rock!" Walang anuy baling ng tingin ni Kendrick kay Marie saka inayos ang manggas ng kanyang suit. "Is this true Nikyle? Ipinagpalit mo ako sa lalaking ito? Akala ko ba wala kang panahon para sa mga ganitong bagay lalo pa at kamamatay lang ng Daddy mo? Wow! Ang bilis ah! Tsk! May itinatago ka din palang kalandian sa katawan ano?" Pang uuyam ni Raven sa dalaga. "Shut up! Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang babaeng mahal ko kung ayaw mo ng mag asawang suntok jan sa pagmumukha mo!" Banta ni Kendrick. "Prove it! Prove to me that you two are really in a relationship Nikyle! Patunayan mong kaya mo akong ipagpalit gayong alam ko namang mahal na mahal mo parin ako! Alam ko Nikyle, I can see it in your eyes. I can feel it!" Raven challenged his old flame. Hindi naman makapag isip ng tuwid si Nikyle. Pakiramdam nya ay matutunaw na sya sa samut saring emosyon ng pagka windang sa mga sunod sunod na pangyayari at rebelasyon. Tila nauupos ang kanyang mga tuhod at muntik na nga itong mabuwal, mabuti na lamang at maagap syang nasalo ni Kendrick sa kanyang mga bisig. Sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita nya ang masamang pagtitig ni Raven para sa kanilang dalawa kaya naman sinamantala nya ang pagkakataon upang kahit kaunti ay maka ganti ito dito. Ikinawit nya ang kanyang mga braso sa batok ni Kendrick saka pumikit at siniil ito ng halik. Gulat na gulat si Kendrick sa ginawa ng dalagang nais lang naman sana nyang ipagtanggol. Kanina pa sya nakikinig at naririndi sa usapan ng mga ito. Kahit sya na nakiki dinig lang ay hindi maiwasang kumulo ang dugo sa mga nalamang pagtataksil ng mga ito sa dalagang Nikyle pala ang ngalan dahil sa kasalukuyan ay ito din ang kanyang pinag dadaanan. Sinuntok nya si Raven ngunit hindi nya plinano ang magpanggap. Maging ito ay nagulat sa sarili sa kanyang biglaang pag papanggap at maging sa mga salitang kanyang ibinulalas kanina lamang. At ngayon nga, ang kaninang pasimple at patago nyang minamasdang babae ay kahalikan na nya. Nais nya sanang magalit at kumalas ngunit hindi nya magawa. Tila may magnetikong pilit na nag didikit sa kanila. Nabuhay ang kanyang dugo. Ang sensasyong nararamdaman nya mula sa mga labi ng kahalikan ay naghatid ng libo libong kiliti sa kanyang pagkatao at ngayon nga ay tila may bumangong pagkasabik sa kanyang kaibutaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD