Chapter 9

3573 Words
Pagkatapos ng insidente sa bar ay ipinagpasya ni Kendrick na umuwi na sa kanilang bahay. Alanganing oras na ng gabi ng maiparada nya ang kanyang kotse sa kanilang garahe. Nakita nyang iilan nalang ang mga naka bukas na ilaw bagay na lihim nyang ipinagpapa salamat dahil ibig sabihin lang nito na tulog na ang kanyang mga kasama sa bahay. Binuksan nya ang main door ngunit nakaka ilang hakbang pa lamang sya ay nagbukas ang mga ilaw at tumambad sa kanya ang kanyang ina na naka halukipkip at naka de kwatro pa sa kanilang mahabang sofa. Hindi pa man nagsasalita si Nathalie na ina ni Kendrick ay alam na agad nito kung para saan ang tinging ipinukol sa kanya ng kanyang ina. "It's late Mom. You should be resting now." Tanging wika nito saka naglakad paakyat ng hagdan patungo sana sa kanyang silid. Naka lampas na sya sa kinauupuan ng ina ng sa wakas ay nadinig nyang magsalita ito. "I was so worried that you were drowning yourself at work to the point na halos wala kana ding oras para sa mga anak mo, yet here you are nagpapaka lunod pala sa alak!" Simula nito. Saka pasimpleng ipinaypay ang kamay para itaboy ang samyo ng alak na nagmumula sa bagong dating na anak. "Mom... I'm tired. And please don't start it. Good night!" Subalit ay mabilis na iwas ni Kendrick. "Stop right there young man and don't you turn your back on me. You are only allowed to go if I said so!" Ngunit ay maawtoridad na wika ng kanyang ina. "Ma, hindi na po ako bata! I'm a grown up man! Huwag nyo naman po akong diktahan!" "I am not iho! I am just concerned about you and my apo's!" "Why? What happened? Are they alright?" Biglang pag aalalang tinig ni Kendrick. "They are okay- for now!" Pabiting sagot ng matanda. "What do you mean?" Nag aalala padin ngunit naguguluhang tanung ng lalaki. "Oh Kendrick! You are too busy and preoccupied that you forgot you have children waiting for you to come home. It's been almost four months now since their mother left. Thank God they're still young for them to understand the gravity of this situation, dahil kung nagka taon baka hindi lang ang asawa mo ang iiwan sa iyo!" Anang matanda. "They see you around yet they don't feel your presence as their father. You are living in the same roof pero ni hindi mo man lang kayang harapin ang mga anak mo at bigyan sila ng mainit at mahigpit na yakap. You can't even give them a warm simple smile para man lang sana kahit papaanu masabing you still care about them! Ano na Kendrick? Kuntento ka nalang ba sa palihim at panakaw na paghalik at pagtabi mo sa kanila kapag tulog ang mga bata? Kung hindi kopa ipag sisiksikan ang sarili ko dito sa bahay mo ay baka kaawa awa na pala ang kalagayan ng nga Apo ko. Napapabayaan mo ang mga anak mo at iniaasa mo nalang ang pag aalaga sa mga yaya nila!" Galit ngunit kontroladong tinig ng ginang. "Hinayaan kita ng ilang buwan sa mga ginagawa mo dahil alam kong nasasaktan ka parin at nasa proseso ka pa ng paghilom. But you know what I realized? It's not worth it! Habang sinisira mo ang buhay mo at ang relasyon mo sa mga anak mo andun yung asawa mo nagpapaka sasa sa buhay na para bang walang inagrabyadong mga tao! Buhay pa sya pero inulila na nya ang kanyang mga sariling anak!" "Pagod ako sa trabaho Ma. Gusto ko nang mag pahinga." Tinatamad na sagot ni Kendrick bagaman nag igting ang kanyang mga panga. Akmang aakyat na sana sya sa hagdan ng muling magsalita ang kanyang ina. "You knew that Hanah played a part behind Milcah's disappearance right? Pero hindi mo sya pinilit umamin kahit na halos mabaliw baliw kana kakahanap sa nawawala mo kunong asawa?" Tinignan ni Nathalie ang anak na bahagyang nagulat sa kanyang mga sinabi. "Ofcourse I knew it son! Ako pa ba? Hindi ko ikakaila na pinuntahan ko ang byenan mo sa bahay nila at kinumpronta. Nagkasagutan kami. Nung una syempre dineny nya pa pero sa huli ay lumabas din ang katotohanan. And you know what's funny? Kinukunsinte nya si Milcah na para bang hindi kataksilan ang nagawa ng anak niya. Na para bang hindi kahihiyan ang dinulot ng anak nya. She even blamed you for Milcah's decision to leave, can you believe that?" Gigil na sambit ng ginang ng muling maalala ang balae. "Ma, hindi kana dapat nakialam pa. Hindi kana dapat nagpunta doon at gumawa ng gulo. Atsaka ayokong pag usapan at ayoko maalala ang bagay na gusto mong ungkatin. Ibinabaon kona po sa limot ang lahat." Mahinahong sambit ni Kendrick habang minamasahe ang templo ng kanyang ulo. "No! It's now or never! And FYI anak, hindi ako nakikipag away, you know me. Nagpunta ako doon para malaman ang totoo. At isa pa pag uusapan natin ito ngayon. Hindi ka aakyat sa kwarto nyong mag asawa para magmukmuk at umiyak sa tuwing maaalala mo nanaman sya! And may I just remind you, may pakialam ako dahil anak kita! Nirerespeto ko ang privacy ninyong mag asawa, I know my role and my boundaries as your mother, pero alam ko din kung paanu at kelan ko dapat ipagtatanggol at proprotektahan ang anak ko pag sya ang inaagrabyado! " Matigas na saad ni Nathalie. "What do you want me to do? Kahit pa may kinalaman ang Mommy ni Milcah does it changes everything? May mapapala ba ako kung susumbatan ko sya? Alam nyo ba kung anung nararamdaman ko? Alam nyo ba kung anung kalbaryo ang dinadanas ko? This f*****g pain is killing me inside mother! Para akong mababaliw sa kakaisip. This stupid heart wont stop beating for her. I wanted to get over her but just like a fool, I still hope and wanted to be part of her life. Kahit paulit ulit kung sinasabi sa sarili ko na sinaktan nya ako at ipinagpalit nya kami ng mga anak nya ay hindi ko magawang punasin ang lahat ng ganun ganun lang! Ilang beses ko mang lokohin ang sarili ko na makakaya ko din syang kalimutan, sa kaibuturan ng puso ko Ma nandoon padin sya. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko, kung pwede kolang dukutin itong lintik na pusong ito at palitan ng bago gagawin ko! Panay ang sulsul ng utak ko na marami pang babae jan, marami pang pwedeng mangyari. That these things are just temporary! Na bilog ang mundo kaya dapat wag akong panghinaan ng loob at itapon ang buhay ko sa isang babaeng kahit kailan ay hindi na ako kayang tignan sa mga mata ng may pagmamahal yet here I am, slowly dying inside from the pain that she caused." Kendrick's tears rolled over his cheeks. "No son! No! Please, huwag kang magpapatalo sa nararamdaman mo. I know you are capable of doing a lot of things. And as your mother who cared and raised you I am so proud of all your achievements, but son... I am also in deep pain seeing you suffering from your tribulation. Gusto ko mang akuin ang sakit na nararamdaman mo anak pero paano? There is no such thing as like that? I want you to comeback to your old self but how?" Mangiyak ngiyak na tanung ng ginang. "Kailangan nating pag usapan ang naramdaman mo, ang nasa puso mo kahit gaanu man iyan kabigat anak handa akong damayan ka. I may not take away your pain and agony, but I can be here for you. Huwag mong kimkimin, huwag mong itago saakin. I'm here. You are not alone." Umiiyak nading wika ng ina nito. "It's late Mom. We need both to rest now." Pag iiba ni Kendrick. Ayaw kase nitong ipakita at iparamdam na sobrang miserable padin sya hanggang ngayon. Ayaw nyang madamay pa ang ina at madagdagan ang kanyang alalahanin. "No! No iho, don't shut me out please! I am your mother." Nathalie plead. "Do you really think na pababayaan ko lang ang anak kong kimkimin ang lahat. You really think I will shut my mouth, do nothing and just watch you slowly destroying yourself? Kailan mo ba huling tinignan ang sarili mo sa salamin?" Nathalie looked at his son's face with sorrow. Mahaba na ang balbas at buhok nito mula sa ilang buwang hindi pag aayos ng sarili. Ang kanyang suot na polo ay gusot gusot at bahagya pang nakalabas ang laylayan ng damit na dapat sana ay naka tucked in sa kanyang pantalon. Kapansin pansin din ang mga malamlam nitong mga mata, bata pa ito ngunit malaki na ang itinanda ng kanyang pisikal na itsura dulot ng stress at problema. "You need someone to talk to. You need to let that out! Anak, hindi nakaka tulong ang ginagawa mong pag subsub sa trabaho at pag iinom mo ng alak gabi-gabi! Baka magkasakit ka pa nyan! Wala ka na ngang oras para sa mga anak mo eh! Please naman iho umayos ka! Your children, your poor sweet children they crave for your attention. They missed you. Iniwan na nga sila ng kanilang ina pati ba naman ikaw aabandunahin mo din sila? You were so near, yet so far from them. Huwag anak! Higit kanino man alam mo ang pakiramdam ng iniwan at binabalewala. Don't make the same mistake that your wife did. Please!" Nathalie cried with her begging soft voice. Mula sa tapat ng sofa na ngayon ay kinatatayuan nya ay nakita nya ang muling pag sibol ng mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mga mata ng anak. "I... I feel lost Ma.. I feel empty inside." Garagal na boses ni Kendrick. He was starting to break down and open up the emotions he was trying to burry deep inside his soul. "Pakiramdam ko wala akong kwentang tao kaya ako iniwan! Pakiramdam ko may mali saakin kaya ako ipinag palit! I feel so unloved and unwanted. I am barely hanging by a thread. Para akong mababaliw Ma! Hindi ko na po alam kung anung gagawin ko! I have this joy in my heart that my kids are at least with me. But my grief, the pain and agony, the anger are always eating me up, till my mind get clouded. Kahit gusto kung kalimutan ang mga masasakit na pangyayari sa buhay ko at mag move on nalang pilit namang bumabalik ang mga alaala namin and it's drowning me. There's this thing inside of me na ayaw pang kumawala sa nakaraan! Galit na galit ako sa mga taong sumira ng pamilya ko! Galit na galit ako sa pagkawasak ng binuo at pinangarap kong pamilya pero wala akong magawa. Paano ko sya ipaglalaban kong hindi kona maabot ang kanyang mga kamay? Paanu ko sya hahawakan ng mahigpit kung siya na mismo ang bumitaw? Sya na mismo ang umayaw at tumapos ng kung anong meron kami. Ang mas masakit pa nito ay ang katotohanang may dalawang inosenteng bata ang mas naaapektuhan sa mga nangyayari. She chose that bastard over me and our kids. Alam mo Ma, iniisip ko minsan bakit saakin pa nangyari ito? Anu bang malaking kasalanan ko at bakit pamilya ko pa? I just wanted to end this miserable life of mine!" Nakasalumpak na si Kendrick sa sahig sa sobrang tindi ng emosyon na kanyang nararamdaman. Ang kanyang mga matitibay na tuhod ay tila kandilang nauupos sa bigat ng emosyon na kanyang dinadala. "Son look at me! Look at me!" Nathalie hurriedly step forward to his son at ikinulong nya sa kanyang mga palad ang mukha ng kanyang anak. "You can do this anak. You can surpassed this obstacle in your life! I know you can do it! You're my son, alam kong pinalaki kitang matapang at malakas. That's why I am confident na kakayanin mo ito. Please kahit para na lang sa mga apo ko. You are my only child, my miracle. I can do anything for you but please help yourself. Get up and pick up your broken pieces. I'll support you all the way. Kung gusto mo gumanti sa kanila I will support you. If nais mong makipag relasyon sa iba, okay! Sige! Why not? Kung gusto mong magpaka layo layo muna go ahead! I will arrange everything for you. I'll be there for you, just please! Please please ayokong nakikita kang ganyan anak. It breaks my heart and it tores my spirit seeing you wasted. I can't afford to lose my baby." Hagulgul ng ginang. Ilang segundo sila sa gaanung tagpo. Tila ibinuhos lahat ni Kendrick ang mga luhang matagal na nyang pinipigilang pumatak. Now that he let it out pakiramdam nya ay mas gumaan ng kaunti ang mga dala dala nya. Dali daling pinunasan ni Kendrick ang mga luha saka hinarap ang ina na kiming nagpupunas din ng kanyang mga luha. "Hindi Ma. Hindi po ako aalis. Hindi ako maghihiganti. I won't waste my everyday life chasing my wife who elopes with my best friend and have vengeance. Nah! That's not who I am. You didn't teach me to be like that do you? Atsaka isa pa.... masaya sya sa piling nya." Hirap na bigkas ni Kendrick tanda na nasasaktan ito. "Alam mo bang ibang iba na sya ngayon Ma? She turned into a complete opposite of what she used to be. She now looks happy and proud of what she turned into. She may have hurt me, that almost made me go crazy, but I can't do that to her. I can't hurt the mother of my children. I'd rather spend time working. Work and work and work." Kendrick spins his fingers in the air like a child." Pilit nyang pinapagaan ang loob ng ina na kahit sya mismo ay halos mabaliw na. "What about your kids? Anung plano mo sa kanila? Ganyan nalang ba palagi? Iiwasan mo sila para anu? For what?" "I'm afraid of them Ma. They remind me of their Mom. But what makes me more frightened is the fact that I will also lose them one of these days. Mahal na mahal ko sila, God knows how much I love my children. Alam ng Diyos kung gaanu ko kagustung lapitan sila, hagkan at mayakap. Pero natatakot po ako! Natatakot akong pati sila kunin saakin. I am afraid to invest more time and love with them, ayokong iattached yung sarili ko gayung may malaking posibilidad na baka mawala din sila saakin gaya ng nanay nila, ikamamatay ko yun Ma." Kendrick choked. "God Kendrick! Are you listening to yourself anak? Anak mo sila! Bakit mo sila pagdadamutan ng oras at pagmamahal mo? That's silly! Hindi mangyayari ang bagay na sinasabi mo! Hindi nya makukuha ang anak nyo! Unang una may batas tayo, sya ang nagloko. You can use that as a ground against her for a full custody. Gosh, Kendrick naman! Anak mo yang mga yan, yun lang ang rason mo kaya mo sila iniiwasan? Your reason is so lame iho! Kung hindi mo kayang ipaglaban ang mga anak mo then I got your back! Hindi ako papayag na makuha nya ang mga apo ko! Jesus!" Himutok ng ginang sa anak. "Pero sya ang ina.. Alam kong may laban ako when it comes to legality. But I can't deny the fact that I still love her. I'm afraid that she'll used it as a tool, at baka anumang oras na hilingin nyang makuha ang mga anak namin ay sumang ayon ako dahil sa nararamdaman ko para sa kanya." Sabunot ni Kendrick sa kanyang buhok. "Nonsense! Sa tingin mo ba ay hahayaan kong diktahan ka ng asawa mo para makuha ang mga anak ninyo! Over my dead body, never! If Hanah can tolerate her daughter pwes, I can used extra length to make it impossible for them to get my apo's and hurt you even worse. Hindi ko hahayaang ubusin ka nila anak!" Igting ang panga at buong loob na wika ni Nathalie. "Ma, please I beg you. Hayaan nyo na po muna ako mag isa. Gusto ko pong makapag isip isip muna. I have a lot of things in my mind so please let me pass and hit my bed." Sumamo na lamang ni Kendrick sa ina. Ngunit laking gulat nya ng bigla nalamang dumapo sa kanyang pisngi ang palad ng ina. "You deserved that slap in your face Kendrick! I didn't raised you to be a coward! You've got all the best in life but you are too blind to see and appreciate that!" "Best in life? Where? Nasaan ba ngayon si Milcah? Hindi ba at iniwan nya na ako? Alam mo ba Ma kung ano yung unti unting pumapatay sa buong pagkatao ko? Ito!!!" Sabay turo ni Kendrick sa kanyang ulo. "Walang araw o oras na hindi ko sya naaalala. Our memories from day one till the day she left keeps on hunting me. Twing gabi bago ako matulog naaalala ko sya at kahit gaanu pa ako kalango sa alak para syang multo na pilit nagpaparamdam saakin. Ito?? Itong puso ko?? It's yearning for her. Nandoon yung lungkot, yung galit, yung poot, yung pangungulila. I guess I am really a looser, I don't deserve her. Milcah is my life, she's my better half. And I think I can't stand to live longer without her." Tigmak ang luhang si Kendrick. And another slap landed on Kendrick's face. "I can slap your face allnight if I have to para lang gisingin ka sa kahibangan mo! Oo asawa mo si Milcah, yes kasal kayo and yes! Yes and yes! You can definitely live without her! Huwag mong sabihin na hindi mo kayang mabuhay na wala sya dahil ako ang nagluwal sa iyo sa mundong ito! Huwag na huwag mong sasabihin na hindi mona kaya pang ipagpatuloy mabuhay kung wala sya dahil isang malaking kalokohan iyan! May mga anak ka! Dalawa pa! And you are not a looser! Between the two of you ikaw ang panalo dahil nasa saiyo ang mga anak nyo. Sya ang nawalan at hindi sya kawalan. Lalaki ka, guwapo at mayaman. You have the power to get everything that you want! Hindi lahat ng tao sa mundo ay biniyayaan ng magandang estado at opurtonidad sa buhay anak. Huwag mong itapon ang isang Kendrick Zarate para lang sa babaeng hindi ka naman kayang samahan sa hirap at ginhawa! Kung ipinagpalit ka man nya then consider it as a rare opportunity for you to find and meet the best one! Ibig sabihin lang nun ay iniligtas ka sa taong madaling matukso at hindi mo deserve yun. Siguro nga minahal ka ng babaeng iyon but her feelings for you is too shallow, her foundation of love can be easily shaken. You're not stupid Kendrick, she's not your great love! There's the signs, do the math! You keep on counting the rotten eggs in your basket without looking at the tree who bears fruits in your backyard! " Mahabang litanya ni Nathalie sa anak. She wiped her almost dried up tears kasabay ng muling pag lambot ng kanyang ekspresyon. Pinagmasdan nya ang mukha ng nakasalampak na anak sa baitang ng hagdan. Aninag nito ang bakas ng pagod sa mukha ng kanyang unico gayun din ang lungkot sa kanyang mapupungay na mga mata. "You should go upstairs and check on your children. Your eldest was asking for you a while ago. Go on and rest after. I just hope na may narealize ka sa pag uusap nating ito, naway naipaabot ko sa iyo ng malinaw ang nga nais kong iparating sa iyo. I love you anak lagi mong tatandaan yan. At kahit talikuran ka man ng buong mundo ako, I will never turn my back on you. Good night!" Tapik nito sa balikat ng anak. Masuyong ginagap ni Kendrick ang kamay ng kanyang ina mula sa kanyang balikat. "I'm sorry if you have the need to hurt your hands like this. I know that this physical pain cannot be compared to your tormented heart as a mother because of me. Patawarin nyo po ako kung pati kayo nadadamay at naaapektuhan sa mga nangyayari. This unfilial son of yours became forgetful that he only thinks about his self, neglecting and not realising that I'm inflicting you too much heartaches. I'm so sorry!" Kasabay ng paghingi ng tawad ni Kendrick sa ina ay ang muling pagyugyug ng kanyang mga balikat. "Husshhh now!" Mangiyak ngiyak na sambit ng ina saka hinaplos haplos ang buhok ng anak. "It's okay! It's all right you don't have to apologize son. Just promise me that you're going to try your best para maging mabuting ama sa aking mga apo. You are a parent now, so you have to be strong and tough for your boys. They needed you now the most. Don't abandoned them. Don't make them feel unwanted and unloved. Higit kanino man alam mo ang pakiramdam. Pakiusap huwag mong iparamdam iyon sa mga anak mo. The best revenge that you can give to those people who hurt you is to be a better version of yourself. " "I understand." Tangong sagot ni Kendrick. "It's late, you should rest napo." Paalam na ni Kendrick saka inalalayan ang ina na makatayo mula sa pagkakaluhod. Dahan dahan silang umakyat ng hagdan saka nito inihatid sa sariling silid ang ina. Bago nito isarado ang pintuan ay muli nyang nilingon ang mukha ng inang nakatingin din pala sa kanya. "Thank you for the slap Ma. I needed that. You're the best!" Paalam nito saka isinarado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD