Kabanata Isa, Isang di inaasahang Kasalan
Minu-minuto nang nakatingin sa kanyang relo si Este. Hindi malaman kung dadating ang kanyang nobyong si Benny. “Miss, kailangan niyo na po mag order, tatlong oras po kayong naghihintay diyan” Sabi ng isang waitress na kaharap niya ngayon.
“Hinihintay ko lang po ang kasama ko. Ano ho pwedeng bilhin dito? Paki bigay saakin yung menu ate.” Sabi nina Este habang bumalik ang tingin niya sa relo. Umalis ang waitress para kunin ang menu.
Maayos sa sarili si Este, maraming nagagandahan sa kanyang itsura. Pula ang kanyang labi dahil sa lipstick niya. Maputi at makinis ang kanyang balat. Pula ang suot niyang bestida. Kulot at maayos na nakatali ang kanyang buhok.
Marami nanligaw noon sakaniya mula nung hayschool pa siya. Tinangihan niya ang iba niyang manliligaw. Si Bennedict Martinez lang ang sinagot niya at siya lang ang tunay niyang mahal.
Matagal nang inaasahan ni Este ang pagkita nila ni Benedict o madalas tawagin niyang ‘Benny’. Ang problema ay: Ayaw ng kanyang magulang na magsama siya sa isang mahirap katulad ni Benny.
Estie.” Bati ni Marjorie sakanya. Si Marjorie ang mayari ng restawrant naito. Napansin ni Marjorie na wala pang inorder si Estie. Sayang ang pwesto na ito kung isa lang ang magiging kustomer niya na nakaupo dito: na pang dalawang tao lamang. “Ay, Kamusta na Marjorie!” Masayang bati nito sa kaibigan niya.
Bumalik ang waytres na dala dala ang listahan ng pagkain na hinigi ni Este para kanyang babasahin. “Ito po.” Kinuha niya ang menu, tahimik niya itong binasa.
Inisa isa niya ang mga pagkain na mukha naman masarap. “Isang Chicken Curry, menudo, dinuguan at adobo ate. Ite-take out ko nalang.
Napansin ng waitress ang kanyang boss at ito ay kanyang binati bago siya pumunta sa kabilang dulo kung saan tinatawag siya ng kustomer.
“Hindi ko alam na hindi darating ang iyong nobyo. May problema ba kayo? Meron bang problema ang binatang iyon?” Tanong ni Marjorie sakanya.
“Hindi ko alam Marjorie, balak namin magkita kanina pang alas dose, ngayon apat na oras na ang lumipas, wala parin siya.” Sabi ni Este kay Marjorie.
“Di bale, ako na magbabayad sa pag kain mo.” Sabi ni Marjorie. Umalis si Marjorie para bayaran ang pagkain nina Este. Nag pasalamat si Este tsaka umalis ng restaurant.
Naiiyak na siya habang naglalakad. Saan na kaya si Benny? Ba’t hinayaan niya ako maghintay dun ng ilang oras. “Este!” Sigaw ng isang pamilyar na boses. Bigla siyang huminto.
Si Benny iyon. Ang kanyang nobyo ay patakbong pumunta kay Este. Hindi natuwa si Este sa kanya. “Benny, Ba’t mo ako pinaghintay ng ganun katagal ha?” Pasigaw na sabi ni Este.
“Patwarin mo ako Este. Kinausap kasi ako ng magulang mo. Ayaw na nila tayo magsama. Kahit anong gawin ko, nakatakda ka na ikasal sa iba.” Tapos linagay ni Benny ang kanyang kamay sa pisngi ni Este. Naiiyak na silang dalawa.
Napayakap ng mahigpit si Benny kay Este. “Ano ba tong sinasabi mo Benny?” Sabi ko sakanya. Patuloy na dumadaloy ang kanilang mga luha. Pareho silang di makahinga ng maayos.
Suntok sa buwan lamang para sakanila ang kanilang pagibig. “Benny! Sagutin mo ako!” Sabi ni Este. Tahimik si Benny at binitawan niya ang kanyang pagkayakap kay Este.
“Este, patawad. Ikakasal ka sa isang mayaman na binata. Iyon ang gusto ng iyong magulang. Hindi ko kaya makulong pag sinubukan parin ipaglaban pagibig natin.”
“Bakit ako kakasal sa di ko naman mahal? Ikaw ang mahal ko Benny! Wala akong pakakasalan kundi ikaw lang.” Pinunas ni Benny ang luha ni Este gamit ang kanyang daliri.
“Paalam Este. Mahal kita pero...Ipapaubaya nalang kita sakanya.” Sinubukan ni Este pigilan si Benny. Pinilit niyang hindi umalis si Benny. Ngunit tinanggal ni Benny ang pagkahawak ni Este sa kanyang kamay.
Tuluyan ng nawala si Bennedict Martinez sa buhay ni Estella Marie Alfonso. “Huwag mo akong iwan...” Bulong ni Este habang nakatingin siya sa likod ng dati niyang nobyo.
Nawala sa kanyang paningin si Benny. Mula dun... Hindi na nakita ni Estella muli si Benny. Hindi niya alam kung ano na ang naging buhay ni Benny.
Napalitan na ang number ni Benny. Malungkot man ang pagwawakas nila ni Este, di niya malimutan ang halik, mukha, at ang boses ni Benny. Sinabi ng kanyang magulang na ikakasal na si Este sa isang lalake nangangalang Nigel Jaime Reyes.
Nasa loob ng sala sina Este at ang kaniyang ina. Ang kanyang ama ay pumasok na sa trabaho. Naiilang si Este dahil wala siyang magawa para payagan siyang makibalikan kay Benny.
“Hindi ko siya kilala ina. Wala akong balak na pakasalan si Nigel. Kahit mayaman pa siya, hindi ako papayag na pakasalan siya.” Sabi ni Este sa kaniyang magulang.
“Nak, nakaplano na kami ng tatay niyang si Dr.Reyes. Sinagip ni Dr. Reyes ang buhay ko, siya ang nagbayad ng operasyon ko. Ilan beses ba kailangan ipaliwanag ito sayo iha?”
“Mama, ayoko nga!” Sigaw ni Este sakanya. Pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto at malakas niya itong sinara. “Nak! Buksan mo ang pinto ng kwarto, nandito na si Nigel.”
Ayaw buksan nina Este ang pinto. Nagtatampo na siya sa kanyang ina. Pilit niyang ipigil ang pagiyak niya. “Ako na bubukas ng pinto.” Narinig ni Este ang unti unting pagbukas ng susi.
Nung nabuksan na ang pinto. Bumungad ang mukha ng isang Mistisong lalake. May itsura ang kanyang Fiancé. Itim ang kaniyang mata, maskulado ang katawan. Mukha siyang playboy.
“Umalis kayo dito! Ayoko makita pagmumukha ng lalaking iyan!” Sigaw na sinabi ni Este. “Itikom mo bibig mo bruha.” Sabi ni Nigel sa babae. Masama pala ang ugali niya. Tinawag siyang bruha porket ayaw siya makita ni Este.
“Bruha? Baka ikaw mokong!” Sigaw ni Este saka tinulak niya ang lalake papalabas ng kwarto niya. “Hoy! Alam mo na gusto ng aking ama na magpakasal tayo. Di rin kita kilala at mahal. Pero susubukan ko.”
“Wala akong pake mokong!” Pagkatapos ay bumalik si Este sa kanyang kwarto pero di niya nasara ang pinto. Pinigil ni Nigel ang pagsara sa pinto ni Este.
“Hindi ako mokong Estella! Tandaan mo, baka ikaw ay mahulog sa kagaya ko.” Hinampas ni Este ang kamay ni Nigel sa ibabaw ng busol ng pinto.
“Pwes! Wala akong pake! Bleh!” Linabas ni Este ang kanyang dila at sinara ang pinto ng mabilis at malakas. Rinig ni Nigel na umiiyak si Este. Naintindihan niya na kakahiwalay lang ni Este sa nobyo niya.
“Tita, Paano na po gagawin natin? Kung hindi siya magpakasal saakin, mawawalan kayo ng bahay at lupa sa laki ng gastos sa iyong operasyon.” Sabi ni Nigel sa nanay ni Este.
“May magagawa tayo. Sundin mo nalang plano ko. Papayag din si Este na ikasal sayo.” Si Nigel kasi... Wala siyang gusto kay Este. Pinilit niya lang ang sarili niya pumayag dahil kailangan niya ng anak.
Ang magiging anak niya ay magmamana ng kaniyang ari-arian ng mga Reyes. Mamatay na kasi ang kanyang Ama dahil sa katandaan. Kailangan din niya ng asawa para makatulong sa problema niya ngayon.
Ang plano ng nanay ni Este ay ipakidnap ang kanyang anak at ipapa pirma niya sa kanyang anak ang documento ng kasal nila ni Nigel. Pagkatapos nun hahayaan niya makipag pulot gata.
Ginawa iyon ng kaniyang ina. Nabuntis bigla si Este at nalaman niya na kasal na sila ni Nigel. Biglaan ang mga nangyare. Inalagaan siya ni Nigel, nagkaroon sila ng baby ni Este.
Pero dito lamang nagsisimula ang magulong buhay ni Este. Ako ay kaibigan ni Este, ang pangalan ko ay si Bethany. Ikwekwento ko ang istorya ng aking kaibigan.