KINAUMAGAHAN ay nagising na lamang si Psyche na wala na si Samaria sa kanyang tabi. Tiningnan nito ang kanyang banyo pero wala. Bawat sulok ng condo ay nagbabakasakali siyang naroroon ang dalaga. He seemed smitten by that girl. Hindi nito makalimutan ang kanyang mukha at kung paano nilang pinagsaluhan ang mainit na gabi.
“Where the hell did she go!” inis na bulalas nito sa loob ng kwarto.
Doon ay nakita niya ang punit na dress ng dalaga na naiwan sa sahig, pati na rin ang isang bracelet.
“Oh, modern day cinderella,” nasabi nito sa kahanginan sabay ngisi. He seems to be interested with that girl.
Dahil sa bracelet na iyon ay nabuhay ang loob niyang makikita niyang muli ang dalaga—sana.
Noong umagang iyon ay tatlompung minuto nang late si Psyche sa kanyang klase. Propesor kasi ito sa unibersidad na kanyang tinuturuan. Unibersidad na pag-aari mismo ng kanilang pamilya.
Dali-dali siyang nagbihis ng kanyang dirty white colored polo at nagsuot ng itim na kurbata. He wore his favorite slacks and sprayed some perfume on his neck.
“I'm pretty confident that that girl will crawl back to me when she see me again,” proud na bulong nito sa sarili habang tinitingnan ang repleksyon sa kanyang malaking salamin na nakadikit sa dingding.
“GOOD MORNING, class!” bati ni Psyche nang makarating ito sa kanyang klase sa room 11. "Sorry, I was late. I had a...long night," dugtong nito na tila naalala ang nangyari kagabi.
Napakaguwapo ni Psyche sa kanyang suot kaya't nagsibulungan naman ang mga kababaihan sa kanyang klase. Sa lakas ba naman ng dating ng kanilang propesor at isa pa ay new graduate lang ito kaya't hindi magkakalayo ang kanilang edad.
“Good morning, Sir! Sorry, I'm late,” bati ng isang estudyante habang dali-daling pumasok sa kwarto nang nakayuko. It was Samaria Escober.
Napakunot-noo naman si Psyche doon.
“Akala ko ay huli na ako, may mas huli pa pala,” wika nito. Nagtawanan naman ang buong klase. "May I know your name, Miss?" tanong nito.
Hindi maipinta ang naging reaksyon ni Samaria nang makitang ang propesor nila ay ang lalaking kasalo niya sa mainit na gabing iyon. Halos magpakain na lamang siya sa lupa sa mga sandaling iyon dahil sa kaba. Paano kung makilala siya nito? H'wag naman sana. Aniya sa kanyang isipan.
“I-I'm, Sam-Samaria Escober, Sir,” nahihiyang sagot ng dalaga.
Saglit na natigilan si Psyche at tila kinikilatis ang mukha at ayos nito. Napalingo-lingo siya sa kanyang isipan. Malayong maging si Sam iyon, sa isip niya pa. Pero ang boses kasi ay kaparehong-kapareho ng babaeng inangkin niya kagabi lang.
“You seem familiar,” mabilis na sagot ni Psyche.
Dumagundong naman lalo sa kaba ang puso ni Samaria. Tila lalabas na ito sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
“Anyway, take your seat. We'll start the class,” dugtong pa nito kaya't nakahinga naman ng maluwag si Samaria.
Hinanap agad ng kanyang mata ang kaibigang si Demetre na kasalukuyang natutulog sa kanyang desk. Wala itong kamalay-malay sa presensya ng kanilang propesor.
“Huy, Deme! Gumising ka nga,” bulong ni Samaria sa tenga ni Demetre habang mahinang niyuyugyog ang balikat nito.
“Hmmm,” sagot naman nito saka kumurap-kurap pang humarap kay Samaria. Nakapikit pa itong ngumiti sa dalaga bago isinubsob muli ang mukha sa desk.
Napasapok naman ng ulo si Samaria sa kaibigan. Napakatigas talaga ng ulo nito. Kahit na gan'on ay hindi ito masibak-sibak sa top 1. Kahit siguro matulog ito buong taon ay hindi siya malalaglag sa Dean's List. Innate na yata ang talino ng isang ito.
“Kung sabagay, kahit hindi ka na pumasok. Matalino ka naman, eh. Kaya nga ginagawa mong hotel itong classroom,” bulong ni Samaria. Napa-poker face na lamang ito at tahimik na nakikinig sa propesor na nagsasalita sa harap.
Kahit nakikinig siya ay tila hindi yata pumapasok sa kanyang utak ang sinasabi ni Pysche sa harapan. Ungol nila noong gabing iyon ang naalala niya. Hindi niya ito mawala-wala sa kanyang isipan. Nilingon niya si Demetre sa kanyang gilid at sleeping beauty pa rin ito. Wala tuloy siyang magawa kung hindi magkunwaring nakikinig kahit sa totoo lamang ay hindi naman talaga.
“Ang gwapo, hays," mahinang bulong ni Samaria sa kanyang sarili. Ganito kagandang lalaki ang nakauna sa akin kagabi. Bakit pakiramdam ko'y hinahanap ko ang mga halik niya? Kahit nagtuturo siya sa harap ay pakiramdam ko'y natutunaw ako.
From time to time ay binabalingan ng tingin ni Psyche si Samaria. Hindi kasi nito maalis sa kanyang mata ang pagkakahawig ni Sam at ni Samaria sa kanyang isipan kahit ang katotohanan ay iisang tao lamang ang mga ito.
“DISMISS,” maikling anunsyo ni Psyche.
Nakangiting nagsilabasan ang mga kaklase nila Samaria lalo na ang mga kababaihan. Ni ayaw nga nilang lumabas at mas gustong manatili sa klase ng guwapong propesor.
Samantalang si Samaria ay patuloy ang paggising sa natutulog na si Demetre.
“Is he alright?” nag-aalalang tanong ni Psyche.
Hindi siya tiningnan ng dalaga. Naiilang si Samaria sa kanya. Baka makita pa nito ang namumula niyang pisnge. O, 'di kaya ay maalalang siya ang babaeng kasiping niya kagabi.
“Y-yes, Sir,” uutal-utal niyang sagot kay Psyche.
Napakibit-balikat na lamang si Psyche bago sumagot. "Okay, tell him not to sleep in my class," bilin nito bago tuluyang umalis.
Nakahinga naman ng maluwag si Samaria sa pag-alis ni Psyche ng kwarto. Sa paglabas nito'y rinig pa niya ang tilian at hiyawan ng mga kababaihan sa labas.
“Tsk, heartthrob professor?” bulong nito sa kanyang sarili habang mahinang ginigising si Demetre.
“Deme! Ano ba! Gigising ka ba o iiwan kita?” inis na wika ng dalaga.
Agad na napatayo si Demetre sa mga sinabi nito saka hinablot agad ang kanyang bag. Nanlaki naman ang mga mata ni Samaria sa ginawa niyang iyon. Ang bilis naman yata?
“Oh, tayo agad?” nagtatakang tanong ng dalaga.
“Takot ko lang na maiwan mo,” he said and winked. Pang-asar din minsan itong si Demetre.
“Hayop ka, kanina pa kita ginigising. Buong klase kang tulog! Saan mo nakukuha ang confidence na matulog, ha?” pangangaral nito sa kaibigan.
“Sa'yo,” nakangisi nitong sagot saka hinalikan sa noo si Samaria. Napa-roll eyes na lamang ang dalaga sa kakulitan ng kaibigan. Bata pa lamang ay magkaibigan na sila kaya't malalim na ang samahan nilang dalawa. Siya lang ang tanging nakakaalam ng katauhan ng isang Samaria Escober. Isang nerd sa unibersidad, si Sam kapag nasa labas, at si Samy bilang isang sikat na modelo.