CHAPTER 4

2626 Words
Getting up early is really hard for a person like Samaria Escober. Kahit araw-araw pa siguro siyang magdasal na iwasan na siya ng mga bullies niya, they will never let her slip away. It's a tiring thing for her. She knows that she can beat them down with few words pero kailangan niyang panindigan ang pagpapanggap niya bilang nerd. She badly wants to hide her true identity because if she don't, siguradong pagpi-piyestahan siya ng mga studyante. She's the well-known model in the name of Samy after all. Sweet, sexy, and sassy model of Victorious—An international lingerie, largest beauty retailer, and clothing that is well known in marketting and branding. Marami silang models which they na nabigyan ng chance to have walk for their fashion runway at isa si Samaria doon. Besides, she's one of the favorite faces of the Victorious. Today is another day for her to hide behind her thick, big, and round glasses, and doing her favorite ponytail. Pinag-igihan niya ang paglalagay ng makapal at pekeng kilay. Now, she looked more like the nerdy Samaria who carries books in her hands always and a bagpack on her back. "Mom, I'm leaving!" Kumaway siya sa Mommy Sara niya. Bumuntong-hininga ang Mommy niya nang makita ang ayos ng kanyang anak. "You look hilarious, sweet heart! Goodness! Ano ba ang pinaggagawa mo sa mukha mo?" histerikal na reaksyon ng kanyang mommy sa kanyang ayos ngayon. Malamang, nagulat rin ito dahil hindi ito ang mukha ng mala-diyosa niyang anak. Not even a bit. Never! "Mom, this is just a part of my play. Just bear with me, Mommy. Trust me. I know what I'm doing." pilyang kumindat sa kanya si Samaria. "W-What, b-but h-hone—" Hindi pa natatapos ang sasabihin ng Mommy niya ay pinutol na niya ito. "Bye bye!" Nakangisi siyang lumabas ng mansiyon nila. Well, it doesn't look like a mansion, it looks more like a palace sa sobrang laki. Halos kasing laki ng isang Mall. Ikaw ba naman ang maging anak mayaman. Halos lahat ay nandoon, may sarili silang parlor sa bahay, spa, napakalawak na pool area, sinehan, napakaraming kuwarto na ani mo'y hotel. Dalawang kitchen na sobrang laki, library, may sariling arts and crafts room, sariling gym, at kung ano ano pa. On her way to school, she pretends to be low-key at iniwan ang kotse niya. Kung tutuusin, she owns a Bugatti Centodieci na ginagamit niya lang if she goes out as Sam. Kapag may photo shoot naman siya at mga lakad bilang Samy, ang minamaneho niya ay ang isa pa niyang baby na Bugatti Divo. Both are very expensive at i-search niyo na lang sa google kung gusto niyong malula sa presyo. Kidding aside! Despite how rich their family is, she chose to hide everything dahil sa gusto niyang normal na buhay sana. Pero mas lalo lang yata siyang gumawa ng paraan para maging masakit siya sa mata sa mga bullies niya. "Uy, Samaria! Himala, hindi mo kasama ang owner mo ngayon, ah? Pagala-gala na naman ang aso," ani Stiffany na nakasalubong ang dalaga papasok sa gate. He's referring to Demetre na owner kuno ni Sam at sis Sam ang aso. Yumuko lang si Samaria at planong i-ignore na lang sana ito pero katulad ng palaging kontra bida sa pelikula, hinawakan nito ang balikat ng dalaga saka pinaharap sa kanya. "Hoy! Bastos ka, ah!" sigaw ni Stiffany sa pagmumukha niya saka siya tinulak para mapaupo siya sa sahig. "Pipi ka ba?! Wala ka bang dila? Magsalita ka, nerd!" Pero parang walang naririnig si Samaria. She's acting as if there is no one talking to her. Nagmumukha tuloy baliw si Stiffany at natutuwa si Samaria na naaasar ito at halos mamatay na sa inis. Sa loob-loob ni Samaria ay gusto na niyang sabunutan at pagtatadyakan si Stiffany pero ayaw niya ito gawin. Ayaw niyang magmukhang kontra bida. Dapat magmukha siyang kaawa-awa. Isipin niyo na lang ang pagtitimpi na ginagawa niya. Soon, makakabawi rin siya kay Stiffany. Hindi pa nito nakikita ang demonyitang Sam. Magtatagpo rin sila sa labas. Maliit lang ang mundong ginagawalan nila. "Grrr!!!" Nanggagalaiting si Stiffany na umalis. Napa-smirk si Samaria rito. She can be evil if she want to but not inside the university. Time will come, ingungudngod niya rin si Stiffany sa batuhan at sisiguraduhin niyang iiyak ito at magmamakaawa sa kanya. Tumayo siya saka pinagpag ang uniporme niya na naalikabukan na tuloy sa pagkakaupo niya sa lupa. She hates dirt pero wala siyang choice. Dumiretso siya sa cubicle para maghugas ng kanyang kamay at ayusin ang sarili. "Darating rin ang araw mo, Stiffany. I'll make sure to break your neck kapag magkataong makasagupa kita sa labas. Hindi mo ako matatarayan ng ganyan. Babaliin ko ang sungay mo," nakangisi niyang sabi habang nakatitig sa sarili niyang repleksyon sa salamin. She's a great pretender indeed. Hindi nga halata ang acting niya. So far, she knows that no one will get suspicious because her acting is award winning. Api-apihan? Basic. Sa paglalakad niya, hindi niya inasahan ang pagsabay ng isang pamilyar na bulto ng lalaki. Nakatingin lang siya sa daan. She's afraid to confirm who it was dahil malakas ang kutob niya na iyon ang lalaki noong isang makasalanang gabing iyon. Si Psyche. Ang mismong instructor niya. "Hi. You look familiar. Studyante ba kita?" Napalunok ng laway si Samaria. Sasagot ba siya, or will she just ignore this handsome man right beside her? Halos sabay na sila sa paglalakad. "Okay, I see you don't want to talk to me," ani Psyche. Doon na iniangat ni Samaria ang ulo niya. She's a hundred percent right. Si Psyche nga ito. Hindi siya magkakamali. His manly voice is still clear in her ears. "G-Good morning, Sir. Y-Yes, I am your student in History and Theory of Architecture l. S-Samaria E-Escober," she replied. Doon, napagtanto ni Psyche that she was the only person who came late that day. "Oh, ikaw pala 'yon?" Kinabahan naman si Samaria. She's afraid he might recognize her. "A-Ang ano, Sir?" tanong niya. "The only student who came late in my class." Ngumisi si Psyche sa kanya. Shoot! Nasapok ni Samaria ang noo niya. Hell, yeah. He can still remember. "I-I'm sorry, Sir." Ano ba, Samaria?! Required ba na mautal? You are a goddess pretending to be a nobody. Pull yourself together. Pero, oo nga pala. Nagpapanggap pala siyang nerd. Hindi na acting itong pagka-utal niya tuwing kausap si Psyche, it just come naturally. Kasi alam niya, si Psyche ang lalaki na nakasalo niya sa kama noong gabing 'yon. Lalaki na tanging pinagsukuan niya ng bataan! "It's okay, it's almost a everyone's experience. Isang beses pa lang naman, but I really hate students who come late in my class." Nagpantig ang tenga ni Samaria sa sinabi nito. Huminto na si Samaria sa unang klase niya. Tiningnan niya lang si Psyche na dumiretso na rin sa klase nito. Buti na lang, wala silang sched sa kanya ngayon, kung hindi, kakabahan na naman siya. Tila nagba-babala na ang instructor nila. But why does he looks hot whenever he talks? F*ck. He looks like a god. Ano ba ang pinag-iisip mo, Samaria? Are you day dreaming of your instructor this early morning? Puna niya sa sarili. She shook her head in disbelief. "What's the matter with you?" Puna ni Demetre sa kanya. Paano ba naman, nagka-klase ang instructor nila in structural engineering pero wala siya sa katinuan. "H-Ha?" wala sa sariling sagot ni Samaria. "What are you thinking? Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Demetre. "Of course I am, por que tulala, hindi na okay?" "Siyempre, ano pa ba ang iisipin ko? Tulala ka diyan, hindi tuloy ako makatulog sa klase." "Iyan! Iyan ang palagi mong ginagawa, e. Paborito mo talaga na tulugan ang klase natin. Ano ba ang ginagawa mo sa gabi? Nagja-jakol ka ba? Ha?" walang pakundangan na tanong mi Samaria. "Ang bastos ng bunganga mo, manahimik ka nga. Kapag tayo marinig ni Sir," ani Demetre. "May sinasabi ka, mister Miller?" Ayun na nga. Nakita at narinig na sila ng instructor nila na nagtsi-tsismisan. "W-Wala po, Sir." "I wonder why you aren't sleeping in my class today," sararkastikong sagot ng instructor nila. Si Mr. Delfin. Napakamot ng ulo si Demetre. Lahat tuloy ng atensyon ay na sa kanya. Classrom crush si Deme. Maging sa ibang department nga, pantasya siya ng mga kababaihan at maging ang mga bading. Sa guwapo ba naman nito, para siyang isang anghel na ibinaba sa lupa. Iyon nga lang, his eyes were already fixed to someone. Hulaan niyo na lang muna kung sino 'yon. The class went on, after that boring discussion, Demetre went to his favorite spot. Ang bench sa mini park ng university. He prefers to sleep there. Sometimes, he brings his book and seat for a while while reading. Tapos, si Samaria naman ay nakabuntot sa kanya habang bagot na bagot na pinapanood ito sa boring nitong gawain. Samaria finds reading books boring. Ito lang ang bisyo ni Demetre. Kung hindi ito natutulog, makikita mo itong nagbabasa ng libro. Naupo si Demetre sa itim na steel bench na iyon. Nakatapat ang libro na binabasa niya sa kanyang mukha. Tuloy ay walang makausap si Samaria. "Deme, mga ilang oras ang tantya mo na matatapos mo ang librong 'yan?" she curiously asked. "This consists of 65 pages, so, I guess I can finish this in one to two hours?" sagot ni Demetre sa kanya. Napaawang ang labi ni Samaria sa narinig. What the—so does he means two hours rin akong mauupo rito at titingnan lang siya? Pero, ba't ang bilis niya naman yatang magbasa? "The hell, Deme! Tutubuan ako ng ugat kahihintay sa 'yo rito." Reklamo ni Samaria. "Then go and make yourself visible to your bullies." May halong pangbabanta nitong sabi. Oo nga naman. She's safer with him dahil kapag umalis alis pa ito, siguradong makikita at makikita na naman siya ng mga nam-bu-bully sa kanya. "Whatever you say. May chips ka ba diyan? Or, chocolates man lang? Nakakabagot dito." "Wala. Libro meron, gusto mo?" Napa-pout si Samaria. "Hell, no!" Demetre chuckled seeing how Samarias forehead wrinkled. Natatawa siya sa naging ekspresyon ng mukha nito. Reading books is really not her thing. Nang mapagod si Demetre sa pag-upo. Tumayo ito. Akala tuloy ni Samaria, aalis na sila. "Hay, salamat naman!" "Why are you saying thanks?" "E, kasi tapos ka nang magbasa." Tumaas ang isang kilay ni Demetre. "No, I am not. Magpapalit lang ako ng posisyon. Nakakapagod maupo, e." What?! And there, he layed down still holding the book in his left hand. Kaliwete kasi si Deme. No wonder he's smart? Or, nagkataon lang talaga na matalino ito? Ang sabi kasi ng mga matatanda, matalino raw ang mga left handed people. Halos maihilamos ni Samaria ang kanyang palad. Her best friend is really unbelievable! "Deme, don't you care for me? Kanina pa ako dito naghihintay sa 'yo, e. Isang oras ka nang nakaharap diyan sa libro mo. Notice me!" "I am." "In that way?" "Oh, yes." Ginulo ni Samaria ang buhok niya sa inis. "Bahala ka na nga diyan!" She was about to left him. Padabog na tinalikuran na niya ito pero mabilis na isinara ni Demetre ang libro na binabasa niya, saka hinila ang mga kamay ni Samaria dahilan para mapabalik ito ng wala sa oras. Ngayon ay sobrang lapit na ng mga mukha nila. "You. You are so impatient," kalmadong sinabi ni Deme habang magkalapit ang kanilang mukha saka mahinang pinitik ang noo ni Samaria. Ramdam na ramdam ni Samaria ang pagbuga ng hangin mula sa bibig nito. Ba't naman ang bango, Deme? It smells like mint. Inayos ni Samaria ang makapal niyang salamin dahil mukhang kamuntik na itong mahulog nang bigla siyang hilahin ni Demetre. Mahina niyang tinulak ang best friend niya nang makaramdam ng pagkailang. "E-Ewan ko nga sa 'yo! Mag-solo ka diyan sa libro mo!" Mabilis na naglakad palayo sa kanya si Samaria. Maghahanap na lang siya ng mapagkakaabalahan dahil two hours ang vacant nila ngayon. Si Deme, two hours pa na magbabasa iyon ng libro at hindi niya kayang tagalan ang tumunganga rito habang si Deme ay nasisiyahan sa pagbabasa. Siya naman, bagot na bagot. May malapit na botique sa labas ng university kaya doon na lang nagpunta si Samaria. She's planning to buy a new hair tie. Napatingin siya sa kanyang kamay. Doon niya lang na-realize, na wala na sa kamay niya ang red bracelet niya na binigay ni Demetre. Shookt! Where did it go? At bakit hindi niya man lang napansin na natanggal na iyon sa mga kamay niya? Umiling-iling na lang siya saka tinungo ang botique na malapit sa school nila. That botique sells different branded items. Magagandang shirts, blouses, dresses, trousers, pants, and etc. Suki ang mga studyante sa university nila dahil halos araw-araw kung mag-shopping ang mga ito. "Good morning, Ma'am!" bati ng guwardya sa kanya pagpasok niya pa lang sa tapat ng pintuan. "Good morning din po, Manong guard," tugon ni Samaria. Nang tumalikod na ito ay sinundan siya ng tingin ng guwardya mula ulo hanggang paa. Nagsuspetya na agad ito na baka hindi afford ni Samaria ang mga bilihin doon dahil sa ayos niya. She doesn't look like she can afford the designer items in the botique she went in. Most of their products came from Paris. Imported. "Sandali, Miss," sita ng guwardya. "P-Po?" magalang na sagot ni Samaria. "Sigurado ka bang tama ang pinasok mong botique? Abot ba ng bulsa mo ang mga bilihin dito?" Manong guard sounds concerned. She find Samaria simple, at mukhang hindi kayang makabili ng kahit isa dito sa botique. But he's definitely wrong. Ngumiti sa kanya si Samaria saka dinukot ang Louis Vitton niyang wallet. She showed him the money she has in there and Manong guard was in total awe. Na-shock ito sa libo-libong pera ni Samaria sa wallet niya. Aside from that, marami pa siyang savings sa bank but she always carry money with her para in times of emergency ay may madukot siya. "Do you now think I am capable of buying things here?" she then asked the guard. Wala sa sariling tumango-tango lang ito. Napailing si Samaria na dumiretso na sa loob para maghanap ng hair tie. But to her surprise, nandoon na naman sa loob ang bruha na si Stiffany. Kasama ang mga alipores niya. Siguro, nag-cutting classes na naman ito. Wala namang ginawa si Stiffany kung hindi ang mag eskapo at magpaganda. Higit pa doon, hindi makukumpleto ang araw niya kapag hindi siya nakapagpapansin sa mga naguguwapuhang lalaki sa university. "Oh, the poor girl is here." Kahit anong pilit ni Samaria at tago, nakita at nakita pa rin siya nina Stiffany. She rolled her eyes. Not this time, please. I badly want a new hair tie pero mukhang sabunot na naman ang matatamo ko sa Stiffany na ito. Kapag ako talaga napuno, stiff neck ang aabutin nito sa 'kin! Pagwewelga ng isipan ni Samaria. She acted as if she didn't see Stiffany. Iyon ay mas lalong nakapagpainit ng ulo ni Stiffany. Hindi nga nagkamali si Samaria, hinablot lang naman ni Stiffany ang buhok niya dahilan para magulo ito. Halos matanggal na ang anit niya sa sakit. Impit siyang napa-aray. "Sh*t," ani Samaria. "Are you cussing in front of my face, b*tch?!" sigaw ni Stiffany. Now, she's making a scene inside this decent botique at nakakahiya iyon. She looks like she's not properly educated and mannered. Ang mga tao tuloy sa botique, imbis na mamili, ang isang mata at tenga nila ay naki-chismis. "Ano ba, Stiffany. Nasasaktan ako!" sigaw ni Samaria na naiiyak na. Pero acting lang iyon. Kasi, kahit masakit, pinipilit niyang labanan iyon. Now, she'll take the opportunity na may kumpulan ng mga tao para magpaawa nang matigil na sa kahibangan niya si Stiffany. "Ay, ano ba 'yan. Ke-babaeng tao, war freak. Nakakahiya. Estudyante iyan ng university sa tapat, hindi ba?" bulong ng isang babae sa dulo ng counter. Narinig iyon ni Stiffany kaya't halos lumuwa ang mga mata niya na binalingan ng tingin ang tatlong kumpulan ng babae na nagbubulong-bulungan. Lumuwag na ang pagkakasabunot niya kay Samaria. "Excuse me, Ma'am. Hindi po puwede pumasok dito ang mga nag-e-eskandalo. Kung ako sa inyo, lumabas na lang po kayo, Ma'am," sita ng guwardya sa kanila. "Oh, gosh. Stiffany! Let's go! Nakakahiya!" ani Lala, ang isa sa mga alipores niya. Pero matigas si Stiffany. Inilapit niya ang ulo ni Samaria sa mukha niya. Pinandilatan niya ito ng mga mata. "You lowly peasant, know when to bow down to a queen!" nanggagalaiting sigaw niya sa mismong pagmumukha ni Samaria.. Napa-smirk si Samaria sa kanyang harapan. Dahilan para ma-insulto si Stiffany. Nag-init ang ulo niya lalo na nang ngumisi pa si Samaria. "You freak!" Isang malutong na sampal ang ibinigay niya kay Samaria. Namula agad ang pisngi nito. Mahapdi iyon dahil bumakat ang palad ni Stiffany. "Serves you right, b*tch!" dugtong naman ni Elijah. "Lumabas na po kayo! Please lang. Nakakagulo na kayo dito." Malakas na ang pagkakasabi no'n ng guwardya kaya lumabas na sina Stiffany, Lala, and Elijah sa kahihiyan. Pero bago 'yon, nagbanta pa si Stiffany sa guwardya. "You'll regret doing this to us, poor security guard. I can kick you off this high class botique!" Pinandilatan niya pa ng mga mata ang guwardya saka nagdadabog palaba kasama ang mga alipores niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD