Hindi maipinta ang mukha ni Samaria habang nakaharap siya sa salamin. Mabuti at medyo nag-fade na ang pamumula ng pisngi niya. Itsura pa man din ang asset at puhunan niya sa modeling career niya. Hindi iyon puwede magalusan. She gently caressed her cheeks saka naglagay ng foundation. She put her make-up on as Sam. Gabi na ngayon. Just in time to go clubbing and sweep off the negativities away. Gusto niyang magsaya sa gabing 'to. Kahit na ang ibig sabihin no'n ay maaalala niya ang gabi na sumama siya sa isang estranghero.
Napahalukipkip na lamang siya saka naglagay ng eyeshadow. Light lang ang make-up na iyon. Hindi niya maiwasang hindi mag-clubbing at mag-party sa mga ganitong panahon. She's been stressed out the whole day dahil sa naging presensya ni Stiffany. Pinagdadasal nga niya na makita at makasagupa niya ito ngayon habang siya si Sam nang maturuan niya ito ng leksyon.
"Mom!" tawag ni Samaria sa Mommy niya. Her mom is baking at the kitchen. Cup cakes na ipababaon niya kay Samaria bukas. She's not a kid anymore, but she loves this sweet gesture that her mom usually do. Feeling niya, lagi siyang inaalala ng mommy niya. Like she will always be special kahit na malaki na siya ngayon at dalagang dalaga na.
"Yes, sweety?" her mom replied habang maingat na inilalabas ang isang tray ng cup cake mula sa oven. Kumalat ang amoy no'n sa buong kusina.
"Hmmm, ang bango. Anyway, Mom. I am going to the bar today. You know, going to have some fun," saad ni Samaria.
"Call Deme para ihatid ka, sweety."
"What? No! Baka hindi niya pa ako ihatid sa bar. Baka sa library niya ako dalhin! It's definitely a no, Mom. Sumasakit ang ulo ko kapag siya ang kasama ko. Mas gusto pa no'n makaharap ang mga books niya kay sa akin, e." Pagsusuplada ni Samaria.
"So that I can guarantee your safety, sweety. Sige na, call him," utos ng mommy niya na pinagdidiinan talaga ang gusto nito.
Napa-cross arms si Samaria.
"Ayaw ko talaga, Mom. I'm leaving, bye!" kumaway ito saka nagmartsa palabas ng bahay. Mabilis siyang naglakad papuntang parking lot kung saan naka-park ang kotse niya.
Tiningnan niya pa ang suot niya. She's wearing a brown zebra print satin asymmetric drape midi dress. May slit iyon na abot hanggang sa pinakaitaas na part ng legs niya. It's over exposing her legs and she finds it sexy. Expose na expose rin ang cleavage niya rito. She looks so hot on her dress.
Minaneho niya ang kotse papunta sa bar na palagi niyang pinupuntahan. It's her favorite place to release all her frustrations. Masyado siyang na-stress sa araw na ito.
She confidently entered the bar. Kumindat pa siya sa bouncer na nagbabantay sa labas. They almost drool over her body and her dress.
She made a scene as she entered the bar. Humawi ang kumpol ng tao na sumasayaw sa dance floor. Kakaibang karisma at alindog ang hatid ni Samaria. She's just too pretty to catch the attention of the big crowd.
On the other side of the table, Pysche smokes. Hindi niya inalintana kung ano ang dahilan ng paghawi ng tao sa loob ng bar. Wala siyang pake at hindi siya interisado. He's still pissed about what happened a while ago between him and the dean. Hindi niya pa alam kung ano ang rason kung bakit ayaw nitong panigan si Samaria kanina.
"That old man must be hiding something," aniya habang niyupyop ang yosi sa kanyang kamay.
Tinapon niya sa ash tray ang upos niyang sigarilyo saka tumayo na para umalis. Kanina pa siya dito at naghihintay sa isang tao. She's waiting for that girl he had a one night stand with. Ang babaeng hindi maalis-alis sa isipan niya. Mukhang nawalan na siya ng pag-asang darating ito ngayong gabi. Halos ilang gabi na rin siyang pabalik-balik dito sa bar at nagbabaka-sakali because he's expecting that that girl will desperately look for him after what had happened between them. Gano'n naman usually ang mga babaeng nakaka-one night stand niya. Sila itong habol nang habol. But now that he's working at their university, hindi na siya halos nakikipagsiping sa iba't ibang babae because of that girl who's name is Sam but is still unknown to him.
Hindi pa man niya naihahakbang ang mga paa niya nang mahagip ng kanyang dalawang mata ang isang pamilyar na dalaga. Her walk, her smile, her awra, and her face is familiar to him. Pinag-aralan niyang mabuti ang detalye ng mukha nito and before she realize who it was, halos magkalapit na sila ng dalaga. She sat on the counter and ordered a drink. Malapit lang ang table ni Psyche sa counter kaya malaya niyang pinagmasdan ang mukha ni Samaria and it's confirmed that it's really Sam. Napangiti siya, hindi niya napigilan. He just saw himself smiling because after several days of waiting at pagpabalik-balik niya rito sa bar, nagbunga na rin ito sa wakas because he saw her again.
"A glass of spirits, please," Samaria said to the bartender. She confidently flipped her hair para mapunta iyon sa likoran niya. Shee curled it this time. Na-miss niya lang dahl lagi siyang naka-ponytail sa school nila. It's her time to shine tonight. And she definitely shined to Psyche.
There, Psyche grabbed the chance to walk towards her. Naupo siya sa tabi ng dalaga pero hindi man lang siya nito sinulyapan. Uminit agad ang ulo niya. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapansin siya ni Samaria. He needs to get her attention nang mapaalala niya rito ang gabing pinasaluhan nilang dalawa.
"Ehem." He tried to clear his throat this time.
Doon na napalingon si Samaria.
"Excuse me?" Pagtataray nito saka nilingon si Psyche. He smirked at her.
Agad na natigilan ang dalaga nang ma-realize na si Psyche ang kaharap niya. She's confident na hindi naman siya nito makikilala as Samaria but rather Sam.
"Remember me?"
Mabilis na napatalikod si Samaria saka ininom ang drink na in-order niya.
What the hell? Bakit siya nandito? Aniya sa isipan while taking a gulp of her drink. Hindi na tuloy siya mapakali. She feels awkward. Hindi niya aklain na magkikita ulit sila ni Psyche dito sa bar. Sa dami ba naman ng tao at kung sino sino lang ang nakakasalamuha niya.
Hindi agad sumagot si Samaria bagkos, nanatili siyang parang tuod na nanigas sa kinauupuan niyang high stool while crossing her legs and exposing its length.
"You are now ignoring this god-like handsome beside you?"
Ang hambog rin ng isang ito, pero aminin mo, Samaria, may ibubuga naman talaga si Papa Psyche.
"Whatever happened between us that night, just drop it," prangkang sinabi ni Samaria without looking at his face.
"Really? But mind you, Sam, hindi gano'n gano'n lang sa akin 'yon." Ngiting aso itong inilapit ang pagmumukha kay Samaria.
"And what it is to you? You are a man, you can be with any girl you want. You can replace them any time you want and just throw them away. i'm doing you a favor, Mr. Hindi ko ugali ang maghabol." Tiim bagang na sagot nito.
Psyche got more thrilled the way she talks. Palaban!
"But I have never brought any one inside my condo aside from you," he replied and winked.
Nakakalusaw ang titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang yelo na unti unting natutunaw sa mga tingin nito.
"Oh, really? So you want me to think I am special? Come one, Mr. Stop fooling around."
Tatayo na sana si Samaria pero sinundan siya ni Psyche saka hinapit ang bewang nito. He gently cupped for her legs at marahang hinimas iyon.
Samaria felt her whole body shivered. Nanlambot siya bigla.
Goodness, Samaria! Don't tell me, bibigay ka agad sa himas pa lang?
Hinuli niya ang kamay ni Psyche nang maramdamang gumapang na iyon malapit sa kanyang gitna.
"Not here, please," she whispered in his ears.
Oh, gosh! Mukhang bibigay ulit ang gaga.
Nanindig ang balahibo ni Psyche sa pagbulong nito sa kanyang tenga. It tickled him.
"I thought you wanted to drop everything that had happened, Sam? I bet you can't resist my charms." He also whispered in her ears almost kissing it. That really sounded sexy.
"Whatever you say, Mr. But I'm here to drink and dance, so please, just let me do those things here first." Bulong uli ni Samaria sa kanyang tenga while she gently pushed her slightly para magkalayo ang mga mukha nilang kaunting galaw na lang ay magdidikit na.
"I'll be dancing with you, then?"
Tumaas agad ng kilay si Samaria. Ugh, she hates it. Instructor niya ito sa Fordswan university pero pakiramdam niya ay ibang tao ito sa labas. Napaka-flirt din pala. Samaria wonders kung ganito rin ba siya sa ibang ga babae rito sa bar.
"Go and dance with other girls. Hindi ako makakilos kung may kasama ako sa dance floor."
Psyche loves hearing her voice. He didn't know what has gotten into him be be this head over heels with Samaria. Akala niya ay kabaliktaran ang mangyayari. Para siyang timang na nakatitig lang kay Samaria at nakikinig.
"You can't dance with other men while I'm watching."
"Oh, please, shut it! I'm not here to have a chit chat with you!" Tinalikuran na siya ni Samaria. She went straight to the dance floor. Humawi ang grupo ng mga kalalakihan. Pumagitna talaga si Samaria sa mga ito. It's not that gusto niyang mabastos, but she wants to prove something. Gusto niyang ipakita kay Psyche that she can get guys whenever she wants to at hindi siya maghahabol sa kanya. Aside from that, gusto niya ring makita kung ano ang magiging reaksyon ng binata.
Go, Psyche, prove to me that you are different. Wika ni Samaria sa kanyang isipan.
Samaria continued to groove at the dance floor. Sa slit niya pa lang ang tiyak na ang paglalaway ng mga kalalakihan because of the exposure of her long and fair skinned legs. They badly want to touch her pero mailap si Samaria. She only want one person to touch her but it's not even what you think. It's not Psyche or some random boys. It's someone special and close to her heart. But that can't change the fact that she surrendered herself to a stranger. Malandi niyang giniling-giling an kanyang bewang habang sumasabay ang bawat paggalaw nito sa tugtog. Just what she wanted. Nababawasan ang stress niya tuwing nagba-bar siya. This is her only escape. Ramdam na niya ang taaktak na pawis sa kanyang dibdib but no one can stop her.
Natigilan si Samaria when she felt someone from her back who keeps on bumping her. She's drunk at dumagdag pa sa sakit ng ulo ang patuloy na pagbangga bangga sa kanya ng tao sa likod niya. She turned herself at nakita si Stiffany at ang mga alipores niya na sumasaway sa dance floor. Walang pakundangan sa pagsayaw at hindi alintana kung sino ang binubunggo at inaapakan ng mga ito. They look disgusting. Ano ba iyang steps nila? Are they dancing budots? Ani Samaria sa isipan. Kung sinu-suwerte ka nga naman, o. She's Sam tonight and no one will recognize her as Samaria even this Stiffany b*tch and her two ugly side kicks.
"Hey! Can you move a bit? You keep on bumping into me!" reklamo ni Sam.
"Why do you care, girl? Umalis ka sa dance floor kung ayaw mong nabubunggo ka. Doon ka sa zoo, tutal, animal print naman iyang suot mong dress." Tumawa pa si Stiffany at isinawalang bahala ang reklamo ni Sam.
Hindi natinag ang tatlo. They kept on bumping her still. Parang walang narinig ang mga ito. Hindi niya alam kung sa lakas lang ba ng tugtog o sadyang nagbi-bingi-bingihan itong mga kampon ni satanas. Pinalagpas niya pa iyon sa ikalawang pagkakakataon pero nang maulit pa, hindi na niya napigilan ang mga kamay niya na kusang dumapo sa ulo ni Stiffany para higitin ang buhok nito. Punong puno na si Sam at kanina pa siya nagtitimpi, she might as well teach them a lesson tonight.
"You piece of sh*t! Sinabi nang h'wag niyo akong binubunggo!" nanggigigil na sigaw ni Samaria saka mas lalong hinila ang buhok ni Stiffany. Inubos na niya ang lakas niya. Napanganga ang mga alipores nito at hindi agad naka-imik. Shock kayo, girl? Burdagulan pala ang hanap niyo, ha. Sabay pa silang napahawak sa kanilang mga bibig. Hindi siguro inasahan ang gagawin ng ating bida.
"Ouch! D*mn! Get off me!!" Nagsisigaw si Stiffany sa sobrang lakas ng pagkakahigit ni Sam sa buhok niya ay halos sumunod pati anit nito. Pilit na nagkukumahog na kumawala sa mga kamay ni Sam.
Napa-woah tuloy ang mga tao sa dancefloor at pinalibutan ang dalawa. Para silang nanonood ng live na sabong sa mga oras na ito. Some even took a video.
"Get your hands off Stiff!" sigaw ni Lala. Tinulungan pa nito si Stiffany at pilit na tinanggal ang kamay ni Samaria na mahipit na nakakapit doon. May sa tanga rin itong si Lala.
"Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo! Iyo ba ang dance floor? Sinadya mo pang bungguin ako. Hindi ka pa nakuntento. Bakit? Nasapawan ko ba ang outfit mo? Sorry, girl. But your outfit looks more like a crap tonight. Isama mo na rin iyang mga alipores mo. Bumuo kayo ng girl group. Samahan ng mga hindi marunong sumayaw!" Bawat salitang binitawan ni Samaria, nilalapit niya ang mukha ni Stiffany sa sahig para ingudngod ito doon. HIndi man lang ito nakagalaw. Kung puwede nga lang niya itong kalbuhin ay ginawa na niya.
Nang bitawan niya si Stiffany sa sahig, pakiramdam nito, naupos siya sa kahihiyan. Nanggagalaiti niyang titingnan si Samaria. Halos lunukin na niya ito ng buo. But it's not the Stiffany that she knows. Samaria is already expecting that from her. Palaban si Stiffany.
Tatayo na sana ito nag biglang may humatak sa kanya. Pamilyar ang bulto nito kay Sam. Madilim ang paligid pero memoryado niya ang katawan nito.
"Deme!" bulalas niya. Hindi siya nagkakamali. It's her best friend.
Tinapunan lang siya ng tingin nito saka marahang hinatak si Stiffany patayo.
Why Deme? Bakit hindi ako ang lapitan mo? I am your best friend! Ang mga bagay na ito ang naglalaro sa isipan ni Sam. Gusto niyang maiyak. Hindi ba dapat sa kanya lumalapit si Deme? Hindi ba dapat siya ang tinutulungan nito? She felt a sudden pain in her chest.
"Stand up, Stiffany. Let's go," tiim bagang na turan ni Deme. He held Stiffany tight dahil nanghihina ito.
HIndi na alam ni Samaria ang nangyayari. Bakit biglang ganito naman, Demetre Miller?
"What? Deme! Ano bang ginagawa mo?" inis na sinabi ni Sam.
Ngiting aso na lumabas si Stiffany s abar na iyo habang akay akay siya ni Demetre. Naiwan si Sam na nakatulala. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. What the hell did he just do to me? I felt betrayed. She said to herself. Napaupo na lamang siya sa isang sulok na parang kandila na naupos.