Hininto ni Psyche ang kotse niya sa tinurong address at bahay ni Samaria. Ngayon, nasa harap na sila ng bahay ng dalaga. "Your house is big, kayo lang ang nakatira diyan?" tanong ni Psyche. "Yeah. Just me, my Mom and Dea—I mean, my cat." Kamuntik pa siyang nadulas na masabi na pati si Dean Jordan, kasama nila sa bahay. No, Samaria. Pull yourself together! Hindi ka puwedeng mabuking. Natawa naman si Psyche sa word na cat. "Really? Included ba 'yang pusa niyo sa census?" Pang-aasar nito. "O-Oo, naman! W-Wala na akong utang sa 'yo, ha. Alam mo na ang address ko." Umirap ito kay Psyche. Bumaba si Psyche ng kotse saka pinagbuksan ng pintuan si Samaria. Hindi naman siya lalabas hangga't hindi siya nito pinagbubuksan. Dapat lang na magpaka-gentle man siya. "Anong wala? May utang ka pa.

