Hindi na mapakali si Samaria sa panay titig sa kanya ni Psyche. Na-conscious tuloy siya sa suot niya. Hindi naman masyadong malaswa, ah? "Psyche, pwede ba. Sa daan ka tumingin. Kapag tayo nabangga. . ." Babala niya rito. Ngumisi si Psyche. "Kahit na hindi pa tayo mabangga, matagal na kitang nasunggaban ng halik." Kumindat pa ito at ngumiti ng nakakaloko. "I'm serious! Stop joking around, okay? Saka, saan ba tayo pupunta? I have no idea." "Sa tingin mo?" He asked. Tumaas ang kilay ni Samaria. "Is this really a date?" tanong niya. "Kinda. Pero, home date." Napaayos ng upo si Samaria sa sinabi nito. Home date? What does he mean? Is he going to date me at home? Which home? His? Oh, my gosh. Iba yata ang tumatakbo sa isipan ni Samaria. "Natameme ka diyan? Are you praying?" Pinandilat

