CANDELARIA’S POV TANGHALI. `Andito ako ngayon sa bahay ni Robi kasama siya. Katatapos lang namin kumain ng lunch. Nakasalampak kami sa sahig at chine-check namin kung may nakalimutan ba kaming padalhan ng invitation. Ako lang naman ang maraming naimbitahan. Si Robi? Si Cheska Marie lang. Iyon lang naman ang kakilala niya dahil wala pa siyang natatandaan. Ang ginawa na lang namin nina Nanay Benita ay sinabi namin kay Robi na nasa Pampanga ang mga kaibigan niya. “Honeychuchu, nasa’n nga pala `yong engagement ring natin?” Nabigla naman ako sa tanong ni Robi. Talagang kinakabahan ako kapag nagtatanong si Robi ng mga ganiyan dahil wala akong choice kundi ang magsinungaling sa kanya. “Ano kasi, honeychuchu… N-nawala kasi iyon no’ng… accident. Oo, no’ng naaksidente tayo. Palagay ko nga, ninak

