Habang papunta kami sa kinaroroonan ni Eight ay tumigil sa pag lalakad itong si Rodes.
" Oh ? Bakit ka huminto sa iyong pag lalakad? ". - tanong ko
" Sandale bakit nga pala gusto mo akong samahan kay Eight?". - tanong nito
" Dahil gusto kong libutin itong kaharian ng Dracula's !". - pagsisinungaling ko, dahil kahit alam kong mabuting tao si rodes ay hinde nya parin pwedeng malaman ang tungkol sa aking Mission
" Ahh ganon ba ? Wala namang espesyal dito sa Dracula's kakaiba lang din ang kanilang paniniwala !"; - Sabi nito
" Ahh siguro nga lalo't puro kalalakihan ang mga mamayan ng kahariang to! May tanong ako sayo? Bakit nga pala hinde mo naisip na sumama kay Eight dito sa Dracula's at pinili mong manatili at mag trabaho sa kaharian ng Rawsolen
" Dahil hinde ko kayang iwanan ang pinagmulan ko! At hinde ko rin kayang iwanan ang pangangalaga sa mga alipin dahil kapag iniwan ko ito maaring masamang tao pa ang gumawa ng trabaho ko! Pagod na sila kakahanap ng ginto ay sasaktan pa sila ! Hinde ko kayang isipin ang ganong bagay!". - seryosong sabi nito
" Mabuti ka talagang tao ginoo! Hmm diba sinabi mo na dating alipin ang naging ama mo na si Eight sa Gintas ? Paano sya nakatakas ? ". - tanong ko dahil gusto kong malaman ang pagkatao nito
" Dahil sa aking Ina ! Nakiusap sa hari ang aking Ina na pakawalan si Eight dahil naging mabuting ama ito sa akin!". - kung ganon ay talagang malalim din ang relasyon ng hari at Ina ni Rodes
" Kung ganon pala ay tila sumusunod ang hari sa iyong Ina ?!". - tanong ko na may pakahulugan
" Hinde tulad ng iniisip mo! Kaya lamang sinunod ng hari ang mungkahing iyon ng aking Ina ay dahil tinakot sya ng aking Ina kung hinde sya susundin ay sasabihin ng aking Ina sa Reyna na may anak ang hari sa kagaya ng aking inang walang dugong bughaw... Dahil noong panahong iyon ay kakapakasal palang ng hari sa Reyna.". - paliwanag nito .
Habang nag lalakad kami ay may nakita akong lalaking kumakaway sa amin !
" Sino ang lalaking palapit sa atin ?". - tanong ko kay rodes dahil malabo din ang aking mata
" Ito ay ang dayuhang nasa sugalan na binigyan mo ng ginto!". - Sabi nito at tumakbo ito papalapit sa Amin .
Labis ang ngiti nito ng makita kami...
" Ginoo! Tila naparito kayo sa aming kaharian! Hinde ko malilimutan ang tinulong mo sa akin !". - Sabi nito at tumungo sa Amin
" Wala iyon ! Dahil maliit na bagay lamang iyon kumpara sa aking napanalunan!". - Sabi ko at tinapik ang kanyang braso
" Kahanga hanga ka ginoo! Alam mo bang pinag mamalaki kita sa aking ama ?". - Sabi nito na hinde maalis ang galak nya sa kanyang labi
" Maraming salamat sa iyong papuri!". - aking pasasalamat
" Bakit nga pala kayo naririto sa aming kaharian? Nais nyo bang mamasyal? Kung gayon ay sasamahan ko kayo sa magagandang lugar dito sa aming kaharian !". - masayang paanyaya nito
" Hinde dahil nais lamang namin puntahan ang aking amain na si Eight! Kilala mo ba sya ? ". - tanong ni rodes
" Anong kailangan nyo sa kanya ginoo?". - tanong naman ito ng dayuhang nakasama namin sa sugalan
" Nais lamang namin syang dalawin at kamustahin !". - sagot naman ni rodes
" Kung gayon ang hinahanap nyo ay ang aking ama !". - gulat na gulat kami ni rodes na maliit Ang Mundo na anak ni eight ang kausap namin .
Habang nag lalakad papunta sa kanilang bahay ay masaya nyang kinukwento ang mga nangyare pag katapos ko syang bigyan ng ginto. Sinabi nito na tumaas na ang kanilang estado. Ang Akala ko ay Isa syang maharlika lalo't sa kanyang tindig at kasuotan ngunit habang kinukwento nya ang buhay nila ng kanyang ama si Eight ay labis na kalungkutan ang kanilang naranasan. Dahil sa gintong aking ibinigay sa kanya ay nakapag patayo sila ng magarang bahay at bukod ang bahay nang mga alaga nilang hayop. Tumaas din sila sa posisyon ng pamumuhay malapit na sa pagiging maharlika. Sinabi rin nito na Isa sya sa magnanakaw kaya't naroroon sya sa sugalan upang mag nakaw ng ginto. Tulad sa Independentas ay mahalaga sa kaharian ng Dracula's ang ginto kaya't sa isang pirasong ginto daw na kanyang mananakaw ay katumabas ng Isang linggong pag kain .
" Ano nga pala ang pangalan mo?". - tanong ni rodes
" Ako si Alexis ! ". - sagot nito
" Anong pangalan ng iyong Ina ?". -tanong ko naman
" Sya si Maza ! ".
Huminto sya sa malaking bahay na malawak na bakuran . Sa labas nito ay maraming mga alagang aso at pusa na kanilang tinuturing na pamilya . Pumasok kami sa bahay na iyon dahil ito daw ang kanilang bagong tahanan.
" Oh anak? Sino ang mga kasama mo ?". - tanong ng kanyang Ina na nag sasampay ng kanilang damit sa bakuran . Tumungo kaming dalawa ni rodes bilang paggalang.
" Hinahanap nila si Ama ! Galing silang kaharian ng Horudea !". - Sabi nito sa kanyang Ina kaminaman ni rodes ay tila nag katinginan dahil hinde alam ni Alexis kung saan akong kaharian
Biglang yumuko ang kanyang Ina sa amin..
" Kinagagalak ko kayong makilala! ". - Sabi nito at pinigilan namin syang tuluyang yumuko sa amin hinde ko alam kung bakit nya yon ginawa sa amin. Dahil ang pag Yuko ay para lamang sa mas nakakatanda o mas mataas na posisyon sa kaharian.
" Hinde nyo kailangan yumuko sa amin!". - Sabi ni rodes
" Dahil alam kong Isa kayong maharlika sa inyong kaharian !". - Sabi ng Ina ni Alexis at ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ito yumuko sa harapan namin dahil iniisip nya na kami ay Isang maharlika siguro ay batid nito na hinde maaring makalabas ang Isang alipin sa kaharian ng Horudea kaya't naisip nito na kaya kami nakalabas ng kaharian ay Isa kaming maharlika
" Hinde po kami Isang maharlika ! Isa po kaming takas na alipin!". - Sabi ko at tila gulat na gulat si Alexis at Ina nito
" Paanong???". "
" Tumakas kami dahil hinde na namin kaya pang maging Isang alipin ! At kailangan din namin ng kalayaan ! Si Mo~ra ay galing sa kahariang Feiliposna na nag lalakbay sa kaharian ng independentas !". - paliwanag ni rodes
" Feiliposna ?? Doon ang pinagmulan ng aking ama !". - Sabi ni Alexis
" Feiliposna ??". - Sabi ni Eight na kakalabas lang nito " Sino kayo at nandito kayo sa kaharian namin? ". - seryosong tanong nito sa Amin at lumapit ito upang busisiin kami.
" Ama kaibigan ko po sila ! ". - Sabi ni Alexis
" Nagkita muli tayo aking ama !". - pag Singit naman ni rodes
" Bakit mo akong tinatawag na ama?". - tanong nito kay rodes. Kahit maputi na ang buhok ni Eight ay kitang kita rito ang kakisigan at malaking pangangatawan.
" AKO SI RODES! Hinde mo na ba ako na kikilala ?". - tanong ni rodes at ilang minuto sya nitong pinagmasdan at mabilis na niyakap.
" Malaki kana! Tila Isa kang gwapong maginoo anak ! ". - Sabi nito at tila maluha luha ito " kamusta na ang iyong Ina ? ". - humiwalay ito sa pag kakayakap
" Anak ??? May anak ka sa ibang babae ?". - nagulat kami sa tanong ng Ina ni Alexis na tila naguguluhan sa nangyayari . Hinde namin napigilan ang pag tawa.
" Anong nakakatawa?". - tanong nito
" Ipapaliwanag ko Mahal.. Si rodes ay anak ng kaibigan ko sa kaharian ng Horudea ng akoy maging alipin. Dahil Wala akong anak ay itinuring kong anak si rodes kaya't tinatawag ko syang anak!". - paliwanag nito sa asawa
" Hayyy tila nakahinga ako! Siguraduhin mo lang na Wala kang anak sa ibang babae kung hinde nako ! Sige sige na mag luluto muna ako ng inyong makakain !". - Sabi nito at pumasok ng bahay
" Nasaan ang iyong Ina bakit hinde mo kasama?". - tanong nito kay rodes
" Patay na ang aking Ina !". - maiikling sagot nito at Nakita ko ang kalungkutan sa mukha ni Eight at tinapik ang ulo ni Rodes
" Tila siguro mahirap ang iyong naging buhay sa kahariang iyon lalo't Wala sa tabi ang iyong Ina ! Hayaan mo at ginagabayan kanya !". - Sabi nito kay rodes at biglang napatingin ito sa aking gawi. " At sino naman ang iyong kasama?". - tanong nito kay rodes
" Sya si Mora ang mag lalakbay ng kahariang Feiliposna !". - Sabi ni rodes
" Hinde ako si Mora kundi ako si Moon, ang assasin ng kahariang Feiliposna ! Kaya ako narito ay nais kitang makausap para sa isang mission !". - tila nabigla silang lahat ng sabihin ko ito , hinde ko na dapat itong itago dahil mukhang mapagkakatiwalaan ng lahat ng narito . Gulat na gulat din gayong din si Alexis
" Ama sya ang sinasabi kong nag bigay sa akin ng ginto!".
**to be continued**