Chapter 17

1480 Words
Moon's Pov Pakiramdam ko ay desidido si rodes na makalaya mula sa kahariang hinde sya tinuring na anak . Ngunit tila kanina pa kami nag hihintay at Wala parin sya ngayon . " Hirae ! Dalhin mo na ang mga ginto !". - nilabas ko ang buhangin na orasan at binigay sa kanya " kapag naubos na itong buhangin ay takpan nyo na ang sarahan kung hinde pa rin kami nakakarating ni rodes ay huwag kayong mag dadalawang isip na saraduhan !". - Sabi ko ngunit nakikita ko na nag aalala ito, hinawakan nya ang kamay ko upang pagpigil sa akin " Ginoo hintayin mo na lamang sya dito! Baka narito na sya ilang minuto lang ! ". - Sabi ni Hirae at tinanggal ko ang pag kahawak nya sa mga kamay ko " Huwag kang mag alala ! Basta't sundin mo nalang ang sinasabi ko ! Mauna ka na sa Independentas kapag Wala pa ako !". - Sabi ko dito at tuluyang pumasok muli sa loob ng yungib na aming hinukay " GINOO MAG IINGAT KA !". - sigaw ni Hirae pati na rin ang mga alipin Hinde ko alam ngunit masama ang kutob ko kung bakit Wala pa si rodes . Habang papasok ako sa loob ulit ng gintas ay natatanaw ko si rodes at hinahampas ito ng mga kawal gamit ang baril nito . Nag tago ako sa madilim na bahagi ng yungib upang hinde makita ng mga ito. " Tama nga ang hari na may binabalak ang mga alipin! Ngunit hinde namin alam na Ikaw pala ang tratraydor sa Amin!". - Sabi ng kawal at muling hinampas ito gamit ng baril " Mahal na prinsipe hayaan nyo na pong patakasin ang mga alipin ako na lamang ang parusahan nyo!". - Sabi ni rodes at nakaluhod dito na Akala ko ay Isang kawal yun pala ay ang prinsipe " Handa kang ibaba ang sarili mo dahil sa mga aliping iyon! Bayad iyon ng hari Mula sa ibang kaharian ngunit anong ginawa mo ! Sinasayang mo ang nga gintong pinambili sa mga alipin ! Isa kang malaking Mang mang! " - Sabi ng prinsipe at muling hinampas nito ng baril si rodes . Paano kaya nalaman nila ang nangyareng pag takas " Kahit buhay ko ang kapalit hayaan nyo lang sila maging malaya !". - sabing muli ni rodes " Ahh ganon!". - at tinutok nito ang baril sa ulo ni rodes " Prinsipe na papatayin ang Isa pang prinsipe ? Sino ang mang mang ! ?". - Sabi ko at lumabas sa aking pinagtataguan kung tutuusin ay kayang kaya ko naman silang tatlong patayin " Prinsipe?? Ang lalaking to prinsipe?? Tila nag papatawa ka yata ? At sino ka namang kutong lupa ka ? Huwag mong sabihin na Isa ka sa mga alipin ! ". - Sabi nito sa akin " Wala kang alam na si rodes ay anak din ng hari! Tila Mang mang ang walang alam !". - pang aasar ko sa kanya " Manahimik ka !". - sigaw nito at sakin tinutok ang baril Dahil madilim ang paligid ay mabilis akong makakilos. Kailangan Kong makuha si rodes upang mabilis kaming makatakas. Ilang minuto nalang ang natitira sa oras kaya't kapag nag tagal pa ay isasara na nila hirae ang lagusan. " Barilin mo ako prinsipe ! Tutal Yan lang naman ang kayang gawin ng palasyo nyo! Ang pumatay at pag kaitan ng kalayaan ang mga taong mas mababa sa inyo! Ngunit hinde nyo ba nakikita unti unti kayong babagsak ! ". - Sabi ko . Unti unti akong papalapit sa kanila at ang mga kawal nya ay nakahandang sugudin ako . " Patayin nyo sya ! ". - utos ng prinsipe sa kawal Sumenyas ako kay rodes na tumakbo na ngunit umiling ito. Lumapit sakin ang kawal at dala ang hawak nitong espada at mag tatangkang hiwain ako mabilis akong nakailag ngunit pasugod din ang kawal na nasa aking kanan . " AHHHH~~". - Sigaw ng mga ito. Mabilis kong nasangga ang mga braso nito at kaagad kong hinawakan at pinisil ng madiing hanggang nabitawan nito ang espada . Sinipa ko naman ang nasa kaliwang kawal at kaagad itong tumalsik . "BANGGG! " - nagulat ako sa aking narinig at pag kalingon ko ay binaril nito si rodes at tumumba sa lupa " Papatayin ko kayo!!!". - sigaw ng prinsipe . At nang mapatumba ko ang kawal ay mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ng prinsipe bago nito iputok ang baril na nakatutok kay rodes . Sinipa ko ang prinsipe at tumalsik ang baril na yon. Dahil na pa tumba sya ay gumapang ito upang kunin ang baril ngunit bago mangyari yon ay natapakan ko ang kanyang kamay . " Aaaahhh~~ HAYOP KA !!". - Sigaw nito At kaagad kong pinulot ang baril nito. At tinutok sa kanya . " Subukan mong pigilan ang kalayaan ay maaga kang haharap sa impyerno!". - Sabi ko at syaka pumunta kay rodes , tinamaan ito sa kanyang braso kaya't nakatayo ito. Kinuha ko ang mga dala nitong gamit at syaka inaalalayan ito. " Bakit bumalik kapa ?". - tanong sakin ni rodes " Dahil hinde ko kayang iwanan ang taong gustong maging malaya ! ". - Sabi ko sa kanya At nang makarating kami sa dulo ng yungib ay nakita ko na unti unti na nilang sinasamahan ang lagusan . " Tanggalin ang harang ! Narito na sila !". - dinig ko ang sigaw ni Hirae , kahit kailan talaga ay hinde nya ako bibiguin . Tinanggal nila ang mga harang at nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Hirae. " Tila sandali lamang akong nawala ay parang matagal mo akong hinde nakita !". - sabi ko at tila namula ang kanyang pisngi " Ako bay hinde mo ako yayakapin? ". - tanong ni rodes kay Hirae at agad naman itong tinalukuran ni Hirae " Tigilan nyo ako mga ginoo ! Tulungan nyo na lamang silang harangan ang lagusan at tuluyan na tayong makabalik sa kanya kanya nateng kaharian !". - Sabi nito Pag ka tapos namin takpan ang lagusan ay kanya kanya na ding nag paalam kami sa mga dating alipin na ngayon ay malaya na. " Rodes ! Ngayon saan mo balak na pumuntang kaharian ?". - tanong ko sa kanya " Mag lalakbay ako sa ibat ibang kaharian ! Hanggang makarating ako sa oniversa ! Gusto kong tuparin ang Pangarap kong maging isang doktor o kayay Mang aawit !". - Sabi nito " Hmm mabuti at hinde ka sa amin sasama pabalik ng independentas !". - Sabi ni Hirae " Kapag narrating ko na ang oniversa ay pupunta ako sa inyong kaharian upang dalawin ka Hirae! Alam kong palagi mo akong iisipin sa oras na hinde mo na ako makita pa !". - Sabi nito tila nililigawan ang mayuming si Hirae " Kahit kailan ay hinde mang yayare iyon !". - Sabi ni Hirae " Ngunit bago ako umalis ! Dadaanan ko muna si Eight dito sa kaharian ng Dracula's !". - tila biglang umilaw ang aking isipan ng marinig ang kakaibang pangalan na iyon na tanging ang taga pangalaga ng ginto lamang ng hari ang may roon ng pangalang iyon. " Sino iyon? Eight?". - tanong ko upang linawin ang aking narinig " Oo sya nga ! Iyon ang lalaking tinuring kong ama noong naging alipin sya dito sa gintas ng kahariang horudea !". - ibig sabihin tugma ito sa sinasabi ng hari " Maari ba akong sumama Ginoo?". - tanong ko dahil kailangan kong makita ang taong iyon " Ngunit paano si Hirae ! Sa Dracula's ay babae ang pinaka delikado ! ". - pag aalala nito " Hinde sya magiging delikado kung kasama natin sya ginoo!". - Sabi ko " Hinde mo naiintindihan ! Iba ang batas sa Dracula's kapag babaeng dayuhan ay mahigpit nilang pinagbabawalan !". - hinde ko alam kung bakit naging patakaran iyon sa kahariang ito . " Mauuna na lamang ako ginoo! Mag kita na lamang tayo sa Indepedentas !". - Sabi ni Hirae at ngumiti ito " Kung gayon ay sumabay ka narin sa kanila. ! Ang mga ginto ay dalhin mo na lamang at kukunin ko pag balik ko ng kahariang independentas !". - Sabi ko at tinapik ang balikat nito . Umalis na si Hirae at sumama sa mga dating alipin na pabalik ng kahariang independentas . Ako naman ay mag sisimula na sa aking mission dahil napag isip isip ko na kung patatagalin ko ang aking mission ay maaring may mangyareng hinde maganda sa tulad nito sa susunod at hinde ko na makasatuparan ang mission . Kapag nagawa ko na ang aking mission ay sa kahit piliin kong magtagal sa kahariang independentas ay magagawa ko ng walang mission na kaakibat dito. Kailangan ko munang hanapin si Eight dahil tiyak akong alam nya kung saan nito dinala ang anak ng hari. **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD