Chapter 16

1432 Words
Dumating na ang araw ng pag takas nila moon sa gintas at sa pagiging alipin. Inihanda na rin nila ang mga kagamitan at mga armas kung sakali ay mahuli sila ng mga kawal ng palasyo ng Rawsolen. Maraming natirang ginto si Moon halos kalahating sako kaya't pinamigay nya ito sa mga alipin na sa ganon ay may baon ito sa kanilang pag takas. " Ginoo babalik ako ng kahariang independentas ! Ikaw ba ay babalik sa iyong kaharian?". - tanong ni Hiprae na tinutukoy ang kaharian ng Feiliposna " Hinde ako babalik ng feiliposna dahil may kailangan pa akong gawin sa kaharian ng independentas !". - Sabi ni Moon dahil mayroon pa syang misyon na kailangang tapusin " Ano ito ginoo? Maari ko bang malaman para ika'y aking matulungan?". - pag aalok ni Hirae " Hinde maaring malaman iyon ng iba kaya't pasensya na at tinatanggihan ko ang alok mo ng tulong !". - pag tanggi ni Moon habang kumakain ng prutas " Hmmm kung gayon maari kang manirahan sa Aming tahanan ginoo? Malaki ang tahanan namin may mga malawak na taniman at tanawin !". - pagaalok na naman ni Hirae dahil ang totoo ay gusto lamang nitong masakama si Moon. " Mayroon akong tahanan sa Veril kaya't tatanggihan ko ulit ang alok mo ngunit maraming salamat !". - Sabi ni Moon habang nakaupo lamang at hinahayaan na si Hirae ang mag ayos ng mga kagamitan nilang dadalhin sa pag takas mamayang Gabi na kabilugan ng buwan. " Tila handa na kayong lahat sa inyong Pagtakas ! " - Sabi ni rodes na kakarating pa lamang " Oh ginoo ? Hinde kaba sasama sa Amin ?". - tanong ni Hirae " Nakapag isip na ako at may sagot na ako para sa katanungan niyo. Ngunit mamaya nyo malalaman kung pupunta ako sa ginawa nyong Daan at tatakas sa magulong kahariang ito!". - Sabi ni rodes at tumayo naman si Moon at binigyan ng prutas ang ginoo " Hihintayin namin ang kasagutan mo ginoo! Kapag lahat ng alipin ay nakatakas na o nakalabas na dito sa gintas ngunit hinde kapa rin dumating ay hinde ka na namin hihintayin at isasara ko na ang lagusan na ginawa namin ! Pero kapag maaga kang dumating ibig sabihin ay Wala kang agam agam at gusto mo rin ng kalayaan !". - Sabi ni Moon Samantala ... Dahil mahigit Isang linggo nang nawawala si Moon ay nag aalala na si fussia at Fuego. Lalo't hinde pa din bumabalik ang assasin na kanilang inatasan para mag hanap kay Moon . " Fussia iniwan ko muna si Casu sa Veril para tignan ang mga bata sa bahay . Hinde pa din bumabalik si Mora! Anong balita sa nag hahanap sa kanya ? ". - tanong ni daisy " Hanggang ngayon Wala pa din ang inatasan naming mag hanap sa kanya ! Labis na akong nag aalala sa ginoo! Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon ay nawawala parin sya !". - Sabi ni fussia " Kasalanan ko kung bakit kinuha nila ang ginoo! Huwag mong sisihin ang sarili mo fussia !". - Sabi naman ni Fuego at tinapik ang likod ni fussia " Hmm pakiramdam ko nasa maayos na kalagayan ang ginoo. Sa sandaling inaasikaso natin ang ginoo fussia pakiramdam ko ay hinde sya malilinlangan ng kahit sino ! Kaya't kahit saan sya mag punta alam kong ligtas sya!". - pag papagaan ng loob ni daisy " Hmm ?? Sa tingin ko ay hinde talaga natin kilala ang ginoo! Dahil nakainom sya ng alak ay hinde sya nakalaban sa mangangalakal ngunit kapag normal ito ay siguradong Patay na halos ang mga ito ! Nakita ko ang espada ng ginoo sa tingin ko ay gawa din ito sa ginto at marami ng taong napatay nito dahil sa hawakan nito ay may mga bahid ng natuyong dugo! Kaya alam kong hinde lamang sya kung sino lang sa kaharian nila !". - Sabi ni fussia " Tama ang iyong sinabi ! Mauna na muna ako fussia at ginoo dahil kailangan ko pang asikasuhin ang mga Bata !". -nag paalam na ito syaka umalis Naiwan si fussia sa bahay nila Fuego. Naging malapit ang dalawa dahil sa magkasabay nilang hinahanap si Moon. Ngunit hinde parin nila ito maipakita ng husto sa isat isa . Pareho sila nang iniisip na kapag sinabi nila ang nararamdaman sa isat Isa ay baka maging katulad lang ito ng dati nilang relasyon na nag karoon ng hinde magandang samahan. " Nagugutom ka ba ? Nais mo bang ipagluto kita?". - tanong ni Fuego . " Busog pa ako dahil marami din akong nakain kanina sa bahay ! Salamat sa alok mo!". - Sabi ni fussia Nagulat sila ng makitang nanakbo si Daisy sa kinaroroonan nila. Na tila may masamang nangyari . " Fussia ~ uhhh~. ". - hingal na tawag nito " Ano ? Bakit ka narito akala ko ba ay uuwi ka ng bahay ? Bakit ka tumatakbo?" - kabadong tanong ni fussia " Ang assasin na inatasan nyong hanapin si Mora ay natagpuang Patay malapit sa ating bahay ! - Sabi ni daisy at tila gulat na gulat si fussia at Fuego " Paanong ?? Isa syang magaling na assasin imposible na may magawang pumatay sa kanya !". - pag tataka ni fussia " Ayon din po ang pinagtataka ng ating mga kalapit na bahay ! Natagpuan syang puno ng saksak at baril !" Pinuntahan nila fussia , Fuego at daisy kung saan nakita ang bangkay ng Assasin. Nang makarating sila doon ay naroroon pa ang bangkay at nakadapa. Iniimbistigahan ng imbistigador ng palasyo kasama ang mga kawal nito . " Paanong mapapatay ang Isang assasin ??". - Sabi ni Fuego at tumingin naman ang Isang kawal sa kanya " Meron din kahinaan ang nga assasin siguro kaya sya napatay ! Pakiramdam namin ay hinde sya dito pinatay at inilagay lamang ng salarin ang bangkay dito upang hinde rin matukoy ng palasyo kung sino sya. Ano kayang kailangan nila sa assasin para patayin ito!". - Sabi ng kawal " Hinde kaya dahil sa marami na syang napatay ay gumaganti ang mga pamilya ng mga ito?". - Sabi ni fussia " Hinde malabo dahil sa marami na ding napatay na kriminal ang assasin ng palasyo!". - Sabi pa ng Isang kawal. Biglang nag kumpulan ang mga kawal papunta sa imbistigador ng palasyo dahil may nakita itong sulat na nakalagay sa bulsa ng Assasin. " May nag iwan ng sulat ! ". - sigaw ng kawal at lumapit sila fussia at Fuego at daisy " Nakalagay dito na ~ hinde ka magtatagumpay Ikaw na ang isusunod ko Moon ~.". - nag tataka ang lahat kung sino ang tinutukoy ng salarin lalo't walang pangalang Moon sa kanilang kaharian lalo't kilala ng lahat ang Ilan lamang sa kalalakihan ng kaharian . Samantala... Bumalik tayo sa pag takas ng mga alipin sa gintas . Kabilugan na ng buwan at nakangiti si Moon dahil ito ang kanyang paboritong liwanag sa Gabi . Isa Isa nyang tinanggal ang mga posas ng mga alipin at nag simula na silang pumunta sa ginawa nilang hukay . Sa kabilang pader ng gintas ay ang kaharian ng Dracula's malapit sa sunod ang kaharian ng independentas. Kahit may nakakita na sa hukay na ginawa ng alipin sa kaharian ng Dracula's ay hinde sila nakealam o nag sumbong lamang dahil hinde sila nakekelam sa mga sigalot sa mga katabing kaharian . Sa kaharian ng Dracula's ay Isa ding malayang bansa ngunit mahigpit sa sila sa pakikipagsunduan . Hinde din ganong kahigpit sa mamayan ang palasyo ng Dracula's kaya't malayang nakakapasok at nakakalabas ang mamayan. Sa Dracula's naman ang Lugar na mas marami ang kalalakihan kaysa kababaihan . " Sa wakas ay makalaya na din Tayo !". - sigaw ng Isang alipin " Kailangan nating bilisan upang walang makakita sa atin!". - Sabi ng Isa pang alipin Ngunit tila iniisip ni Moon kung nasaan na ang ginoong si rodes. Batid ni Moon na gustong makalaya ito. " Ginoo tila malalim ang iniisip mo? Kanina ay masaya kang makakalaya Tayo ! Hinde mo ba alam na Ikaw Ang nagbigay ng pag asa sa mga taong kasama natin!". - Sabi ni Hirae " Iniisip ko lamang si rodes... Nais kong kasama natin syang maging malaya ! Sya rin ang dahilan kung bakit makakalaya tayong lahat !". - Sabi ni Moon " Tiyak akong susunod ito sa atin ! Kaya't maari natin syang hintayin sa dulo nitong lagusan !". , Nang ang lahat ay nakalabas sa daanang hukay ay tuwang tuwa ang mga dating alipin ng gintas . **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD