Chapter 10

1552 Words
Dinala ni Moon sa isang kaharian na Punong puno ng kaguluhan. Kahit na maraming ginto sa kahariang ito ay ang nakikinabang ay ang matatas na antas ang maharlika at ang palasyo ito ay ang Kahariang Rawsolen. Sa kahariang ito ay may mga pader na pagitan para sa alipin o magmimina at sa mga maharlika ng kaharian. Kapalit ng mga gintong makukuha ng alipin ay mga libreng pagkain at tirahan para sa kanila ngunit makikita na labis ang pinagkaiba ng dalawang antas. Nag tratrabaho ang mga alipin para makakuha o makapagmina ng ginto at binibigay sa maharlika. Kapalit nito ay damit na tinapon o pinag sawaan ng maharlika, tira tirang pagkain ng maharlika at tirahan sa madumi at delikadong lupa. Gulat na gulat si Moon sa kanyang nakikita. Ang kapaligiran ay puno ng bahay na sira at basura. Dito din kase tinatapon ang mga tambak na basura ng mga mahaharlika. Tinatawag na Gintas ang tirahan ng mga alipin at tinatawag namang Horudea ang tirahan ng maharlika. Sa tirahan ng Gintas makikita ang mga ginto Kayat sa kanilang tirahan din sila nag mimina . " Tilang ibang iba sa kahariang independentas na karamihan sa mamayan ay malaya ! ". ,,,,,- sabi ni Moon at narinig naman ni rodes " yan ang magiging tahanan mo! Hanggang sa ikaw ay manghina kapag ikaw ay may nakuhang ginto makakuha ka ng pag kain at mga kagamitan ! Ngunit kapag wala kang nakuhang ginto ay magugutom ka at giginawin sa gabi ! Anong pangalan mo nais kong malaman?". - tanong ni rodes Kahit na hinde nanakit ang mga taga pagbantay at mangangalakal ikaw naman ay magdurusa sa pagod at gutom na mararanasan ng pagiging alipin sa kahariang Rawsolen. " Ako si Buwan ! ". - sabi ni Moon " kakaibang pangalan mukang pinagisipan! haha ngayon ay isa kanang alipin ng kahariang Rawsolen " Saan ang aking tirahan ?". - tanong ni Moon " Wala kang tirahan ! Sa last ng basurang nakikita mo ! Ikaw ang bahalang gumawa ng iyong tahanan !". - sabi ni rodes " hmm bakit hinde nyo pa ako pakawalan ?". - tanong ni Moon " Huh? Hinde ka namin pwedeng pakawalan! Kung pwede ay baka ilan sa mga alipin dito ay malaya ng nakalaya at nakapunta sa ibang kaharian! ". - sumenyas si rodes sa mga tauhan at pinalitan ang kanyang mga tali ng kadena sa kamay at kanyang paa. Mahaba ang mga kadena Kayat malaya pading makakagalaw si Moon pero mabibigat ang mga ito kayat kung gugustuhin nyang tumakas ay hinde nya magagawa. " Ngayon ay alam ko na ! Namamatay ang mga alipin dito dahil sa gutom dahil sa wala silang gintong nahanap !?" - tanong ni Moon kay rodes " Hmm sabihin nating tama ka pero may ilan ding dahilan para mamatay ang alipin dito! Ang mga nag mimina ay minsan ay natatabunan ng lupa o kaya kapag nag tangkang tumakas ay namamatay ! " - paliwanag ni rodes Dinala ni Rodes si Moon sa mga bagong alipin na nakuha sa ibat ibang kaharian. Lahat sila ay may mga gapos ng kadena. Isa isa silang binigyan ng patalim pang hukay at mga pala at nga lalagyan. Mayroong babae, lalaki bata at matatanda. " Simulan nyo na ang pag huhukay upang makakain kayong lahat mamaya ! Ang sino mang walang mahanap na kahit isang ginto ay walang kakainin!". - sabi ni rodes sabay alis kasama ang mga tauhan nito Umupo lamang si Moon sa gilid ng kweba at kinuha ang nupulot nyang alak at ininom ito. Lumapit sa kanya ang isang magandang babae na tila kasing edad ni Moon. " Ginoo saan kang galing na kaharian? ". - tanong ng dalaga " kahariang independentas ngunit sa kahariang feiliposna ako isinilang .". - sagot ni Moon " Ibig mong sabihin ay dayuhan ka sa kahariang independentas ?". - tanong ng dalaga " Oo isa akong dayuhan !". " hmm ako rin galing sa independentas . Nag papasalamat ako at ganito lamang ang aking napuntahan dahil mas gugustuhin kong mag hanap ng ginto kaysa pagsamantalahan !". - sabi ng magandang dalaga, tila tuloy lamang si Moon sa alak na kanyang iniinom. " Kung ako sayo ay nag hahanap na ako ng ginto upang makakain ako mamaya !". - utos ni Moon sa dalaga " Hinde ko proproblemahin ang ngayong araw na pagkain ko .". - sabi ng dalaga at tila napakunot ng noo si moon dahil impossible din na makahanap ng pag kain sa lugar ng gintas . Kahit mga ibon o kahit anong hayop ay wala kang makikita. " Tila nanaginip ka ? ". - sabi ni moon at napangisi ang dalaga " Hinde ka naniniwala sakin ginoo? Kaya nga kitang bigyan ng pag kain hehe !". - pag mamayabang ng dalaga " sa iyong panaginip?". Tumayo ang dalaga at ngayon lang napansin ni Moon na mahaba at palobo ang bestida ng dalaga . Para itong galing sa maharlikang pamilya. Nagulat si Moon ng itinaas ng dalaga ang mga bestida nito akala nya ang makikita nya ang panloob nito ngunit ang nakita nya ay mga tinapay at mga prutas na nakalagay mahabang tela ng bestida ng dalaga. " Saan mo nakuha ang mga pag kain na yan ?". - pagtatakang tanong ni Moon " Bago ako hulihin ng mga mangangalakal ay nakapagtabi na ako nito dahil sa tahanan namin ay bawal akong kumain ng walang pahintulot ni Dada ( Papa) ". - sabi ng dalaga " May roon palang pakinabang ang mahabang kasuotan ?! ". - paghanga ni Moon. Tila nakita sila ni Rodes mabuti ay nakatalikod ang dalaga sa gawi nito kayat hinde nito nakita ang tinatagong pagkain ng dalaga. " Tila may kakababalaghan kayong ginagawa ha ~ ha ~ ". - tawa nito dahil ang akala bi rodes ay tinataas ng dalaga ang kanyang bestida para ipakita kay moon ang kayamanan nito " Hmm gusto ko lang paligayahin ang ginoo para ikuha nya ako ng ginto!". - malanding tinig ng dalaga at nakumbinsido naman si Rodes " sutil na dalaga! Maiwan ko na kayo ! Kayo ang bahalang dumiskarte basta't may mahanap kayong ginto! Dahil kung hinde ay kayo rin ang magugutom!" - paalala ni rodes sabay alis nito Tawa naman ng tawa si Moon at ang dalaga dahil naniwala nga ito sa kanila. " ano ginoo mag palakahirap kapa ba mag hanap ng ginto? ". - tanong ng dalaga sabay kindat " Hinde dahil may nahanap na ako ! ". - sabi ni moon at tumayo at may hinukay sa gilid ng minahan. Maliwanag ang mata ni moon sa mga bagay na kumikinang. Kinuha nya ito at tama nga sya ng hinala at ginto ito. Humanga naman ang dalaga dahil sa galing ng mata ni moon ay hinde na ito nag pakahirap mag hanap ng ginto. "Kahanga hanga ginoo! Tila may talento ka sa pag hahanap ng ginto!". - sabi ng dalaga " Malinaw ang mata ko sa kumikinang dahil sa kaharian namin ginto ang palagi kong nahahawakan !". - pag yayabang ni moon " Tila nabibigla ako sayo ginoo! Kung gayon ay hinde mo na kailangan ng tinapay!". - sabi ng dalaga " ipunin mo yan dahil kapag hinde ka nakahanap ng ginto kinabukasan ay maaring magutom ka!". - sabi ni Moon at umalis sa minahan Sinundan sya ng dalaga .... Balak ni Moon na mag tayo ng pansamantalang kasiyahan hanggat hinde pa sya nakakabuo ng plano para makatakas sa kahariang Rawsolen. Ginagaya sya ng dalaga at kumuha rin ito ng mga kahoy na maaring itayo. Kahit ang pamamaraan ni Moon sa pag tatayo ng bahay at ginagaya nito kahit hirap na hirap ito sa kanyang ginagawa. Nag tayo ang dalaga sa tabi ng ginagawang bahay ni moon. Ngunit kay moon ay tagumpay nyang naitatayo ngunit sa dalaga ay tumutumba ito dahil sa marupok na pundasyon. Hinde rin makakilos ang dalaga ng ayos dahil sa mga mabibigat ding kadena sa kanyang mga kamay kasabay pa ng mabigat nyang bestida na may mga laman na tinapay. " Ginoo ! Napapagod na ako sa tinatayong bahay ko maari mo ba akong tulungan ?". - pakiusap ng dalaga kay moon ngunit hinde sya pinansin nito. Nagtataka din si Moon kung bakit lapit ng lapit sa kanya ang dalaga. Nang malapit na mag hapon ay tinipon na ang lahat ng alipin para alamin kung sino ang mga nakakuhang ginto. Mabuti at natapos na ni Moon ang bahay na kanyang ginagawa samantalang pagod na pagod ang dalaga sa tinatayo nyang maliit na kubo ngunit kahit anong gawin nya ay tumutumba ito. " Pumila sa kanan ang may dalang ginto sa kaliwa ay ang wala !". - sigaw ni rodes Pumila ang mga napakaraming alipin ng gintas. Ang iba ay pagod na pagod sa pag hahanap ng ginto kayat siguradong gutom ang mga ito. Sa kaliwang bahagi naman pumila ang dalaga ganon din si Moon. " Ginoo hinde ba ay may ginto ka bakit nandito ka sa kaliwa?". - mahinang bulong ng dalaga kay moon " iipunin ko muna ang ginto !". - mahinang sabi ni Moon Nang matapos na ang pagbibigay ng ginto sa mga mangangalakal ay bjnigyan na din ng pag kain at damit ang may nakuhang ginto ngunit ang wala ay magugutom. Bumalik na si Moon sa kanyang tinayong bahay at sumunod na naman sa kanya ang dalaga. **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD