Biglang dumating ang mga lalaking may mga armas. Dahil sa kalasingan ni Moon ay hinde nya kayang makipaglaban.
" Huwag kang kikilos!". - sabi ng isang lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa ulo ni Moon
.
" Anong ginagawa nyo? Huwag ang ginoo ang inyong puntiryahin kundi ako! Nabayaran ko na lahat ng pag kakautang ko sa inyo ! Ano pa bang kailangan nyo?". - kilala ni fuego kung sino ang mga lalaking may hawak ng baril. Ito ang mga taong kanyang pinagkakautangan na hinde sya tinitigilan hanggat hinde ito nakakabayad. Mabuti at dumating si Moon at nag bayad ng ginto kaya nakabayad si fuego sa sindikatong kanyang pinag kakautangan.
Ngunit tila hinde kuntento ang mga ito...
" Hinde bat ito ang ginoo na nag bigay sa iyo ng ginto? Kung ganon ay maaring marami syang dalang ginto,!". - sabi ng isang lalaking mahaba ang buhok na tinuturing na pinuno .
" Pwe~de ba pakawalan nyo ako! Kung ~ ayaw nyong mamatay kayo !". - sabi ng lasing na si Moon , ngunit pinagtawanan lamang sya ng mga ito .
Pintukpok ng lalaki ang ulo ni Moon ng hawak nitong baril para tuluyang makatulog ito . At pinagtulungan na buhatin ng mga lalaki si Moon
" Saan nyo sya balak dalin ? Hoy bitawan nyo sya! Tatawag ako ng guwardiya ! ". - sigaw ni fuego, natataranta ito dahil malalagot sya kay fussia lalot nalaman ni fuego na si fussia ang nangangalaga ngayon kay Moon
**KINABUKASAN**
Hinanap ni fussia ang buong bahay ngunit hinde nya makita ang kahit isang anino ni Moon.
" Sa tingin ko ? Hinde umuwi ang ginoo? Ngunit saan naman ito tutungo?". - sabi ni daisy
" Diba't marunong naman sya umuwing mag isa?". s tanong ni fussia kay Casu at Daisy
" Marunong syang umuwing mag isa dahil noong lasing nga sya ay nakauwi parin sya! ". - sabi ni daisy
" Hinde kaya ay nag inom ulit sya sa bahay aliwan?". - sabi naman ni Casu
" Maari pero kung may mangyaring masama sa kanya ay hinde ko mapapatawad so fuego !". - sabi ni fussia
Palabas na sila ng bahay ng magulat sila kung sino ang nasa labas.
" Diba't ikaw ang nag aalaga kay Mora ? yung dayuhan na may ginto?". - sabi fuego
" Oo at wala sya dito ? Pumunta ba sya sa bahay aliwan at nalasing? ". - mataray na sabi ni fussia
" Yun ang nais kong sabihin sayo tulungan mo akong hanapin sya! Kinuha sya ng mga sindikatong mangangalakal ng tao! Sa tingin ko ay hinahabol nila ang ginto sa ginoo !". - sabi ni fuego , at galit na galit si fussia
" Sinasabi ko na nga ba may masamang balak kayo at ng mga masasamang taong iyon! ". - galit na galit na sigaw ni fussia
" Hinde nila ako kasama fussia ! Kaya nga ako narito dahil gusto kong samahan mo ako sa palasyo para mahanap ang ginoo! Hinde naten pwedeng pabayaan ang ginoo dahil paano kung isang maharlika ang ginoo sa kanilang kaharian ! Hinde ba't mag kakaroon ng dahilan para masira ang kapayapaan ng kaharian independentas?". - sabi ni fuego
Napaisip naman si fussia sa sinabi nito. Lalo't kung tutuusin ay hinde nila alam ang totoong pag katao ni Moon na nagpakilalang Mora. Dahil kung iisipin ay nakakapagtaka rin ang mga dala nitong ginto. Inisip nila na nag papanggap lamang si Moon bilang isang mababang antas ng tao para makalapaglakbay ngunit kung paano ay isa itong mataas na antas? Mag dudulo't ito ng panganib sa kaharian Independentas. Ngunit naalala din ni Fussia na may hinabilin si Moon na kapag may nangyari ay wag mag alala sa kanya at huwag na huwag sasabihin sa palasyo dahil hanggat maari ay gusto nitong walang makakilala sa kanya .
" Hindi natin pwedeng sabihin sa palasyo! Paano kung mas delikadong sabihin ito ? Lalo't mas gusto ni Mora na walang makakilala sa kanya hanggat maari. Dahil kapag nalaman ng palasyo na nag papanggap sya bilang bang tao hinde bat may kaparusahan. May batas tayo na bawal ang mga dayuhan na magpanggap ukol sa kanilang pag katao. Maharlika o simpleng mamayan !". - sabi ni fussia
"Ngunit anong maari naten gawin?". - tanong ni fuego
" Kailangan naten ng assasin para iligtas si Mora !". - mungkahi ni Fussia
" Assasin? Ngunit ang assasin dito sa ating kaharian ay malaki ang bayad !".
" Ako na ang bahalang mag bayad ! Mailigtas lamang naten si Mora ! Hinde ko sya pwedeng pabayaan lalo,'t maraming naitulong samin ang ginoo!". - sabi ni fussia
" Ako nang bahalang maghanap sa magalin na assasin sa kaharian! Halina't samahan mo ako !". - sabi ni fuego
" Maiwan na po muna kami dito fussia! Kailangan at may maiwan dito paano kung dumating ang ginoo? ". ,- sabi ni daisy
" Sasamahan ko po si daisy fussia !". - sabi naman ni Casu
Tila napapalunok si fussia dahil kung iisipin nya ay sila lamang ni fuego ang mag kasama . At hinde nya maalis sa isip nya ang pinagsamahan nila ng napakaraming taon. Tila sariwa sa alala ni fussia ang masasaya ang masasakit na dinanas nila ni fuego.
Dahil kabayo ang dala nito ay inalalayan ni fuego si Fussia upang makapanik sa likod ng kabayo. Nang makasakay na ay kaagad naman sumakay si fuego. Nang paandarin ay pinahawak ni fuego ang kanyang bewang upang hinde mahulog si fussia sa pagtakbo ng kabayo.
Kumakabog ang dib dib ni fussia dahil hinde nya akalain tila nakayapos na ito kay fuego.
" Tila nangangatog ang iyong kamay fussia?". - tanong ni fuego ng maramdaman nito na nangangatog ang kamay ni fussia
" Nilalamig ako ! Gawa ito siguro ng malamig na simoy ng hangin lalot malapit na ang panahon ng taglamig !". - pag papakusot ni fussia kahit ang katotohanan ay dahil ito sa presensya ni fuego.
" Sya nga! Kailangan na naman natin masanay sa nyebe!". - sabi naman ni fuego
" Kapag dumating na ang Araw ng Velvet ay alam na natin na tag lamig ang kasunod nito!".
Tila nagiging kumportable ang usapan ng dating mag kasintahan. Kayat hinde nila namalayan na nasa bahay na sila ng kanilang pupuntahan.
" Oh ginoo? Bakit kayo naparito ?". - si zollo ang assasin ng independentas
" May nais lamang akong iutos sa iyo! Nais kong tugisin mo ang mga sindikatong mangangalakal ! At ibalik mo ng buhay ang dayuhang si Mora !". - sabi ni fuego
" siguro'y alam mo na malaki ang bayad sa akin lalo't ang tulad nila ang tutugisin. ". - sabi ni zollo
" Nakahanda kaming mag bayad sayo ng isang ginto!". - saad naman ni fussia
" Ginto?". - gulat na gulat na tanong ni zollo at ganon din si fuego
" Saan mo nakuha ang ginto nayan fussia ? Huwag mong sabihing..???". - tanong ni fuego
" Tama ang iyong hinala ! Dahil galing nga ito sa ginoo! Kayat labis ang pasasalamat ko sa ginoo at nabayaran ko ang last ng utang na iniwan mo saken simula ng tayo'y mag kahiwalay !". - sabi ni fussia
" Hinde ako makapaniwala ?! Maari nyo bang ipakita sa akin ang patunay ?". - sabi ni zollo at inilabas naman ni fussia ang ginto .
**SAMANTALA**
Nagising si Moon na sobrang sakit ng kanyang ulo . Naalala nya ang lahat ng nangyare kahapon at doon nya lang na pagtanto na mali ang sinasabi ni fussia kay fuego. Dahil kahit lasing sya ay naalala nya na nais syang ipagtanggol ni fuego. Nakita nya na may tali ang kanyang kamay at paa.
" Gising kana pala ! Ngayon ay sabihin mo samen kung saan mo nilagay ang mga ginto mo ginoo?". - sabi ng lalaking nag ngangalang tabullo ang lider ng mga sindikatong mangangalakal
"Hinde ko alam ang sinasabi nyo!". - hinde pag amin ni Moon
Lumapit ang lalaki at sinipa si Moon. Ngunit hinde ng pakita si Moon ng kahit anong takot .
" Matigas ka ! Sabihin mo kung saan mo nilagay ang ginto! Sa ganon ay hinde ka namin patayin dito!". - sigaw ni tabullo
" Inilagay ko ang ginto sa Puno ng velvet ! Para walang makakita at makakuha nito!". - pag sisinungaling ni Moon
" Ako ba ang pinagloloko mo? Hinde ka maaring makapasok ng puno ng velvet kapag hinde ka dumadaan sa palasyo! Kaya sabihin mo kung saan mo tinatago ang mga ginto !". - sabi muli ni tabullo at sinuntok nito si Moon sa mukha dahilan para tumulo ang nga dugo sa labi nito.
" Ang totoo ay naubos na ang aking ginto! Binigay ko sa palasyo ang ginto na aking pag mamayari! ". - muling nag sinungaling si Moon lumapit si Tabullo at tinutukan si Moon ng baril sa kanyang ulo. Ngunit si Moon ay hinde nagpakita ng kahit anong takot sa kanyang mukha
" Nagmamatigas ka ginoo! Kung hinde namin makukuha ang ginto sayo pwede kanang mamatay!". - sabi ni tabullo, nang ipuputok nya ang baril ay dumating ang bumibili ng alipin sa kalapit na kaharian.
" Itigil mo ang pagpaslang! Hinde ba't maari mong pag kakitaan ang taong yan ! Nais kong bumili ngayon ng alipin para sa pag mimina sa aming kaharian! Limangpu na ang namatay na alipin kaya't kailangan ko naman bumili !". - sabi ni Rodes ang namamahala sa pag mimina sa kabilang kaharian.
Ibinenta si Moon kay Rodes sa halagang sampung libong dentas. Malaking halaga na iyon para sa mangangalakal. Nabili si Moon sa malaking halaga dahil sa magandang pangangatawan nito.
**to be continued**