Chapter 8

1929 Words
Mag sisimula na ang gagawing seremonya ng mahal na reyna Eve. Ang mga tao sa kaharian at sabik na makita ang reyna sa seremonya. Lahat ng mga mamayan ng independentas ay pumunta kung nasaan ang puno ng velvet. Si moon ay nag mamadaling pumunta sa unahan upang masilayan nya muli ang kagandahan ng Reyna Eve. " Tila mas marami ang tao ngayong taon madam fussia !'. - sabi ni daisy dahil nakkkipag sisikan sila sa maraming tao " Bakit kailangan nyong pumunta sa gagawing seremonya ng palasyo ? ". - tanong ni Moon " Upang kami ay mabiyayan ng velvet ng swerte sa buong taon dahil pinaniniwalaan na ang kahilingan mo ay matutupad kung humiling ka sa velvet !". - paliwanag ni fussia " kung gayon bakit hinde nalang kayo pumunta sa punong velvet araw araw at humiling para labis kayong pag palain. ". - sabi ni Moon " Napapansin mo ba ginoo na ngayon lamang ito nabuksan ?Dahil kung hinde araw ng velvet ay hinde kami makakapasok sa harang na ginawa ng plasyo !". - sabj naman ni Casu " Para saan ang harang ?" " Para protektahan ang puno ng velvet dati kase ay may nag tangkang pasukin ito at putulin ang puno! Ngunit ang taong iyon ay namatay ! Hinihinalang nakakalason ang puno kayat namatay ang taong iyon !". - paliwanag naman ni fussia " Nakakalason ? Paano malalason ang taong hinde nya kinain ang bunga o ang dahon ng puno?". - palaisipan kay Moon " Nalalason ito dahil nalagyan ng katas ang sugat ng taong natagpuan na gustong patayin ang puno !". - dagdag naman ni daisy "hmm delikado ang puno sa tingin ko ay ang lason ang kanyang panlaban sa lahat ng tangkang manakit sa kanya lalot hinde naman sya makakalaban doon ! Tanong ko ? Nakakapagsalita ba ang puno?". - tanong ni Moon at biglang tumawa ang tatlong dalaga . " Ano kaba ginoo ? Anong klaseng tanong naman yan ? Kahit saan mo tignan ang puno ay hinde nakakapag salita ! Kahit ang puno ng velvet ! ". - sabi ni Casu Nagugulohimanan si Moon dahil sa kanyang panaginip. Hinde nya masabi sa mga babaeng kasama ang tungkol sa kanyang panaginip dahil maaring pag tawanan lamang sya nito. At dahil din sa panaginip nya ay naroroon ang reyna na kanyang hinahangaan ang kagandahan nito. Sya ay aasarin lamang ng mga babae kapag sinabi nya ang run lol sa kanyang napanaginipan na halos sa isip ni Moon ay maliwanang ang mga naging tagpo. Nakarating sila sa unahan ng pag diriwang . Ang punong velvet sa kanyang panaginip ay parehong pareho sa nakita nya sa kanyang panaginip . Ngunit hinde ito nag liliwanag tulad ng isang nagliliwanag na buwan. Pero ang malaking kaisipan kay Moon ay kung bakit papasok ito sa kanyang panaginip na kahit isang beses ay hinde nya pa ito nakikita ? Ngayon pa lamang sa pagdiriwang ng araw ng velvet. " Magbigay pugay sa ating pinakamamahal na Reyna Eve Cretez sa ating kahariang Independentas ! ". - sigaw ng duke ng palasyo . Ang lahat ay nag situngo ang kanilang ulo bilang papugay sa Reyna Eve kabilang na si Moon. " Maligayang Araw ng Velvet ! Ngayon ay pagpapalain tayong lahat lalot sa pagmamahal nyo sa ating kaharian. Magbigay tayo ng tiwala at respeto sa bawat isa na naritito at maging masaya ngayon sa pinaka masayang araw ng kaharian !". - Talumpati ng reyna " Maligayang Araw nang Velvet mahal naming Reyna sana ay pag palain din ang pamumuno nyo sa kaharian !". - sigaw ng lahat ng mamayan sa kaharian. Nagsimula na ang lahat sa pag hahandog sa puno ng velvet tulad ng mga damit at mga pag kain. Ngunit si Moon ay nakatuon ang atensyon sa natatanging Reyna na si Eve. Binubusisi nito ang wangis ng Reyna, maging ang mga mata nito ay tila hinde malilimutan ni Moon dahil sa kanyang panaginip. Maging ang haplos ng reyna ay hinde kanyang nararamdman sa mga oras na tinititigan nya ang Reyna Eve. Lalong nagulo ang isipan ni Moon dahil pag kakataon nya na makapasok sa talaan sa loob ng silid ng Reyna. Ngunit kung papasukin nya ito ay maaring ito na rin ang katapusan ng kanyang Mission sa Independentas na sana ay mananatili sya ng mas matagal. Hinde makapag desisyon si Moon dahil gusto rin ni Moon na tulungan ang mga kaibigan nitong sila fussia sa mga mangangalakal na walang awang tinatakot at humihingi sa kanila ng salapi. Nasa pagitan si Moon sa komplikadong desisyon. Kung tatapusin nya ang kanyang Mission na hanapin ang nawawalang anak ng hari ng Feiliposna ay babalik ulit sya bilang manturugis o assasin sa kanyang kaharian. Ngunit sinasabi ng kanyang puso na gusto nya pa mag tagal sa kaharian ng independentas. Sa gitna ng kanyang pag iisip ay hinde nya alam ay nakatulala ito at malalim ang tingin sa reyna. Hinde nya alam na ang lahat ng tao sa kanyang paligid ay nakaupo sa pulang tela. Lilingon na sana ang Reyna ngunit biglang nagising si Moon sa kanyang kamalayan at biglang Umupo. " Ginoo! Kanina ka pa namin tinatawag at kinakalabit pero hinde ka sumasagot? Ano ba ang nangyayari sayoo?". - sabi ni fussia " Gutom kaba ginoo? O ikaw ay inaatok ?". - tanong ni Casu " oh hinde kaya masama ang pakiramdam mo?". - tanong naman ni daisy " Wag nyo akong alalahanin tila malalim lang ang akjng iniisip dagdag pa ang pag sama ng aking tyan!". - palusot ni Moon " Kailangan mo bang pumunta ng palikuran?". - tanong ni fussia . " Hinde kaya ko pa naman hehe tayo na at makinig sa sinasabi ng duke !". - sabi naman ni Moon Umupo ang Reyna sa kanyang Trono sa tabi ng puno ng Velvet at nakangiting pinag mamasdan ang kanyang nasasakupan. " May anunsyo ako para sa kalalakihan ng kaharian maging sa ilang kababaihan ! Mag bubukas kami ng libreng paaralan o pagsasayan para sa pakikipaglaban at tagisan ng lakas sa loob ng palasyo ! Dahil kaonti lamang ang kalalakihan ay bukas din ang tanggapan para sa mga dayuhan ! Ngunit para sa mga kababaihan ay kailangan malakas ang pangangatawan upang sumali sa pag sasanay ! Marami kayong matutunan tulad ng pag pana, baril at espada pati na rin ang pag aaral sa mga agham upang makagawa ng mga makabagong kagamitan ! Kailangan nating mag ingat para sa mga bantang pag kaligtasan ng kaharian ! Huwag kayong mangamba dahil walang sino mang kaharian ang nag tatangkang labanan o sakupin ang ating Kahariang Independentas. ". - sabi ng duke " Ginoo sigurado akong makakapasok ka sa pag sasanay na yan nakita kitang nag eensayo ng espada sa tingin ko ay ikaw ang magiging magaling na studyante !". - bulong ni daisy kay Moon " Wala akong balak na sumali !". - sabi ni Moon Nang matapos na ang seremonya ay napag desisyunan ni Moon na hinde muna nya tatapusin ang Mission. Ang kanyang unang gagawin ay hanapin ang kanang kamay o tagapangalaga ng kayamanan Noon ng hari nang Feiliposna na si Eight. Delikado din na gawin nya ang Mission sa umaga dahil siguradong makikita sya ng mga bantay sa palasyo. Hinde rin nya magagawa ang kanyang napagsanayan na bilis dahil sa gabi lamang nya ito malayang magagawa. Napansin din ni Moon bago sya pumunta sa Puno ng velvet ay natanaw nya na may taong nakasilip sa Silid ng reyna . Dala ni moon ang kanyang teleskopyo kaya't kanya itong nakita. Naisip nya din na siguradong hinde mang mang ang Reyna ng independentas para hinde ipabantay ang kanyang silid kahit na alam nito na may nanloloob sa kanyang silid talaan . Dahil tapos na ang seremonya ay maligayang nag saya ang lahat.Maraming nagsasayawan at Malalakas na tugtugin dahil sa ibat ibang banda sa buong paligid. Sumali sa pagtanghal ng kagandahan sila Daisy at Casu. Samantalang si Fussia ay sumama sa parada at ibinida nito ang magandang disenyo sa damit na kanyang nagawa. Kayat mag isang nag lilibot si Moon sa kaharian. " Magtatanong sana ako kung saan pwedeng bumili ng alak?". - sabi ni Moon sa babaeng nag titinda ng mga sumbrero " ay ginoo wala ditong nag titinda ng alak sa pamilihan ! Bawal iyon dito itinda! Makikita mo lang iyon sa bahay aliwan!". - sabi ng babae Tila napakamot ng ulo si Moon dahil hinde sya maaring bumalik doon lalo't pinagsabihan sya ni fussia na hinde sya maaring pumunta roon. Ngunit sabik na sabik na si Moon para makainom ng alak kaya't walang ano ano at pumunta sa bahay aliwan. " Ano pa ang kasiyahan kung walang alak! Hinde naman malalaman ni fussia kung hinde nya ako makikita !". - bulong ni Moon sa kanyang sarili Dahil takaw atensyon si Moon sa kanyang kagwapuhan pag kapasok pa lamang nya sa bahay aliwan ay marami nang magagandang babae ang lumapit. " Ginoo sobrang kisig mo . Maari mo akong angkinin !". - sabi ng babaeng lumapit kay Moon at malaki ang hinaharap Hinde pinansin ni Moon ang mga babae kahit na magaganda ang mga pangangatawan nito ay hinde sya naaakit dahil para kay moon sa iisang babae lang ang nakaagaw ng kanyang atensyon walang iba kundi ang Reyna . Hinde rin naman dahil sa babae kaya sya pumunta sa bahay aliwan kundi dahil sa masarap na alak. " Isang bote ng ubas na alak !". - sabi ni Moon at pag harap ng lalaki ay ang lalaking sinasabi ni Fussia na si Fuego. Malaki ang ngiti ni Fuego dahil muli nyang nakita ang makisig na si Moon . " oh Ginoo ang akala ko ay hinde kana babalik dito? Maligayang Araw ng Velvet ginoo !". - bati ni fuego. " Nais kong uminom ng alak ! Ito ang nag papaligaya sa akin !". - tanging sabi ni Moon at kumuha si Fuego ng isang bote ng ubas na alak . " Libre na yan ginoo dahil labis na nakatulong sakin ang ginto na iyong binigay !". - sabi ni fuego na may malaking mga ngiti. Nag kwentuhan sila fuego at Moon sa kanilang nga naging buhay. Pakiramdam ni Moon ay mabuting tao si Fuego kabaliltaran ng iniisip ni fussia. Dahil gabi na ay narinig na nila ang malakas na mga paputok na makukulay kaya't lumabas ang lahat ng nasa loob ng bahay aliwan. Kahit marami ng nainom na alak si Moon ay tila humanga sya sa nakitang paputok na makulay. " Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong paputok (fireworks) na maraming kulay !". - nakangiting sabi ni Moon habang hawak nito ang bote ng alak. " Bakit ginoo wala ba sa inyong kaharian ng mga paputok?". - tanong nj fuego " Mayroong paputok ngunit hinde makulay kagaya nito! At ginagamit lang namin ito kapag alam namin na umpisa na ng digmaan !". - sabi ni Moon " Kung ganon nakakalungkot pala sa inyong kaharian ? ". - sabi ni fuego ." Hinde naman dahil maraming sugal na pwede naming paglibangan higit pa don ay maraming mga alak!". - sabi naman ni Moon . Nang natapos ang kasiyahan o pagdiriwang ay mag isang uuwi si Moon dahil alam nyang hinde nya makikita sila fussia lalot hinde nya tanda ang nga pasikot sikot sa kaharian. Wala na ding tao sa paligid kayat purong katahimikan nalang ang namumutawi sa paligid. " Oh ginoo kaya mo pa bang makauwi ? Gusto mong ihatid kita sa iyong tinutuluyan ? ". - sabi ni fuego at inalalayan ang lasing na si Moon " Ihatid mo ako ~sa bahay ng veril ~! Tawagin mo si Fussia !" **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD