Chapter 7

1677 Words
Naghanda ang reyna para sa gaganaping Seremonya para sa puno ng Velvet. Pinaniniwalaan kasi na ang punong velvet ang taga pangalaga ng kaharian ng Independentas. Para sa mamayan ng kaharian ang puno ang kanilang pinaka malaking kayamanan. Dahil ang punong ito ang nag iisang punong kulay pula sa buong mundo. Maraming mananaliksik sa agham ang nagtangkang itanim ang bunga nito ngunit miski isa ay walang nag tagumpay. Pinangangalagaan ito ng mga mamayan sa kaharian ng independentas walang sino man ang mag tatangkang saktan ang punong velvet o kahit putulin ito dahil kung sino ang gumawa nito ay kamatayan ang kaparusahan. Ganito kahalaga ang puno sa kaharian. Maraming bandaritas ang nakasabit sa kapaligiran na kulay pula. Ang lahat ay nakasuot ng pulang kasuotan . Kanya kanyang pagabuhan ng kasuotan na ibibida sa isang patimpalak. Kinagabihan ay mag papasabog ng mga paputok na makukulay na pailaw. Lahat ay mag bibigay pugay sa Pulang puno na Velvet pasasalamat sa mapayapang kaharian na papamunuan ng Reyna Eve Cretez. " Kamahalan nakahanda na ang iyong kasuotan". - sabi ng tagapangalaga ng reyna na si Aladina . Sinuot na nila sa reyna ang mahabang bestida na kulay pula na may tatak na bulaklak. Inayusan na rin ang reyna ng kanyang mga palamuti at gayon din ang kanyang mahabang buhok. " Tila bagay sa inyong reyna ang magandang bestida ?". - tanong ng reyna sa kanyang mga tagapangalaga " Labis na litaw na lists ang iyong kagandahan mahal na reyna . Walang kupas ". sabi ni aladina. Nang matapos na ang pag aayos ng reyna ay nag tungo na ito sa kanyang trono doon ay pinatawag nya si claura ang kanyang pinag kakatiwalaan o kanang kamay. Dumating na si Claura at nagbigay pugay ito sa reyna. " kamahalan? Ano ang aking maipaglilingkod ?". - tanong ni claura " Maiwan nyo muna kami !". - sabi ng reyna sa mga guwardiya ng kaharian kayat agad naman itong mga umalis " may Mission ako sayo na dapat ay tayong dalawa lamang ang nakakaalam!". - sabi ng reyna kay claura " Ano po ito kamahalan ?". - tanong ni claura " Noong nakaraang gabi ay may nag tangkang oumasok sa aking silid .". - sabi ng reyna eve at nagulat naman dito si Claura " Ngunit bakit hinde kayo nagsabi sa mga guwardiya ng palasyo baka sakaling mahuli ang salarin ?!". - pag alala ni Claura " Dahil hinde ako nababahala ! Pakiramdam ko ay hinde nya ako nais saktan ! ". - sabi ng reyna at naalala ang halik na ginawa ng manloloob ng palasyo " Ngunit bakit sya pumasok sa iyong silid? Nais ba nyang mag nakaw ng mahalagang kagamitan?". - tanong ni Claura " Pakiramdam ko ay gusto nyang pasukin ang silid ng talaan ? Hinde ko nakita ang kanyang kasuotan at maging ang kanyang mukha ?! Lalot madilim ang aking silid pati may suot syang isang maskara !". - tila iniisip ng reyna sino ang misteryosong lalaking hinalikan ang reyna na tulad nya at hinde maalis sa kanyang isipan " Kung ganon ? Nais mong hanapin ko kung sino ito ? Ngunit mahihirapan tayo sa pag hahanap sa kanya ?!". " batid ko ! Iniisip ko kung paano sya nakapasok sa palasyo? O nasa loob sya ng palasyo? Ngunit anong kailangan nya sa talaan ? Hinde sya basta kung sino dahil nakita ko na magaling syang tumakbo at tumalon, mag pabitin bitin !". - tila palaisipan sa reyna " Kung gayon ? Hinde sya basta basta kung sino? ". - tanong ni claura , ngayon ay nasa isip nya na unahin ang mga guwardiya ng palasyo dahil alam nya na possibleng malakas ang katawan ng magagawang makapag lambitin sa mga pader ng palasyo. " Alamin mo kung sino claura. Gusto kong dalhin mo sya ng buhay dito sa palasyo! Walang pwedeng makaalam nito kayat sayo ko ipagkakatiwala ! Ayoko rin magalala ang mga mamayan ng kaharian dahil lamang sa isang estranghero !". ,- sabi ng reyna " Ngayong kaarawan ng Velvet, Hinde ka maaring magisa kamahalan dahil hinde talaga natin alam ang pakay ng taong iyon !". - pag babala ni Claura " Huwag kang mag alala dahil kaya kong makipaglaban . Gusto ko ay matyagan mo ang buong palasyo kapag may nakita kang kahinala hinala ay sabihin mo sakin ! Maliwanag? " " Masusunod po kamahalan ! Maiwan ko po muna kayo ! ". - sabi ni Claura at syaka umalis **Samantala...** Hinde malakali si Moon sa kanyang kasuotan dahil napaka haba ng mga manggas ng suot nito. Lalo na ang kulay pulang kulay ay hinde bagay sa kanyang kulay ng balat na kayumanggi. Ngunit maraming kababaihan ang humahanga sa kanyang kakisigan. Iniisip ni Moon na ito ang tamang oras nya para pumunta sa talaan na nasa loob ng kaharian ng reyna para matapos na ang kanyang mission. Ngunit tila nagugustuhan ni Moon ang kaharian ng independentas kayat nag dadalawang isip sya kung kanyang tatapusin ang kanyang mission o hahayaan muna at mananatili sa kaharian ng Independentas. " Ginoo pinag titinginan ka ng mga kababaihan ng kaharian hehe sinabi ko na sayo na bagay ang kasuotan mo ". - sabi ni Casu " Hinde mo ako madadaan sa iyong pambobola Casu !". - sabi ni Moon na tila walang ideya kung gaano kalakas ang kanyang kakisigan lalot bago lamang sa kanila ang itsura ni Moon na may magandang tindig at pangangatawan. " Hay nako Ginoo ! Maniwala ka sa kanyang sinasabi ano pat magsinungaling kami! Anong mapapala namin ?". - dagdag naman ni daisy. " Saan ba tayo pupunta ? Hinde naman dito ang daan patungong pamilihan kung saan ang tindahan ni fussia ?!". - tanong ni Moon " Huwag na maraming tanong ginoo ! Pupunta tayo sa tahanan namin . Hinihintay ka doon ni fussia !". - sabi ni daisy . .sumakay sila moon, Casu at daisy sa karwahe. Wala pang ilang minuto ay nakarating na din sila sa kanilang pupuntahan. Nagulat si Moon ng makita nya kung gaano kalaki ang tahanan nila fussia. Tila iniisip ni moon na tinatago lamang ni fussia ang totoong estado at isa itong maharlika. " Maligayang pag dating sa aming tahanan ginoo !". - masiglang sabi ni Casu . Papasok pa lamang ay madami ng batang nag sisitakbuhan at binabati si daisy at Casu. Papasok palamang sila Moon ay makikita na ang laki ng bahay ni fussia. Makikita rin ang mga magagandang pinta ng mga larawan. Madadaanan din nila ang maraming silid na pag mamayari ng mga batang inaalagaan ni fussia. Ngayon ay naiisip na ni Moon kung bakit palaging may ginagaawa si fussia dahil tumutulong ito sa mga bata at ginagawa ng ampunan ang kanilang tahanan. Nang makarating na sila sa silid kainan kung saan ay napakaraming nakahandang pag kain. Nakita nila si fussia na abala sa pag aayos ng mga pag kain kanyang niluto. Dahil tradisyon sa kanila taon taon na pinaghahanda at pinagdiriwang ang kaarawan ng Punong Velvet. Ito ang pinaka magarbong pagdiriwang ng buong kaharian. Hanggang sa mga kalsada ay makikita ang nga dekorasyon. " Narito na pala kayo ! Casu ! Daisy tawagin nyo na ang mga bata ! Halinat dito moon at umupo ka at tayo nang kumain bago pumunta sa palasyo!". - pag aanyaya ni fussia, tinawag na nila Casu at daisy ang mga batang inaalagaan ni fussia. Si Moon ay umupo malapit sa tabi ni fussia . Nangdumating na ang mga bata ay kanya kanyang umupo na ito sa harap ng lamesa. Mahaba ang lamesa kayat saktong sakto sa lahat. Nagulat si moon ng nagbigay pugay ang mga ito sa harap ng kanilang pag kain. . " Salamat sa pag kain !". -sabay sabay na sabi ng mga bata at nila fussia " Maligawang pag silang ng Velvet !". - bati ni Fussia sa mga bata at kala moon at Casu pati Kay daisy. Bumati din ang mga bata . " tila nag tataka ang ginoo? Hinde ba nag diriwang ang inyong kaharian ng karaarawan ng Velvet?". - tanong ni daisy " Wala kaming pag diriwang tulad nito ! Ang mga mahhalagang araw ay pag tigil lamang sa aming kanya kanyang trabaho . Ngunit walang pag diriwang sa kaharian ng Feiliposna !". - sabi ni moon at tila nalungkot naman sila sa sinabi ni moon dahil ibig sabihin nito ay malungkot ang kaharian ni moon . " Tila hinde ako tatagal sa inyong kaharian ginoo Dahil kahit maraming ginto ay wala naman kayong kasiyahan ! Kaya siguro ganyan ka ginoo palaging seryoso hehe !". - sabi ni Casu " Ginoo dapat ay sulitin mo ang pananaliksik mo dito sa kaharian ! Pag katapos ng tatlong taon syaka kana bumalik hehe !". - dagdag ni fussia " Parang ayaw nyo na akong pabalikin sa aking kahariang pinagmulan ?". - sabi ni moon habang tila sinusulit ang mga masasarap na pag kain sa kanyang harapan " Para mayroon nang proprotekta sa amin ginoo !". - sabi ng batang babae na katabi ni moon. " shhh!". - suway naman nila casu, daisy at fussia sa bata " Huh bakit naman kailangan ko kayong protektahan ?". - tanong ni moon " May nga umaaway kase kay Mama fussia ! Palagi syang inaaway at gustong saktan ". - sabi naman ng isa pang bata " Totoo ginoo hinde sila tumitigil sa pag punta ! Gusto nilang kunin ang lahat ng salapi ni mama fussia !". - dagdag pa ng isang bata . " Mga bata ? Hinde kayo dapat sumasabat sa usapan ng mga nakakatanda sa inyo ?". - pag saway ni fussia sa mga bata " Ayos lamang ... Bakit hinde mo sinasabi saken ang tungkol sa binanggit ng mga bata ?". - tanong ni moon kay fussia " Ayoko lang na mapakahamak ka ginoo ! Kaya ko naman protektahan ang mga bata !". sabi ni fussia " Hinde kailangan ay may proprotekta sa inyo kaya kapag bumalik sila tawagin nyo ako dahil kung tanggihan nyo ako na protektahan kayo ay parang sinabi nyo na bumalik na ako sa aking kahariaa !". - sabi ni Moon **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD