Chapter 6

1585 Words
Ngayong gabi ay maganda ang ang hugis at liwanag ng buwan kaya't naisipan kong muling maglakad lakad. Nais ko sana muling mag punta sa bahay aliwan ngunit hinde ko alam ang panganib na aking kakaharapin lalot sinabi saken ni fussia ang maling gawain ng may ari ng bahay aliwan na si fuego. Dahil napakalawak ng veril ay walang gaanong mga kabahayan dito. Mabuti ay maliwanag ang mga buwan dati sa gantong panahon ako ay nanunugis sa kaharian ng feiliposna. Ilang masasamang tao ang aking pinapaslang para sa aming kaharian. Tila akoy nakapagpahinga para kumitil ng buhay. Ang kaharian ng independentas ay isang kahariang malaya at wala masyadong kaguluhan. Habang ako'y naglalakad ay nakakita ako ng nagliliwanag na puno na kulay pula . Kakaibang puno ito dahil ang mga dahon nito ay bilog na bilog katulad ng hugis ng buwan. Paglapit ako sa puno ay may kakaiba akong enerhiya na nararamdaman. "Anong uri ng puno ka ? Tila ikaw ay kakaiba hinde tulad ng ibang mga puno na kulay luntian? ". - aking sabi na tila sasagot ang punong aking kinakausap. Ngunit tila may buhay ang punong ito dahil lalo itong nagliwanag Umupo ako sa ilalim ng puno at tumingala. Mapansin ko na kapag nahaharangan ng mga ulap ang buwan ay tila parang nahaharangan din ng ulap ang mga pulang dahon ng puno. " Mahiwagang puno ? Ano ang iyong bunga ?". - aking tanong Ilang minuto ng katahimikan ay tila inaantok ako sa ilalim ng punong ito. **END OF POV** "Ang aking bunga ay kay inam ! ". - makakatulog na sana si moon ng marinig nya ang isang boses Kaagad na tumayo si Moon para hanapin kung sino ang nagsalita sa kanyang paligid. Inikot nya ang pulang puno ngunit wala syang nakitang tao dito. " Sino ka ? Magpakita ka ? Hinde ako natatakot sa iyo!". - sabi ni moon upang lumabas ang taong nasa likod ng tinig " Ako ito moon ? Kinakausap mo ako kanina ngayon ay hinahanap mo kung sino ako?". - nagulat si moon na nanggagaling ang tinig sa pulang puno. " Ang nag sasalita ba ikaw pulang puno?". - tanong ni moon sa puno " Tila hinde ka makapaniwala na may isang punong nagsasalita at mahiwaga ?". - muling narinig ni moon ang tinig sa puno. Hinanap ni moon kung nasaan ang mga bibig at mata nito ngunit wala itong nakita. " Paano mo nalaman ang aking pangalan ?". - tanong ni moon " Hinde ko maaring sagutin dahil itoy pinagbabawal !". - muli sabi ng tinig na nanggaling sa pulang puno. Natatanaw ni Moon na may paparating na nakasakay sa isang kabayo. Tila nagulat si Moon ng makilala nya kung sino ito. " Ang reyna Eve ". - mahinang sabi ni Moon Bumaba ang reyna at nag tataka kung sino ang lalaki sa kanyang harapan. Tila napatulala si Moon sa kanyang nakikitang kagandahan ng Reyna. Para kay Moon ang Reyna Eve ay isa din sa nagliliwanag ngayong gabi. Tila naalala ni Moon ang malalambot na mga labi nito. Na tulad ng punong pula ay kasing pula ng labi ng Reyna. Nag padagdag sa kagandahan ng reyna ang mahaba nitong kasuotan na tila matingkad na kulay rosas na bumabagay sa kanyang maladyosang kagandahan. Nagbigay pugay si Moon sa Reyna Eve . " Sino ka? bakit ka naririto?". -tanong ng reyna " Isa akong maglalakbay at Mananaliksik mula sa Kahariang Feiliposna ! Ako si Moon ! Kaya ako narito mahal na reyna ay dahil naglakad lakad ako at nakita ko ang kakaibang punong ito !". - paliwanag ni Moon "hmm isa kang makisig na ginoo !". - sabi ng reyna at lumapit kay moon at hinaplos ng dahan dahan ang mga pisngi nito papunta sa kanyang labi . Nagtataka si Moon sa ginagawa ng Reyna ngunit ay kanyang nagugustuhan. Pinigilan ni Moon ang ginagawang pag haplos ng reyna. Tinitigan nya ito sa kanyang mata. " May nais akong itanong sayo mahal na reyna ?". - sabi ni moon " Ano ito?". - tanong ng reyna at muling hinaplos ang mga pisngi ni Moon. Tila ang haplos na ginagawa ng reyna ay tila dahilan para mawala ito sa kanyang sarili. Pansin ni moon ang kakaibang liwanag din sa mga mata nito. Tulad ng labi ng reyna ay nadadala si Moon sa mga titig nito. Muli nyang nilabanan o pinigilan ang ginagawa sa kanya ng reyna. Pakiramdam nya ay inaakit sya nito. Tila nakaramdam si Moon na kakaiba ang kinikilos nito bilang reyna. " Kamahalan ! Hinde ba delikado sa inyo para magpunta ng ganitong oras sa pinakadulong bahagi ng inyong kaharian ?". - ngayon ay nasabi nya na ang gustong sabihin sa reyna. Umupo ang reyna sa tabi ng puno . " Sa tingin mo ? Delikado ang reyna sa kanyang kahariang pinamumunuan ? Hinde ako tatagal bilang isang reyna kung wala akong tiwala sa aking nasasakupan. Alam kong hinde ako mapapahamak lalot narito ako sa aking kaharian. Ang pag protekta ko sa aking mamayan ay ganon din sila sa akin. Hinde bat tama ako ?". - tila humanga lalo si Moon sa paninwala ng reyna. " Maaring tama ka pero paano kung hinde mo mamayan ang pwedeng gumawa sayo ng bagay nang hinde mo inaasahan ?". - tanong ni moon sa reyna at umupo sa tabi nito, tumingin ang reyna kay moon at muling naakit si moon sa gandang taglay ng reyna ng independentas " Tulad mo??". - sabi ng reyna na biglang nag pakaba kay moon dahil sa pag pasok nya sa palasyo at pag kuha ng talaan sa loob ng silid ng reyna. " tulad mo ? Hinde ako kayang saktan dahil may tiwala ako sa iyo !". - dagdag ng reyna dahilan para makahinga si moon " Bakit ko sasaktan ang natatanging reyna ng magandang kaharian?". - sabi ni moon at inalis ang tingin nito sa reyna " Tingin ko ay hinde mo ako sasaktan !". " syang tunay !". " Ngunit gusto mo akong halikan!". - muling bumilis ang t***k ng dibdib ni Moon dahil sa binaggit ng reyna. " Saan mo naman nakuhang mag biro ng ganyan ?". - tanong ni moon " Tila kanina kapa tingin ng tingin sa aking mga labi ! Alam ko na akoy nakakabighani ngunit hinde ako tulad ng inaasahan mo na ibibigay lang ng ganong kadali ang iyong ninanais !". - sabi ng reyna at sabay tayo nito at papunta sa kanyang dalang kabayo . " Sandali mahal na reyna ? Bakit ka nga pala pumunta sa rito?!". - sigaw ni moon at walang salitang umalis ang reyna Eve . Tila nakalimutan ni Moon ang punong nagsasalita. " Labis na kay ganda ng reyna moon". - sabi ng punong kulay pula " Hinde ko alam na may punong mahiwaga na nanonood at nakikinig sa amin ng reyna !". - sabi ni moon " Tama ka kitang kita ko kung paano mo pag nasaan ang reyna sa iyong isip!". - biglang napatawa si Moon dahil tulad ng kahiwagaan into ay tila nababasa din ang isip ng punong kulay pula " Sobra ang iyong salitang pag nanasaan ! Hinde ganon kalaswa ang aking nasa isip !". - sabi ni moon dahil ang totoo ay minimemorya nya lang ang mukha ng reyna . " Patawarin mo ako moon ang aking ibig sabihin ay pinag nanasaan na halikan ang reyna !". - muling sabi ng puno at muling napahagalpak ng tawa si moon dahil sa pag kakataong ito ay tama ang puno na kulay pula " Sino bang hinde pag nanasaan ang kanyang mga labi na tila simpula ng iyong dahon puno!". - sabi ni Moon . Biglang lumakas ang hangin at kasabay nito ang lamig ng simoy nito. Napuwing si Moon dahil sa malakas na hangin pag mulat nya ay nasa ilalim sya ng isang berdeng puno. At tila pasikat na ang araw, muling kinusot ni Moon ang kanyang mga mata dahil hinde sya makapaniwala na tila panaginip ang kanyang mga nasaksihan. Tumingin sya sa di kalayuan ng veril miski isang puno ay wala syang nakitang kulay pula. Tila ay nakaranas sya ng isang kakaibang panaginip na halos makatotohanan. Malinaw sa ala ala ni Moon ang lahat ng kanyang nakita sa kanyang panaginip tulad ng wangis ng reyna . " Ginoo ! ". - sigaw in daisy at papalapit ito sa gawi ni moon " Hinde ko namalayan dito na ako nakatulog sa ilalim ng puno !". - pag tataka ni moon " kaya nga ginoo kanina pa kami nag hahanap ni Casu sayo ! Halinat kumain ka muna ginoo dahil pupunta tayo sa espesyal na pag diriwang sa buong kaharian!". - masayang sabi ni daisy " Pagdiriwang ?". " Pagdiriwang ng Puno ng Velvet !". - sabi ni daisy " Puno ng Velvet? ". - tanong ni Moon " Oo ginoo ngayon ang kaarawan ng puno ng velvet ! Ang pulang puno ng kaharian ng independentas !". - sabi ni daisy at tila nagulat si Moon dahil ang kanyang panaginip ay tungkol sa pulang puno " Saan ito matatagpuan?". - ito ang agad na naitanong ni moon dahil kung malapit lang ito sa veril ay maaring may katotohanan ang kanyang panaginip. " Matatagpuan ito sa likod ng Palasyo!". Laking panghihinayang ni Moon na hinde totoo ang kanyang panaginip. Ang akala nya ay muli nyang nakita ang reyna Eve. Pero malaking paisipan parin kay moon kung bakit tila nagpakita sa kanya ang pulang puno sa kanyang panaginip. Ito ba ay may kahulugan o nagkataon lamang... **to be continued**
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD