Chapter 1

1620 Words
" Waaaaahhhhh !". - sigaw ng babae sa may tarangkahan dahil may nakita itong nakahandusay at duguang lalaki Lumapit ang mga tao para tignan kung sino ito ! " si Ripo ! Ang dakilang magnanakaw sa pamilihan. Balita ko ay ninakawan nya ang isa sa maharlikang pamilya na nakatira malapit sa palasyo !". - Sabi ng Isang lalaki nakakilala sa lalaking nakahandusay . " Si Moon ang may gawa nyan ! Siguradong inutusan sya ng palasyo !". - Sabi ng isa pang lalaki " Ang assassin ng palasyo na sumasalakay kapag ilalim ng Buwan ! Siguradong mauubos ang mga kriminal ng kaharian sa kanya !". - Sabi ng babaeng na hinde katandaan ang edad . Maya maya ay dumating na ang mga sundalo ng hari para ligpitin ang kawawang lalaki na nakahandusay sa tarangkahan . " Mas mabuti pang umuwi na kayo sa inyong bahay ! Dahil ang lalaking eto ay hinde karapat dapat paglamayan !". - Sabi ng pinuno ng mga sundalo na si Bartolome . At nag simulang mag bulung bulungan ang mga tao " Ano kayang kasalanan nya na hihigit sa pag nagnakaw para patayin sya ?". - bulong ng Isang babae sa kanyang kasama " Nagawa nya lang naman ang pag nagnakaw dahil sa kahirapan !". - bulong pa ng Isang babae " Ang lalaking eto ay nag kasala ng higit lang sa pag nagnakaw ! Nag pupuslit din sya ng mga lason na nakakapinsala ! Ang higit pa don ay siya ay nangahasa ng isang dalagang babae ! Tandaan nyo ang utos ng hari ay paslangin ang sino mang magkasala ng hihigit sa 2 pag kakasala ! Ang batas ng kaharian ay para sa ikabubuti ng mamayan ! ". - Sabi ni Bartolome at sabay umalis ito para dalin ang katawan ng bangkay sa morge ng kaharian at para makita ng kanilang pamilya bago itapon sa apoy . Hinde mapakali ang hari sa kanyang kutob na totoo ang sinabi sa kanya ng manghuhula . Kaya't minabuti nya nalang na itago ito dahil hinde pa nagkakamali ang manghuhula ng palasyo . Pinatawag ng hari si Moon para sa isang pag sasalo at dahil napapanatili ang kaayusan ng palasyo dahil sa magaling na assasin . Moon's Pov Naanyayahan na naman ako ng palasyo siguradong mrami na naman regalong mamahaling alak at ginto ang hari. Ngunit malamang ay may masasabi na naman ang Reyna Wilyana sa mga handog at papuri sa akin ng hari. " Bihis na bihis ang manunugis ! Siguradong marami na namang ginto ang ibibigay sayo ng hari !". - Sabi ni Paulo , Isa ding assasin na malaki ang galit sa aken. Kung hinde dahil sa sinabi ng Reyna na wag gagalawin ang kanyang pamangkin ay papatayin ko na ito " Umalis ka sa daraanan ko !". - Sabi ko sa kanya habang papalabas ng tindahan ng mga baril ngunit sumunod pa din ito sa akin . " Hinde magtatagal ay ako na ang papalit sayo !". - Sabi pa nito talagang ambisosyo Lumapit ako sa kanya at ibinulong ang... "Mataas ang iyong lipad siguradong ikaw ay babagsak !". - Sabi ko at tuluyang umalis Pumunta ako sa palasyo at nakita kong may malalim na iniisip ang hari kaya't hinde muna ako nagsalita dahil baka itoy importante. " Kamahalan ?". - bumalik ang hari sa kamalayan ng tawagin sya ng tagapamahala ng palasyo na si Jacob " Bakit ? !". - tanong ng hari mukang nagulat ata ng tawagin sya ng tagapamahala " Naririto na si Moon at ang Reyna at prinsipe at prinsesa . Ang pag sasalo ay nakahanda na kamahalan .". - tagapamahala " Magandang tanghali kamahalan ikinagagalak ko na akoy napag anyayahan sa inyo salo salo ". - Sabi ko nasa likod ko ang Reyna alam kong hinihintay nya lang ako bigyan sya ng daan . Mabait ang Reyna kapag kaharap ang kamahalan ngunit kapag wala ang hari ay mapagmataas ito. Dahil wala akong magagawa ay binigyan ko na din ng daan ang Reyna " Kamahalan kinagagalak ko na makita ka .". - Sabi ng reyna sa hari kahit hinde naman makikita sa kanyang muka . Ganon din ang kamahalan kitang kita ko sa muka nya na may iniisip ito na siguro ay tungkol sa Reyna. " Bago umpisahan ang salo salo ay nais kong ibigay sayo ang aking handog moon . Ito ang mga ginto na ganting pala sa pagiging magaling mong assasin ng kaharian . Dahil sayo ay napapanatili ang kaayusan ng kaharian .". " Maraming salamat sa papuri mahal na hari " Nang matapos ng pag bibigay ng gantimpala ay dumaretsoso kami sa silid kainan para sa salo salo . Kasama ko ang pamilya ng hari pati na ang mga prinsipe . "Kung hinde dahil sayo ay napuno na ng kaguluhan ang buong kaharian tulad ng kaharian ng Layab.". - panimula ng hari habang kami ay nasa hapagkainan " Maligaya po akong pinag lilingkuran ang palasyo.". - maiikling sagot ko " Hinde kaya madumihan ang mga pagkain dahil ang iyong kamay ay maraming dugong nahawakan ?". - Sabi ng Reyna dahilan para matigilan ako sa aking pag kain. Kahit na mahinahon ang pag kakabigkas ay alam kong nandidiri sya sa akin " Paumanhin kamahalan batid kong marami na akong kriminal na napaslang ay hinde sapat yon para hinde hugasan ang aking mga kamay .". - Akala ko ay mag sasalita ang hari ngunit patuloy lang ito sa pag kain " Akoy nag aalala lamang dahil ang pagkain ng palasyo ay isang sagrado " - sabi ng Reyna " Hinde sagrado ang pagkain kung hinde nyo ito kayang respetuhin ! ". - galit na Sabi ng hari patungkol sa reyna kaya't tumayo ang hari at sinabing "moon sumunod ka sa akin! ". - utos ng hari " Masusunod po kamahalan !". - hinde paman ako nakakalayo ay muling nag salita ang Reyna " Maaring ngayon ay natutuwa sayo ang hari ngunit kung wala ka nang pakinabang ay itatapon ka nya kung saan" - Sabi ng Reyna Hinde ko nalang pinansin ang sinasabi ng Reyna dahil mas kilala ko pa ang kamahalan kesa sa kanya . Nang makarating ako sa silid aklatan kung saan naroroon ang hari ay nakita ko na may binabasa itong isang sulat . Nakikita ko sa kanyang mga mata na nagugulat ito sa kanyang binabasa . " Kamahalan?". - tawag ko sa kanya at nakita ko sa kanyang Mata na paluha ito . At dahan dhan nyang binababa ang liham na kanyang binasa. At napahawak ito sa kanyang dibdib " Sa ilang taon kong pag hihintay ay ngayon lang ito dumating .". - Sabi ng hari hinde ko alam kung anong tinutukoy nya " Paumanhin ngunit ano po ang inyong tinutukoy kamahalan ?". - tanong ko at tumingin sya sa akin na para may naiisip sya na Isang ideya " Ngayon ko lang natanggap ang balita na buhay ang aking anak sa dati kong kasintahan na si Minerva. Iniwan daw ito sa palasyo ng Indepedentas ! ". - nagulat ako sa sinabi nito dahil ang pag kakaalam ko ay tatlo lamang ang kanyang anak at ito ay sa Reyna wilyana " Ibig sabihin kamahalan ay may iba pa kayong anak maliban sa prinsipe at prinsesa? At nasa kaharian ng independentas ang kaharian kung saan may magigiting na babae at kinatakatakuhan ng iba pang kaharian?". - tanong ko " Inulit mo lang ang sinabi ko . Isa itong malaking sikreto na kahit ang Reyna ay hinde dapat malaman ito . Bago kame ikasal ng Reyna ay may kasintahan akong katulong ng palasyo limang taon kaming nag iibigan kahit na alam namin ang pagitan ng antas namin sa isat isa at ito ay si Minerva. Bago kami ikasal ng Reyna Wilyana ay dalawang buwan na nagdadalang tao si Minerva . Tinago namin itong dalawa hanggang ang aking Ina at ama ay nalaman ang tungkol sa relasyon namin ni Minerva . Kinuha nila si Minerva at pinatapon sa ibang kaharian kahit na mahina pa ito dahil sa panganganak . At ang sanggol ay tinago ni Eight ang dating tagalapangalaga ng kayamanan ng palasyo. Inutusan ko si Eight na lisanin ang kaharian at dalhin ang sanggol at upang hinde mapahamak ang anak namin ni Minerva. Sinabi nya sa akin na huwag ako mag alala at magpapadala sya ng sulat kung saan nyang kaharian dinala ang anak ko . Dalawangpung taon ako naghintay at ngayon ay dumating ang liham galing kay eight. ". - Sabi ng hari " Naiintindihan ko na kamahalan ngunit bakit iniisip nyo na mapahahamak ang inyong anak ngunit may dugo itong maharlika at siguradong hinde hahayaan ng palasyo na saktan ito !?". - tanong ko sa hari " Noong panahong iyon ay natatakot ako dahil gusto ng aking mga magulang na ang una kong maging anak ay isang lalaki. Sinabi nila sa akin na papaslangin nila ang aking anak kung ito ay isang babae . Panahon ito na hinde pa tumatanggap ang mataas na kaharian na Oniversa ng babaeng mamumuno sa iisang kaharian kahit kadugo pa ito ng Isang maharlika. ". - Sabi ng hari "Ano pong balak nyo ngayon kamahalan? ". - tanong ko " Hahanapin ko ang anak namin ni Minerva sa kaharian ng independentas ." " Ngunit mahigpit makapasok sa kaharian na yon kamahalan ?" " Kaya't nais kong Ikaw ang gumawa non para saken . Kailangan mong mahanap ang anak ko sa kaharian ng independentas ! Ito ang bago mong mission ! Kailangan mong mahanap ang talaan 20 taon na ang nakakalipas sa palasyo ng independentas ! Lahat ng kaharian ay may talaan ng mga sanggol na kakapanganak pa lamang kahit ang mga inabanduna ng kanilang magulang ! Kailangan mo den hanapin si Eight para mapadali ang iyong mission !" to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD