Chapter 2

1673 Words
Dahil sa sinabi ng hari ay patungo na ako ngayon sa kaharian ng independentas . Maraming pinag babawal papasok palang ng kanilang kaharian kaya't hinde ko alam kung paano ko maipapasok sa kaharian ang paborito kong baril na bigay pa sa akin ng aking ama . kaya't nakaisip ako ng pinagbabawal na teknik para makapasok sa kaharian . Tinutukan ko ng baril ang Isang lalaking manlalakbay na may dalang karwahe papasok ng palasyo. " Huminto ka !". - sigaw ko sa kanya at huminto naman ito. " Anong kailangan mo?". - tanong nito " Dalhin mo ang aking mga gamit papasok ng kaharian ng independentas .". - pananakot ko sa kanya " Bakit ko naman iyon gagawin hinde ko alam kung anong laman ng iyong mga gamit !". - Sabi nito mukang hinde ito natatakot sa akin " Kung hinde ka nagtitiwala ay tignan mo ang mga laman ng mga lalagyan na yan kung may makita kang kahinahinala ay hinde ko ipipilit !". - sabi ko " Bakit hinde Ikaw ang magpasok nyan sa palasyo at saan kang galing na kaharian ?". - tanong nito sa akin " Galing ako sa kaharian ng feiliposna .. kailangan ko lamang maipasok ang aking kagamitan dahil gusto kong pumuslit dahil pinagbabawal ang aking baril sa kaharian ng independentas .". - paliwanag ko dito " Anong kapalit ng pag sunod ko sa iyong nais?". - tanong nito saken palaging may kapalit ang bawat galaw Pinakita ko ang aking ginto na nakalagay sa isidlan na nakasabit sa aking katawan. " Pag dating sa loob ng kaharian ay mag kita tayo sa pamilihan at bibigyan kita ng ginto kapalit ng aking nais !". - Sabi ko dito At dahil pumayag sya ay nilagay nya sa kanyang karwahe ang aking mga kagamitan . At nag paalam na itong mauuna na sa loob ng kaharian . Dahil bantay sarado ang Daan papasok sa loob ng kaharian ay sa malaking pader ako umayat at humanap ng tyempo para bumaba dahil sa likod ng pader ay mga bahayan . Dahil alam kong mabilis akong pumuslit ay hinde mahirap sa akin ito . Nang makapasok ay umaktong parang isang mamayan ng kahariang independentas . Tama nga ang mga sabi sabi na karamihan sa kahariang ito ay mga babae. Mukang mga makabangong kagamitan din ang mga naririto .At ang buong lugar ay malilinis at makukulay . At hinde lang iyon kakaiba den ang kanilang mga kasuotan sa kaharian ng Feiliposna ay hinde pwedeng mag suot ng kasuotan labas ang kanilang mga balikat, binti at pusod . Ngunit dito sa Independentas ay nakakapag suot ng magiginhawang mga kasuotan . Dahil sa pag ka disiplinado at matalino ng kanilang kaharian ay talagang para akong nasa kakaibang mundo. Hinanap ko ang lalaking pinag habilinan ng aking mga gamit. Ngunit sa laki ng pamilihan ay mahihirapan akong hanapin ito. " Isa kang dayuhan ? ". - tanong ng babaeng nagttinda ng mga poselas na gawa sa mga perlas " Oo ?". - tipid na sagot ko " Kapansin pansin ang iyong kasuotan walang kulay at walang buhay ! ". - sbi nito dahil talagang naiiba nga ang aking kasuotan . Sa kanila ay matitingkad na kulay tulad ng dilaw at kahel ang akin ay kulay kayumanggi at itim . " At dahil dyan ay kami na ang bahala sa iyo !". - nagulat ako dahil may dalawang babae na humawak sa tag Isa kong braso . Magaganda at posselana ang kanilang mga kutis tila nagugustuhan ko na dito sa kaharian ng independentas . " Anong balak nyong gawin saken?". - tanong ko ngunit dinala nila ako sa bilihan ng mga damit at mga sapatos " Etoo?hmmm bagay sayo ang kulay luntian ngunit naagaw nito ang iyong kagwapuhan ? ". - Sabi ng babaeng kulot ang buhok na singkit ang mga mata ang kanyang kasuotan ay maiikling piraso ng pang itaas at nakpalda na hanggang tuhod . Akoy naiilang sa kanilang mga kasuotan . " Eto ang nababagay sa kanya ! Kulay indigo ?". - Sabi ng Isang babae na may magagandang katawan . Pinapatong nila ang mga damit sa aking dibdib upang makita ang kulay ng damit na kanilang binabagay sa akin. Nakikita ko naman na tama ang kanilang binigay na kulay tulad ng indigo . At sumunod naman ay ang pang ibaba maikli lang ito at kulay itim . Bumagay sa pang itaas na pinili nila . Sumunod ay kumuha sila ng sumbrero at mga sapatos . Marami silang pinili para sa akin siguro ay malaki itong halaga . " Magkano ang lahat fushia ?". - Sabi ng babaeng singkit sa kaninang nag bebenta ng porselas ngayon ay nandito sa loob ng bilihan ng mga damit . Siguro ay sya ang nagmamayari nitong tindahan . Tinutuos nya ito ngunit wala akong salapi na katulad ng nakita kong binabayad ng mga tao dito kanina noong akoy naghahanap sa lalaking pinagiwanan ko ng aking kagamitan .. Sa kaharian ng Feiliposna ay hinde masyadong ginagamit ang salapi . Kadalasang ginagamit ay ginto . " Limang daan at apat na pu na dentas !". - Sabi ng babaeng nag titinda ng porselas kanina " Ngunit wala akong salapi nang inyong kaharian ? Pwede na ba itong ginto ?". - nagulat silang tatlo sa tatlong bilog na ginto na aking nilabas . " Ohhh Isa ka sigurong maharlika sa ibang kaharian ? ". Sabi ng Isang babaeng maganda ang katawan " Ang ginto dito sa Independentas ay maharlika lamang ang may kakayahan !". - gulat na gulat na sabi ng singkit na babae " Ma kakabili na ito ng bahay at lupa ! Ngunit dahil Isa kang dayuhan ay hinde ka pwedeng bumili ng bahay at lupa dito ! Ngunit kaya kitang patuluyin sa isa kong bahay sa veril . Kahit kailan mo gustong manatili doon ay papayag ako ! Talaga ka bang eto ang ibabayad mo sa aken?". - mukang malaking halaga nga ang ginto sa Lugar na to . Sa aking bahay sa Feiliposna ay isang balon na ang aking naipon kaya't maituturing na ako ay maharlika kahit Isa akong assasin . " Oo ! Eto pa ang dalawang bilog basta may maayos na matutuluyan at ligtas !". - gulat na gulat sila ng nilabas ko pa ang dalawang ginto " Gusto mo bilhin mo na din ako ?". - Sabi ng babaeng singkit " Gusto mo ako den? Ipagluluto kita araw araw ng masarap kong luto ?" - sabe ng babaeng maganda ang katawan Hinde ako mahilig sa mga babae ngunit maaring pwede silang maging katulong sa tirahan na sinasabi ni fushia ang nag titinda ng perlas. " Hinde pwede dahil pinagbabawal ito sa kaharian !". - Sabi ni fushia dahilan para sumimangot ang dalawang babae . "Bibigyan ko kayo ng tag isa ginto para sa pag tulong sa akin ! ". - Sabi ko sa dalawang babae at kumuha ng ginto sa lagayan na nakasabit sa aking katawan " Kung ganon ay ihahatid ka namin sa Veril ! Ito ang tirahan malapit sa magandang tanawin ng kabundukan sa timog ! Ang mga bahay don ay malayo sa isat Isa kaya't mahihirapan kang humingi ng tulong kung iyong kailangan ! Ngunit wag kang magalala dahil konti lang ang mga pasaway na kriminal dito sa Independentas !". - Sabi nito sa akin natutuwa ako dahil hinde na ako mahihirapan pa mag hanap ng matutuluyan lalo hinde ko alam kung matatagalan ako dito sa kaharian ng independentas " May hinahanap akong manlalakbay din nasa kanya ang aking mga kagamitan ? Maari nyo ba akong tulungan na mahanap ito ?". - Sabi ko sa kanila mabuti at may katulong akong mag hanap sa lalaking iyon . " Maari ka naming tulungan ? Pwede mo ba sabihin kung ano ang kanyang itsura ?". - tanong ni fushia " May telang naka palibot sa kanyang ulo na kulay pula at mayroon din syang mga bigote ! Ang kanyang tikas ay parang isang mandirigma !". - Sabi ko dito " Ihahatid ka muna namin sa iyong tutuluyan dadagdagan namin ang iyong kagamitan at araw araw ka namin dadalan ng pag kain para matikman mo ang masasarap na lutong pagkain ng kaharian !". - Sabi ni fushia " Hinde pa pala ako nag papakilala ako pala si mo---?? Mora !". - muntikan ko nang masabi ang aking totoong pangalan hinde pwede na sabihin ko ito dahil baka may pag kakakilan lan sila sa akin lalo sikat ako sa aming kaharian bilang magaling na assasin sa kabilugan ng buwan . " Ako naman si daisy !". - agad na Sabi ng singkit na babae at inabot ang kanyang kamay " Ako naman si Casu !". - Sabi ng babaeng magandang katawan at nakipag kamay ito " Ako naman si fusshhh---". - hinde ko na pinatapos ang kanyang sasabihin dahil kilala ko na sya kaya't agad na akong tumalikod " Tara na at ihatid nyo na ako sa aking tutuluyan !". - Sabi ko kaya't dali dali silang kumilos at binilin sa kanilang ibang mga tindero at tindera ang kanilang tindahan. Dumating ang kanilang saksakyan. Kakaiba din ang kanilang sasakyan pinapaandar nila ito gamit ang kanilang mga paa at binti . Samantalang sa Feiliposna ay kabayo ang tanging pangunahing transportasyon. May nag mamaneho sa unahan namin gamit ang pagpasyak ng paa ng lalaki habang kami ay Hila hila sa mga likod nito. " Matanong ko lang alam nyo ba kung saan nakalagay ang mga talaan ng mga sanggol na isinilang dito sa inyong kaharian ?". - Ang kanina ay nag tatawanan ay bigla silang napatigil sa aking katanungan . " Bakit anong kailangan mo sa talaan ?". - tanong ni fushia " Wala lang dahil may kaibigan ako na nais yon tignan dahil dito daw isinilang ang kanyang anak?"- tanong ko " Ahh kung ganon ay hinde mo ito maaring tignan ng walang pahintulot ng Reyna ! Ang alam ko ay nasa kanya itong silid !". - bakit naman napakahigpit nila sa kanilang talaan ? Nakakapag taka dahil sa mismong silid ng Reyna ito nakalagay ? to be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD