"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Eduard pagtanggal ko nang helmet.
"Medyo," alanganin na sagot ko at ngumitii siya.
"You will be fine. Just relax and do what you do best," nakangiti na sabi niya at natawa ako.
"Best talaga? Kahit kailan napaka-bolero mo talaga," natatawa na sabi ko at kinindatan lang niya ako.
Naglakad na kami papasok sa Hotel kung saan gaganapin ang event. Nandoon na ang mga kasamahan ni Eduard kanina pa para mag-set up ng mga gamit nila. Wala pa naman mga bisita at puro mga staff pa lang ang nasa function hall na abala sa pag-aayos. Hindi ko mapigilan ang mamangha habang tinitignan ko ang makapigil hininga na mga naka-display na painting.
"Ang gaganda naman," mangha na sabi ko ng mapatigil ako sa paglalakad.
"Maganda talaga at siguradong maganda rin ang mga presyo ng mga iyan," tugon niya mula sa likuran ko at napatingin ako sa kanya.
"Part kasi ng event na ito ang pag-auction ng mga painting na iyan. Lahat ng mabebenta nila ay mapupunta sa isang foundation," paliwanag niya at tumango-tango ako.
"At least may matutulungan naman pala," nakangiti na sabi ko.
Naglalakad na kami pa punta sa dressing room nakatalaga para sa amin. Naabutan namin roon ang mga kasamahan niya na tapos na magbihis at nag-aasaran.
"Wow! New look tayo pero in fairness bagay sa inyo," sabi ko at nagtatawanan sila habang tinitingnan ang isa't isa.
"Ganito ang nagagawa ng pera, Thea," natatawa na sabi ni Rafael sabay pose at mas lalong tumawa ang lahat.
Malayong-malayo ang itsura nila ngayon kumpara sa lagi nilang porma. Ilang sandali lang ay nagpaalam muna sila para hayaan ako na magbihis at mag-ayos. Napaka-elegante ng event na ito at ngayon pa lang ako mag-perform sa ganitong event. Kadalasan kasi mga simpleng event lang kami tumutugtog ni Eduard. Sabi nga niya kanina small time lang ang mga raket namin at ito ang pang-big time. Hindi naman ako kinakabahan kasi komportable na ako sa banda ni Eduard dahil mabait sila at hindi mahirap pakisamahan.
"Seryoso ka Edu, ito talaga ang susuotin ko?" tanong ko sa kanya pagkatapos ko silipin ang laman ng paper bag na inabot niya.
Nilabas ko ang laman noon at nakita ko ang isang red strapless na long gown. May kasama rin na silver stiletto na sinuot ko agad para malaman ko kung kasya ba sa akin. Napakaganda ng gown at halatang mamahalin. Ngayon pa lang ako makakapag-suot ng ganito kaganda na damit. Simple lang ang design pero classic at elegante siyang tingnan dahil sa tela nito.
"Oo naman seryoso ako pero Thea ingatan mo ang mga iyan kasi hiniram ko lang. Huwag ka sanang magagalit pero alam ko kasi na wala kang magagamiting damit para sa ganitong okasyon," sabi niya saka ako tumungo.
Hindi naman ako na offend sa sinabi at ginawa niya. Na touch pa nga ako dahil sa concern niya sa akin. Napakabuti niyang kaibigan dahil lagi niya kinokonsider ang kalagayan ko. Siya lang ang lalaki na pinagkatiwalaan ko ulit at hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Hindi ako nahihiya sabihin lahat ng gusto ko at komportable ako na kasama siya. May nahiram naman akong damit mula sa pinsan ko pero kumpara sa hawak ko ngayon ay mas akma iyon sa okasyon. Laki ng pasasalamat ko dahil sa pinahiram ni Eduard na damit.
"Opo Sir, iingatan ko po ito Sir ng higit pa sa buhay ko. Oh hala sige lumabas ka na para makapag-bihis na ako o baka man gusto mo pa akong ayusan," biro ko sa kanya at bigla siya umalis dala ang bag niya.
"Napikon ata," natatawa na sabi ko.
Nag-apply muna ako ng make-up at inayos ko ang mahaba kong buhok. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko para naman bumagay sa suot ko. Maingat na sinuot ko ang gown na binigay ni Eduard at napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Hindi ko inaasahan ang magiging itsura ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-send ako ng mga picture kay Nikka tulad ng bilin niya. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Okay ba?" tanong ko pagbukas ko ng pinto at nakatingin lang sa akin si Eduard.
"Hoy!" sigaw ko at napatingin siya sa mga mata ko.
"Ha?" wala sa sarili na tugon niya at natawa ako.
"Ang tanong ko, okay ba ang itsura ko?" tanong ko at sunod-sunod na tumango siya saka ako umiling.
Natapos na namin ang first set at second set. Kasalukuyang ipinakilala ang mga taong nag-organize ng event. Medyo malayo ang table namin mula sa stage kaya hindi ko masyado makita ang Anak ng Presidente na kasalukuyang nagbibigay ng speech. Hindi rin naman ako interesado na makita ang mukha niya.
"Meron pa rin pa lang mga mayayaman na may magandang kalooban," sabi ko sa sarili habang pinapakinggan ko ang usapan ng mga kaibigan ni Eduard.
Ang event na ito ay para sa isang foundation na nagbibigay ng suporta sa mga taong may cancer. Ang foundation na 'yon ang nilalapitan ng mga taong nangangailangan ng financial o anumang suporta para sa pagpapagamot. Sabi ni Eduard halos lahat ng tao doon ay puro mga mayayamang tao na sumusuporta sa adhikain ng foundation. Ipinakilala rin ang mga taong natulungan ng foundation at nagbigay sila ng mensahe para sa lahat. Pagkatapos noon ay nag-palakpakan na ang lahat. Bago umpisahan ang auction ay hiniling na tumugtog pa muna kami.
"Sir, mayroon pong nagpaabot nito. Kung maari daw po ninyong tugtugin sa susunod ninyong set," narinig kong sabi ng waiter kay Eduard at kinuha ang pirasong papel.
"Ano daw iyon?" curios na tanong ko at inabot niya ang papel sa akin.
"I'll never love this way again," pagkabasa ko at napatingin ako sa kanya.
Ewan ko ba kung matatawa ba ako pagkatapos kong basahin ang nakasulat sa papel. Nagkataon kasi na iyon ang paboritong kanta ni Mama at unang kanta na itinuro niya sa akin. Kadalasan ay kinakanta ko iyon tuwing may family reunion kami dahil sa request ng magulang ko.
"Yaka na ninyo ni Edu iyan," sabi ni Bobby at sabay kaming tumango ni Eduard.
Inalalayan ako ni Edu na tumayo at pumunta na kami sa stage para sa third set namin. Alam ni Eduard kung gaano ka espesyal ng kanyang ito para sa akin. Siya lang ang nakakaalam noon.
"Before we end our third set we would like to play a special song and we hope you like it," sabi ni Bobby at pumalakpak ang lahat.
Umalis na muna ang iba naming kasama at ang tanging natira sa stage ay ako at Eduard. Mas pinili kong umupo habang nasa organ naman si Eduard. Nagkatinginan kaming dalawa senyales na umipasahan na niya. Sa intro pa lang ay naging emosyonal na ako at pilit ko iyon pinipigilan. Sa bawat katagang lumalabas sa bibig ko ay tumatagos sa puso ko. Bumabalik sa isip ko ang mga masasayang alaala habang kumakanta ako. Ang mga matatamis na ngiti ni Mama at Papa. Ang malakas na pagpalakpak ni Ate na halatang proud na proud sa akin. Masarap pakinggan ang kantang ito pero sobrang sakit naman sa puso ko dahil sa mga alaala na dala nito sa akin. Masigabong palakpakan ang narinig ko pagkatapos ng kanta at agad ako tumungo para pigilan ang mga luha nagbabadyang bumagsak. Sa tuwing kinakanta ko ito ay hindi ko maiwasan ang maging emosyonal.
"Thank you so much," nakangiti na sabi ko bago kami bumaba ng stage.
"Okay ka lang, Thea?" nag-aalala na tanong ni Edu at inabutan agad niya ako ng tissue.
"Hindi ka na nasanay sa akin alam mo naman ang nangyayari everytime na kinakanta ko 'yon," nakangiti na sagot habang pinapahid ko ang luha sa gilid ng mata ko.
Ininform kami ng event organizer na after pa ng auction kami mag-perform ulit. Wala akong interest sa auction na nagaganap kaya nag-excuse muna ako sa mga kasama ko para lumabas. Naglakad ako at sa balcony ako dinala ng mga paa ko. Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang maraming ilaw. Tumingin ako sa langit at puno iyon ng mga bituin. Pumikit ako saka huminga ng malalim.
"Hay, ang sarap sigurong mabuhay ng maraming pera. Lahat ng gusto mo ay makukuha mo at magagawa mo kahit ano ng walang iniisip. Hindi mo na kailangan problemahin ang mga gastusin mo sa araw-araw. Mas magiging madali siguro ang buhay ko kung marami akong pera. Ang buhay nga naman," sabi ko habang nilalasap ang malamig na hangin.
"Sorry to say but it's not easy as it looks," malagong na tinig mula sa likuran ko.
"Ay anak ka ng tipaklong!" gulat na sigaw ko dahil hindi ko inaasahan na may tao pala roon bukod sa akin.
Lumingon ako para alamin ang pinanggalingan ng boses. Isang matangkad na lalaki ang nalingunan ko. Pero dahil madilim sa pwesto niya ay hindi ko makita ang mukha niya. Hinintay ko siya na lumapit pero nanatili lang siya sa pwesto niya.
"Patay. Off limit ata itong lugar na ito," bulong ko at tumingin ako sa paligid.
"Sorry po Sir," hinging paumanhin ko at tumungo.
"Sorry for what?" tanong niya.
"Kailangan ko na po bumalik sa loob at baka hinahanap na po ako ng mga kasama ko. Pasensya na po," halos pabulong na tugon ko.
Ang totoong dahilan talaga kaya gusto ko ng umalis ay dahil sa presensya ng lalaking hindi ko makita ang mukha. Palampas na ako sa kinatatayuan niya ng bigla kong naramdaman ang pagpigil niya sa braso ko. Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng ilang bilyong kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko. Hindi ko na pigilan ang sarili ko na tingnan siya at hindi nga ako nagkamali matangkad nga siya dahil kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Para siyang isang modelo o artista dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay na bagay naman sa shape ng mukha niya na sinamahan pa ng mapang-akit na mata at ang manipis na mapulang labi nito.
"Nanaginip ba ako o imahinasyon ko lang ito. Bakit may anghel sa harapan ko?" tanong ko sa sarili habang nakatingin pa rin sa mukha niya.
Nakita ko na biglang kumunot ang noo niya at humigpit naman ang pagkahawak niya sa braso ko. Pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig kaya sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki, Althea? Kung makatingin ka para kang tanga." Inis na usig ko sa sarili.
Pilit kong binawi ang braso ko mula sa pagkahawak niya. Inayos ko ang sarili ko bago ako tumingin sa kanya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako magsalita.
"Sorry po Sir, hindi ko po kasi alam na off-limit ang lugar na ito. Babalik na po ako sa loob," sabi ko.
"Hindi lahat ng mayayaman ay masaya sa estado nila. Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera at hindi pera ang sagot para maging masaya," narinig kong sabi niya saka umalis sa harap ko.
"Ha? Ano raw?" naguguluhan na tanong ko ng maiwan ako.
Gusto ko sana siya tanungin pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. Nagdesisyon na lang ako na bumalik na sa loob ng reception hall kahit naguguluhan.
"Buti naman at bumalik ka na malapit na ulit tayo sumalang," sabi ni Mike ang leader ng banda pagkakita sa akin.
Last set na namin iyon pero kaiba sa naunang set na puro love songs at melow. Itong last set namin ay mas upbeat na ang mga kanta. Halos lahat ng mga guest ay nasa dance floor at nagsasayaw. Nakakatuwa na tingnan ang mga ito na nag-e-enjoy sa mga kanta namin. Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami at may DJ na pumalit sa amin. Kasalukuyang nag-aayos na ang mga kasama ni Eduard ng mga gamit nila. Nagpalit na ako ng damit at hinihintay na lang namin sina Mike at Eduard na nakikipag-usap sa organizer. Napatingin kami sa pinto ng marinig namin na may kumakatok.
"Ma'am may nagpaabot po nito sa inyo." sabi ng waitress at inabot ang mga papel na may iba't ibang message.
"Maraming salamat po," nakangiti na sabi ko bago ko isara ang pinto.
"Uy! Ang dami agad fans ah," biro ni Josh at nilakihan ko lang ito ng mata.
"Sabi ko naman sa iyo Thea, sumama ka na sa Banda namin," udyok ni Bobby at nakangiti na umiiling ako.
"Maganda siyang experience guys pero pagkatapos ng gabing ito mas napatunayan ko na pang-small time lang talaga ako," tugon ko.
Inipon ko ang mga papel at nilagay sa handbag ko. Nag-enjoy ako ngayong gabi pero hindi iyon dahilan para mas piliin ko ang kumanta. Hindi ko nararamdaman na para sa akin ang propesyon na ito. Gusto ko magkaroon ng sarili kong negosyo at sana ay dumating ang araw na matupad ko iyon.
"Ano kaya ang ibig niya sabihin?" tanong ko ng maalala ko ang sinabi ng lalaki kanina bago umalis.
Bigla ako natigilan ng maalala ko ang mga sinabi ko. Ang iniwan niya na mga salita ay tumutugon sa mga sinasabi ko. Ibig sabihin ay nandoon na siya bago pa ako dumating kaya narinig niya lahat. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis na naman ang t***k nito.