Chapter 9

2040 Words
"Mister! Mister! Mister, naririnig mo ba ako? Kung naririnig mo ako please imulat mo ang mga mata mo," naririnig ko na sigaw ng isang babae. Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Blurred ang imahe ng babae pero nakikita ko ang liwanag mula sa ilaw ng poste. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. "Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa iyo ang dami ng dugo ang nawawala sa iyo. Ano ba ang nangyari sa iyo? Naririnig mo ba ako, Mister? Please, hang in there huwag kang bibitaw at lumaban ka. Aalis lang ako para humingi ng tulong. Babalik agad ako," paalam niya at pumikit ako. Inipon ko ang natitira ko pang lakas para pigilan siya. Hindi ko alam kung sino siya at kung nasaan ako pero sa oras na iyon ay natatakot ako na mag-isa. Hinigpitan ko ang kapit sa braso niya at mukhang naintindihan naman niya ang gusto ko mangyari. Narinig ko na may kausap siya pero hindi ko masyado maintindihan. "Relax ka lang nakatawag na ako ng tulong at ilang sandali lang ay nandito na sila. Huwag ka mag-alala dahil hindi kita iiwan hanggang hindi pa ako nakakasiguro na okay ka na. Weird man itong sasabihin ko pero isipin mo na lang na may mas mahirap pa na bagay ang pwedeng mangyari bukod dito. Alam kong walang katuturan ang sinabi ko pero may dahilan ang lahat kaya kumapit ka lang at magiging okay din ang lahat," sabi niya at nagdilim na ang paligid ko. Madilim na paligid ang nabungaran ko pagmulat ng mga mata ko. Isa na namang panaginip pero kumpara noon ay medyo malinaw ang lahat except sa mukha niya. Bumangon ako at sumandal sa headboard. Ipinilkit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim. Isang buwan na ang lumipas mula ng na encounter ko ang babae mula sa charity event. Madalas ko na siya napapanaginipan mula ng gabing iyon. Hindi pa ako sigurado kung ang server sa party ni Patrick, ang singer sa charity event at ang babaeng nagligtas sa akin ay iisa. Ayaw ko mag-padalos dalos kahit pa nga naiinip na ako pero kailangan ko makasigurado. Pareho sila ng amoy na pwedeng coincidence lang at kung sa boses naman ay may pagkakahalintulad sila. Pina-imbestiga ko na ang babae na kumanta sa charity event at hinihintay ko na lang ang resulta. Sinubukan kong alamin kay Patrick kung sino ang babaeng nag-serve sa amin ng alak noong birthday party niya. Hindi niya kilala ang mga kinuha nilang server ng gabing iyon kaya wala siyang idea sa babae na tinutukoy ko. Alam niya ang nangyari sa akin pero may mga ilang detalye na hindi niya alam. Hindi niya alam na isang babae ang nagdala sa akin sa hospital. Sinabi na lang niya na tutulungan niya ako na hanapin ang server na iyon. Hinayaan ko na lang siya na isipin ang gusto niya. Saka ko na sa kanya ipapaliwanag kapag na klaro ko na ang lahat. Ang singer naman sa charity event ay katulad din ng amoy ng babaeng hinahanap ko. Sa totoo lang mula ng makita ko siya sa stage na kumakanta ay may nararamdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang kumakanta siya. Tumatagos sa puso ko ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya. Hindi ko namalayan ang sarili ko na sinundan ko siya. Nagulat ako ng maabutan ko siya sa balcony habang nakatingala. Lalapitan ko sana siya para kausapin pero natigilan ako ng biglang humangin at ng marinig ko siya magsalita ay naguluhan ako. Para mas kumpirmahin ang hinala ko ay sinalungat ko ang sinabi niya at nagulat siya nang makita niya ako. Pinagmasdan ko siya ng malapitan at sa pagkakataon na iyon na hiling ko na sana ay maalala ko ang mukha niya. Sobrang lapit niya sa akin at hindi ko maipaliwanag kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. Sa totoo lang ay frustrated na talaga ako sa mga oras na ito kasi gusto ko ng makilala ang babaeng nagligtas sa akin. May parte ng puso ko ang nagsasabi na hindi siya ang babaeng hinahanap ko pero sinisigaw naman ng isip ko na posibleng siya na iyon. Gusto ko ng makabayad ng utang na loob sa babaeng iyon para matapos na ang lahat. Alam ko kasing 'yon na lang ang natitira na hindi ko pa na settled mula sa nakaraan ko at dahilan ng mga panaginip ko. "I need to get this out of my head," inis na sabi ko at bumangon ako saka pumunta sa bar para kumuha ng maiinom na alak. Ang bigat ng pakiramdam ko dahil bukod sa hindi ako nakatulog nang maayos kagabi ay marami rin akong nainom. Kung tutuusin pwede naman ako hindi pumasok sa opisina pero mahalaga sa akin ang bawat oras. Maraming bagay ang naghihintay sa akin at mga kailangan asikasuhin. Kapag abala ako sa trabaho ay nakakalimutan ko ang lahat ng gumugulo sa isip ko. "Okay ka lang ba, Axel?" tanong ni Jay habang minamasahe ko ang sintido ko. "I really need to find that girl." frustrated na sagot ko pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan. "Pero paano Axel, hindi pa natin alam ang pangalan ng server na tinutukoy mo sa party. Tinawagan ko ulit si Patrick pero hindi pa kumpleto ang listahan niya. Kahit siya ay nagtatanong kung bakit ganoon na lang ang interest mo sa babaeng iyon," sagot niya. "How about the other girl? The singer from the charity event?" tanong ko. "Well, based on the information I found. Her name is Althea Mendoza, she is not really part of the band," sagot niya at inabot ang folder na may laman na mga impormasyon tungkol sa dalaga. Binuksan ko agad ang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kanya. Galing ang mga iyon sa private investigator na kinuha ko. May mga kasama rin na mga picture ng dalaga at isa-isa ko iyon tiningnan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi ko matandaan ang itsura niya pero ang bilis ng t***k nang puso ko. Binasa ko ang mga information tungkol sa kanya at wala naman extra ordinary doon. "Have you already talk to her?" tanong ko habang binabasa ang laman ng folder. "Hindi pa gusto ko muna mabasa at makita mo ang mga iyan bago ko siya kausapin. Nagbabakasakali kasi ako na baka matandaan mo na siya para mas sigurado na tayo. Pupuntahan ko na lang siya sa pinagtatrabahuhan niya para personal na makausap," sagot niya. "Yes, do that. I want to settle this as soon as possible," sabi ko. "Okay, I will do that," tugon niya at huminga ako nang malalim saka sumandal sa upuan. Kung makukumpirma nga na siya ang taong nagligtas sa akin matatapos na ang alaala ng nakaraan. Once nakausap ko ang babaeng 'yon at mabayaran ko na siya ay wala na siyang puwang sa nakaraan ko. Alam kong hindi ko agad-agad malilimutan ang mga nangyari pero at least hindi ko na siya kailangan isipin pa. "Ready na ba ang conference room?" tanong ko pagtingin ko sa relo. Nagpatawag si Papa ng meeting para malaman ang update at progress sa lahat ng mga project na hawak namin. Alam ko na hindi siya interesado sa bagay na iyon dahil may mga tao nagre-report sa kanya ng lahat. Gusto lang niya ipakita sa mga tao na may kapangyarihan pa rin siya sa kumpanya. "Yes Sir, pwede na po tayong pumunta roon. Ilang oras na lang naman po ay nandoon na ang Papa ninyo at maguumpisa na po," sagot niya. Huminga muna ako nang malalim saka tumayo ako at sinuot ang coat. Kung hindi lang naman tungkol sa kumpanya ay hindi ko kinakausap si Papa. Mula ng insidente na iyon hindi na siya ang Ama ko. Hangga't maaari ay ayaw ko siya makita o makasama sa isang lugar kaya ako ang umiiwas kung kinakailangan. Gusto ko na matapos agad ang meeting para makauwi na ako. Pagdating ko roon ay halos kumpleto na sila. Binati ko siya para ipakita na professional ako dahil siya pa rin naman ang President ng kumpanya. "Axel, we need to talk," sabi ni Papa pagkatapos ng meeting. "About what, Sir? If it doesn't concern the company then we don't need to. You can ask my assistant if you need anything. Excuse me Sir, but I still have a meeting," walang emosyon na tugon ko at lumabas na ng conference room. Hindi ko na hinintay ang tugon niya dahil wala naman ako balak pakinggan kung ano ang sasabihin niya. Hindi ko ugali na sumagot ng phone call during meeting. Bigla akong nag-alala ng makita ko ang madaming missed call ni Patrick kaya tinawagan ko agad siya. "Katatapos ko lang sa meeting. Bakit ka tumatawag may problema ba?" tanong ko. "Namiss lang kita, Brad." natatawa na sagot niya. "Common Patrick you know how busy I am so stop playing around," seryoso na tugon ko at mas lalo pa siya natawa. "Grabe ang seryoso mo talaga kahit kailan. Lagi ka naman busy kaya wala ng bago roon. I got good news for you and I'm sure you will like it. Stop by at the bar okay," sabi niya at bigla ako natigilan sa sinabi niya. "I'll be in Patrick's bar you can go now," paalam ko kay Jay bago ako sumakay ng elevator papunta sa basement dahil alam ko na may lakad siya. Pagdating ko sa bar ni Patrick ay naghintay pa ako ng ilang oras bago siya dumating. Gusto ko na sana umalis pero naalala ko ang sinabi niya na good news Sa lahat kasi ng ayaw na ayaw ko ay iyong pinaghihintay ako. "You should have told me na mala-late ka," galit na sabi ko pagdating niya at ngumiti lang siya. "Here is your good news," nakangiti na sabi niya at inabot ang isang envelope. Nagtataka na tiningnan ko siya at sinenyasan niya ako na buksan iyon. Binuksan ko ang envelope para makita kung ano ang laman nun at nakita ko ang mga resume. Resume 'yon ng mga waitress noong gabi ng party niya. Isa-isa Kong tiningnan ang mga pangalan para makita kung may tutugma sa initial na hinahanap ko. "I'm just curious Axel, why you want to find this girl badly? I never seen you this eager before. So, what's the story? Let me hear it," curious na tanong niya habang inaabot ang panibagong baso ng alak sa akin. "Don't tell me nandyan sa mga iyan ang type mo. Hindi ko ma imagine na mahilig ka pala sa pusa," natatawa na sabi niya habang nakaturo sa envelope. Hindi ako sumagot dahil hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ko pa nababasa at nakikita ang lahat ng iyon kaya hindi ko pa alam kung nandoon ba ang sagot na hinahanap ko. "Pagkatapos kita gawan ng pabor hindi ka man lang ba magkukwento? Alam mo ba kung paano ko iyan nakuha? Grabe ka talaga Mr. Maverick Axel Rodriguez, pagkatapos kong gawin ang lahat para sa 'yo ganito pa ang gagawin mo sa akin?" madrama na sabi niya at hindi ko mapigilang tumawa. "Tumigil ka diyan sa kalokohan mo Patrick at baka may makarinig sa iyo kung ano pa ang isipin," natatawa na sabi ko. "Iyan naman ang malabong mangyari Bro, sa gwapo kong ito malabong mapagkamalan ako na bakla. I love woman in every shape, curve, color and personality. No way Brad, lalaking lalaki ito hanggang sa pinadulo ng buhok ko," depensa niya at nailing na lang ako. "Curios lang talaga ako kung bakit mo hinahanap ang babaeng iyon. Ano ba ang sinabi at ginawa niya para magka ganyan ka? May ginawa ba siya sa iyo na hindi mo makakalimutan?" may malisya na tanong niya at tiningnan ko siya nang masama. "Nakakapagtaka lang dahil hindi ka Naman ganyan. At saka paano ka nakakasiguro na tama ang hinahanap mo eh naka-mask sila that time," sabi niya at pinasok ko na ang mga papel sa envelope. "Ako na ang bahala doon kaya huwag mo ng problemahin ang bagay na 'yon. Don't worry you will know soon," sabi ko habang tinatapik siya sa balikat. "Okay, if you say so," natatawa na sagot niya at uminom na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD