"Hay ang bilis ng oras maya-maya lang ay matatapos na ako riito. Salamat at makakaabot pa ako sa misa mamaya," sabi ko habang nakatingin sa relo ko. Balak ko sana kumain pagdating sa event kanina pero dahil naipit ako sa traffic kaya hindi ko na nagawa. Tinulungan pa nga ako ni Michelle na mag-make up dahil late na akong nakarating kaya ang ending late na ako nakapag-lunch. Tiisin ko na sana kaso naramdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko kaya nagpaalam ako sa kasama ko kanina. "Okay din pala itong ganitong raket iyon nga lang nakakangalay. Grabe ang sakit na ng mga binti ko at for sure iyak ako nito pag-uwi ko mamaya. Salamat na lang talaga may pandagdag na ako sa padala ko kaya solve na ang problema ko," sabi ko habang nagpapahinga at hinihilot ang mga binti ko. Pagbalik ko sa event ay

