"Hoy! Venus Althea Mendoza, ano ba ang nangyayari sa iyo?" sigaw ng pinsan ko na ikinagulat ko naman. Dalawang linggo ako straight na pumasok dahil may sakit ang isang kasama namin. Nag-volunteer ako na pumasok kaya naman may dalawang akong day-off ngayon. Wala rin akong raket ngayon kaya mas pinili ko na mag-stay na lang sa bahay. Katatapos lang namin mag-general cleaning ng buong bahay. Wala rin naman akong balak na lumabas ng bahay. "Kung makatawag ka kailangan talaga buong pangalan. Ano ito attendance?" natatawa na sabi ko at nilipat ko ang channel ng t.v. "Sige magbiro ka pa riyan at ng tuktukan kita. Ilang araw ka ng ganyan para kang wala sa sarili mo. Lagi ka rin tulala nitong mga nakalipas na araw. May problema ka ba na hindi ko alam?" tanong niya at napatingin ako sa kanya. Hi

