"For God sake! Gaano ba kahirap ang mag-decide? Is my offer still not enough?" inis na tanong ko at tinigil ko muna ang pagbabasa nga report. Ilang linggo na ang lumipas mula ng nakausap ko si Althea pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay pinipigilan ko ang sariling ko na tawagan o puntahan siya. Sa tingin ko naman kasi ay malinaw ang mga sinabi ko. Nang gabing iyon wala naman sa plano ko ang kausapin siya pero hindi ko namalayan ang sarili ko na sinusundan ko na pala siya. Curious lang ako kung saan pa siya pupunta after ng event dahil nakita ko siyang unang umalis at nagmamadali. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nasabi ko lahat ng iyon. During the event pumasok sa isip ko na bakit hindi ko na lang siya alukin ng trabaho sa

