Cancel ang raket namin ni Eduard kaya nagdesisyon kami na magsimba na lang. Sa una ay ayaw pa niya ako samahan sa loob dahil baka raw masunog siya. Nagkayayaan kami na kumain sa labas pagkatapos ng misa dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Ilang linggo rin kami na bakante kasi naging busy siya. "Kumusta ka naman?" tanong niya habang naghihintay kami sa order namin. "Okay naman ako. Ikaw, kumusta ka? Ang tagal din natin hindi nagkita at nagkasama. Kumusta ang banda?" tanong ko sa kanya. Ilang sandali lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami dahil nga sa tagal namin hindi nagkasama. Si Eduard ang taong lagi kong naasahan at laging tumutulong sa akin kaya naman masasabi kong matalik ko siyang kaibigan. Galing siya sa mayamang pamilya pero mas pini

