"Hindi nga? Nakatingin pa rin siya?" Pagtatanong ko kay Caylus na mukhang nageenjoy sa kagaguhan na naisip niya. "Oo nga, tanga! Ang sama nga ng tingin sa 'kin. Gusto ka pa ng ex mo 'te. Ayaw niyo ba mag-usap muna nang maayos about sa mga bagay? Malay mo maayos niyo pa 'di ba? Sayang kasi. Base sa pagkakakuwento mo sa 'kin, ang solid niyo. Poging bf tapos chakang gf, hayop pamatay. Kathniel lubog talaga sa inyong dalawa." Napairap na lamang ako sa mga sinasabi ni Caylus na walang kakwenta-kwenta. Hindi ko na rin talaga alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Parang gago. Pagkakuha namin ng order namin, bumalik na rin kami agad sa table namin at nahagip ng mata ko si Chase na palabas na ng café. Buti naman. "So ano na nga chika mo 'te? Spill na," nababagot na sambit ni Cayl

